Chapter 5: The Quarrel
Hindi ko mapigilan ang matawa. Kwela rin pala itong si Paulo kahit mukhang basagulero. Nahampas ko pa siya sa braso dahil sa katatawa ko sa joke na binitiwan niya.
Paulo: Aray naman, ang lakas mong manghampas. Parang di ka babae.
Natawa ako dahil sa sinabi niya.
Darlene: Yun nga rin sabi sa akin nila bez eh.
Paulo: Bez?
Darlene: Ah, best friend ko.
Paulo: Ah.
Nakita kong parang may nakita si Paulo sa likod ko, bigla na lang nagdilim ang mukha niya.
Renzo: Darlz.
Napalingon naman agad ako ng marinig ko ang pamilyar na boses ni Renzo.
Darlene: Oh, Renzo, anong ginagawa mo dito? Gagamit ka din ng vending machine?
Renzo: Ang tagal mo kasi kaya sinundan na kita.
Darlene: Ah, ay oo nga pala. Renzo this is Paulo, Paulo this is Renzo, best friend ko.
Nakita kong nagtitigan lang ng makahulugan ang dalawa. Parang pareho silang naiinis o nagagalit. Hindi o din masyado maintindihan eh.
Paulo: Siya yung best friend mo?
Darlene: Oo, since elementary pa lang magkakilala na kami. Pareho kaming galing Cebu.
Renzo: Halika na, Darlz. Hinahanap ka na ni Ritz.
Darlene: Huh? Oh, sige Paulo ha, una na kami. Kitakitz nalang tayo bukas.
Tumingin muna ng masama si Paulo kay Renzo saka ngumiti sa akin ng pagkatamis-tamis.
Paulo: Well, sige, bukas na lang.
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil bigla nalang akong hinila ni renzo paalis doon sa lugar na iyon papasok ng cafeteria.
Darlene: Ano bang problema mo ha Renzo?
Renzo: Ikaw, anong problema mo?
Kasalukuyan kaming naglalakad papasok ng cafeteria ni Renzo. Naiinis ako sa kanya kasi bigla-bigla nalang niya akong hinila kanina. Parang nabastusan naman ako sa ginawa niya.
Darlene: At ako pa ang may problema? Eh ikaw ‘tong basta-basta nalang nanghihila samantalang may kausap pa kong tao.
Renzo: Tao ha?
Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi ni Renzo. At ano naman kya ang problema ng lokong ‘to kay Paulo?
Darlene: Ano bang problema mo kay Paulo?
Renzo: For your information Darlene, yun lang naman pong lalaking ‘yon ang muntik nang sumapak sa akin sa mall noong isang araw.
Sumapak? Sa mall? Naalala ko yung sinasabi ni Brian na muntik na daw masapak si Renzo dahil sa natapunan niya nang drinks yung lalaki. So, si Paulo pala ‘yon.
Darlene: Oh, eh ano naman ngayon?
Napanganga si Renzo sa tanong ko.
Renzo: Ano ngayon? Ayos ka lang ba Darlene? Can’t you see? He’s dangerous, he won’t be a good influence to you.
Darlene: So, ano namang pinapalabas mo?
Renzo: Darlz, hindi ka dapat nakikipagkaibigan sa mga ganoong klase ng tao.
Narating namin ang table kung saan nakaupo ang mga kabigan namin. Kapwa nakangiti sa amin ang tatlo namaing kaibigan.
Ritz: Hi Da-
Darlene: At kailan pa napunta sayo ang karapatang magdesisyon kung sino ang mga dapat kong kaibiganin?
Umupo ako ng padabog sa upuan sa tabi ni Aira.
Renzo: Darlz naman eh, hindi naman ako nagdedesisyon para sayo. Ang akin lang naman, eh walang maidudulot na mabuti sayo ang pakikipagkaibigan sa taong iyon.
Aira: W-wait, what’s happening here?
Darlene: At sino naman ang nagbigay sayo ng karapatan na manghusga ng tao? Porket ba ganoon yung dating ng tao sayo eh, masama na siya? Kahit naman siguro ako yung nabuhusan mo ng drinks eh maiinis din ako sayo.
Renzo: Hindi naman ‘to tungkol sa drinks eh.
Darlene: Eh tungkol ba saan ‘to, Renzo?
Binigyan ko si Renzo ng isang nanghahamon na tingin. Hindi ko mapigilan ang mainis kay Renzo. Hindi ko rin alam kung bakit nakikipag-away ako sa best friend ko, pero para kasing hindi tama na manghusga nalang siya bigla ng tao.
Ritz: Wait lang ha, bakit ba kayo nag-aaway?
Jhake: What’s the matter? Did anything happen?
Renzo: Eh kasi naman eh, sinasabihan ko lang naman itong si Darlene. Nakikipagkaibigan kasi sa kung sino-sino.
Darlene: Hindi siya kung sino-sino lang.
Renzo: Bakit mo ba pinagtatanggol yun ha?
Darlene: Eh bakit mo ba siya painagsasabihan ng kung anu-ano?
Renzo: Darlene, ang sa akin lang naman, sana hindi ka sa ganoong klase ng tao nakikipagkaibigan. Concerned lang naman ako sayo eh.
Darlene: Concerned? Renzo naman, 16 years old na ako. College student na ako, sa tingin mo ba, hindi ko pa kayang pumili ng mga taong kakaibiganin ko?
Bumuntong-hininga si Renzo dahil sa sinabi ko.
Renzo: Darlz, best friend mo ko-
Darlene: Yun na nga Renz, eh. Best friend nga kita, pero di naman ibig sabihin nun na ikaw na yung magsasbi sa akin kung sino lang yung mga taong pwede kong maging kaibigan at kung sino yung hindi. Bakit ikaw? Pinakialaman ko ba yang bago mong kaibigan?
Renzo: At paano naman napunta ang usapan sa kaibigan ko?
Darlene: I’m just stating a fact Renzo, di ako nagrereklamo sayo kahit pa hindi mo kami pinansin ni Jhake kanina dahil busy ka with your friend. Wala akong sinasabi na kung anu-ano tungkol sa kanya, be fair naman sana Renz.
Bumuntong-hininga ulit si Renzo dahil sa sinabi ko.
Renzo: What’s with that guy ba at inaaway mo ang best friend mo para sa kanya?
Darlene: What’s with you ba Renzo at inaaway mo ako dahil sa kanya?
Nakita kong tumitig lang sa akin ng makahulugan si Renzo.
Jhake: Whooah, take it easy guys.
Ritz: Oo nga, hinay-hinay lang. Baka nagugutom lang kayo, ang mabuti pa, kumain na muna tayo.
Aira: Ritz is right, maybe you two are just hungry.
Magsasalita sana ako, pero pinili ko na lang manahimik. Mas lalo pang lalaki ang gulo kung kokontra ako. At isa pa, ayaw ko din namang awayin si Renzo eh.
Darlene: Yeah, kumain na lang muna tayo.
Jhake: So, I’ll go ahead guys. I still need to fetch ate Sheree.
Ngumiti lang ako kay Jhake ng tumingin siya sa akin. Kasalukuyan kaming nasa parking lot ng school na pinapasukan. Nauna na si Aira kanina dahil sinundo siya ni kuya Ian. Magdi-dinner daw sila kasama ng daddy at mommy nila, kakamustahin daw ang first day sa college ni Aira.
Jhake: See you tomorrow guys. Darlz, sunduin na lang kita bukas sa inyo ha.
Darlene: Sure.
Ritz: Sana kaklase ko din si Jhake, para may sundo din ako.
Natawa si Jhake dahil sa sinabi ni Ritz.
Jhake: Ang aga kasi ng classes mo eh.
Ritz: Oo nga eh.
Jhake: So, I’ll go ahead. Renzo!
Renzo: Sige tol.
Tinanaw namin si Jhake habang unti-unting umaalis ang sasakyan niya.
Renzo: Sabay na kayo sa’kin.
Nagulat ako ng biglang magsalita si Renzo. Napatingin ako sa kanya, seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Hay naku, di talaga ako sanay nang nakikipag-away sa best friend ko. Tumango lang ako, pero hindi ngumiti.
Ritz: Yehey, akala ko pa naman maglalakad na tayo pauwi eh.
Natawa si Ritz dahil sa sarili niyang joke. Nanatili pa din kaming seryoso ni Renzo kaya naman tumigil agad siya sa pagtawa. Sumakay na kami sa sasakyan ni Renzo, si Ritz sa likod at ako sa unahan, at nagsimulang magbyahe. Malayo din ang university sa boarding house namin, nasa thirty minutes din ang byahe. Habang nagbibiyahe ay tahimik lang kaming lahat, nailang na din siguro magsalita si Ritz kaya nakuntento nalang siya sa pagtanaw sa labas ng bintana.
Renzo: Darlz.
Napalingon ako kay Renzo ng marinig kong tinawag niya ang pangalan ko, nakatingin pa din siya sa may kalasada habang nagdra-drive.
Renzo: Look, I’m sorry for earlier. Nag-aalala lang talaga ako sayo, wala naman akong ibang gustong palabasin eh.
Kahit hindi siya nakatingin sa akin ay nakikita ko ang sincerity sa mga mata niya, wala naman aong ibang magawa kundi mapangiti.
Darlene: Sorry din, hindi dapat kita inaway. Alam ko namang concerned ka lang sa akin.
Tumingin sa akin si Renzo. Nginitian ko siya kaya ngumiti din siya sa akin.
Ritz: Uyy, bati na ang mag-best friend.
Lumingon ako sa backseat kung saan naka-upo si Ritz samantalang si Renzo naman ay tumingin sa rareview mirror.
Ritz: Sabi na nga di niyo rin matitiis ang isa’t isa eh.
Napangiti nalang kami dahil sa sinabi ni Ritz. Umusog naman si ritz sa pagkaka-upo niya at pumwesto sa pagitan ng upuan namin ni Renzo.
Ritz: Now, care to share what happened?
Darlene: Hay naku, miss ususera, tumahimik ka na nga dyan.
Ritz: Aba, at sino naman si miss ususera?
Darlene: Ikaw, ang chismosa mo kaya.
Natawa lang si Ritz dahil sa sinabi ko.
Renzo: Gusto niyong kumain muna bago umuwi?
Parang kumislap ang mga mata ko dahil sa narinig.
Darlene: Sige ba!
Natawa sila Renzo at ritz dahil sa bilis ng sagot ko.
Renzo: Basta pagkain, ang bilis talaga nitong best friend ko.
Darlene: Siyempre, lalo na kung libre.
Ritz: Oo nga, masarap kumain lalo kapag libre.
Natawa nalang si Renzo dahil sa hirit namin ni Ritz.
Renzo: Ano pa bang magagawa ko, eh pinagtutulungan niyo na ako?
Kami naman ni Ritz ang natawa dahil sa sinabi niya.
Chapter 6: Memories
Renzo: I missed this.
Napangiti lang kami ni Ritz dahil sa sinabi ni Renzo. Kasalukuyan kaming kumakain ng barbeque sa isa sa mga kanto malapit sa subdivision na tinirirhan namin.
Darlene: Ako din.
Ritz: Oo nga, parang ang tagal na nating di nagagawa ‘to.
Renzo: Yeah.
Napangiti lang ako lalo ng maalala ang dati naming mga ginagawa.
Darlene: Hey, dalian niyo naman!
Nauuna na ako kila Renzo at Ritz na nagtatawanan pa sa likod ko habang naglalakad.
Renzo: Hay naku, basta sa pagkain, ang bilis mo.
Ritz: Oo nga, kakakain mo lang eh.
Darlene: Ano ba kayo? Iba naman ang merienda sa tanghalian.
Natawa na lang sila dahil sa sinabi ko. Kakakain lang kasi namin ng lunch kanina sa bahay nila Renzo. Papunta sana kami sa may mall kaso lang nadaanan namin ang isang barbeque-han.
Darlene: Manong, tig-aanim nga po nito tapos dito.
Binigay ko na sa nagbabarbeque ang order naming tatlo.
Ritz: Ang dami naman niyan Darlz.
Darlene: Kung ayaw mo, edi ako ang kakain.
Natawa ulit silang dalawa dahil sa sinabi ko. Tinitigan ko ang dalawang best friend ko, masayang-masaya ako kasi nagkaroon ako ng mga kaibigan na katulad nila.
Renzo: Gra-graduate na tayo ng elementary, sana di tayo magkahiwalay pagdating ng highschool.
Darlene: Syempre naman hindi. Magkakasama tayo hanggang highschool, hanggang college, hanggang sa magkatrabaho na tayong tatlo, hanggang sa tumanda tayo.
Natawa na lang sila dahil sa sinabi ko.
Ritz: Sana nga noh?
Renzo: Dont worry Ritz, masyado tayong close para magkahiwa-hiwalay.
Natawa kaming tatlo dahil sa sinabi ni Renzo. Nagkatinginan kaming tatlo. Sana nga, sana nga di kami magkahiwa-hiwalay. Mahal na mahal ko itong mga best friends ko.
Darlene: Guys, basta pangako natin sa isa’t isa. Na kahit anong mangyari, di tayo magkakahiwa-hiwalay. Na kahit saan pa tayo magpunta, na kahit sino pa ang makilala natin, hinding-hindi masisira ang pagkakaibigan natin. Na hindi tayo kailan man mabubuwag.
Ritz: Pwedeng madagdagan pero kahit kailan di mabubuwag.
Renzo: Tsaka kahit pa makahanap tayo ng ibang mga kaibigan, hindi magbabago yung pagkakaibigan natin. Tayo pa ding tatlo yung best friends.
Nagkangitian kaming tatlo.
Darlene: I love you, guys.
Renzo: Sus, nagdrama ka na naman.
Ritz: Oo nga, pero love ko din kayo.
Manong: Iha, luto na itong barbeque niyo.
Npatingin kaming tatlo sa nagtitinda ng barbeque na masayang nakangiti habang pinapanuod kaming magkakaibigan.
Darlene: Kainan na!
Napangiti ako ng maalala ang alaalang ‘yon. Masaya ako kasi hanggang ngayon, di pa din nasisira ang pangako naming iyon sa isa’t isa. College na kami ngayon at magkakasama pa rin kaming tatlo. At kahit nadagdagan na ang barkadahan namin, di pa din nawawala ang matibay naming pagkakaibigan.
Renzo: At bakit nakangiti ng mag-isa ang best friend ko?
Kinurot ni Renzo ang pisngi ko kaya naman natawa ako.
Darlene: Wala, naalala ko lang nung nasa Cebu pa tayo.
Ritz: Oo nga, madalas din tayo kumakain ng barbeque.
Renzo: Ano pa bang ine-expect mo? Eh nagkaroon ka ng kaibigang matakaw eh.
Natawa ako sa sinabi ni Renzo. Kinurot ko ang braso niya.
Darlene: At sinong matakaw?
Renzo: Aray, aray!
Natawa lang si Ritz dahil sa ginawa ko.
Ritz: Sa totoo lang, masayang-masaya ako na dumating si Renzo sa buhay ko.
Darlene: Huh?
Pareho kaming napa-taas ang kilay ni Renzo. Ano naman yun Ritz? Wag mong sabihing-
Ritz: Thank you Renzo ha, kung wala ka, baka matagal na akong na-ospital sa sobrang kahahampas at kakakurot niyang si Darlene.
Natawa naman agad si Renzo dahil sa sinabi ni Ritz, samantalang ako naman ay nakahinga ng maluwag.
Renzo: Ako naman yung kawawa.
Darlene: Aba, at sinong kawawa?
Nagtawanan kaming tatlo habang hinahabol ko si Renzo para kilitiin. Si Ritz naman ay natatawa lang sa panonood sa amin.
Ale: Luto na yung barbeque niyo, oh.
Napatingin kami kay ate na natatawa rin habang pinapanuod kami. Napangiti naman ako lalo.
Darlene: Kainan na!
Nagtawanan kaming tatlo, pati na rin si ate na nagtitinda ng barbeque.
Ritz: You really act like a kid Darlz.
Tawa ng tawa pareho sila Ritz at si Renzo habang masaya akong nagi-islide sa may playground. Paano naman, na-miss ko din ‘to. Elementary pa ako huling nakapunta sa playground, at sa Cebu pa ‘yon.
Darlene: Kunwari pa kayong dalawa, naiinggit lang naman kayo.
Renzo: And who told you that?
Darlene: Nababasa ko po sa mata niyo.
Ritz: At kailan ka pa natutong magbasa ng mata?
Natawa ako dahil sa sinabi ni Ritz. Umalis ako sa slide at pumuwesto naman sa swing. Buti na lang at wala ng mga tao sa paligid at wala nang mga bata, nakakahiya din kasi eh. Buti na lang at gabi na.
Darlene: Pero sa totoo lang, nami-miss ko na din ang Cebu.
Umupo din si Ritz sa swing sa tabi ko. Samatalang si Renzo naman ay nakasandal lang sa poste ng swing.
Renzo: Ako din eh.
Ritz: Lalo naman ako.
Nakita ko sa sulok ng mata ko na prehong sumeryoso ang mga mukha ng mga kasama ko. Ewan ko ba, pero miss na miss ko na ang Cebu. Kahit pa dalawang buwan pa lang ang nakakaraan nang huli kaming umuwi doon ay labis na agad naming namimiss ang lugar.
Darlene: I’m glad na kasama ko kayong lumipat dito sa Manila.
Ritz: Oo nga, I won’t know what to do if you weren’t here.
Renzo: Mag-drama daw ba? Eh alam niyo naman na inseprable tayong tatlo.
Tumingin ako kay Renzo. Well, oo nga, inseprable tayong tatlo. Napangiti ako habang tinitignan ko siya. Bakit ba ako na-in love sa best friend ko? Bakit ba?
Ritz: Tama! At kahit kailan di tayo magbabago sa isa’t isa ha. Katulad ng dati.
Darlene: Siyempre naman. Mahal na mahal ko kaya kayo.
Renzo: Asus, eh bakit ka laging namamalo?
Natawa kaming tatlo dahil sa sinabi ni Renzo.
Darlene: Well, lambing ko lang yun.
Ritz: Grabe naman ‘to manlambing, nakakamatay.
Darlene: Ibig sabihin nun love na love ko kayo.
Renzo: Kung ganun lang naman ang batayan, di ako na ang pinaka-love mo?
Pakiramdam ko namula ako dahil sa sinabi ni Renzo. Totoo naman eh. Pero hindi ko magawang sabihin iyon sa kanya, at di niya pwedeng malaman.
Ritz: Asa, si Brian kaya.
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Ritz. Tinignan ko siya at ngumiti sa akin. My girl best friend really knows how to save me. Sa lahat kasi ng tao sa paligid ko, si Ritz lang ang nakakaalam ng sikreto ko. Sa kanya ko lang sinabi, maging si Aira ay hindi ito alam. Ganun kami ka-close ni Ritz. Mula pagkabata eh magkasama na kami, kaya naman napalaki ng tiwala namin sa isa’t isa.
Renzo: Sus, at binanggit mo na naman si Brian?
Si Ritz naman ang namula dahil sa sinabi ni Renzo. May gusto kasi ito kay Brian simula pa pagkabata. Simula pa noong nasa Cebu pa ito hanggang sa magkita ulit sila nito dito sa Manila. Lumipat kasi si Brian dito sa Manila pagkatapos mag-aral ng hanggang grade three sa Cebu, kaya naman tuwang-tuwa si Ritz nang magkita ulit sila dito nang magpasya kaming dito mag-aral ng highschool.
Ritz: Ewan ko sayo!
Darlene: Ayyiiee, kinikilig ang bruha oh.
Renzo: Oo nga, nagblu-blush!
Mas lalo pang namula si ritz dahil sa pang-aasar namin ni Renzo. Natawa nalang kami dahil sa reaksyon ng kaibigan. Madalas kasi talaga namin siyang asarin kay Brian, kahit simula noong mga bata pa kami. Pero hanggang ngayon ay parang di pa din ito nasasanay.
Ritz: Ano ba kayong dalawa? Di ko na kaya crush yun, dati lang yun noh!
Darlene: Dati daw? Sino namang niloko mo?
Ritz: Seryoso ako, di na talaga. May iba na akong gusto noh.
Renzo: At sino naman, aber?
Ritz: S-secret, syempre.
Nagkatinginan nalang kami ni Renzo at natawa.
Darlene: Sabi mo eh.
Natatawa akong tumayo mula sa swing at tinignan ang oras sa suot na relo ni Renzo. Magaalas-dyis na pala ng gabi.
Darlene: Hey Ritz, magte-ten na pala. Baka nasa bahay na si Aira.
Ritz: Hala, oo nga, baka magalit na yun.
Tumayo na rin si Ritz mula sa swing at lumapit sa amin ni Renzo.
Renzo: Hay, ano ba yan? Parang ang bilis naman ng bonding natin.
Natawa kami ni ritz dahil sa sinabi ni renzo.
Darlene: Ganun talaga. Ihahatid mo ba kami o hindi?
Renzo: Aba, may choice ba ako?
Natawa nalang kami dahil sa sagot ni renzo.
Ritz: Aba, talagang wala! Baka mapano a kami sa daan, kargo de konsensya mo pa!
Darlene: Tama! At tsaka, matitiis mo ba kami?
Sumimangot lang si renzo sa amin ni Ritz.
Renzo: I told you, I have no choice. Alam niyo naman na di ko kayo matitiis.
Darlene: Dapat lang noh!
Tinungo na naming tatlo ang kotse ni Renzo habang nagtatawanan.
Chapter 7: Feelings
Ritz: Weh?
Sinimangutan ko lang si Ritz dahil sa pangungulit niya.
Ritz: Di ako naniniwala sayo noh, nagseselos ka eh!
Darlene: Hindi nga eh!
Natawa si Ritz, dahil na rin siguro sa pagiging pikon ko. Hay naku.
Ritz: Alam mo Darlz, di mo naman kailangang maglihim sa’kin eh. Alam ko kaya lahat tungkol sayo. Di naman masama ang magselos.
Parang mas lalo akong nalungkot dahil sa sinabi ni Ritz.
Darlene: Ritz, di yun masama kung kami, kung girlfriend niya ko. Pero, best friends lang kami eh, best friend lang. Wala akong karapatang magselos.
Nakita kong sumeryoso rin si ritz dahil sa sinabi ko.
Ritz: Sabihin na natin na bilang “sikretong” nagmamahal na kanya, may karapatan ka din namang magselos. Kaya nga lang, dapat sikreto din.
Natawa lang ako dahil sa sinabi ni Ritz.
Darlene: Well, that’s life. Kundi ba naman kasi ako tanga eh, ma-in love daw ba sa best friend ko? Buti kung in love din siya sa akin, eh hindi eh. Wala tayong magagawa. Wala akong ibang pwedeng gawin kundi suportahan siya sa babaeng gusto niya samantalang ang puso ko parang unti-unting binibiyak.
Pinipigil kong pumatak ang mga luha mula sa mga mata ko. Di ko naman lubos akalain na totoo pala yung mga napapanood ko sa TV na umiiyak dahil sa pagmamahal. Akala ko noon joke lang yun, yun pala totoo. At mas masakit pa pala yun pag sa totoong buhay na.
Ritz: Hoy, umiiyak ka ba?
Nag-aalalang lumapit si Ritz sa tabi ko para tignan kung umiiyak nga ako. Pinunansan ko ang mga luha na nagbabadya ng tumulo tsaka ngumiti sa kanya.
Darlene: Sus, hindi noh. Bakit naman ako iiyak?
Tumingin lang sa akin ng makahulugan si Ritz. Huminga siya ng malalim.
Ritz: Tama! Bakit ka iiyak? Di naman dapat iniiyakan yang mga lalaking yan eh!
Natawa ako dahil sa sinabi ni Ritz.
Darlene: At tsaka, madami namang ibang lalaki dyan. Bakit ko siya iiyakan?
Ritz: Tama, nandyan naman si Jhake. Tagal na kayang may gusto sayo yun.
Napataas naman ang kilay ko dahil sa huling sinabi ni Ritz.
Darlene: Ano ka ba? Di kami talo nun. Crush ni Aira yun eh.
Ritz: Crush ni Aira? Si Jhake? Sino nagsabi?
Darlene: Wala, pero matagal ko nang napapansin. Bakit, di mo ba nakikita?
Ritz: Ang alin?
Darlene: Di mo ba nakikita kapag tinitignan ni Aira si Jhake? Iba eh.
Ritz: Sus, baka guni-guni mo lang yun! Wala naman akong napapansin.
Hmm, baka nga. Masyado lang siguro akong nababaliw minsan.
Darlene: Baka nga.
Ritz: So, ano naman bang tingin mo kay Jhake?
Darlene: Hmm, ano nga ba?
Nagkatinginan kami pareho ni Ritz tsaka nagtawanan.
Darlene: Bakit ba napunta kay Jhake ang usapan?
Ritz: Ewan ko rin eh.
Napalingon kami pareho ng makita naming bumukas ang pinto ng kwarto ko.
Aira: Hey, anong ginagawa niyo dito?
Darlene: Oh, nandyan ka na pala Ai. Who let you in?
Dahan-dahang pumasok si Aira sa kwarto ko at umupo sa gilid ng kama.
Aira: Si ate Faye. So, why are you ganged up here? I heard you laughing.
Ritz: Wala lang, kakauwi lang din kasi namin eh.
Aira: Huh?
Darlene: Namasyal kami kasama ni Renzo.
Aira: Oh, sayang naman di ako nakasama.
Ritz: Oo nga eh.
Nanaig ang saglit na katahimikan sa pagitan naming tatlo. Tinignan ko ang mukha ni Aira, mukha siyang malungkot. Di ko alam kung bakit, pero para siyang may problema. Kung sabagay, para nga siyang tumamlay ng kaunti kumpara kanina. Ano kaya ang nangyari?
Aira: Uhm, Darlz, can I sleep with you here tonight?
Para naman akong nagulat dahil sa sinabi ni Aira. Di siya yung tipong nakikitulog sa kwarto ko o sa kwarto ni Ritz. Nako-cornihan daw kasi siya, parang daw isip-bata. Kami lang ni Ritz minsan ang tinotopak na makitulog sa kwarto ng isa’t isa.
Darlene: S-sure.
Magtatanong pa sana ako kaso parang wala talaga sa mood si Aira.
Ritz: Ang daya niyo naman, pwede ako rin?
Darlene: Sige ba! Para slumber party!
Natawa kami ni Ritz dahil sa sinabi ko samatalang tipid na ngumiti lang si Aira.
Ritz: Wait, kukuha muna ako ng DVD sa kwarto ko. Nood tayo.
Nagmamadali nang umalis si Ritz papunta sa kwarto niya. Naiwan kaming dalawa ni Aira.
Darlene: What happened?
Takang tumingin sa akin si Aira. Maya-maya pa ay ngumiti ulit siya ng tipid.
Aira: Nothing, its just that..
Hinintay kong dugtungan ni Aira ang sinabi niya. Pero nag-iwas na siya ng tingin.
Aira: Never mind.
Darlene: Ayos ka lang ba, Ai?
Aira: Yup.
Ngumiti siya sa akin ng matamis niyang ngiti.
Darlene: If you say so.
Aira: Uhm, Darlz?
Darlene: Yeah?
Aira: Thank you for being there. You’re my best friend.
Nagulat ako ng bigla nalang akong niyakap ni Aira. Lagi kasi siyang ganito kapag may problema, madalas ayaw naman sabihin kung ano ang nangyari. Gusto niya lang may makakaramay, pero ayaw niyang magsalita. At kung ano man ang nangyari, sana naman malagpasan yon ng kaibigan ko.
Darlene: Alam mo Ai, minsan ang drama mo!
Natawa si Aira at kumalas sa pagkakayakap sa akin.
Aira: I think I got that from you.
Natawa din ako dahil sa sinabi niya. Totoo naman kasi eh, iyakin ako. Pero kahit pa ganun, sa aming tatlo, ako pa din ang pinakamatatag pagdating sa mga problema. Ewan ko ba, pero sadya atang emotional lang ako.
Ritz: Nakuha ko na! Come on guys, kabibili ko lang ‘to.
Masayang pumasok si Ritz sa kwarto at isinalang ang dala niyang DVD. Nagsimula ng mag-play ang movie.
Ritz: Diba matagal mo na ‘tong gustong panuorin?
Darlene: Wow, Valentine’s Day!
Aira: You really love Taylor Swift, do you?
Darlene: Oo naman noh!
Masaya akong tumutok sa palabas, mapapanuod ko na ang movie ng idol ko.
Chapter 8: Encounter
Darlene: Aira, sabay ka na sa amin ni Jhake.
Ngumiti lang ng pilit si Aira sa akin.
Aira: W-wag na, nakakahiya naman. Kaya ko naman mag-commute.
Darlene: Commute? Ano ka ba? Bakit ka magko-commute eh pwede ka namang sumabay.
Hinila ko si Aira papunta sa sasakyan ni Jhake na nakaparada sa harap ng boarding house. Hindi na bumaba ng sasakyan si Jhake at nagtext na lang sa akin na nandyan na siya.
Aira: But Darlz-
Darlene: No buts, sasabay ka sa amin sa ayaw at sa gusto mo.
Nang makalapit na kami ng tuluyan sa kotse ni Jhake ay binaba niya ang salamin ng kotse.
Darlene: Hey, sabay si Aira sa atin ha.
Jhake: Sure, hi Aira!
Aira: H-hi.
Jhake: So, how’s the dinner?
Sumakay na kami ni Aira sa kotse, ako sa harap, siya sa likod.
Aira: Uhm, i-it was great.
Darlene: Tito must be really happy that finally one of his children entered his University.
Jhake: Yeah, Ian told me that they were not happy about him studying somewhere else.
Aira: Oo na-disappoint sila mom. But still, they supported my brother.
Darlene: Di naman nila masisisi si kuya Ian eh. He has his own dreams.
Aira: Yup, and he is surely fighting for it.
Kumuha kasi si kuya Ian ng fine arts sa ibang eskwelahan. Sinuway niya ang gusto ng daddy niya na kumuha ng business management sa university na pag-aari nila. Noong una ay nagalit ang kaniyang parents, pero nang tumagal na ay nainitindihan na rin naman nila at napatawad ang anak. Problema nga lang dahil wala nang magmamana ng business nila, fashion designing kasi ang kinukuha ni Aira.
Darlene: Magaling naman si Kuya Ian sa craft niya eh.
Aira: Absolutely! Lahi ata kami ng magagaling sa arts!
Jhake: Yeah, right.
Darlene: Oo nga. You are good at designing dresses and gowns-
Jhake: And your brother is good at deisgning faces.
Nagkatawanan kaming tatlo dahil doon.
Devon: Hay naku, kesa magpaka-corny ka dyan, sana pinapatakbo na ang kotse diba?
Jhake: Aye, aye, captain!
Sumaludo pa si Jhake kunwari na lalong nagpatawa sa amin ni Aira.
Renzo: Darlz!
Agad akong lumingon sa pamilyar na boses na tumawag sa akin. Hay naku, siksikan naman masyado ang cafeteria. Kung ako papipiliin, kakain na lang ako sa labas.
Renzo: Darlene! Here!
Nakita ko naman kaagad si renzo dahil todo kaway siya sa direksyon ko. Hay naku, bakit ba kasi kailangan kong humiwalay kay Jhake? Di sana di ako mukhang tanga dito sa gitna ng cafeteria. Naglakad ako patungo sa kinauupuan ni Renzo.
Darlene: Hay naku, ang daming tao! Nakakainis!
Uupo na sana ako sa upuan sa harap ni Renzo ng makita kong may nakaupo na dito. Tumingala siya sa akin at-
Darlene: Ikaw? Anong ginagawa mo dito?
Di ako makapaniwala sa nakikita ko. Siya nga yun, di ako pwedeng magkamali. Nakita kong gulat na gulat din siya sa pagkakakita sa akin.
Renzo: Huh? Magkakilala kayo?
Liana: Ah, n-nagkita na kami dati.
Renzo: Wow, talaga? Saan?
Parang tumigil ang ikot ng mundo noong mga panahong iyon. Tumaas ang kilay ko, nag-init ang ulo ko. Ang babaeng ‘to, ang babaeng ‘to ang babaeng nanakit sa damdamin ng isa sa malalapit na tao sa puso ko.
Darlene: Ang tagal naman ni Aira! Anong oras na kaya!
Natawa si kuya Ian dahil sa sinabi ko.
Ian: Naku naman, di ka pa nasanay dun. Alam mo naman na lagpas isang oras kung ma-ayos ang kabigan mong ‘yon!
Darlene: Isang oras pwede pa eh, pero two hours? Inip na inip na ‘ko!
Ian: Wait, check ko lang kung nandyan na siya. Baka nasa first floor lang siya. Wait ha, I’ll just go down.
Tumayo si kuya Ian at bumaba. Naiwan akong mag-isa sa lamesa habang nakatanaw sa may bintana sa tabi ko. Baka sakaling makita ko si Aira mula dito. Two hours na, sus naman. Naubos ko na ata ang lahat ng peach mango pie dito sa Jollibee!
Liana: Hey miss, may nakaupo ba dito?
Napalingon ako sa babaeng nagsalita. Maganda siya at sexy kung manamit, kaso mukhang mataray.
Darlene: Ah, meron eh.
Tumingin ako sa likod niya. Mukha naman siyang walang kasama.
Darlene: Ilan ba kayo? Kung mag-isa ka lang, pwede ka nang makiupo. Isa lang naman ang kasama ko eh, tsaka baka umalis na din kami maya-maya.
Ngumiti sa akin ang babae tsaka umupo.
Liana: Thanks. Mag-isa lang ako, hinihintay ko lang ang sister ko. Dito kasi kami magkikita.
Darlene: Well kami din eh, kaso lang ang tagal niya eh. Naubos na ata namin ang lahat ng pwedeng kainin dito sa kahihintay.
Natawa yung babae dahil sa sinabi ko.
Liana: You’re funny.
Darlene: Well, sabi nga nila.
Liana: I’m Liana.
Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko. Agad ko naman inabot ito.
Darlene: Darlene. Darlene Mae Navarro.
Liana: Darlene Mae Navarro, hmmm. Sounds familiar.
Darlene: Huh?
Liana: Para kasing narinig ko na eh.
Darlene: Ah, maybe you know y cousin.
Liana: Cousin? Sino?
Darlene: He’s a model. Brian Dale Navarro.
Liana: Oh yeah! Right! I once attended his fashion show, he’s hot.
Natawa ako dahil sa sinabi niya.
Darlene: Tell him that, and I assure you, magkakasundo kayo.
Siya naman ang natawa dahil sa sinabi ko.
Ian: Darlz, Aira is already downsta-
Napatigil si kuya Ian sa pagsasalita nang makita si Liana. Maging ito ay gulat na gulat nang makita si kuya Ian.
Liana: I-Ian?
Darlene: Wow, magkakilala kayo?
Umiling-iling si Liana, para siyang iiyak nang mga panahong iyon. Di ko alam pero pakiramdam ko, may nangyayari na hindi ko alam. Naramdaman kong lumapit sa akin si kuya Ian at hinawakan ako sa braso para tulungang tumayo. Nang lumingon ako sa kanya, ay nkita kong galit siyang nakatingin kay Liana.
Ian: Halika na Darlz, Aira is waiting for us downstairs.
Hinila na ako ni kuya Ian paalis pero tumayo si Liana at hinawakan ang braso niya.
Liana: I-Ian, please. Let’s talk.
Tinabig ni kuya Ian ang kamay ni Liana. Galit nga siya, ngayon ko lang siyang nakitang ganito.
Ian: Don’t start Liana.
Liana: Please, let me explain.
Ian: Explain? Liana, masyadong malinaw yung mga nakita ko para kailanganin pa ang paliwanag mo!
Liana: But-
Ian: Tumigil ka na nga! I don’t need your damn reasons!
Napaatras ako dahil sa lakas ng sigaw ni kuya Ian. Lahat ng tao sa paligid ay nakatingin na sa amin.
Liana: Please Ian, let’s talk. Please?
Kinabig ako ni kuya Ian at ikinawit ang braso niya sa bewang ko. Nagulat ako sa ginwa ni kuya Ian pero di ako nagreklamo.
Ian: Liana, I want you to meet my girlfriend, Darlene.
Nagulat ako sa sinabi ni kuya Ian, maging si Liana ay halatang gulat na gulat din. At di lang iyon, alam kong nasaktan din siya, nakita ko iyon sa mga mata niya.
Ian: So please, wag mo na kaming guluhin. Tapos na tayo!
Hinila na ako ni kuya Ian pababa ng hagdan. Hindi man lang niya nilingon si Liana, lumingon ako. Kahit pa nakatalikod siya ay alam kong umiiyak siya. Alam kong nasasaktan siya.
Renzo: Saan kayo nagkita? Isipin mo yun, magkakilala pala kayo.
Tinignan ko si Liana, halatang nahihiya siya. Halatang naiilang siya. Pero pilit niya iyong tinatago.
Liana: Well, n-nagkita na kami dati sa.. sa..
Umupo ako sa natitirang espasyo sa tabi ni Liana. Hindi siya tumitigin man lang sa akin.
Darlene: Ah, nagkakilala kami dati sa Jollibee.
Renzo: Jollibee?
Darlene: Naghahanap kasi siya ng mauupuan, puno na kasi. Alam mo naman kapag holiday, madaming tao sa mga kainan.
Renzo: Oo nga eh. So, I guess, di ko na kayo kailangan ipakilala sa isa’t isa.
Darlene: Sus, syempre hindi na. I know her na, Liana Marie Saavedra. And alam mo ba? Kung di lang ako nagkakamali ha, she graduated at VNU. Tama ba ko, Liana?
Nakasimangot si Liana, pakiramdam ko ang sama-sama kong tao para gawin sa kanya ‘to.
Liana: Yeah.
Renzo: So, Liana, baka kilala mo si Ian. He is studying there, 3rd year college na siya ngayon. Ian Dela Cruz, he’s taking fine arts.
Tinignan ko ang reaksyon ni Liana. Pagkabanggit ng pangalan ni kuya Ian ay napalunok si Liana. Tumingin siya kay renzo at pinilit na ngumiti.
Liana: Uhm, yes, I know him. In fact, he’s courting my sister.
Nabigla si Renzo dahil sa sinabi ni Liana. Pero ako, hindi. Alam ko ang tungkol sa lahat ng ito. Alam ko lahat ng nangyari. Pero ako, si kuya Ian, si Liana at maaring ang kapatid nito lang ang may alam.
Renzo: Wow! Si Ian nanliligaw sa kapatid mo? Wala siyang nababanggit! Ang alam ko lang, there was this girl dati na napupusuan niya. Pero he never mentioned anything about it again. Napaka-malihim talagang tao ng kaibigan kong iyon.
Yeah, malihim talaga si kuya Ian. In fact, I promised him na hindi ko sasabihin sa kahit kanino ang mga nalalaman ko.
Ian: Let’s go.
Hinila din ni kuya Ian si Aira at sabay-sabay kaming tatlong lumabas ng Jollibee. Naguguluhan ako sa mga naging pangyayari kanina. Ano bang meron sa babaeng iyon at ganun nalang ang reaksyon ni kuya Ian sa kanya.
Aira: Ano ba Ian? What’s happening? Bakit nagmamadali ka masyado? Ganun na ba ako ka-late?
Ian: Pwede ba Aira, not now! Just ride the car!
Pareho kaming napaatras ni Aira dahil sa pagsigaw ni kuya Ian. First time ko siya nakitang magalit. Sa halos magtatatlong taon naming pagkakakilala ay laging tahimik lang ito.Sumakay kami sa kotse niya. Sa harap si Aira at sa backseat naman ako.
Aira: W-what happened Ian? Nag-away na naman ba kayo ni papa?
Bumuntong hininga si kuya Ian.
Ian: No, this is nothing. Wag mo nalang akong pansinin.
Pinaandar na ni kuya Ian ang sasakyan. Maya-maya pa ay nasa isang malapit na mall na kami.
Aira: Oh, akala ko ba pupunta tayo sa museum to watch an exhibit?
Ian: Wala na ako sa mood, mag-shopping ka nalang.
Taka man sa mga nangyayari, ay nakita kong umaliwalas ang mukha ni Aira. Agad itong bumaba ng sasakyan.
Aira: Darlz, baba ka na. Hayaan mo na mag-park yan si Ian. Kaya niya na yan.
Tumingin ako kay kuya Ian, malungkot pa din siya.
Darlene: Uhm, mauna ka na Ai. Susunod nalang ako, samahan ko muna si Ian mag-park. Baka kasi makalimutan na naman niya kung saan eh.
Nag-isip muna sandali si Aira bago ngumiti sa akin.
Aira: Okay, sabi mo eh. I’ll just text you kung nasaan ako.
Masayang umalis si Aira papunta sa loob ng mall. Hay naku, kahit mag-isa ito ay game na game pa rin sa pagsho-shopping.
Ian: Dapat sumama ka na sa kanya.
Darlene: Well, I won’t leave you until you spill it out.
Ngumiti si kuya Ian dahil sa sinabi ko.
Ian: I’m sorry, nadamay ka pa tuloy.
Darlene: Sus okay lang iyon. Di naman ako tatanggi kung kasing gwapo mo naman ang maging boyfriend ko noh!
Natawa na nang tuluyan si kuya Ian dahil sa sinabi ko, pero maya-maya ay bigla din itong sumimangot.
Ian: Well, she doesn’t want me as her boyfriend.
Taka kong tinignan si kuya Ian. She? Si Liana? Mukha namang gusto din siya nito ah.
Ian: We are studying at the same school. She’s two years my junior. When I first saw her, I thought of her as masungit. But no, she is nice. And I fell in love with her.
Ang sarap pakinggan magkwento ni kuya Ian, parang nararamdaman ko yung pagka-in love niya. Kinikilig tuloy ako para sa kanilang dalawa.
Ian: But, niloko niya ko. I saw her kissing another guy.
Huh? Si Liana? Para namang mahal na mahal siya nung tao. Feeling ko di naman sa kanya magagawa yun.
Darlene: Uhm, ano ang sabi niya? Bakit daw siya may kahalikan na iba?
Ian: I never asked for her explination. What I saw is already enough.
Darlene: Pero kuya Ian, nakita ko siya kanina. She looks sad. She wanted to explain. Maybe you should have asked for an explination, sana pinakinggan mo muna ung side niya.
Ian: Darlene, why the heck would I need an explination?! She is kissing that guy in her own room. They were both lying on her bed with only their underwears on while all their clothes are scattered on the floor. What explination do I need to hear with that?
Hindi ako nakapagsalita sa mga sinabi ni kuya Ian. Napalunok ako, nakita ni kuya Ian ang ganoong eksena. At girlfriend niya yung nasa eksenang iyon. Nawala na ata lahat ng awa ko sa babaeng nakilala ko kanina. Ang kapal ng mukha niya! Ang kapal ng mukha niyang saktan ang taong nasa harap ko ngayon. Napakabait na tao ni kuya Ian, loving, caring, lahat nasa kanya na.
Ian: I was hurt Darlene. I was really hurt. I loved her. Minahal ko siya ng sobra-sobra. Ano bang nagawa kong mali para gawin niya sa akin yun?
Darlene: You didn’t do anything wrong. Siguro, siguro tanga lang talaga siya para pakawalan ka.
Ian: She was my first love, but she broke my heart.
Alam kong malulungkot si kuya Ian, pero wala kang emosyong mababasa sa mukha niya. Naaawa ako sa kanya, siya ang pinkamabait na taong nakilala ko. Pero siya pa ang ginawan ng ganito ng ibang tao.
Darlene: She doesn’t deserve you. And you don’t deserve her. You deserve somenone better, not her. Definitely, not her.
Tumingin sa akin si kuya Ian at ginulo ang buhok ko.
Ian: Thank you for raising my ego, kid. You are making me feel better.
Darlene: Kuya, I am not raising your ego. You are the perfect guy. Sino ba namang tanga ang lolokohin ka pa? Siya lang!
Ian: Darlene, please promise me not to tell anybody about this.
Darlene: Huh? Bakit?
Ian: Wala, ayaw ko lang na maalala pa. She’s now part of my past. And ayoko nang mag-explain pa. Ayaw ko na siyang pag-usapan pa. Just promise me not to tell anybody about this, okay?
Bumuntong-hininga ako. Pag si kuya Ian ang nanghingi g pabor sa akin, di talaga ako makatatanggi kahit ano pa ang hilingin niya.
Darlene: Okay, okay. I won’t tell anybody.
Ian: Thanks, and even Aira. Wag mo sasabihin sa kapatid ko ‘to ha?
Darlene: Of course, kapag nalaman ni Aira ‘to, sigurado akong sasabunutan niya ‘yun para sayo.
Natawa si kuya Ian.
Ian: That’s the reason kung bakit minsan hinihiling ko na ikaw na lang sana ang naging kapatid ko.
Nagkatawanan kaming dalawa, pero alam ko na deep inside, eh nasasaktan pa rin si kuya Ian.
Darlene: So, paano kayo nagkakilala?
Renzo: Oh, oo nga pala. Kaklase ko siya sa ilang subjects.
Darlene: Ah, eh nasaan na yung babaeng kasama mo kahapon?
Renzo: Ah, si Avril. Anak yun ni tito Marlowe. Kilala mo siya, right?
Darlene: Ah, oo yung daddy ni Ken?
Renzo: Yup, eh nagkataong nakita ko kahapon. Nakipagkuwentuhan.
Ahh, so hindi naman pala niya yun pinopormahan. Tinignan ko si Liana sa tabi ko, so, wag mong sabihing itong babaeng ‘to ang napupusuan mo Renzo? Babatukan kita pag nangyari yun. Naputol ang pakikipag-usap ko sa sarili ko ng marinig kong may tumunog na phone. Agad namang sinagot ni Liana ang celphone niya.
Liana: Hello?
Tumingin ako kay Renzo, nakatitig siya kay Liana. Wag naman Renzo, wag naman sa babaeng ‘to. Wag naman sa kanya ka ma-in love. Ayaw kong saktan ka din niya katulad ng ginawa niya kay kuya Ian, paglalaruan ka lang niya.
Liana: Okay, okay, I’ll be there in a minute.
Pinatay na ni Liana ang phone niya at tumingin kay renzo.
Liana: Uhm, Renz, I need to go.
Renz? Ano sila close? Best friend ako ni Renzo, pero kahit kailan ay di ko siya tinawag na Renz. Ayaw niya sa nickname na yun, naiirita siya pag tinatawag siyang ganun. Kumukunot ang noo at sumisimangot. Pero bakit nakangiti pa din siya kahit tinawag siyang Renz ng babaeng ‘to?
Renzo: Ay sayang naman, di mo na mami-meet yung iba naming friends.
Liana: Maybe some other time.
Renzo: Oo nga eh, hatid na kita. Lalabas ka na ba ng campus?
Liana: Ah wag na, nagmamadali kasi yung sister ko. Baka magalit na.
Renzo: Okay, if you say so. So, see you tomorrow?
Liana: Yeah, see you tomorrow.
Tumayo na si Liana tsaka tumingin sa akin.
Liana: Bye Darlene, its really nice seeing you again.
Plastic. Pinilit kong ngumiti.
Darlene: Yeah, I’m glad nakita kita ulit. Sobrang natutuwa talaga ako.
Sadya kong diniin ang huling pangungusap na binitawan ko. Ngumiti lang si Liana sa akin, at ngumiti din kay renzo tsaka nagmamadaling umalis.
Renzo: Wow, small world. Isipin mo, magkakilala pala kayo?
Darlene: Oo nga eh, isipin mo ‘yun?
Isipin mo ‘yun? Sa lahat ng babaeng pwede mong makilala, yun pang tao na nanakit sa isa nating kaibigan ang naging kasundo mo.
No comments:
Post a Comment