Chapter 34: Tampuhan
Tumawa si Sam ng malakas sa tabi ko. Tumingin naman ako sa kanya habang nakanguso ang mga labi ko. Tapos na akong umiyak, nailabas ko na lahat ng sama ng loob ko. Ikinuwento ko kay Sam ang mga nangyari, kahit pa sabi ni ate Tatch na bawal pa daw ipaalam na may bago kaming project na magkakasama.
Devon: At bakit ka naman tumatawa?
Humina ng kaunti ang tawa ni Sam.
Sam: Wala lang, para ka kasing bata. Pareho kayo ni James.
Tumaas lang ang kilay ko dahil sa sinabi ni Sam. Aba, at kami pa ngayon ang parang bata! Samatalang napaka-seryoso ni James at siya parang batang laging bibo.
Sam: Ang liit na bagay, pinag-aawayan niyo.
Devon: Sam, hindi ‘yon basta maliit na bagay lang para sa akin, para sa’min. Alam mo naman ma-pride ang taong yun eh. Ayaw niya ng may nakakalamang sa kanya, gusto niya siya lang ang palaging bida. Kapag siya madaming ka-loveteam okay lang, kapag ako na, nag-iinarte siya!
Natawa ulit si Sam sa tabi ko. Ewan ko ba, pero minsan naasar din ako kay Sam. Nage-emote dito yung tao pero tinatawanan lang ako. Hmmp!
Sam: Hay naku Devon.
Ginulo ni Sam ang buhok ko.
Sam: Nakakatuwa naman, pinag-aawayan niyo ko. At pinagtatanggol mo ko.
Ako naman ang natawa dahil sa sinabi ni Sam.
Devon: Sira!
Sam: Pero, back to the issue. Ibig sabihin nun magkakasama nga tayong tatlo sa iisang show.
Bumuntong-hininga sandali si Sam.
Sam: Well, mukhang mahirap nga yan.
Devon: Mahirap? Ano namang mahirap dun?
Sam: Ano ka ba Devon, siguro para sayo, okay lang. Pero para sa amin ni James, mahirap yun.
Naguguluhan ako sa sinasabi ni Sam.
Sam: Pareho kaming nanliligaw sayo, di naman kami masyado close. Siyempre, magkakailangan kaming dalawa sa set. Eh, mag-best friend si Ji Hoo at Jun Pyo sa istorya, ano nang mangyayari sa aming dalawa?
Napaisip ako dahil sa sinabi ni Sam, oo nga ano? Mukhang mahirap nga ‘yun. Tumawa si Sam sa tabi ko. Pero at the same time, parang lumungkot ang mga mata niya.
Devon: Bakit?
Sam: Wala, may naisip lang ako.
Devon: Ano yun?
Tumingin sa akin si Sam at ngumiti.
Sam: Sana hindi ganun, sana hindi.
Devon: Huh? Sam, ano bang sinasabi mo?
Hindi sumagot si Sam. Nakatingin lang siya sa mga mata ko. Ngumiti siya sa akin at maya-maya ay biglang tumayo.
Sam: Baka hinahanap ka na ni ate Tatch. Nagagalit na ‘yun sayo.
Para naman akong biglang natauhan dahil sa sinabi ni Sam, agad kong kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa ng bag ko. Pagkakuha ko ng cellphone ay nahulog ang dalawang necklace na bigay sa akin nila James at Sam. Napatingin si Sam sa nahulog na mga kwintas. Kukunin ko na sana ‘yun ng pulutin niya ito preho.
Sam: This is from James?
Tinignan ni Sam ang locket na galing kay James at binuksan. Parang lumungkot ang ekspresyon sa mukha niya. Tinignan niya rin ang kwintas na bigay niya sa akin.
Devon: O-oo. Binigay niya sa akin nung sabado.
Sam: Bakit di mo sinusuot?
Devon: Kasi, ano eh, basta! Kapag kasi sinuot ko yung galing sa kanya, unfair sayo.
Ngumiti si Sam sa akin.
Sam: At kapag sinuot mo naman yung galing sa akin, unfair naman sa kanya?
Tumango lang ako kay Sam. Ngumiti ulit siya sa akin at inilagay ang mga kwintas sa bulsa ng bag ko.
Sam: Maybe you could wear those kung may production numbers ka, sayang naman eh.
Devon: Siguro.
Tingnan ko ang cellphone ko. Nagulat ako dahil ang dami ng missed calls and text messages. Halos lahat ng missed calls ay galing kay ate Tatch. Pati mga text messages ay galing din sa kanya. Iisa lang ang text na galing kay James.
Sorry. Didn’t mean to hurt your feelings.
You know how much ur important to me.
I hope you won’t be mad when we see each other again on Friday.
I know I overreacted, AGAIN.
I’m really sorry and I love u.
Parang gusto kong mapangiti dahil sa text message na natanggap ko galing kay James. Iba din talaga ‘tong lalaking ‘to eh. Nakakainis talaga! Bakit ba di ko magawang magalit ng matagal sa kanya? At may pa-I lo-I love you pang nalalaman. Sus!
Sam: Galit na si ate Tatch no? Halata sa mukha mo eh!
Tumawa pa si Sam dahil sa sarili niyang joke. Para naman akong nahiya dahil imibis na tinitignan ko kung ano ang sabi ni ate Tatch na pinuno ang inbox at missed calls ko, ay kinikilig ako sa iisang text na natanggap ko mula sa mokong na yun. Hay naku, binuksan ko ang isa sa mesages ni ate Tatch.
Devz, nasan ka na?
Ayos ka lang ba?
I talked to James already, he said he’s sorry.
Bumalik ka na dito sa cafe, umuwi na siya.
Nag-aalala na ko sayo.
May isa pang text na galing kay ate Tatch.
Devon, I need to go home na.
Just text me when ur home na ha?
Nag-aalala talaga ako sayo.
Na-touch naman ako dahil sa concern na ipinapakita ni ate Tatch. Na-guilty naman tuloy ako dahil di ko kaagad pinansin ang mga text niya. Dina-ial ko ang cellphone number ni ate Tatch sa cellphone ko.
Tatch: Hello? Devon? Ayos ka lang ba? Nasaan ka?
Napangiti ako dahil sa sunod-sunod na tanong ng manager ko.
Devon: I’m here po sa parking lot ng cafe.
Tatch: Huh? Naku ka namang bata ka! Okay ka na ba? Mag-isa ka lang ba dyan? Susundu-
Devon: Okay na po ako ate, I happened to bump into Sam kanina. Kasama ko po siya.
Parang narinig kong bumutong-hininga si ate Tatch sa kabilang linya.
Tatch: Well, I’m gad that you’re okay now.
Devon: Thank you po ate, sorry po kung napag-alala ko kayo.
Tatch: No problem, sa susunod nalang tayo mag-usap ha? May meeting pa kasi ako with some people. Nag-alala lang talaga ako sayo.
Devon: Okay po ate, sorry po ulit.
Tatch: Its alright, sige na. Bye.
Devon: Bye po.
Pinatay ko na ang cellphone ko at tumingin kay Sam na nakikinig din sa usapan namin ni ate Tatch.
Sam: So, what did she say? Ngalit?
Devon: Hindi naman, nag-alala lang.
Natawa si Sam.
Sam: Well, you’re lucky. Kung manager ko ang winalk-outan ko, sigurado, bukas wala na akong trabaho.
Mas lalo naman tuloy akong na-guilty dahil sa sinabi ni Sam.
Sam: So, hatid na kita?
Napangiti ako dahil sa sinabi ni Sam.
Devon: Sige ba.
Binkusan ni Sam ang pintuan ng sasakyan niya at agad naman akong sumakay. Nang makasakay siya sa driver’s seat ay may bigla nalang akong naalala.
Devon: Sam, bakit ka nga pala nandito sa cafe?
Tumingin sa akin si Sam at ngumiti.
Sam: Well, I’m supposed to meet Tippy. Magpapatulong ata with something.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
Devon: Hala! Eh paano na yun? Di mo na siya nasipot? Hala.
Sam: Okay lang yun, nai-text ko na naman siya eh. Sabi niya okay lang daw, kasi kasama naman niya si Julia.
Devon: Kahit na, kasalanan ko pa din kung bakit di mo siya napuntahan.
Sam: Naku naman Devz, wag mo na nga isipin yun. Anything for you.
Napalingon ako kay Sam na nakangiti sa akin. Wala naman akong ibang magawa kundi ngumiti din. Sam. He’s willing to do everything for me. He’ always by my side whenever I’m down. Lagi niya akong napaptawa, napapangiti.
Sam: Well, gabi na. It’s time to take the baby home.
Natawa ako dahil sa sinabi ni Sam. Sana di ko nalang kailangan mamili sa kanilang dalawa ni James. Sana pwede nalang magmahal ng dalawa, sana pwede.
Chapter 35: Sabihin mo na.
Nagulat ako ng pagdating ko sa set ay nandoon na sila Fretzie, Tricia at Ann. Aba, ang mga late, mukhang maaga at ngayon ha! Ano kayang meron?
Fretzie: Bez! Uy, bakit naman parang late ka ata ngayon? Naunahan ka namin!
Devon: Oo nga eh, ano bang nakain ninyong tatlo?
Tricia: Nakakatampo ka naman Devz, bawal na ba kaming maging maaga?
Ann: Right! Porket ba ikaw laging nauuna, ikaw na nalang ang may karapatan?
Devon: Alam niyo, kayong talo, ang weirdo niyo! Anong meron?
Nagtinginan silang tatlo nang parang may pinag-uusapan. Hmmm, sabi na nga ba eh. Di magiging maaga ang mga ‘to kung walang dahilan eh.
Tricia: Devz, gusto mo ba muna pumunta sa garden?
Devon: At ano naman ang gagawin natin sa garden?
Nagtinginan ulit ang tatlo. Para bang nagtatanungan kung ano ang gagawin.
Ann: I’m hungry na kasi eh, I think its nice to eat out there.
Fretzie: Oo nga! Tama! Masarap dun kumain.
Tinaasan ko silang tatlo ng kilay.
Devon: Anong meron?
Ann: Nothing, just go with the flow!
Hinila na ako ni Ann papalabas ng set, sumunod naman agad sa amin sila Tricia at Fretzie. Pagdating namin sa may pinto na papunta sa may garden ay bigla na lamang akong tinulak ni Ann papunta sa pinto.
Ann: You go there first, we’ll just buy some foods.
Fretzie: Oo nga, ililibre ka namin. Basta umupo ka nalng muna dyan sa garden.
Devon: Ano ba kasing-
Tinulak ako ni Tricia para mas lalo pa akong mapalapit sa may pinto, saka nagmamadaling umalis ang tatlo paunta sa cafeteria.
Tricia: Ibibili kita ng chocolates!
Nang maka-alis na ang tatlo ay naiwan akong nakatingin sa kawalan. Aba, at ang weirdo ng tatlong yun talaga ha! Ano na naman kaya ang binabalak nila? Hmm, bahala nga sila! Sumilip ako sa may pintuan, nakita ko ang napakagandang garden.
Devon: Uy walang tao, bakit kaya?
Usually ay may mga nakatambay dito na mga staff, pero bakit kaya walang tao ngayon? Pumunta ako sa isang bench sa gitna ng garden, habang naglalakad ako ay napansin ko na may mga petals ng rose na nakakalat sa may paanan ko. Nang tignan kong mabuti ay papunta ito sa may isang bench sa dulo ng garden.
Devon: At ano naman kaya ‘to?
Sinundan ko ang mga petals hanggang sa mrating ko ang bench. Nakapatong dito ang isang long-stemmed peach rose. Sa tabi nito ay may isang note.
Sorry.
Kumunot ang noo pagkakita ng note. Sorry? Sino naman kayang-
James: Gusto kong magpaliwanag sa iyo
Ngunit ‘di kinakausap
Napalingon ako sa likod ko kung saan nanggagaling ang boses ng kumakanta. Nakita ko si james na may hawak-hawak na isang gitara habang kumakanta.
James: Di ko inasahang diringgin mo
Nakatingala sa ulap
Gusto ko sanang matawa dahil slang ang pagkaka-kanta ni James ng kanta. Pero siyempre ngumiti lang ako. Hay naku, ito talagang taong ‘to.
James: Alam kong nasaktan na naman kita
Ngunit ‘di ko naman sinasadya
Hinding-hindi na mauulit sinta
Sana’y maniwala ka
Tuluyan ng lumapit si James sa akin at kumakanta na siya ngayon sa harap ko habang nakatingala ako sa kanya.
James: Sabihin mo na
Kung anong gusto mo
Kahit ano’y gagawin
Para lamang sa ‘yo
Sabihin mo na
Papaano mo mapapatawad
Umupo si James sa may tabi ko habang patuloy pa ding kumakanta. Nakatingin lang siya sa mga mata ko, hindi ko naman mapigilang kiligin kahit papaano. Kahit kasi corny ‘tong si James, eh sweet din ang lokong ‘to.
James: Ilang araw ng hindi pinapansin
Ilang araw pang lilipas
Nakatanga sa harapan ng salamin
Naghihintay ng bawat bukas
Natatawa ako kasi hindi ngumingiti si James habang kumakanta, parang seryosong-seryoso siya talaga at feel na feel niya ang kanta. Paano naman kasi, minsan lang kumanta ng tagalog song si James.
James: Lahat naman tayo’y nagkakamali
Sinong ‘di magsasala
Ngunit papaano babawi sa pagkakamali
Yun ang mahalaga
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hay naku Robert James Reid.
James: Sabihin mo na
Kung anong gusto mo
Kahit ano’y gagawin
Para lamang sa ‘yo
Sabihin mo na
Papaano mo mapapatawad
Patawarin mo sana sinta
‘Di ko sinasadya
Natawa ako kay James kasi pumiyok pa siya sa huling linya na kinanta niya.
James: Sabihin mo na
Kung anong gusto mo
Kahit ano’y gagawin
Para lamang sa ‘yo
Sabihin mo na
Papaano mo mapapatawad
Tinapos na ni James ang kanta. Kinuha niya ang dalawa pang peach na rose mula sa bulsa niya.
James: I’m sorry Devon. I hope hindi ka na galit.
Natawa ako dahil sa accent ni James. Kinuha ko ang peach roses mula sa kamay niya at isinama iyon sa isa pang rose kanina.
James: Well, am I forgiven?
Ngumiti ako kay James at hinampas siya ng rose sa mukha.
Devon: Ano pa nga bang magagawa ko? Alangan namang hindi, edi ang sama ko naman!
Natawa si james dahil sa sinabi ko.
James: Napipilitan ka lang ata eh.
Nagtawanan kami ni James dahil sa sinabi niya. Namagitan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Iniabot ni James ang kamay niya at hinawakan ang kamay ko.
James: I’m sorry, you know that I didn’t mean to hurt you. It’s just that, I can’t help but feel jealous everytime you go excited about Sam.
Iniwas ni James ang tingin niya sa akin at tumingin sa malayo, pero hindi niya p rin inaalis ang pagkakahawak sa kamay ko.
James: You may not notice, but i love you very much. I can’t take seeing you with other guys. I know that I don’t have an rights to be jealous because I’m not your boyfriend but..
Napapangiti nalang ako dahil sa mga sinasabi ni James.
James: But..basta! I know you know what I mean. And about Ann, well, I’m also sorry for that. You know she’s my best friend, I can’t just leave her and our loveteam. And you know that, just like you can’t leave Samvon.
Bumuntong-hininga si james.
James: In fact, Ann and the girls helped me to set this all up.
Ah, so, yun pala. Yung tatlong yun talaga. Natawa ako.
Devon: Mukhang di naman nakakatago ng surprise ang mga kakuntsaba mo.
Natawa din si James.
James: They’re excited aren’t they? I told them not to act suspicious.
Natawa kami pareho ni James dahil don.
Devon: Sorry din James, ha? Kasi naman ikaw eh, nakakainis ka!
Natawa si james dahil sa sinabi ko.
James: So now, am I forgiven? For real?
Natawa nalang ako.
Devon: Oo nga eh, ang kulit mo!
Ngumiti si James sa akin, numiti din ako sa kanya. Tinignan ko ang roses na bigay niya sa akin.
Fretzie: Awww, how sweet naman!
Ann: Yeah, bati na sila.
Tricia: Tama! Hindi na magka-cry cry si Jamie.
Natawa ako dahil sa biglang paglitaw ng mga kaibigan ko. Agad namang tumayo si James mula sa pagkakaupo.
James: Who are you referring to na nagka-cry cry?
Tricia: Ikaw, sabi mo kaya sa amin kagabi. Hey Trish, help me, Devon’s mad at me. I’m so frustrated, she’s not answering my text messages. I think I’m going crazy.
Umarte pa si Tricia habang sinasabi ang mga linyang ‘yon kaya naman natawa ako.
James: You..
Tinignan ng masama ni James si tricia at agad na hinabol, tumakbo naman agad si Tricia para di mahabol ni James. Tawa kami ng tawa dahil sa harutan ng dalawa.
Ann: You won’t stand a chance on her James, she’s a runner!
James: I don’t care, wait until I cath you Trish!
Tumakbo pa ng mas mabilis is Tricia, kaya naman binilisan pa ni James lalo ang pagtakbo. Bigla na lang natalisod si james at nadapa. Natawa naman kaming lahat dahil sa pagkakadapa ni James, pero maya-maya ay tumaw na din siya.
grabeh kalurkey ka sis!! pinapahirapan mo din kami mamili! lol super kilig nmn mga scenes nila... btw, i love that song it reminds me of "my girl" ;)
ReplyDelete..yeah sa "my girl" nga un dati..hehe..un din naaalala ko sa kantang yan eh..XD..
ReplyDelete