Chapter 1: Sweet 16
Renzo: Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday to you! Happy Birthday Darlz! Sixteen na ang best friend ko!
Napangiti ako ng lumapit sa akin si Renzo para yakapin ako at bumati. Niyakap ko din siya ng napakahigpit. Siya si Renzo Conorado, best friend ko. Halos lahat ng bagay tungkol sakin alam niya, kasi magkasama kami mula pagkabata. Halos lahat, kasi may isang bagay siyang hindi alam. Kumawala ako mula sa pagkakayakap niya sa akin.
Darlene: Wow naman, binili mo ‘to para sa’kin?
Nakangiti kong ininguso ang dala-dala niyang cake. White Forest, favorite ko.
Renzo: Syempre naman, sweet sixteen na ata ang best friend ko. Kaya dapat, wag ka ng parang lalaki kung kumilos.
Ginulo pa ni Renzo ang buhok ko ng sinabi niya yon. Di ko mapigilan ang mapangiti. Ngayong araw na ‘to, siya pa lang ata ang bumabati sa akin ng happy birthday. Aba, at nakalimutan pa ata ng lahat ng kakilala ko. Humanda silang lahat sa akin. Napansin ata ni Renzo ang pag-iiba ko ng mood kaya agad siyang tumabi sa akin.
Renzo: At bakit nakanguso ka na naman dyan? Anong problema mo?
Darlene: Eh paano naman po, ikaw pa lang ang bumabati sa akin.
Renzo: Huh? You mean everybody forgot your birthday?
Darlene: Nakakainis sila! Lagot sa akin yang mga yan! Aba, birthday ko kinalimutan!
Nagulat ako ng bigla nalang bumunghalit ng tawa si Renzo sa tabi ko. Hindi ko mapigilang titigan siya at mapangiti. Ang gwapo talaga ng best friend ko, lalo na pag ngumingiti o kaya tumatawa.
Darlene: Aba, at bakit ka naman tumatawa?
Tumatawa pa din si Renzo, hinawakan niya ang buhok ko at inipit sa likod ng tenga ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Tumigil siya sa pagtawa at tinignan ako sa mga mata ko. Parang lalabas na sa dibdib ko ang puso ko. Ayaw kumalma sa pagtibok. Pakiramdam ko kasing pula na ako ng kamatis.
Renzo: Nakakatuwa ka talaga pag naiinis, ang cute mo.
Napangiti nalang ako dahil sa sinabi ni Renzo. Tinignan ko ang mga mata niya, ang gaganda. Kahit pa maghapon akong tumitig sa mga mata niya, di ako magsasawa.
Darlene: At bago ko makalimutan, nasan na nga pala yung pangako mo sakin?
Renzo: Anong pangako?
Darlene: Renzo!
Natawa siya sa akin.
Renzo: Ikaw talaga, siyempre naman hindi ko nakalimutan. Ikaw pa? Malakas ka kaya sa’kin!
Umabot ata hanggang tenga ang ngiti ko. Ayan na yung gift ko!
Renzo: Lika na, nandun sa boarding house niyo yung regalo ko eh.
Tumaas ang kaliwang kilay ko.
Darlene: Sa boarding house? Bakit nandun yung gift mo sa’kin.
Nakita kong parang bigla nalang kinabahan si Renzo. Hmm. May sinisikreto sa akin ang best friend ko. Ano kaya yun?
Renzo: Uhm kasi..ano kasi eh..dumaan ako dun kanina. Eh sabi ni Brian wala ka daw, kaya ano, yun. Iniwan ko na muna dun yung regalo ko tapos hinanap kita. Butinga nakita kita dito eh!
Gusto kong matawa pero pinipigil ko. Di talaga magaling mahsinungaling si Renzo. Simula pa mga bata kami ay lagi kong nabubuking ang mga sikreto niya. Isang tingin ko lang sa kanya, alam ko ng may inililihim siya.
Darlene: Hay naku, sige na nga, halika na.
Nakita ko na huminga ng maluwag si Renzo. Sabi na nga ba may tinatago sa akin ‘to eh. Umiling na lang ako habang mahinang tumatawa.
Lahat: Surprise!
Lumabas lahat ng mga kaibigan ko ng bumukas ang ilaw. Pinipigilan ko nalang ang matawa. Sa totoo lang kasi, hindi naman na ako na-surprise. Si Renzo kasi, medyo nadulas siya kanina noong tanungin ko kung nasaan sila Ritz at Aira.
Darlene: Wow! Akala ko nakalimutan niyo na ang birthday ko eh!
Lumapit sa akin si Ritz at niyakap ako.
Ritz: Sus naman, kami pa? Makalimutan ang birthday ng bunso namin?
Napangiti ako dahil sa sinabi ni Ritz, oo nga naman. Bakit ba ako nagtampo? Maya-maya ay si Aira naman ang yumakap sa akin.
Aira: Sweet sixteen ka na din, pareho na ulit tayong tatlo!
Pagkakalas ng yakap sa akin ni Aira ay hinila niya ako agad papunta sa lamesa kung saan nakapatong ang iba’t ibang nakabalot na kahon. Mukhang regalo nila sakin ang mga iyon. Kinuha ni Aira ang regalong nakabalot sa pink na gift wrapper at may over-sized na pink ribbon sa ibabaw. Natawa ako ng iabot niya yun sa akin.
Aira: At bakit ka tumatawa?
Nakapameywang pa si Aira ng magtanong kaya naman lalo pa akog natawa. Natawa rin sila Ritz at Renzo.
Ritz: Kasi naman halatang sayo galing yung regalo eh. Pink na pink!
Aira: Syempre noh! Buksan mo na, Darlz.
Darlene: Ano ba ‘to?
Dahan-dahan kong inalis ang ribbon ng regalo.
Renzo: Ano ba yan? Ang hinhin! Ako na nga magbubukas. Dapat punitin mo yung wrapper para madami kang regalong matanggap.
Aira: Ganun ba yun? Sayang naman yung wrapper.
Napangiti nalang kaming lahat habang binubuksan ni Renzo ang regalo.
Darlene: Wow! Ang cute naman nito Ai!
Kinuha ko mula sa kamay ni Renzo ang isang napaka-cute na pouch na color blue. Meron pa itong design na blue jewels sa labas. May taste talaga sa pagpili si Aira. Niyakap ko si Aira para magpasalamat sa regalo niya.
Darlene: Thank you Ai, ang ganda.
Niyakap din ako ni Aira ng mahigpit.
Aira: Anything for you, Darlz. Happy birthday.
Jhake: Wow naman, ang sweet, nakakainggit.
Kumalas kami ni Aira sa pagkakayakap sa isa’t isa.
Darlene: Jhake! You’re here! Hala, akala ko di ka makakapunta!
Niyakap ko kaagad si Jhake. Niyakap niya rin ako ng mahigpit.
Jhake: Pwede ba yun? Alam mo namang love na love kita eh.
Darlene: Sus, kaya love na love din kita eh!
Kumalas ako sa pagkakayakap sa akin ni Jhake. Ngumiti siya sa akin at iniabot ang isang pahabang velvet box na color blue.
Jhake: Happy birthday!
Darlene: Wow, mukhang mamahalin ha?
Natawa sila dahil sa sinabi ko.
Renzo: Sus naman, si Jhake pa, papakabog? Syempre hindi.
Ritz: Tama! Eh yan ata si Mr. Pasikat pagdating sayo.
Namula si Jhake dahil sa pang-aasar ni Ritz. Ganun siya palagi kapag inaasar sa akin. Minsan natatawa nalang ako, kasi naman alam ko na mula pagkabata pa lang namin eh may crush na siya sa akin. Pero syempre hindi ko pinahahalata na alam ko.
Jhake: Kayo talaga, ang galing niyo mang-asar ha!
Natawa ako dahil mas lalo pa atang namula si Jhake. Binuksan ko ang bingay niyang box at lumuwa ata ang mga mata ko dahil sa gulat. Ang ganda. Isang silver bracelet na may mga heart na may blue gems sa gitna ang laman ng box. Umabot na yata hanggang sa tenga ang ngiti ko.
Jhake: Does that mean that you liked it?
Darlene: Like? Understatement yun noh! I love it! Ang ganda! Thank you Jhake!
Niyakap ko ulit si Jhake, ngunit mabilis lang.
Renzo: Tama na yan! Nakaka-dalawa ka na ha!
Ritz: Oo nga, baka may magselos.
Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi ni Ritz. Magselos? Sino namang magseselos? Si Renzo? Natawa nalang ako dahil sa naisip ko. Naku naman, in my dreams! Magpapa-party ako kapag nagselos si Renzo.
Aira: Ang ganda naman niyan. Dapat Jhake ganyan din regalo mo sakin sa seventeenth birthday ko ha!
Jhake: Siyempre mas maganda dyan ang gift ko sayo sa 17th birthday mo.
Darlene: Wait lang, nasaan nga pala si kuya Brian? Akala ko ba nandito siya kanina?
Renzo: Oo nga, kaso umalis siya sandali. He fetched your package from Cebu. Tumawag kasi si tita at tito kanina, kaso lang nag-eemo ka sa garden. Di mo tuloy nakausap.
Darlene: Di nga? Tumawag sila mama?
Nalungkot naman ako dahil sa balita. Minsanan lang kasi kung tumawag sila mama, masyado kasing busy sa business namin. Miss na miss ko na nga sila doon eh. Nakakainis naman kasi, di pa kasi ako binati ng mga ‘to, edi sana di na ako nagtampururot!.
Renzo: Uy, wag ka na ma-sad. Sure naman ako tatawag ulit sila tita mamaya. Yun pa!
Darlene: Sana nga. Birthday na birthday ko pa naman tapos di ko man lang sila makakausap. Kayo kasi eh! Di niyo ko binabati!
Nagtawanan sila dahil sa sinabi ko. Inakbayan ako ni Renzo.
Renzo: Edi nalaman mo yung surprise namin sayo?
Aira: Oo nga! Ang hirap kaya i-set up nyan. And look, napitikan pa ako dahil sa pagpiprito niyang fried chicken mo!
Darlene: Nagluto ka?
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Aira na ikinatawa naman ng mga kasama ko.
Ritz: I told you she won’t believe it.
Aira: Bakit ba? Di na ba pwede magluto ang magaganda?
Darlene: Di naman po, miss maganda, pero ngayon ko lang narinig yan ha. Si Aira Lopez na anak ng may-ari ng Gems University na papasukan nating lahat, magluluto? Ganun mo ko kamahal?
Natawa nalang si Aira dahil sa pang-aasar ko sa kanya.
Aira: Oo, ganun kita kamahal.
Ritz: Ako ba di mo tatanungin kung gaano kita kamahal? Nagbukas ako ng kalan.
Natawa ako dahil sa sinabi ni Ritz. May takot kasi siya sa kalan. Kasi namatay sa sunog ang mga magulang niya nung mga bata pa siya, kaya naman takot siya sa apoy. Kasosyo ng mga magulang ko sa negosyo ang mga magulang ni Ritz noon, kaya naman ng mamatay ang mga ito ay kinupkop na siya ng pamilya ko. Wala na kasing ibang kamag-anak na mapag-iiwan sa kanya. Nagtanan kasi ang mama’t papa niya. Na-trauma si Ritz noon kasi nakaligtas lang siya sa kamatayan dahil niyaya ko siyang maglaro noon sa malapit na park, kung hindi ay kasama din sana siya sa namatay. Magmula noon ay natakot na siya sa apoy, kasi iyon ang dahilan ng pagkamatay ng parents niya.
Darlene: You did that for me?
Ritz: Of course. Kung tutuusin, I owe you my life.
Niyakap ako ni Ritz ng mahigpit, niyakap ko din siya. Mahal na mahal ko ang best friend kong si Ritz. Mahal na mahal, parang siya na ang itinuring kong kapatid simula pagkabata. Siya ang naging sister ko. Kaya naman hanggang ng magpunta kami sa Manila para mag-aral ay magkasama pa rin kaming dalawa.
Aira: Ano ba yan? Baka mag-iyakan pa kayo niyan ha?
Kumalas kami sa pagkakayakap sa isa’t isa.
Darlene: Sus, inggit ka lang eh!
Aira: Ewan ko sa inyo!
Ngumiti kami pareho ni Ritz.
Ritz: Tatampo ka pa dyan, halika na nga! Sama ka na sa hug namin!
Ngumiti na si Aira at sumama sa hug namin ni Ritz.
Darlene: I love you guys! Thank you talaga!
Brian: Happy birthday!
Napalingon kaming lima ng biglang may pumasok sa may pinto. Iniluwa nito si Brian at si Kuya Ian. May dala-dala sila parehong tig-isang malaking kahon na may ribbon.
Darlene: Hi kuya Ian! Akala ko nasa Batangas ka?
Tumayo ako para salubungin ng yakap si kuya Ian.
Ian: Yup, but that’s yesterday. I rushed this morning to make it to your party.
Darlene: Aww, that’s so sweet of you kuya Ian.
Brian: Oo nga, ang sweet, ako yung bumati ng happy birthday, pero inisnab lang ako.
Natawa ako dhil sa sinabi ni Brian. Ang pinsan kong Kano. Makulit yang pinsan kong yan. Lumapit ko sa kanya at pinisil ang ilong niya.
Brian: Ouch! What’s that for?
Darlene: That’s for being a really good cousin to me for the past four years.
Brian: Aw, that’s really sweet of you. Hurting your cousin instead of just saying thanks.
Natawa ang lahat dahil sa sinabi ni Brian.
Ian: Enough of that, I’m hungry already. Where’s the food?
Darlene: Naku kuya Ian, you’ll be really surprised. Nagluto ang sister mo.
Ian: What? My sister cooked? Is she sick? Why didn’t you call me?
Natawa ako dahil sa reaksyon ni kuya Ian samantalang binatukan naman siya ni Aira.
Aira: And what are you saying, brother?
Ian: Wala ha!
Ritz: Ang kulit-kulit mo talaga Ian!
Jhake: That’s right, I can’t imagine how you manage being quiet at school.
Aira: That’s the biggest mystery of life.
Darlene: And sa tingin ko we’ll never be able to figure thet out.
Renzo: Pagtripan daw ba si Ian? Kumain na nga tayo!
Ian: Open you’re gifts now Darlz.
Ritz: Oo nga, excited na akong makita eh.
Darlene: At mas excited pa kayo sa’kin ha?
Pumunta ako sa lamesa kung saan nakapatong ang lahat ng regalo sa akin. Naitabi ko na kanina ang regalo ni Aira at suot ko naman ang gift sakin ni Jhake. Ang totoo excited na rin akong magbukas ng regalo eh, sabi kasi ni Renzo, especial daw ang gift niya sa’kin.
Ritz: Open mine first, nabuksan mo na yung kila Aira and Jhake eh.
Brian: What? Binuksan mo yung gifts mo nang wala ako? How dare you?
Darlene: Shut up, Brian.
Natawa lang si Brian dahil sa sinabi ko. Inabot ko ang gift sa akin ni Ritz at binuksan iyon. Isang cute blue dress ang regalo sa akin ni best friend. Natawa ako ng maisip na talagang puro blue ang regao nila sa akin. Favorite color ko kasi yun eh.
Renzo: Nice, now you can go to the mall while wearing your all-blue outfit.
Aira: Oo nga, makaka-agaw pansin ka niyan!
Parang sumakit ang ulo ko. Aira has the hobby of dressing up the same color from head to toe sometimes. Iba’t ibang shades lang ng pink ang lagi niyang suot. Minsan dark pink, minsan light, magenta, fuschia, at iba pang pink. At pag sinabi kong head to toe, kasama doon ang sandals, stockings, leggings, headband, hairclip, make-up at kung anu-ano pang accesories. Kaya naman lahat ng tao ay napapatingin kapag dumadaan kami. Di lang dahil napakaganda at fashionista ni Aira, kundi dahil sa nakakaagaw pansin na nagsusumigaw ang kulay ng suot niya.
Darlene: Then, kung ganoon lang naman, then dapat magsuot na din si Ritz ng all-green na outfit para kumpleto na ang powerpuff girls.
Natawa sila dahil sa sinabi ko except for Aira. Sumimangot siya ng parang batang inagawan ng candy.
Aira: Hay naku, what’s wrong ba sa pagdadamit ng iisang color lang?
Jhake: Wala naman, nakakaagaw lang masyado ng pansin. If you were in a crowd, I’ll still notice you.
Namula si Aira upon hearing that. Since first year highschool kasi may crush na siya kay Jhake eh. Pero di niya sinasabi kahit kanino, kahit samin. Napansin ko lang yun. And I know na tama ako. That’s the way I look at Renzo everytime he compliments me. I know that look.
Renzo: Well, tama na nga yan. Why don’t you open you’re other gifts na Darlz? Malay mo may nagregalo sayo ng blue sandals.
Brian: Uh-oh..
Napalingon ako kaagad kay Brian.
Darlene: Don’t tell me that’s what you bought?
Ngumiti lang si Brian sa akin.
Ian: Oh mother, I think Ritz really have to buy some green clothes.
Nagtatawanan kaming lahat habang binubuksan ko ang regalo sa akin ni Brian. Napa-wow nalang ako ng makita ko ang isang cute sparkly blue high heels. May taste din itong si Brian sa pagpili ha. I’ll remember to give him a tight hug later after this party. Ayaw kasi niya ng nilalambing ko siya in front of many people. Maarte yang pinsan ko eh.
Darlene: Naks naman couz, magaling ka pumili. Aminin mo nga, tagilid ka ba?
Brian: Wow naman Darlz, ako? Tagilid? Ewan ko sayo!
Darlene: Joke lang naman yun, pero bakit nga di ka pa nagkaka-serious girlfriend?
Medyo namula si Brian dahil sa sinabi ko. Ewan ko ba sa pinsan ko, in love pero binabalewala.
Brian: Syempre, nobody’s good enough for me.
Lahat ng mga kaibigan ko ay nagsi-ubuhan kunwari. Hindi ko naman mapigilan ang matawa.
Renzo: Pagdating talaga sa self-confidence, walang tatalo sayo ‘tol!
Brian: I know, at mga gwapo lang ang mayroon niyan.
Aira: If that’s the case, edi sana mas mataas na self-confidence ng brother ko sayo.
Natawa kaming lahat habang si Brian naman ay nag-make face.
Brian: Ouch naman, sige na mas gwapo na yang kapatid mo! Mas maganda naman sayo ang pinsan ko!
Nagsingitian lang sila dahil sa sinabi ni Brian samantalang ay tuluyan ng sumimangot.
Darlene: Nakakainis kayo!
Ian: Why?
Darlene: Halata namang mas maganda si Aira sakin eh! Kulay pa lang oh. Pinapahiya niyo pa ako!
Jhake: You are beautiful, more than anyone else I’ve ever known.
Sumimangot si Aira, halatang nasaktan siya. More than anyone, pinakamahalaga ang opinyon ni Jhake para sa kanya. Eto naman kasing si Jhake, mambobola nalang, sa harap pa ni Aira.
Ritz: Ayan na oh, nagsisimula nang dumiskarte ang loko.
Nakita kong pinanlakihan ng mata ni Jhake si Ritz. Natatawa nalang ako sa mga asaran ng dalawang ‘to. Sila kasi ang mag-best friend dito sa barkada. Parang ako at si Renzo.
Ian: Stop arguing people, Darlene and my sister are both beautiful.
Aira: Yan ang brother ko! Kahit papaano kinakampihan ako, kahit ipantay lang.
Natawa kaming lahat dahil sa sinabi ni Aira.
Ritz: Sana next time kasama na ako ha. Tatlo na kami sa pagandahan.
Ian: Hay naku, pantay kayong tatlo.
Renzo: ‘To talagang si Ian, playing safe.
Jhake: Yeah, you’re right. I think he’ll have all the votes kung pagwapuhan na.
Darlene: He’ll have my vote.
Ritz: Mine too.
Aira: I think Jhake’s right. My brother is just as appealing as I am.
Darlene: Patay tayo dyan.
Natawa nalang kaming lahat dahil sa sinabi ni Ann. I grabbed the box from Ian, gusto ko nang buksan ang next gift ko.
Ian: So you’re gonna open my gift now?
Darlene: Yup, sana hindi ‘to something blue.
Aira: Don’t worry, it’s not. Kasama niya kong bumili niyan.
Binuksan ko ang maliit na kahon at sa loob nito ay may isang cute na snow globe. May isang cute angel na nakasuot ng dress sa loob at may hawak-hawak na heart. Pero when I saw one detail, natawa talaga ako ng sobra. The angel is wearing a cap. Yung tipong baliktad ang pagkakasuot. Lahat sila ay tumawa din ng makita ang gift ni Ian.
Renzo: Wow, saan mo nabili yan? Darlene na Darlene lang ha!
Jhake: Yeah, an angel that wears a cap. That’s Darlene alright.
Aira: Ako nakakita niyan!
Brian: Parang may kulang, dapat may gitarang kasama.
Nang mabanggit ang word na gitara ay bigla nalang ngumiti ng abot hanggang tenga si Renzo. Napangiti din ako ng abot hanggang tenga at lumapit agad sa kanya.
Darlene: Gitara? Gitara yung surprise mo sakin?
Ngumiti lang lalo si Renzo. Mas lalo tuloy akong napangiti. Umalis siya sandali at may kinuha.
Ian: Wow, I think you’re finally getting the gift you always wanted.
Ritz: Oo nga, mukhang pasado ka sa exam mo ha?
Mas lalo lang akong napangiti. At last. Tinuturuan kasi ako ni Renzo maggitara. And sabi ko bibili ako ng gitara para naman makapagpractice ako, hindi yung lagi nalang akong nakikigamit sa kanya. Sabi niya kailangan daw maging magaling muna ako bago ako bumili ng sarili kong gitara. And now, I’ll have my own guitar na! At galing pa sa taong love na love ko. Pagbalik ni Renzo ay dala-dala na niya ang isang bag na hugis-gitara. Halos magtatalon ako sa tuawa.
Darlene: Wow! Di ka nga nagbibiro! Gitara talaga!
Renzo: Well, magaling ka na eh. Mas magaling ka na nga ata kesa sakin eh.
Binuksan ko ang case at bumulaga sa akin ang isang wooden guitar na kulay dark brown. May naka-curve sa babang bahagi nito na pangalan ko. Darlene. Parang gitara ni Renzo, ganitong-ganito din yun. Except syempre pangalan niya yung nakalagay. Natutuwa ako, masayang-masaya ako. Ito na ang pinakamahalaga at pinaka-the-best na birthday gift na natanggap ko ever!
Renzo: Nagustuhan mo naman ba?
Tumingala ako sa kanya at ngumiti ng pinakamasaya kong ngiti.
Darlene: The best ka talaga, best friend.
Ngumiti lang din siya sa akin. Masayang-masaya ako. Si Renzo lang ang nakakapagpasaya sa akin ng ganito. At sa mga oras na ‘yon, alam ko at sigurado na ako. In love ako sa best friend ko.
Chapter 2: Songs
Natatawa ako dahil sa mga nakabibinging boses ng mga kabigan ko. Kasalukuyan silag nagvi-videoke sa loob ng boarding house. Hay naku, di ko nga alam kung boarding house pa na matatawag yan eh. Kasi kami-kami lang din namang tatlo nila Aira at Ritz ang nakatira kasama si ate Faye. Tuwing gabi ay umuuwi si ate Faye galing sa trabaho, ang may-ari ng bahay. Nasa 30years old na siya, pero dalaga pa din. Pinsan siya ng daddy ni Aira, kaya naman sabi nito ay dito nalang kami mag-board para safe.
Renzo: Mukhang malalim ang iniisip mo ha.
Napalingon ako kay Renzo, nakangiti siya habang papalapit sa kinauupuan ko.
Darlene: Di naman.
Umupo siya sa tabi ko, nasa balcony ako ng second floor ng bahay. Nakaupo ako sa sahig, natatakot na kasi akong umupo sa may balcony mismo. Muntik na kasi ako mahulog doon noon, gulatin ba naman ako ni Brian. Buti nalang at nahawakan niya ang braso ko. Ubod kasi ng kakulitan ang pinsan kong iyon eh.
Renzo: Nagustuhan mo ba ang regalo ko sayo?
Umupo si Renzo sa tabi ko, naka-indian sit siya. Di kasi masyado sanay maupo sa sahig ‘tong taong ‘to eh. Tinignan ko ang gitarang regalo niya na nasa tabi ko. Kinuha ko iyon at pinatunog.
Darlene: Syempre naman, parang diploma ko ‘to sa guitar lessons ko sayo noh.
Ngumiti lang siya sa akin ng pagkatamis-tamis.
Darlene: Bakit ka lumabas? Nabingi ka sa kanila noh?
Natawa siya dahil sa sinabi ko. Kanina pa kasi nagvi-videoke ang mga lokong iyon. At puro kalokohan lang ang mga kinakanta kaya naman lumabas muna ako para magpahangin.
Renzo: Oo nga eh, di na rin kinaya ng power ng eardrums ko.
Nagtawanan ulit kami. Tinignan ko si Renzo, nakatingin siya sa loob kung saan nagvi-videoke ang mga kasama namin. Kita ang ilan sa kanila habang nagkukulitan. Ang sarap titigan ng mukha ng best friend ko. Nagulat ako ng bigla siyang lumingon, nagtama ang mga mata namin. Naramdaman kong nag-init ang mga pisngi ko kaya naman agad akong nagbawi ng tingin.
Renzo: Tumugtog ka naman para sa’kin oh.
Darlene: Huh?
Renzo: Tumugtog ka naman, gamit yang bago mong gitara.
Darlene: Ah, ano bang gusto mo?
Renzo: Lucky.
Parang nawala ata ang ngiti sa labi ko ng sabihin niya iyon. Lucky. Naalala ko pa noong una naming marinig ang kantang iyon.
Renzo: Hay naku, ang weirdo naman ng kantang iyan.
Napalingon ako sa kanya. Kasalukuyan kaming nakikinig ng radyo sa cellphone niya.Share kami lagi sa headphones niya kapag nakikinig ng tugtog.
Darlene: Ano namang weirdo sa kantang ‘to?
Hindi ko alam pero medyo nalungkot ako ng sinabi niyang weirdo ang kantang “Lucky”. Bakit? Masama ba ang main-love sa best friend? Weirdo ba ‘yun? Ano namang masama dun?
Renzo: Wala, kasi tignan mo naman, parang imposible na main-love ka sa best friend mo.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. So, yun pala yun,imposible siyang main-love sa akin.
Renzo: Ang saya kaya magkaroon ng best friend, laging nandyan para sayo yung taong ‘yon at di kaiiwan. Parang tayo. Ang weirdo naman kung maiin-love ka sa taong pinagsasabihan mo ng lahat ng sikreto mo diba? Ang weirdo kasi kapag nain-love ka sa best friend mo, mababago lahat. Magkaka-ilangan kayo, kasi hindi kayo sanay. Masisira yung dating magandang samahan.
Para akong naiinis sa mga sinasabi niya noong mga panahong iyon. Pero siyempre hindi ako pwede magsalita. Di ako pwedeng magpahalata. Ngumiti nalang ako kahit pa nong panahong iyon ay gusto ko nang umiyak.
Darlene: Oo nga ang weirdo.
Kinuha ko ang cellphone niya at nilipat ng istasyon ng radyo, hindi ko alam kung saan ko na nailipat ang isatasyon at kung ano bang kanta ang pinatutugtog doon sa istasyon na ‘yon. Basta nakinig nalang ako ng nakinig kunwari kahit ang totoo ay ang mahinang iyak lang ng puso ko ang naririnig ko ng mga panahong iyon.
Renzo: Hoy! Are you gonna play for me or not?
Bumalik ako sa huwisyo ng magsalita ulit si Renzo.
Darlene: Akala ko ba nawei-weirdohan ka sa kantang ‘yon?
Renzo: Oo nga, pero gusto ko pa ring marinig na tugtugin mo.
Tinignan ko si Renzo, seryoso siya habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko maintindihan kung bakit niya gusto sa akin ipatugtog ang kantang ‘to pero ang totoo niyan, ayaw ko tugtugin ‘to. Kasi natatakot ako na baka maaninag niya sa boses ko ang totoo.
Darlene: Do you hear me? I’m talking to you
Sinimulan ko nang patugtugin ang gitara. Nakita kong ngumiti si Renzo habang nakatingin a din sa kawalan.
Darlene: Across the water across the deep blue ocean
Under the open sky oh my, baby I’m trying
Mabuti na lang at di siya nakatingin sa akin o sa kamay ko, di niya mapapansin ang panginginig ng kamay ko habang tumutugtog o ang lungkot sa mga mata ko habang tinitignan siya.
Darlene: Boy I hear you in my dreams
I feel your whisper across the sea
I keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard
Sa mga panahong iyon ay pinipigilan ko nalang ang maiyak, dahil ang totoo, malapit ng pumiyok ang boses ko. Naiinggit ako sa taong sumulat ng kantang ito, kasi siya, mahal din siya ng best friend niya. Eh ako?
Renzo: Lucky I’m in love with my best friend
Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Renzo habang kinakanta ang chorus ng kanta. Napalingon ako sa kanya, nakatingin siya sa akin. Nakatingin siya habang kinakanta niya ang mga katagang iyon. Hindi ko siguro napansin, tumigil siguro ako sa pagkanta.
Renzo: Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Pumtik ang kamay ko, nagkamali ako ng tipa sa gitara. Tumigil si Renzo sa pagkanta. Namayani ang nakabibinging katahimikan sa pagitan namin dalawa. Pareho kaming nakatingin sa kamay ko na nagkamli sa pagtugtog ng gitara. Maya-maya pa ay kumawala ang isang mahinang tawa mula sa labi ko. Tumingala ako kay Renzo ng nakanguso.
Darlene: Nagkamali ako, nakakainis.
Seryoso siyang nakatingin sa akin. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya ng matagal, natutunaw ako. Maya-maya ay ngumiti din siya at tumawa ng mahina.
Renzo: Naku, pag ganyan ka ng ganyan, babawiin ko yan regalo ko sa’yo!
Natawa ako dahil sa sinabi niya. Kahit papaano ay nawala ang tensyon sa pagitan naming dalawa, o mas maganda siguro na sabihin na kahit paano ay nawala na yung nararamdaman kong kaba kanina. Bumalik na sa dati.
Darlene: Wala ng bawian, binigay mo na eh.
Renzo: Kung sabagay, wala namang school na bumabawi ng diploma.
Darlene: Tama!
Namayani muli ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ewan ko ba pero kahit ganoon lang, kahit walang nagsasalita sa aming dalawa, msaya pa rin ako basta katabi ko siya. Hay naku, Darlene. Nababaliw ka na ata. Tama si Renzo, ang weirdo mo!
Renzo: Ako naman ang tutugtog para sa’yo, tutal birthday mo naman eh.
Nagulat ako ng bigla nalang kunin ni Renzo mula sa kandungan ko ang gitara. Nagsimula na siyang tumipa sa gitara.
Renzo: Oh your eyes, your eyes
Make the stars look like they’re not shining
Natawa ako ng mahina dahil sa kinanta ni Renzo. Naka-ngiti pa siya ng bonggang-bongga at todo-emote pa. Kaya naman di ko mapigilan ang matawa at mag-enjoy. Kaya siguro siya ang laging inilalaban sa mga singing contest, iba kasi ang charm niya pagdating sa pagpeperform.
Renzo: Your hair,your hair
Falls perfectly without you trying
Your so beautiful
And I tell you every day
Nakakatuwa talaga panuorin si Renzo. Ang cute-cute talaga ng best friend ko. Mas lalo tuloy akong natatawa.
Renzo: Yeah I know, I know
When I compliment you
You wont believe me
And its so, its so
Sad to think you don’t see what I see
But every time you ask me do I look okay
I say,
Hindi ko na rin mapigilan ang kiligin dahil sa kinakanta niya. Pakiramdam ko nga mukha akong tanga kasi wala akong ibang magawan reaksyon kundi ang ngumiti habang nagba-blush.
Renzo: When I see your face
There’s not a thing that I would change
Cause you’re amazing
Just the way you are
And when you smile,
The whole world stops and stares for awhile
Cause girl you’re amazing
Just the way you are
Nakakatuwang panuorin si Renzo maggitara, nakaka-relax at nakakakilig. This is the happiest birthday ever! Ang saya ko.
Renzo: Your nails, your nails
I could kiss them all day if you’d let me
Your laugh, your laugh
You hate it but I think its sexy
You’re so beautiful
And I tell you every day
Oh you know, you know, you know
Id never ask you to change
If perfect is what you’re searching for
Then just stay the same
So don’t even bother asking
If you look okay
You know I say
Feel na feel ko na sana ang moment kaso bigla na lang lumitaw ang pinsan kong Kano sa may pinto ng balcony kasama sila Aira at Ritz.
Brian: When I see your face
There’s not a thing that I would change
Cause you’re amazing
Just the way you are
Hindi ko mapigilan ang tumawa dahil sa hirit ng pinsan ko. Wala kasi sa tono at pasigaw pa ang pagkanta nito. Maging si Renzo ay tumigil na rin sa pagtugtog sa gitara dahil di na rin siya magkamayaw sa katatawa. Tuloy pa din sa kakakanta ang loko kong pinsan habang di na kami lahat makahinga sa katatawa.
Brian: And when you smile,
The whole world stops and stares for awhile
Cause girl you’re amazing
Just the way you are
Pagkatapos niya kantahin ang chorus ay agad naman kaming nagpalakpakan lahat habang sumisigaw.
Brian: Thank you, thank you!
Natawa kami lalo dahil sa kumaway-kaway pa siya kunwari.
Darlene: Naku Brian, ang sakit mo talaga sa ulo!
Renzo: Di lang, pati sa tiyan!
Nagtawanan kami ulit.
Brian: Sus, eh kayong dalawa nagkakatahan lang din naman pala kyo dito eh.
Ritz: Oo nga, di pa kayo nakisali sa amin doon sa loob.
Aira: Ano ba kayo? Nagsosolo nga yung mag-best friend eh.
Binigyang-diin pa ni Aira ang salitang “mag-best friend”. Natawa nalang kami ni Renzo dahil sa sinabi nito. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo.
Darlene: Hay naku, makapasok na nga sa loob.
Tumayo na rin si Renzo mula sa pagkakaupo at iniabot sa akin ang gitara ko.
Ritz: Aba dapat lang, nandyan na po kaya si ate Faye.
Darlene: Nandyan na siya? Bakit naman di niyo agad sinabi?
Brian: Sasabihin na nga po diba? Kaya nga pumunta dito eh.
Natatawa kaming lima habang papasok sa loob ng bahay.
Ganda :) next chap naa. bakit wala si paulo santos sa party? :(
ReplyDelete