Tuesday, March 1, 2011

Chapter 3-4 Teardrops on my Guitar

Chapter 3: Malling

Ritz: Hoy gising na!

Naramdaman kong may tumamang unan sa mukha ko. Binuksan ko ang mga mata ko kahit na antok na antok pa ako. Nasilaw ako sa liwanag ng buksan ko ang mata ko, ginamit ko ang braso ko para takpan ang mgamata ko. Umupo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama at agad na kumuha ng unan at ibinato din kay Ritz na nakaupo sa may isang maliit na sofa sa paanan ng kama ko. Tinamaan ng unan si Ritz sa mukha. Sapul!

Ritz: Aray! Ang sakit nun ha!

Darlene: Eh bakit ka ba kasi nanggigising?

Ritz: Darlene Mae Navarro, nakalimutan mo na ba? Magmo-mall po tayo ngayon.

Darlene: Mall?

Ritz: Oo, mall as in MALL! Kaya bumangon ka na dyan at maligo!

Tumingin ako sa orasan sa gilid ko at nanlaki ang mga mata ko ng makita ang oras.

Darlene: OMG! 11 o’clock na! Bakit ngayon mo lang ako ginising?

Dali-dali akong bumangon ng kama at kumuha ng tuwalya tsaka dumiretso sa banyo at sinarado ito. Narinig ko pang sumigaw si Ritz sa labas ng pinto habang tumatawa.

Ritz: Hay naku sleeping beauty! Dalian mo na maligo at kanina pa nakabihis si Aira!

Patay tayo dyan, ayaw pa naman ni Aira sa lahat ay yung nale-late sa pagsho-shopping!

Aira: Ang what are you doing here?

Halos nabingi kami ni Ritz sa lakas ng sigaw ni Aira. Kasalukuyan kaming nasa mall, after kong makapagbihis at masermunan ni Aira dahil sa pagiging late ko magising ay agad kaming tumuloy sa mall. Actually kanina pa kami dito, 2 o’clock na nga eh. Dalawang oras na kaming namimili ng mga damit at nagbibitbit ng mga paper bag. At hindi lang iisa o dadalawa, tig-sasampu kami ng dalang paper bags.

Aira: Diba sabi ko sa inyo walang magsasabi sa kanila na magmo-mall tayo ngayon?

Napaatras ako dahil sa lakas ng bulyaw ni Aira sa amin.

Brian: Wala namang nagsabi sa amin ha! At isa pa, pag-aari mo ba ‘tong mall na ‘to?

Natatawa na ako dahil namumula na sa galit si Aira. Ayaw na ayaw niya kasi na nakakasama sa pagsho-shopping ang mga lalaking ito lalo na si Brian. Makulit kasi ito at maingay. Kaya ayan, inaaway niya na naman. Pero sa totoo lang mas gusto ko sila kasama para hindi kami ni Ritz ang nagbibitbit ng mga paper bags ni Aira. Yup, halos lahat ng paper bags ay sa kanya, tig-dalawa o tatlo lang kami ni Ritz madalas. At kay Aira, well, lagpas sa bente.

Renzo: Here we go again.

Aira: Alam mo Brian, nakakainis ka talaga!

Brian: Nakakainis ka din, Aira Spoiled brat!

Aira: Aba, at sinong tinatawag mo na spoiled brat?

Brian: Ikaw! Sino pa ba?

Natatawa nalang kami sa tuwing nag-aaway ang dalawa. Hobby na kasi nila iyon eh, kahit gaano pa karami ang tao sa paligid ay di ito nahihiya.

Jhake: Darlz, akin na yang mga paper bag na dala mo, I’ll carry it for you.

Ngumiti ako kay Jhake at binigay sa kanya ang pitong paperbags na pawang mga damit ni Aira ang laman.

Renzo: You mean, lahat yan kay Aira?

Ritz: Yup, pati ito.

Ian: Wow, my sister really shops like crazy.

Ritz: Sabi mo pa.

Ian: Let me help you with that, Ritz.

Kinuha ni Ian ang mga paperbag na dala ni Ritz samantalang inabot din ni Renzo ang natitirang paper bags na hawak ko at sinilip ang laman nito.

Renzo: I guess sa’yo na ‘to Darlz, hindi pink eh.

Natawa kaming lahat dahil sa sinabi ni Renzo. Hindi kasi halos nagsusuot si Aira ng damit na di color pink, except black and white.

Jhake: Don’t tell me you’re not through shopping yet?

Darlene: Ewan ko lang kay Aira, basta kami ni Ritz, kanina pa tapos.

Ian: I think she’s not yet through.

Tumingin kaming lahat kay Aira na kasalukuyang nakikipagbangayan pa din kay Brian.

Aira: Airhead!

Brian: Spoiled brat!

Aira: Hmmp! Che!

Inirapan ni Aira si Brian at tinalikuran. Nagmartsa siya paunta sa amin ni Ritz at tumaas ang kilay.

Aira: Ang where are all our paper bags?

Ngumiti lang kami pareho ni Ritz sa kanya habang inginunguso ang mga paper bags na hawak ng mga boys. Mas lalong namula ang mukha ni Aira at tumingin ng matalim sa amin ni ritz.

Aira: Don’t tell me pasasamahin niyo sila?

Pinipigil ko ang matawa dahil sa itsura ni Aira. Nakakatawa kasi siya pag nagta-tantrums.

Ritz: Come on, Ai. Ano ka ba? Ang bigat kaya ng paper bags. At tsaka tapos na naman tayong mag-shopping diba?

Aira: But Ritz, Darlene! This is our day! An all-girl bonding day!

Darlene: Can’t it be an all-barkada bonding day nalang?

Mas lalong sumimangot si Aira. Binuksan niya ang bibig niya para magsalita pero isinara niya rin ito agad. Lahat kami ay nagpipigil na ng tawa ng mga panahong iyon. Galit na pumunta si Aira sa harap ni Brian at itinapon ang lahat ng paper bags niya sa dibdib nito na agad namang nahawakan ni Brian.

Aira: Ayan bitbitin mo!

Pagkatapos noon ay nagmartsa nang paalis si Aira at nauna na sa paglalakad. Nagkatinginan kaming lahat at bumunghalit ng tawa.

Brian: Iba rin talaga yun no? Laki ng topak kapag shopping ang pinag-usapan!

Ian: I’ll give any boy that will dare to be her boyfriend, my one year allowance.

Nagtawanan pa ulit kaming lahat dahil sa sinabing iyon ni Ian.

Aira: Hey! Dalian niyo nga!

Lumingon kaming lahat kay Aira na nakapameywang habang sumisigaw sa amin. Natawa nalang kaming lahat at sumunod sa kanya.

Brian: Why do I have to carry the heaviest load?

Jhake: Ganun talaga pare, mas maraming dala, mas gwapo.

Brian: What are you waiting for? Akin na nga yang mga dala niyo!

Nagtawana kami ulit lahat dahil sa sinabi ng mahangin kong pinsan.


Darlene: Bez, gutom na ‘ko.

Hinila ko pa ng parang bata ang manggas ng suot na polo shirt ni Renzo.

Renzo: Hay naku Darlene, lagi ka namang gutom eh!

Nagtawanan ang mga barkada ko dahil sa hirit ni Renzo.

Darlene: Eh paano naman po kasi ako di magugutom? Eh kanina pa tayo ikot ng ikot!

Ian: Hay naku, wala kang magagawa. The queen is still shopping.

Napabuntong-hininga nalang ako dahil totoo naman ang sinabi ni kuya Ian. Sa sobra atang inis ni Aira kay Brian ay ginawa nitong double-time ang pagsho-shopping niya. Lumapit naman agad ako kay Aira na pamartsa pa din ang paglalakad.

Darlene: Ai, can we eat first? Nagugutom na ang mga alaga ko.

Hinawakan ko pa ang tiyan ko for greater effect. Tinaasan lang ako ng kilay ni Aira.

Aira: Gutom? Ano ka ba naman Darlz! You’re beginning to gain weight already.

Ako naman ang tumaas ang kilay. The last time I checked sa salamin (and that’s only this morning) ay sexy pa naman ako.

Darlene: Ai, naman. Please?

Binigay ko pa sa kanya ang puppy eyes look ko. Pero wa epek. Naglakad lang si Aira. Bigo ako.

Darlene: Aira! Gutom na ko! Kain na muna tayo! Please naman oh!

Narinig kong tumawa si Brian sa likod ko. Pagdaan niya sa gilid ko ay ginulo niya ang buhok ko.

Brian: Kawawa naman ang bata, di pinansin.

Renzo: Oo nga, inisnab?!

Nagtawanan pa ang dalawa ng nakakaloko nilang tawa. Naiinis na ako sa dalawang ‘to, trip ata ako.

Jhake: I’m also hungry. I haven’t eaten anything yet since breakfast.

Nakita kong biglang tumigil sa paglalakad si Aira. Lumingon siya sa amin at bumuntong hininga.

Aira: Okay, okay. Stop making me feel bad already. Let’s eat.

Parang natuwa ang mga alaga ko sa tyan, mas lalo pa itong nagwala. Naramdaman kong umapdi ang tyan ko. Natawa nalang ako.

Darlene: Sa wakas.

Ian: Yeah at last, I could hear Darlene’s growling stomach already.

Nagtawanan silang lahat dahil sa sinabi ni kuya Ian.

Darlene: Kuya Ian naman! Akala ko ba kakampi kita?

Mas lalo lang silang natawa dahil sa sinabi ko.

Ritz: Hay naku, kain na nga tayo. Baka marinig pa ng mga nagmo-mall dito yung tyan mo, matakot pa sila.

Aira: So, where do you want to eat?

Boys at Darlz: Foodcourt!

Nagkatinginan kaming mga sumagot at nagtawanan. Samantalang si Aira naman ay nagsalubong ang mga kilay.

Aira: Can’t we eat in some decent place for a change?

Brian: Decent place, decent place ka dyan? Masaya naman kumain sa foodcourt ha? Mura na, masarap pa! Tsaka pagkaing bahay talaga yun, di tulad ng fastfood, nakakasawa!

Aira: If I know, gusto mo lang salungatin ako eh.

Natawa lang si Brian dahil sa komento ni Aira.

Brian: Isa na rin yun.

Aira: Urghh! I hate this place!

Natawa nalang kaming lahat dahil sa attitude ni Aira. Ayaw niya kasi talaga na kumakain sa foodcourt, madami kasing tao. Naiinis siya kasi kinikindatan siya ng mga lalaking mukhang adik.

Ritz: Bakit di mo binigay ang number mo, Ai?

Aira: Utang na loob Ritz, shut up.

Halatang naiinis na talaga si Aira. Ayaw niya kasi ng may mga taong nanghihingi nalang basta-basta ng number niya, lalo n kung mukhang nangangagat.

Darlene: Bakit ba kasi ang tagal nila Brian?

Aira: Well, speaking of the Devil!

Lumingon ako sa likod ko at nakita ko doon si Brian na may dala-dalang isang tray.

Jhake: Where’s Renzo?

Brian: Ayun nandun, bumili ulit ng drinks.

Ian: Why? What happened?

Brian: Nabangga niya kasi yung isang sisiga-sigang lalaki. Natapunan ng drinks yung jacket. Ayun nagalit, muntik na gang upakan si Renzo eh. Buti nalang pinigilan nung isang babaeng kasama.

Para namang kinabahan ako dahil sa sinabi ni Brian. Si Renzo? Anong nagyari kay Renzo?

Ritz: Hala, anong nagyari?

Brian: Ayun, ayos na naman. Pinigilan nga nung magandang babae yung siga. Ang yabang nung lalaki. Ang sarap sapakin!

Aira: Eh bakit di mo sinapak?

Brian: Eh nakakatakot eh, mukhang basagulero. Baka masira pa ang gwapo kong mukha.

Natawa nalang kami dahil sa sinabi ni Brian. Maya-maya pa ay natanaw na namin si renzo.

Jhake: Hey bro, what happened?

Tumawa lang si renzo.

Renzo: Ayun, muntik nang mapaaway. Buti nalang mabait yung magandang babae.

Lumingon agad ako kay Renzo, at kailangan may mganda?

Ritz: Talagang mgandang babae ha?

Renzo: Oo, ang ganda talaga. Sayang di ko nakuha ang number. Ang yabang kasi nung kasama eh. Bad trip.

Para naman akong nag-iinit na sa sobrang galit. So, maganda pala ha? Nakakainis!

Brian: Hey insan, tahimik ka ata dyan?

Darlene: Gutom na ko, kain na tayo.

Jhake: Yeah I’m hungry too. The food looks delicious.

Ian: Yeah, sinigang, my favorite.

Renzo: Ano ka? Mas masarap ‘tong papaitan oh. Favorite ni Best friend.

Nilagyan ni Renzo ng ulam at kanin ang plato ko. Napangiti nalang ako dahil sa ginawa niya. Hayaan mo na nga yung babaeng yun, di na naman makikita ni renzo yun eh! Bakit ba ako nagseselos?

Chapter 4: First Day

Renzo: Ang tagal naman!

Darlene: Oo na po, eto na nga diba? Binibilisan na!

Narinig kong tumawa si Renzo sa labas ng kwarto ko. Sira ulo talaga ‘tong kaibigan kong ‘to. Hay naku first day namin sa college. Buti nalang at sinundo ako ng best friend ko. Pareho kasi kaming 8 o’clock pa ang first class.

Renzo: Hay naku Darlene! Anong oras na!

Lumabas ako ng kwarto ko at binelatan si Renzo.

Darlene: Renzo Coronado, pasado alas-syete pa lang po ng umaga! Alas otso ang klase.

Renzo: Darlene Mae Navarro, first day mo po sa college ngayon! Di ka man lang ba excited?

Darlene: Excited? At bakit naman ako magiging excited?

Renzo: Sumasakit ang ulo ko sayo!

Natawa nalang ako sa best friend ko. Hinila ko na siya papunta sa kotse niya.

Darlene: Halika na nga!

Jhake: Hey! Bakit ang tagal ninyo?

Renzo: Hay naku, wag ako ang sisihin mo!

Nag-make face ako dahil sa pagpaparinig ng dalawang ewan na ‘to. Nasa school na kami, pagkababa na pagkababa namin ay sinalubong agad kami ni Jhake. Pareho kami ng course ni Jhake. Civil engineering, samantalang si Renzo naman ay kumukuha ng Hotel and Restaurant Mangement. May pagmamay-ari kasing restaurant ang daddy niya at balang araw, siya ang magmamana.

Jhake: So, let’s go? We’re gonna be late if we don’t hurry.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng shoulder bag ko. 7:48 na. Naku, mukhang male-late nga kami. Sa kabilang building pa ang room namin eh.

Renzo: Umalis na nga kayo at baka ma-late kayo. Buti nalang at alas otso y media pa ang klase ko.

Tumawa pa si Renzo ng parang nangiingit.

Darlene: Oo nga, lika na Jhake.

Jhake: Sige pre, see you later.

Renzo: Bye! Ingatan mo yang best friend ko ha?

Jhake: Sure, of course.

Nagsimula na kaming lumakad ni Jhake papunta sa room namin.

Jhake: Faster, Darlene. We’re gonna be late.

Mas binilisan ko pa ang lakad. Halos nakakaladkad na kasi ako ni Jhake. Hawak niya kasi ang braso ko habang naglalakad kami. Hay naku, di ko makita ang sense kung bakit kailangan naming magmadali samantalang nasa likod lang naman namin ang professor namin.

Jhake: We’re here.

Natawa nalang ako ng makaupo na kami ni Jhake sa mga bakanteng upuan sa may sulok ng room. Habang nagmamadali kasi kami ay nakita ko ang pangalan ng matabang babaeng nasa likuran namin. Siya yung professor namin sa klaseng pinagmamadalian naming puntahan.

Ms. Gulinao: Good morning freshmen. I am Ms. Arianna Gulinao. I will be your Algebra professor for this school year. I suppose all of you are new student here, right? So, let us have some proper introduction. One by one, you’ll go here in front to say your name, something interesting about yourself, your age, your course and why you chose it.

Wow first year college na talaga ako. Ang galing! Unang tinawag para pumunta sa harap ay isang babae na maganda at sexy pero mukhang mataray.

Trish: Hey everyone. I’m Trish Saavedra.

Ms. Gulinao: Saavedra? Are you related to Liana Saavedra?

Trish: Yes, she’s my older sister.

Ms. Gulinao: Interesting. Siya ang may pinakamataas na grades among hundreds of pupils who enrolled this year.

Nakita kong parang sumama ang mood ng mataray na babae.

Trish: Yeah, she’s the valedictorian of her batch.

Ms. Gulinao: Yeah, she has the greatest potential among all the freshmen students. I expect that you are very much like your sister.

Mas lalo atang nawala sa mood ang babae.

Trish: Can I now proceed to introducing myself, Ms. Gulinao?

Ms. Gulinao: Oh, of course.

Trish: Well, as I said earlier, I am Trish Saavedra. I love fashion and shopping. I took business management beacuse my father wants me to. I’m sixteen years young. And I don’t like losers.

Tumigil sa pagsasalita ang babae.

Ms. Gulinao: Is that all?

Trsih: Yup.

Ms. Gulinao: You may now take your seat.

Nagsisimula na akong mainis. Hay naku, sana naman kapag nag-ayos ng seating arrangement, wag ko makatabi ang mga maaarteng yun. Sana si Jhake nalang ang katabi ko. Hay naku, sana pareho nalang kami ng course nila Aira at Ritz. Fashion designing kasi ang kinuha ni Aira samantalang tourism naman ang kay Ritz.

Paulo: Paulo Santos, mahilig sa sports. MVP. Kung gusto niyong maka-graduate ng college ng buhay at buo, pwes wag kayong haharang-harang sa mga dinadaanan ko at huwag na huwag niyo kong kakalabanin.

Nakakatakot naman ang isang yun. Sisiguraduhin ko na hindi ako haharang sa dinadaanan nya. Natapos pa ang maraming pagpapakilala at di ko namalayan na ako na si Jhake na pala ang susunod.

Jhake: Hello! I’m Jhake Royce. Mahilig akong mag-basketball at kumanta. I’m seveteen years old. I took up civil engineering dahil sa impluwensya ng pinakamahalagang tao sa buhay ko.

Ang daddy niya. Civil engineering ang course ng daddy ni Jhake. Idol na idol niya ang daddy niya, close na close talaga sila. Ang cute nga nila tignan kasi para silang pinagbiyak na bunga eh.

Jhake: You’re next.

Nagulat ako ng tapikin ni Jhake ang braso ko. Ako na pala ang susunod. Lumakad agad ako papuntang harapan.

Darlene: Hey, ako nga pala si Darlene Mae Navarro. I’m sixteen years old. Mahilig akong sumayaw at kumanta. Mahilig din ako sa sports. I took up civil engineering kasi pangarap ko na balang araw, ako ang magde-design at magtatayo ng bahay ng pamilya’t mga kaibigan ko.

Pagkatapos kong magsalita ay ngumiti ako ng pagkatamis-tamis. Nakita kong umismid si Trish at tumaas ang kilay samantalang ngumisi naman yung Paulo. Natatakot na talaga ako sa klaseng ‘to. Ng makabalik na ako sa upuan ko ay sinalubong ako ng ngiti ni Jhake.

Darlene: Aira!

Lumingon agad si Aira sa kinaroroonan ko at ngumiti. Lumapit siya agad sa table kung saan ako nakaupo.

Aira: Hay naku, kanina ko pa kayo hinahanap!

Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ng school. Daddy ni Aira ang may-ari ng school na ito kaya naman kabisado na niya ang lugar.

Aira: Nasaan si Renzo?

Sinimangutan ko si Aira. Umupo siya sa upuan sa harapan ko.

Aira: Anong problema mo?

Jhake: Paano, iniisnab ng best friend niya.

Aira: Iniisnab?

Jhake: Ayun oh, nanliligaw ata. Binati namin kanina, tumango lang,

Tinuro ni Jhake ang mesa kung saan nakaupo si Renzo kasama ang isang mgandang babae na mukhang spistikada. Pag-usapan daw ba sa harapan ko? Naiinis lalo tuloy ako. Sino ba yang babaeng yan at kailangan kasama niya talaga? At tsaka, ano bang lamang niyan sakin? Porke ba maikli ang suot niyang palda?

Darlene: Kakainis!

Nasuntok ko pa ang lamesa namin na nakakuha ng pansin ng marming tao sa paligid namin.

Aira: Hey Darlz, ano bang problema mo?

Para naman akong napahiya. Npalakas pala ang sabi ko nung iniisip ko. Nakakainis naman asi talaga eh!

Darlene: Wala, wala. May naalala lang ako.

Aira: Siguro nagseselos ka kay Renzo no?

Pakiramdam ko namula ako dahil sa sinabi ni Aira.

Darlene: Bakit naman ako magseselos? Boy friend ko ba siya? Best friend ko lang naman yan eh.

Renzo: Hey, what’s up?

Nagulat ako ng makita ko si Renzo sa harap ng table namin. Nakalapit na pala siya, di ko man lang namalayan, nakakinis talaga! Tumayo agad ako ng makaupo siya.

Darlene: Punta muna ako sa vending machine, nauuhaw kasi ako eh.

Renzo: Gusto mo samahan kita?

Darlene: Wag na, no need!

Pagkasabi ko noon ay nagmamadali akong lumabas ng cafeteria para makahinga naman ako ng maluwag.

Darlene: Buwisit!

Sinipa ko ang buwisit na vending machine pero di pa din lumalabas ang coke in can ko. Pati ba naman vending machine sumasabay sa mga problema ko!

Paulo: Tapos mo na ba gamitin yang..

Darlene: Nakita mong hindi pa eh!

Nagulat ako ng lingunin ko ang taong sinigawan ko. Bigla na lang akong kinabahan. Patay. Siya yung lalaki kanina sa klase ko sa Algebra ha. Nakakatakot pa naman ‘to. Lumapit sa akin ang lalaki na mukhang galit, natatakot na talaga ako. Sisigaw na sana ako ng tulong ng bigla nalang niyang sipain ang vending machine sa likod ko.

Paulo: Ayan na yung softdrinks mo, nahulog na.

Tinignan ko ang vending machine, nahulog na nga ang coke in can ko. Lumapit ang lalaki at kinuha ang softdrinks ko mula sa vending machine at iniabot sa akin.

Paulo: Nakita na ba kita dati?

Kinuha ko ang softdrinks mula sa kamay niya pero natatakot pa din ako kaya di ako sumasagot. Tatakbo kaya ako o sisigaw nalang?

Paulo: Ah, I remember. Kaklase ata kita sa Algebra. You’re the cute girl.

Napatingala ako dahil sa sinabi niya. Nakita kong nakangiti siya sa akin. Parang nawala naman ang kaba ko dahil sa ngiti niya.

Paulo: Pipi ka ba? Bakit di ka nagsasalita? Imposible naman, kasi nasigawan mo pa ako kanina.

Tumawa pa siya ng konti dahil sa joke niya.

Paulo: Ako nga pala si Paulo.

Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko. Hindi ko alam kung aabutin ko ba ang kamay niya o tatakbo. Nagulat ako ng bigla nalang siyang tumawa. Nilipat ko ang tingin ko mula sa kamay niya papunta sa mukha niya. Aba, gwapo din pala ang loko kapag tumawa.

Paulo: Ah, baka natatakot ka sa akin dahil sa introduction ko kanina sa sarili ko? Don’t worry I don’t harm cute girls like you.

Kinuha ni Paulo ang kanan kong kamay gamit ang kaliwa niyang kamay at idinikit ito sa kanan niyang kamay para makipag-hand shake.

Paulo: Wag ka ng matakot sakin, nakaka-offend ka naman eh. Mukha ba ‘kong goons?

Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.

Paulo: Yun oh, ngumiti ka rin. Ang ganda mo pala lalo kapag nakangiti eh.

Mas lalo akong napangiti dahil sa sinabi niya. Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

Darlene: Darlene.

Paulo: Darlene. Cute name, bagay sayo.

Napangiti ulit ako dahil sa sinabi niya.

Paulo: So, pwede na ba kitang maging friend ngayong di ka na takot sakin?

Natawa ako dahil sa sinabi niya.

Darlene: Oo naman, akala ko kasi kanina sanggano ka eh.

Siya naman ang natawa dahil sa sinabi ko.

Paulo: You’re funny. I like you.

Darlene: Grabe naman, sinabihan ka ng mukhang sanggano, natuwa ka pa?

Natawa ulit siya dahil sa sinabi ko.

Paulo: Sa lahat ng babaeng nakilala ko, ikaw lang ang ganyan.

Darlene: Anong ganito?

Paulo: Kakaiba..cool..astig.

Natawa ako dahil sa sinabi niya.

Darlene: Thank you ha.

Paulo: Huh?

Darlene: Wala, naiinis kasi ako kanina eh. But now i feel better, salamat sayo.

Paulo: Feel better? Eh nakatakot ka nga sakin.

Darlene: Kanina lang yun.

Paulo: So, friends?

Inilahad niya ulit ang kamay niya sa harap ko at ngumiti sa akin. Nginitian ko din siya at inabot ang kamay niya.

Darlene: Friends.

No comments:

Post a Comment