Chapter 36: Pressure
Napabuntong-hininga na lang ako habang tinitignan ko ang dalawang kwintas na binigay sa akin ng dalawang mahahalagang tao sa buhay ko.
Dhemi: At bakit naman seryoso ang kapatid ko?
Nagulat ako ng marinig ko ang boses ng kapatid ko. Madalas nang pumapasok ng di ko napapnsin ang ate ko sa kwarto ko ha.
Dhemi: Ano yan?
Lumapit si ate Dhemi at tinignan ang mga kwintas na hawak ko.
Dhemi: Wow, ang ganda naman pareho.
Devon: Ate Dhemi.
Hindi ko alam kung ano ang gusto kong sabihin sa ate ko kung bakit ko tinawag ang pangalan niya. Pero pakiramdam ko, nabasa niya ang di kayang sabihin ng bibig ko, pero sinisigaw ng puso ko.
Dhemi: Alam mo Devon, maswerte ka. Nakahanap ka ng dalawang taong magmamahal sayo ng totoo, pero alam mo naman na hindi pwedeng pareho mo silang mahalin diba?
Tumango lang ako kay ate.
Dhemi: Alam mo, ang pagmamahal, di yan palaging puro masaya lang. Di nasusukat ang pagmamahal sa kung gaano ka napapasaya ng isang tao, kasi may mga oras na masasaktan at masasaktan ka. Hindi perpekto ang pagmamahal Devon. Hindi yan katulad ng napapanood mo sa TV na happy ending. Hindi yan kasing kulay at kasing saya katulad ng sa mga istorya ng ginaganapan niyong mga artista.
Nakatitig lang ako sa mga mata ni ate Dhemi. Hindi ko alam kung saan nakukuha ng ate ko ang mga pinagsasabi niya, pero ang totoo nyan, sa mga panahong ‘to ay yun talaga ang kailangan ko.
Dhemi: Piliin mo yung taong alam mo na kahit anong mangyari, gugustuhin mong maksama. Na kahit masaktan ka, handa mo pa ring patawarin. Na kahit hindi perpekto, buong-buo mo paring mamahalin.
Ngumiti ako kay ate.
Devon: Alam mo ate, na-inlove ka lang, naging makata ka na.
Natawa ang ate ko at ginulo ang buhok ko.
Dhemi: Hay naku, ikaw nga dyan eh.
Natawa nalang ako dahil sa sinabi ng ate ko. Tinignan ko ulit ang dalawang kwintas.
Chapter 37: BFF Talk
Fretzie: OMG Devz! Alam mo na ba?
Natatawa ako dahil sa sobrang energy na inilalabas ni Fretzie. Nasaan na yung mahiyain kong kaibigan?
Devon: Ang alin?
Fretzie: OMG! Di mo pa alam?
Umupo si Fretzie sa tabi ko at lumapit sa akin.
Fretzie: Okay, sasabihin ko sayo. Pero, wag ka maingay na sinabi ko sayo ha?
Natawa pa ulit ako dahil bigla naman siyang bumubulong ngayon. Mukhang alam ko na ang sasabihin ni Fretzie sa akin. She already knows.
Devon: Sige, sige.
Fretzie: Una muna yung akin ha.
Tumawa si fretzie ng mahina.
Fretzie: Kasi, ako ang gaganap na Gaeul sa Philippine verson ng Boys over Flowers!
Sabi na nga ba eh. Alam na niya. Masayang-masaya siya. At masayang-masaya din ako para sa kanya.
Fretzie: Nakakainis ka! Parang di ka naman nagulat eh! Alam mo na noh?
Ako naman ang natawa dahil sa sinabi niya.
Devon: Oo, sinabi na sa akin ni ate Tatch. Nung nag-away kami ni james.
Fretzie: Ahh, and why on earth did you not tell me?
Natawa ako dahil sa sinabi ni Fretzie.
Devon: Di daw kasi pwedeng sabihin kahit kanino eh.
Fretzie: Eh sa akin din naman sinabi nila iyon ha? Pero sinabi ko pa rin sayo!
Devon: Naku naman, nagtampo pa ang best friend ko. Eh, alam mo namang obedient ako, diba?
Fretzie: And ako, hindi? Ganun?
Devon: Parang ganun na nga.
Nagkatawanan kaming dalawa ni Fretzie. Maya-maya pa ay nagkatinginan kami at namayani ang nakabibinging katahimikan.
Fretzie: Yun na naman ba ang iniisip mo?
Hindi ko alam kung bakit, pero noong mga panahon na iyon ay gusto kong umiyak. Naiiyak ako kasi sa mahabang panahon, parang ngayon ko nalang ulit nakausap ng ganito ang best friend ko. Sa dami nang nangyayari pakiramdam ko, parang ang layo na namin sa isa’t isa. Parang ang layo ko na sa kanya. Masaya ako, kasi hindi pala. Masaya ako kasi kahit pa ano ang nangyayari, alam ko na sa dulo, may uuwian akong best friend na handang dumamay sa akin.
Fretzie: Alam mo bez, hangga’t pinapatagal mo yan, mas lalo ka lang mahihirapan. Dapat hangga’t maaga pa, mamili ka na sa kanilang dalawa. Kilala kita, alam kong gusto mo silang dalawa. Pero alam mo naman na di pwede yun diba?
Devon: Alam mo bez, para kang si ate. Dahil ba in love ka din? Kaya nagiging makata ka na?
Natawa si fretzie dahil sa joke ko.
Fretzie: Ewan ko sayo! Ikaw naman, na in love ka lang, naging corny ka na!
Devon: Anong corny? Eh bakit natawa ka?
Mas lalo pang natawa si fretzie dahil sa sinabi ko.
Devon: Vanzie yun, pano ba yan?
Fretzie: Nandun din naman siya eh, kaya ayos lang.
Devon: Kahit di siya ang partner mo?
Fretzie: Wala naman yan sa kung ano yung nasa hara ng camera eh. Nasa BTS yan.
Muli kaming nagkatawanan ni Fretzie dahil sa sinabi niya.
Devon: Sana ganun lang rin kadali yung sa akin noh? Sana wala na lang akong masasaktan.
Hinawakan ni fretzie ang kamay ko.
Fretzie: Alam mo bez, mamili ka man ngayon o bukas o sa susunod na buwan o kahit sa susunod pa na dekada, hindi mawawala yung katotohanan na meron at merong masasaktan. Ang pinagkaiba lang, mas matagal, mas masakit. At isa pang katotohanan, magdesisyon ka man o hindi, meron pa ring masasaktan.
Tinignan ko lang si Fretzie habang sinasabi niya ang mga bagay na ito.
Fretzie: Kapag pinatagal mo pa yan, mas lalalim lang yung nararamdaman nila para sayo. Mas lalalim ang kanilang hidwaan. Masasaktan lang kayong tatlo, lahat kayo matatalo. Kaya kung ako sayo, habang maaga pa, magdesisyon ka na.
Devon: Ewan ko Fretz, di ko alam kung anong gagawin ko, di ko alam kung sinong pipiliin ko.
Ngumiti sa akin si fretzie, iniangat niya ang kamay ko na hawak-hawak pa din niya, at inilapit ito sa puso ko.
Fretzie: Kung di mo alam kung anong dapat mong gawin, kung di mo alam kung sino ang dapat piliin, isa lang ang dapat mong pakinggan.
Tumingin sa akin ng makahulugan si Fretzie.
Fretzie: Ang puso mo.
Tinignan ko ang kamay ko na nasa malapit sa puso ko. Pumikit ako at pinakinggan kung ano ang sinasabi nito. Pilit kong pinakinggan kung sino ang sinisigaw nito. Maya-maya pa ay narinig kong tumawa si Fretzie sa tabi ko. Agad kong idinilat ang mga mata ko.
Fretzie: At talagang fi-neel mo ha?
Nagkatawanan pa kaming magkaibigan dahil doon.
Devon: Kaw naman kasi eh. Weird influence ka eh.
Fretzie: Devz, I think it would be best if you would make your decision at the announcement next week.
Devon: Announcement?
Fretzie: Don’t tell me you don’t know about the announcement. Niloloko mo na ako niya eh!
Devon: No, I’m serious. Di ko talaga alam yun.
Fretzie: Well, little girl, next week na po nila ia-announce ang official casting ng BOF Philippines versiom. And they’re gonna be holding a party for the announcement.
Party? Announcement? Well, mukha ngang yun na ang tamang panahon. Napangiti ako.
Fretzie: So, I’ll just wait until the party. Mukhang marami-raming announcement ang mangyayari ha?
Devon: Yeah, mukha nga.
No comments:
Post a Comment