Thursday, March 31, 2011

Chapter 9-10 Teardrops on My Gutar

Chapter 9: Serious Talk

Brian: Wow, so how’s the students?

Nagulat kami ng bigla nalang pumasok si Brian sa sala ng boarding house.

Darlene: Oh, akala ko ba may shoot ka sa Boracay?

Brian: It was moved next week.

Aira: Hay naku, maghihintay na naman ako isa pang linggo just to have peace.

Brian: Naku, kunwari ka pa. If I know, kilig na kilig ka at nandito ako.

Aira: Eeeww! Brian, kilabutan ka naman!

Nagkatawanan kaming lahat dahil sa hiritan ng dalawa. Tinignan ko si kuya Ian na masayang tumatawa. Mas mabuti na siguro kung di ko na muna sasabihin sa kanya.

Renzo: Hey there, you want some sandwich?

Naramdaman kong inakbayan ako ni Renzo. Iniabot niya sa ain ang isang sandwich na may palamang ham and cheese. Tinignan ko siya, masaya siya masyado ngayong araw na ito. Di ko tuloy mapigilang isipin na may gusto nga siya kay Liana. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pag nangyari yun. Ano na lang ang magiging epekto nun kay kuya Ian? At tsaka isa pa, ano na lang ang magiging epekto nun sakin? Kung ma-in love siya sa iba?

Renzo: Parang ang lalim ng iniisip mo ha. Ano, gusto mo ba nitong sandwich o hindi?

Pinilit kong ngumiti kay Renzo. Kinuha kong ang sandwich na inaalok niya at agad itong kinagatan.

Darlene: Basta pagkain, wala akong inuurungan.

Natawa si renzo dahil dun. Kinuha niya ang gitara sa may tabi ko.

Renzo: Ginagamit mo ba’to? Baka naman dini-display mo lang?

Darlene: Ginagamit ko naman, kaso medyo madalang.

Tinitigan ko si Renzo. Sana wag ka munang ma-in love sa iba. Sana wag ka munang mawawala.

Renzo: Titig na titig ka sakin ha? Siguro, nai-in love ka na sa best friend mo noh?

Ngumiti ako dahil sa sinabi niya. Gusto ko sabihing oo. Gusto ko sabihin na hindi na ako mai-in love sa kanya kasi in love na ako sa kanya dati pa. Gusto ko sabihin na mahal ko siya, gusto ko itanong kung pwedeng kami na lang ba. Gusto ko sabihin sa kanya na nandito naman ako kaya wag na siya tumingin sa iba. Pero, best friend niya lang ako. Best friend niya lang ako, kaya wala akong karapatang sabihin ang lahat ng iyon sa kanya. Kasi kapag narinig niya ang mga iyon, baka pati pagiging mag-best friend namin, mawala pa.

Darlene: Alam mo, tigilan mo ang pagdikit-dikit mo kay Brian ha. Parang umaakyat na din sa ulo mo lahat ng hangin na nalalanghap mo araw-araw ha.

Renzo: Sus, ang sabihin mo, nagwa-gwapuhan ka sakin!

Darlene: Kung gwapo lang naman, si kuya Ian nalang o kaya si Jhake noh!

Renzo: Macho naman ako!

Pinakita pa kunwari ni Renzo ang muscles niya sa akin. Tawa ako ng tawa tuloy lalo.

Darlene: Macho? Mukha ka ngang stick eh. Anong macho dyan?

Renzo: Anong stick? May muscles yan oh!

Natawa nalang ao dahil sa sinabi ni Renzo. Sira ulo talaga ‘tong kaibigan ko. Siguro nga dapat lumayo na siya kay Brian, nahahawa na talaga siya eh.

Darlene: Ewan ko sayo!

Brian: Tapos ayun, akalain mo ba namang magpapa-autograph lang pala.

Nagtawanan ang kami dahil sa kwento ni Brian. Actually di ko masyado narinig ang kwento niya dahil lumilipad ang utak ko kay Liana.

Renzo: Ang yabang mo! Gawa-gawa mo na naman yang kwentong yan eh!

Brian: Ako? Mag-iimbento ng kwento? Sus, talagang agkakandarapa lang talaga ang mga babae sa kagwapuhan ko!

Aira: Pwe! Kadiri!

Mas lalo tuloy kaming nagtawanan.

Renzo: Well, nga pala Ian. Ikaw ha, di mo sa amin kinukwento may nililigawan ka pala.

Napatingin ako kay kuya Ian na halatang nabigla sa sinabi ni Renzo. Hindi agad siya nakapagsalita.

Renzo: A-ano nga palang pangalan nun? Nasabi sakin ni Liana yun eh.

Kuya Ian flinched when he heard the name Liana.

Renzo: Ah, Trish! Trish Saavedra. Ikaw ha, nagsisikreto ka na sa amin.

Gulat akong napalingon kay renzo. Trish? Trish Saavedra?

Jhake: Hey, Trish Saavedra? She’s our classmate. The girl with the goon best friend.

Kung di lang talaga ako naguguluhan sa mga pangyayari ay baka natawa pa ako sa ginamit na term ni Jhake para tukuyin si Paulo.

Renzo: Wow! Di nga? Maganda ba ‘tol?

Brian: Sexy ba? May taste ba si Ian?

Sunos-sunod na paglunok ang ginawa ni kuya Ian. I know na nabigla din siya. At mas mabibigla pa siya pag nalaman niya na interesado si renzo sa babaeng nanloko sa kanya.

Darlene: Are you alright?

Hindi lumingon si kuya Ian, nanatili lang siyang nakatanaw sa kawalan while leaning on the veranda. Tumabi ako sa kanya at ginaya ang pwesto niya. Tumingin lang siya sa akin tsaka ngumiti.

Ian: Hey.

Darlene: Hey ka dyan. Sabi ko, okay ka lang ba?

Ian: Yeah, I am always okay.

Natapos ang kantyawan kanina kay kuya Ian dahil sa pagyayabang ni Brian. Kahit minsan, nakakatulong din ang lokong ‘yon.

Darlene: Why? Why Trish? Of all people? Bakit siya?

Hanggang ngayon ay di pa din ako makapaniwala. Bakit si Trish pa ang niligawan niya? Kapatid ni Liana. At isa pa, she’s not the ideal girl. Brat na selfish pa.

Ian: Kasi ayaw ko siyang masaktan.

Darlene: Huh?

Ian: Una kong nakilala si Trish. Una kaming naging close, naging friends.

Sumandal si kuya Ian sa veranda habang nagkukwento. Mukhang mahaba ang kwentong ito.

Ian: Sabi nila, mukha daw may crush sa akin si Trish. Dikit daw kasi ng dikit. But I didn’t see her like that. She is the sweet girl na laging nandyan whenever you need her. Pero nung tumagal, I figured out na meron nga siyang gusto sa akin. She told me she like me. And dahil sa mabait naman siya, I tried to get to know her better. We are getting along well until I met liana.

Ngumiti si kuya Ian. Isang mapait na ngiti, pero makikita mo sa mga mata niya ang kislap sa pagbanggit niya ng pangalan ni Liana.

Ian: I loved her the first time I saw her. She is bubbly and madalas siyang tumatawa sa mga corny kong jokes. Totoong tao at mapagmahal ng sobra sa kapatid. Para sa akin that time, she is the best thing that happened to my life.

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

Ian: Well, she’s still the best thing that ever happened to me. But as you know, our break-up is the worst. At that time, I thought of ending my life. Liana wa evrything to me, but ginago niya ako. I wanted to jump off a cliff or maglaslas ng pulso. I don’t have anyone to talk to at that time. Wala kayo.

I remember that time. Madalas ngang wala si kuya Ian, paano naman kasi, di siya masyadong close sa grupo. Malayo ang loob niya sa amin. That was two years ago. Masyado din kasi kaming busy sa schoolworks and masya kaming busy sa sarili naming mga buhay. Kaya di namin napansin na kailangan na pala niya ang tulong namin.

Darlene: I’m sorry kuya Ian.

Ian: No, don’t be. You are my closest companion among the group. If there is someone in the group na naging pinaka-close ko, ikaw yun.

Darlene: But we were so numb, di namin napansin na kailangan mo ng tulong namin.

Ian: I understand you don’t have to be guilty. And you know what? That time, the only one who was there for me was Trish. Siya yung nandyan para sabihin sa akin na di pa katapusan ng mundo, na sasamahan niya ako. At di niya ako binigo Darlene, she was there for me all throughout, sinamahan niya ako hanggang sa nakaya ko na ulit huminga, hanggang sa nakaya ko na ulit mabuhay.

Di ako nakaimik sa mga binitiwang salita ni kuya Ian.

Ian: Trish is not the spoiled brat you think she is. If you’ll only give her a chance, then you’ll see everything that I see in her. Minsan, kung sino pa yung pinaka di mo inaasahan na makakasama mo sa oras ng kagipitan, siya yung laging nandyan. At kung sino yung inaasahan mo na dadamay sayo, siya pa yung mawawala.

I looked at kuya Ian. Noong una, naaawa ako sa kanya. Pero ngayon, hinahangaan ko siya. Kasi he managed to be as mature as he is right now. Sa aming lahat, siya ang may pinaka-mahirap na pinagdaanan sa buhay. Coping with his stepfather, living with Ann’s family, naging mahirap talaga ang buhay niya.

Darlene: Yeah, siguro nga, di lahat ng nakikita natin totoo.

Ian: Tama ka dyan, I always thought Liana was the perfect girl. Pero, wala pala talagang taong perpekto.

Naalala ko si Renzo. Si Renzo, ang best friend ko, ang taong mahal ko. Ngumiti ako kay kuya Ian. Ngumiti ako sa kanya ero sa loob-loob ko, gusto ko nang umiyak.

Darlene: Si Renzo. Renzo has a crush on Liana.

Gulat na napatingin sa akin si kuya Ian.

Ian: Si Renzo?

Tumawa siya.

Ian: Pareho pala kami ng taste.

Darlene: Kuya Ian..

Ian: If you are worried about your best friend getting hurt, then stop worrying. Malaki na si renzo, he can well take care of himself.

No, I’m not just worried about Renzo getting hurt. I am also worried about him falling in love with Liana. I’m afraid that he’ll fall in love with that girl instead of me.

Chapter 10: The Date

Natutuwa ako ngayon. Mag-isa ako sa boarding house at nilalaro ko ang gitara ko. Wala kasi akong pasok ngayon. At silang laha meron. Well, of course, except for Jhake. But he’s not around. So, ito ako ngayon at masayang tumutugtog.

Darlene: I’m your typical best friend!

Someone that you tell about your girlfriend.

best friend, who listens to your stories.

I’m the best friend.

‘Coz I’m the best friend who patiently sits and waits until you see..

Tinipa ko ang gitara at ngumiti.

Darlene: You were meant for me.

Napangiti ako dahil sa kanta. Yeah that’s right. I’ll patiently wait until you see.

Jhake: Hey Darlz, what are you doing?

Halos mapatalon ako sa gulat ng bigla na lang sumulpot si Jhake sa may pintuan ng boarding house. What the? Narinig ba niya yung kanta?

Jhake: Oh, bakit parang mukha kang nakakita ng multo?

Darlene: K-kanina ka pa dyan?

Jhake: I just arrived.

Napahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Jhake. Whoo, muntik na.

Jhake: So, what are you doing?

Darlene: Ah, eh, wala naman. Naggigitara. Nagtatampo na kasi si Renzo eh, di ko daw ginagamit.

Ngumiti ako sa kanya ng isang matamis na ngiti. Well, mas maganda din naman siguro ang nandito si Jhake, may kausap ako.

Jhake: I think Renzo wouldn’t be that mad if you won’t use it today.

Darlene: Huh?

Jhake: Kasi, yayayain sana kitang kumain sa labas.

Kumain sa labas. Pinigilan ko ang matawa.

Jhake: Well, kung papayag ka lang naman. Pero kung aya-

Darlene: Saan ba tayo pupunta? Anong isusuot ko?

Nakita kong gulat na tumingin sa akin si Jhake. Nakakatawa ang itsura niya. Bigla nalang siyang nguniti ng parang wala ng bukas.

Jhake: Uhm, k-kahit ano. You’ll look as equally beautiful kahit anong isuot mo.

Tuluyan na akong natawa at hinampas siya sa braso.

Darlene: Bolero!

Tumayo na ako at tinungo ang pintua ng kwarto ko.

Darlene: Just wait for me sandali, magbibihis lang ako.

Darlene: Dali na!

Jhake: Are you crazy? Just look at these.

Natawa ako dahil sa itsura ni Jhake. Niyaya ko kasi siya na kumain ng streetfoods. At dahil hindi siya sanay sa ganitong mga pagkain, ay nakikipag-away siya sa akin ngayon tungkol sa pagkain ng isaw.

Darlene: Ano ka ba? Masarap yan!

Jhake: Darlene, you could get many kind of diseases from that thing!

Natatawa akong kumagat sa isaw na hawak ko. Tinapat ko ang stick sa bibig niya.

Darlene: Sige na kasi, i-try mo muna! Please?

Tumingin ako sa kanya at binigyan siya ng aking puppy eyes. Bumuntong-hininga si Jhake.

Jhake: Okay, okay. But just one bite!

Tumawa ako at ngumiti sa kanya. Kumagat siya sa isaw at nakapikit na nginuya ang pagkain. Di ko mapigilan ang tumawa dahil sa itsura niya.

Jhake: M-masarap nga.

Darlene: I told you!

Kumuha ako ng isa pang stick at binigay sa kanya.

Darlene: Ito oh, kain ka pa!

Ngumiti siya sa akin at kinuha ang isaw.

Jhake: You always get it your way. Masyado kang ini-spoil ni Renzo at Ritz.

Darlene: Hindi nila ako ini-spoil noh, natural lang talaga na charming ako. At di nila ma-resist ang charm ko!

Nagkatawanan kaming dalawa dahil sa sinabi ko.

Darlene: Nawei-weridohan ka na sakin ano?

Tumawa lang si Jhake. Umupo din siya sa isa pang swing sa tabi ko.

Jhake: Nope, natutuwa nga ako eh. Ganito ka pala talaga kasaya kasama?

Darlene: Ewan ko sayo! Baka ang ibig mong sabihin, ganito ka-isip bata!

Nagkatawanan kaming dalawa dahil sa sinabi ko.

Jhake: Darlene, I want to tell you something.

Darlene: Huh? Ano yon?

Jhake: Okay lang ba sayo kung..

Yumuko si Jhake, para siyang kinakabahan. Ngumiti ako sa kanya.

Darlene: Kung ano?

Jhake: Kung.. kung ligawan kita?

Unti-unting nabura ang ngiti mula sa mga labi ko.

Darlene: A-anong sabi mo?

Tumingin si Jhake sa kawalan, iniwasan niyang tignan ang mga mata ko.

Jhake: Darlene, I liked you since the first day I saw you. And I even liked you more when I got to know you. In fact, I asked Renzo pa nga para ipakilala ako sayo, para maging close pa tayo lalo eh. I think.. I think I’m in love with you.

Tuluyan nang nawala ang lahat ng saya na nararamdaman ko noong mga panahon na iyon. The last thing I wanted in my life is for the best friend of the man I love to be in love with me. And it just happened. Nice, napakabait talaga ng kapalaran sa akin.

Renzo: Hey, saan ka nagpunta?

Nakangiti sa akin si Renzo. Kadadating lang namin ni Jhake. Nauna na ako sa kanya sa loob ng boarding house habang pina-park pa niya ang kotse niya sa labas.

Renzo: Hey Darlz, okay ka lang?

Tumingin ako sa kanya. Pinilit kong ngumiti. Paano ako magiging okay, Renzo? Paano? Your best friend is in love with me while I’m in love with you. And ikaw naman, parang in love sa ibang babae. Isang babae na manloloko na ex-girlfriend ni kuya Ian. Paano naman magiging okay yun? Gulong-gulo na ako!

Darlene: Yep, I’m okay. In fact, I’m great.

Tumingin lang sa akin si Renzo. Inaaral niya ako, kilala ko siya.

Renzo: What happened?

Bakas sa mukha ni Renzo ang pag-aalala. Hinawakan niya ako sa braso. Dumaloy ang bolta-boltaheng kuryente sa katawan ko. Parang gusto kong ngumiti, matuwa at umiyak ng sabay-sabay. Nababaliw na ata ako.

Darlene: W-wala. Pagod lang siguro ako.

Renzo: Saan ka ba galing? Yayayain sana kita lumabas for an ice cream eh.

As if on cue, bigla na lang pumasok sa pinto si Jhake.

Jhake: Pare, nandito ka pala?

Renzo: Oh Jhake, what are you doing here?

Jhake: Kasama ko si Darlene.

Tumingin sa akin si Renzo. Isang nagtatakang tingin ang pinukol niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya, tumingin ako kay Jhake.

Darlene: Jhake, thanks ha. I really had fun.

Jhake: Ano ka ba? Ako nga dapat mag-thank you sayo eh.

Ngumiti lang ako kay Jhake at kay Renzo naman ako humarap. Binigyan ko siya nang isang nag-aakusang tingin.

Darlene: Oh sige, akyat na muna ako. Renzo, ikaw na muna bahala kay Jhake ha. Mag-kwentuhan muna kayo. May pagkain dyan sa ref, initin niyo nalang. Pagdating nila Ritz, pakisabi nalang masama pakiramdam ko.

Tumalikod na ako at tinungo ang hagdan ng tawagin ako ni Jhake.

Jhake: Darlene.

Lumingon ako sa kanya.

Jhake: Think about it, please.

‘Ngiti lang ang isinagot ko sa kanya. Nakita kong tumingin sa akin si renzo ng makahulugan. Tumalikod ulit ako at tuluyan ng umakyat sa kwarto ko. Nang makarating ako doon ay agad kong sinarado ang pinto at ni-lock. Sumandal ako sa pinto at tuluyan nang umiyak.

Tuesday, March 29, 2011

Chapter 39-Epilogue Sana Dalawa ang Puso Ko

Chapter 39: Moment of Truth

Pinilit kong ngumiti pagpasok ko ng hall kung saan gaganapin ang launching ng bago naming show. Tinignan ko ang escort ko – si Sam. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay agaran siyang ngumiti ng abot hanggang tenga. Napangiti din ako, masaya ako na ksama ko siya ngayon. Napakasaya ko.

Fretzie: Devz!

Sabay kaming lumingon ni Sam sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si fretzie na nakatingin sa aming dalawa, manghang-mangha.

Sam: Hi Fretz.

Fretzie: Hi, you two are late. Where have you been?

Devon: Wala, medyo namasyal lang kami ng kaunti. Kami na lang ba ang wala?

Hinintay kong sumagot si fretzie pero hindi niya ginawa iyon. Nang tumingin ako sa kanya ay matama siyang nakatingin sa kwintas na suot-suot ko. Halos naka-nganga na si Fretzie, hindi ko mapigilan ang matawa.

Fretzie: Y-you are wearing the locket. I-I don’t understand.

Tumingin siya kay Sam na ngayon ay pinipigil na din ang kanyang pagtawa.

Fretzie: You are with Sam but..

Sam: Yeah, she is with me but..

Sam: You’re choosing him, aren’t you?

Apatigil ako s paglalakad dahil sa sinabi ni Sam. Nilingon ko siya. Blanko ang mukha niya. Walang emsyon, walang reaksyon. Maya-mata pa ay ngumiti di siya sa akin. Hinaplos niya ng kanyang kanang kamay ang kaliwa kong pisngi.

Sam: Don’t look too guilty. Wala kang kasalanan, I know, you tried hard to give me a chance.

Devon: Sam-

Pinutol ni Sam ang sasabihin ko.

Sam: No, don’t say sorry. ‘Cause I’m not sorry. Kahit pa siya ang pinipili mo, masaya pa din ako. Kasi kahit alam naman natin pareho na kahit noong una pa lang siya na ang mahal mo, pero binigyan mo pa din ako ng pagkakataon. Binigyan mo pa din ako ng pagkakataon na mas makilala ka, at ipakita sayo na mahal na mahal kita.

Di ko na napigilan ang mga luha na umagos mula sa mga mata ko. Tinignan ko si Sam, nakangiti siya sa akin. Nakangiti siya sa akin na para bang pinag-uusapan namin ang pinaka-masayang bagay sa mundo. Pero ang totoo, sinasaktan ko siya.

Sam: Ang swerte niya, ang swerte-swerte niya.

Nakatingin si Sam sa kawalan,malungkot ang mga mata. Hinaplos ko ang pisngi niya.

Devon: Kung pwede lang Sam, kung pwede lang na piliin ko kung sino yung lalakig mamahalin ko. Maniwala ka sa akin, ikaw ang pipiliin ko. Ikaw ang gugustuhin kong itibok ng puso ko.

Ngumiti lang sa akin si Sam.

Sam: Pero hindi pwede Devz. Puso mo ang pipili, at si James ang pinipili niyan.

Ngumiti ako dahil sa sinabi ni Sam.

Devon: Sana dalawa na lang ang puso ko, sana dalawa na lang. Ibibigay ko sayo yung isa ng buong-buo, walang pag-aalinlangan, walang pagdududa.

Ngumiti si Sam at hinawakan ang kamay ko. Pinunasan niya ang mga luha mula sa mga mata ko.

Sam: Alam ko, kaya wag ka na umiyak. Don’t act as if you have just killed me or something. This is your night, you should be the most beautiful thing they’ll see on the party. Pano na mangyayari yun? Tignan mo, kalat-kalat na yung eye liner mo.

Natawa ako dahil sa biro ni Sam. Bakit ba kasi, hindi na lang siya ang minahal ko eh? Bakit? Dumagundong ang mga salitang binitiwan ni ate Dhemi sa akin. ‘Piliin mo yung taong alam mo na kahit anong mangyari, gugustuhin mong maksama. Na kahit masaktan ka, handa mo pa ring patawarin. Na kahit hindi perpekto, buong-buo mo paring mamahalin.’

Devon: Thank you, Sam.

Sam: Ako nga dapat ang mag-thank you sayo eh.

Devon: No, wag mong ipilit! Ako dapat, ‘cause you became a part of my life.

Sam: I chose to be a part of your life, kasi alam ko na masaya.

Devon: Well, masaya naman ba?

Ngumiti si Sam sa akin.

Sam: Yeah, defibitely. Sad part is I wasn’t been able to make you happy.

Devon: Ano ka ba? Lagi mo nga akong napapsaya eh.

Pilit na ngumiti si Sam sa akin.

Sam: I made you smile, I made you laugh, but I never made you happy. Siya lang ang nakakagawa nun. And I wish I can do that.

Tumahimik lang ako at di nagsalita.

Sam: And now that I have that chance, I won’t just waste it Devz. I want you to be happy, and I’ll do everything para mapasaya ka. Even if that means that I need to surrender you to the one who truly makes you happy. I’ll do it Devz. I’ll willingly give up.

Patuloy na dumaloy ang mga luha mula sa mga mata ko.

Sam: I’ve been selfish enough para isingit pa ang sarili ko sa buhay mo. Now, it’s time to let go. It’s time for you to be truly happy.

Ngumiti kami sa isa’t isa. Maya-maya pa ay bigla nalang siyang tumawa.

Sam: Look at you, puro itim na yung mukha mo! Magagalit sakin niyan ang manager mo eh!

Natawa na din ako.

Devon: Hayaan mo na, cute pa din naman ako eh.

Yun lang at pareho na kaming humagalpak ng tawa ni Sam. Hinawakan niya ang braso ko at inalalayan na kong pumasok ng sasakyan niya, pero imbis na pumasok ay niyakap ko siya. Niyakap ko siya nang napakahigpit, at niyakap niya din ako.

Devon: Thank you, thank you for being selfish and pushing yourself into my life.

Sam: Thank you din, kasi tinolerate mo naman yung pagka-selfish ko.

Kumalas kami sa pagkakayakap sa isa’t isa at nagtawanan.

Sam: Tama na ang paliguy-ligoy. Magagalit na sila, late na tayo! Sakay na!

Sam: ..but she chooses to be with James.

Ngumiti si Sam ng painakamatamis niyang ngiti. Si fretzie ay tumingin sa akin, di makapaniwala.

Fretzie: He doesn’t have the slightest clue that you are choosing him.

Devon: Alam ko.

Fretzie: Then alam mo rin ba na nagmumukmok ang loko?

Natawa ako. Sinabi na sa akin yun ng manager ko. Tumawag siya at tinatanong kung nasaan na ako dahil si James daw ay maaga pa lang, nag-iiinom na ng alak. Baka daw di pa matapos ang party eh mahilo na ito.

Sam: Then, dapat siguro puntahan mo na ang prince charming mo.

Tumingin ako kay Sam, mas lalo pa siyang ngumiti. Pero nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan ko siya. Ang selfish ko. Sobrang selfish ko.

Devon: Di mo man lang ba ako ihahatid?

Natawa si Sam dahil sa sinabi ko.

Sam: Ikaw na lang, kaya mo na yan.

Devon: Sam.

Sam: Mm?

Devon: Salamat.

Ngiti lang ang isinagot ni Sam sa akin, pero alam ko na ang ngiting iyon ang nagsasabi na magkaibigan pa din kami kahit anong mangyari. Na wala pa ding nagbago, nandyan pa din siya lagi sa tabi ko.

Chapter 40: The Finale

Devon: Aga nyan ah. Di pa nga nagsisimula yung party, nakailan ka na.

Lumingon sa direksyon ko si James, namumula ang mga mata. Pinigilan ko ang matawa, So, ganito pala ang magiging itsura niya kung biansted ko siya? Mukhang tama nga ako ng taong pinili.

James: What are you doing here?

Di tumitingin sa akin si james. Ayaw niya.

Devon: Choosing you.

Agd na lumingon sa akin si James, gulat na gulat. Tinignan niya ako mula ulo ahanggang paa. At nakita niya ang locket, ang suot kong locket. Binitawan niya ang basong hawak niya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang locket at nagtatakang tumingin sa akin.

Devon: Alam mo, ang OA mo.

Ngumiti sa akin si James, hinaplos niya ang mukha ko at niyakap ako ng mahigpit. Nakapaka-higpit ng yakap niya sa akin, di ako makahinga, kaya naman di ko napigilan ang matawa.

James: I-I.. I love you Devz, I love you.

Mas lalo na lang akong napangiti dahil sa sinabi ni James. And I love you too.

Devon: I’m choosing you Robert James Reid. Alam mo ba ang ibig sabihin nun?

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tinignan ako.

James: Uhm, you love me too?

Natawa ako dahil sa sinabi niya.

Devon: Eenngg. Mali. Ibig sabihin nun, manligw ka muna!

Tumawa din si james at niyakap ako ulit ng mahigpit, niyakap ko din siya. Lahat ng tao sa hall ay nakatingin sa amin. Lahat sila nakangiti. At di ko na din mapigilan ang mangiti, I’m in the arms of the man I love now. Nakita ko si Sam, ngumiti siya sa akin at binigyan ako ng isang thumbs-up sign. Mas lalo akong ngumiti.

James: I love you very musch, Devon May Natividad Seron. And you won’t regret choosing me.

Ang saya, napakasaya ko.

Devon: And I love you too, Robert James Reid. I love you too.

Mas lalo pang humigpit ang yakap sa akin ni james.

James: Forever.

Devon: Forever.

Epilogue

Devon: I don’t think this is right. Tigilan na natin ‘to.

Tumalikod na ako para umalis ngunit hinawakan niya ang braso ko.

Sam: No, don’t go. Please, I love you.

Nilingon ko siya. Kumawala ang isang luha mula sa aking mga mata.

Devon: Hindi tayo pwede, alam mo yun. Maraming masasaktan.

Sam: Shit! Pwede bang kahit minsan, isipin mo naman yung nararamdaman mo? Yung nararamdaman ko.

Devon: Pero..

Di ko na natapos ang dapat na sasabihin ko dahil siniil na ni Sam ng halik ang mga labi ko. At di katulad ng isinisigaw ng isip ko na itulak siya at lumayo, ay kabaliktaran noon ang ginawa ko – tumugon ako sa mga halik niya.

James: What the-

Napabitaw kami ni Sam sa isa’t isa. Napatingin kami kay James. May hawak-hawak siyang box ng cake at isang maliit na velvet box. Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan siya sa braso.

Devon: J-james, I can explain.

Hindi ako pinansin ni James, tinabig niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Galit na galit siyang lumapit kay Sam at sinuntok ito. Bumulagta si Sam sa sahig, agad ko naman siyang nilapitan.

Devon: S-sam.

James: I trusted both of you.

Binato ni James ang cake at ang box. Tumilapon ang cake palabas ng box samantalang tumilapon din ang laman ng velvet box – isang diamond ring. Tumingin ako kay James, ngumiti siya sa akin ng mapait.

James: Well, happy anniversary!

Mas lalo pang lumakas ang agos ng mga luha mula sa mga mata ko. Sumigaw si James at sinipa ang isang upuan bago tuluyang lumabas at iwan kami ni Sam.

Devon: Sorry James, sorry.

Niyakap ako ni Sam habang paulit-ulit kong sinasabi ang mga salitang iyon. Niyakap ako ni Sam at umiyak ako ng umiyak sa kanyang mga bisig.

Director: Cut!

Narinig kong sumigaw ang ilang mga staff at crew.

Director: Wow, that was great!

Inalalayan akong tumayo ni Sam.

Sam: Wow Devz, hanga talaga ako sayo. Elibs!

Natawa ako dahil sa sinabi ni Sam.

Director: Sige, break muna tayo!

Kanya-kanya na nang alis ang mga staff. Nakita ko na papalapit sa amin ni Sam si james.

James: Hey babe, that was really a good one. I’m so proud of you!

Ginawaran ako ni James ng isang mabilis na halik sa labi. Nakita kong nag-iwas si Sam ng tingin. Itong project na ito ang aking kauna-unahang pelikula. Pagkatapos ng BOF namin ay napakarami agad na offers ang dumating sa amin, lalo na sa aming talo nila Sam at James. Well, di ng ata napaghihiwalay ang trio namin. Dahil madalas kami-kami pa din ang love triangle sa mga shows. Palitan lang ng makaktuluyan, minsan si James at minsan naman si Sam, katulad sa movie naming ginagawa ngayon.

Devon: Uhm, babe, gutom na ‘ko.

Natawa si James dahil sa sinabi ko.

James: Okay, okay. Manlilibre na ‘ko.

Tinaas pa ni james ang dalawa niyang kamay. Natawa naman ako dahil sa ginawa niya.

James: Bro, you wanna join us?

Napangiti ako, masaya ako na magkasundo silang dalawa. Actually, they became best friends dahil sa lagi kaming magkakasama sa set. Hindi na pinagseselosan ni James si Sam dahil may tiwala siya dito at alam naman niya na siya lang ang mahal ko.

Sam: Sure, basta ba libre mo eh!

Devon: Tama! Sam, dyan talaga tayo nagkakapareho eh.

Nag-high five pa kami ni Sam dahil doon. Ginawaran namin ng ngiti ang isa’t isa.

James: Hay naku, what else can I do. Let’s go?

Devon: Game!

Sabay sabay na kaming tatlo na naglakad patungo sa isang restaurant na malapit sa set. Ikinawit ni james ang kamay niya sa bewang ko. Tumingin ako sa kanya, ginawaran niya ulit ako ng isang mabilis na halik sa labi. Nakaka-ilan na ‘tong mokong na ‘to ha.

Sam: Sus, na-iinggit ka ata James dahil naka-points ako kay Devon kanina eh.

Natawa si James dahil sa sinabi ni Sam.

James: Kaya nga bumabawi ako eh.

Ako naman ang natawa dahil sa sinabi ni James. Hinampas ko siya sa braso.

Devon: Sira ka talaga!


Inalis ko ang pagkakakawit ng kamay ni James sa braso ko at iinawit ang magkabila kong kamay sa mga braso nila.


Devon: I'm very lucky having the two of you!


Tumingin ako kay Sam.


Devon: I have the most understanding and loving best friend in the whole wide world..


Tumingin naman ako kay James.


Devon: ..and the sweetest boyfriend among all.


Sabay silang tumawa dahil sa sinabi ko. Ginulo ni Sam ang buhok ko samantalang kinurot naman ni James ang pisngi ko.


Sam: Gutom ka na talaga ano?

James: Yeah, we better rush to the restaurant before Devon eats us alive.


Nagaktawanan pa ulit kaming tatlo. Tinignan kong muli ang dalawang pinakamahahalagang lalaki sa buhay ko bukod sa papa ko. Masayang masaya ako, ako na ata ang pinaka-swerteng tao sa buong mundo. Sa huli, nagtagumpay pa din ang wish ko. Ang wag mawala ang mga taong ito sa buhay ko. At masaya ako dahil natupad iyon. I have both my best friend and my boyfriend at my side.


Devon: Kainan na!


------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Woah, natapos ko din ang ff ko. Well, maraming salamat po sa lahat ng mga sumuporta sa storya ko. Na-appreciate ko po ang bawat message, bawat post sa wall and mga comment sa notes. Akala ko talaga walang magakaka-interes sa ff ko. Madami pong slamat sa mga taong nagtyagang magbasa at maghintay ng mga susunod na chapters ko. Pasensya na po kung di ko nagawa or nasunod yung mga suggestions ng iba. Psensya na po talaga. Sana po maintindihan niyo. Noong una pa lang po, eh nakatatak na ang lot ng istoryang ito sa isip ko. And iisa lang talaga ang pwedeng maging ending ng ff ko. And the happy ending of Devon here, is with James. Sana po magustuhan niyo ang ending. Muli po, madaming-madaming-madaming thank you po sa lahat! Love much! <3


P.S. Sana po ay basahin at suportahan niyo din po ang bago kong ff na pinamagatang "Teardrops on my Guitar". Its a Samvon ff po. Pero meron din pong Vontrick and Jaevon moments. Sana po suportahan nio! Advance thank you po sa mga magbabasa. Hehe. Salamat po ulit! <3


Another P.S. Di na po ako nag-tag dito kasi nagloloko po talaga ang mouse ko at nahihirapan na ako. Pasensya na po talaga.