Sunday, February 27, 2011

Sana Dalawa ang Puso Ko

Chapter 1: The early bird gets the early worm

Sam: Hi Devz!

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na tumawag sa akin. Nakita kong matamang nakatingin si Sam habang nakangiti, hindi ko tuloy mapigilan ang mapngiti rin.

Devon: Hi. Ang aga mo ah.

Sam: Ikaw din naman ah.

Umupo si Sam sa tabi ko. Kasalukuyan akong nakaupo sa gilid ng stage ng shoutout habang pianapanood ko ang mga staff na nagse-set up ng stage.

Devon: Sabi kasi ni Emman aagahan niya daw eh.

Sam: Si Emman? Naku naniwala ka naman. Eh lagi namang 15 minutes before airing kung dumating yun.

Devon: Di naman. Minsan maaga rin yun.

Sam: Kaano kaadalas ang minsan?

With feelings pa ang pagkakasabi ni Sam sa joke niya. Natawa ako kahit medyo corny ang joke ni Sam. Ganun naman kasi siya madalas, corny. Pero kahit ganun ay sobrang natatawa pa rin ako sa kanya. Nahampas ko pa ng kaunti ang braso niya.

Sam: Naku, ayan na naman ang kamay mo Devon.

Devon: Mahina lang naman yun ah?

Sam: Sinabi ko bang malakas?

Devon: Sige na, hindi na.

Namagitan ang kaunting katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nakita ko sa gilid ng mata ko na pinapanood din ni Sam ang mga staff sa pag-aayos ng stage. Nakangiti siya at mukhang natutuwa ding panuorin ang ginagawa nila. Hindi ko na napigilan ang mahinang tawa na kanina ko pa pinipigil. Napatingin sa akin si Sam na halatang nagtataka.

Sam: Bakit ka naman tumatawa?

Devon: Wala naman, natutuwa lang ako sayo.

Sam: Bakit? Siguro nakyukyutan ka sakin noh?

Natawa ako ulit dahil sa sinabi ni Sam.

Devon: Sira, naalala ko lang si James.

Nabura ang ngiti sa labi ni Sam nang banggitin ko ang pangalan ni James. Nitong nakaraang mga araw ay mas lalo akong napalapit kay Sam. Madalas kasing may lakad si James kasama si Ann. Natutuwa ako kay Sam kasi kwela rin siyang katulad ko. At isa pa, hindi siya masyado seryoso katulad ni James.

Sam: Ouch naman, ako kasama mo pero si James ang iniisip mo.

Umarte pa si Sam ng parang talagang nasasaktan talaga with matching hawak pa sa dibdib. Naalala ko pa nung aminin ko sa isang interview sa ASAP na crush ko siya. Simula noon eh inaasar na kami sa isa’t isa. Akala ko nga maiilang siya pero naging dahilan pa yun para maging close kami. Madalas nga siyang asarin sakin nila Enrique at Robi, matagal na rin daw akong crush ni Sam kaya naman tuwang-tuwa siya nung malaman na crush ko din siya.

Devon: Hindi naman. Pero, kung si James kasi ang kasama ko, hindi yun makakatagal na pinapanuod lang ang staff sa pag-aayos ng stage. Mabilis kasi yun ma-bore.

Sam: Ah, so kinumkumpara mo kami ni James?

Devon: Di naman, naisip ko lang.

Sam: Well, nakakatuwa naman silang panuorin ah? Lalo na kung may katabi kang maganda.

Natawa ko ulit sa sinabi ni Sam, isa pa yun sa mga pinagkaiba niya kay James. Kahit may pagkamakulit din si James, eh madalas siyang seryoso. Samantalang si Sam, laging nangungulit at nagpapatawa.

Devon: Yan ang gusto ko sayo eh, magaling ka mambola.

Sam: Sino naman nagsabing binobola kita?

Devon: Sus, alam ko namang nambobola ka na naman eh.

Sam: Bakit? Maganda ka naman talaga ha. Crush nga kita diba?

Kumindat pa si Sam kaya naman lalo akong napahagalpak ng tawa. Hinampas ko siya ng malakas sa braso tsaka bumelat sa kanya. Sinabayan na rin ako ni Sam sa pagtawa. Maya-maya pa eh sumeryoso na si Sam nakikita kong nakatingin siya sa akin kahit hindi ako nakatingin sa kanya. Napabuntong-hininga ako. Minsan iniisip ko na sana si Sam nalang ang naging ka-loveteam ko. Siguro hindi na ako inaaway ng mga fans ng Jamli kung ganoon ang sitwasyon.

Sam: Anong iniisip mo?

Devon: Ah, wala.

Sam: Pwede ba yun? Wala kang iniisip?

Devon: Kinakabahan lang ako, isipin mo makakapartner kitang sumayaw mamaya?

Natawa si Sam sa sinabi ko. Umusog pa siya papalapit sa tabi ko at inakbayan ako.

Sam: Alam mo, ang totoo niyan, kaya ako maaga ngayon kasi excited ako sa first ever dance number natin. Sa wakas, makakapartner na din kita sa pagsayaw.

Inalis ko ang pagkakaakbay sa akin ni Sam at ako naman ang umakbay sa kanya.

Devon: Bakit? Nakapartner na naman kita noon sa rehearsals ah?

Sam: Rehearsals yun, eh ito sa marami ang makakapanood. Tsaka isa pa, Manonood ang mga SamVon bubbles. Kaya kailangan galingan ko!

Natawa na naman ako sinabing yun ni Sam. Kahit naman ako super excited na din. Sam Concepcion ba naman ang makakapartner ko? At sa dancefloor pa! Tuwang-tuwa ako nang sabihin sa amin ng direktor na magkakaroon kami ng production number. Kaya nga thankful talaga ako sa mga SamVon bubbles na talaga namang nag-effort ng bongga sa pagrerequest ng dance number na ‘to. Kaya nga todo ang pagpapractice ko kasi ayaw kong madisappoint sila.

Devon: Grabe, kinakabahan talaga ako. Pero super excited ako!

Sam: Wag kang kabahan, ang galing-galing mo sumayaw eh.

Inalis ko ang pagkakaakbay ko kay Sam at lumayo ng onti.

Devon: Weh?

Sam: Oo kaya! Secret lang natin to ah? Pero ikaw ang pinakatalented sa lahat ng mga kasamahan natin dito sa shoutout. Isipin mo? Swagger princess na tapos ang galing-galing pang kumanta. And not to mention na sobrang ganda at sexy pa.

Hinampas ko ng malakas si Sam sa braso. Kinurot ko pa ang pisngi niya. Gumanti naman ang loko at kiniliti ako. Tawa ako ng tawa dahil sa pagkiliti ni Sam.

Enrique: Naku naman, ang sweet naman nitong dalawang to!

Napatingin kami pareho ni Sam sa kadadating lang na si Enrique. Tumayo naman agad si Sam para salubungin si Enrique.

Sam: O tol, nandyan ka na pala. Ang tagal mo namang dumating!

Nag-apir pa ang dalawa tsaka lumapit sa kanauupuan ko. Umupo ulit si Sam sa tabi ko kung saan siya kanina nakaupo. Umupo nman si Enrique sa harap naming dalawa.

Enrique: Na-traffic kasi ako eh. Hi Devon! Mukhang nag-eenjoy kayo ni Sam ah.

Devon: Oo nga eh, ang kulit-kulit kasi ni Sam eh.

Sam: Anong ako? Ikaw kaya nauna dyan!

Enrique: Asus! Kinikilig naman ako!

Devon: Ewan ko sayo!

Enrique: Oh, bakit ang aga niyong dalawa? Mukhang excited kayo sa dance number niyo ah!

Nagkatinginan kami ni Sam at nagtawanan.

Sam: Ewan ko ba, excited ata to si Devon na makapartner ako eh.

Devon: Anong ako? Ikaw kaya dyan!

Enrique: Kunwari ka pa Sam. Samantalang kagabi nung kausap kita sabi mo super excited ka.

Tinignan ni Sam ng masama si Enrique na siya namang ikinatawa nito. Hindi ko mapigilang mapangiti. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na may gusto talaga sa akin si Sam. May mga pagpaparamdam din naman siyang ginagawa katulad na lang ng pagbibigay minsan ng bulaklak o kaya chocolates kahit pabiro lang. Minsan naman nagyayaya siyang lumabas, na madalas eh tinatanggihan ko dahil sa dami ng mg kailangan kong gawin.

Devon: ‘To talaga si Enrique. Nilaglag ka pa Sam.

Natawa si Enrique dahil sa sinabi ko, samantalang namula naman si Sam. Yumuko pa siya para itago ang pamumula niya samntalang lalong lumakas ang tawa ni Enrique.

Enrique: Naku, umandar na naman ang pagkatorpe ng isa dyan.

Mas lalo pang namula si Sam dahil sa sinabi ni Enrique, bingyan niya ng nagbabantang tingin si Enrique at pinanlakihan ng mata. Pinipigilan ko ang matawa kasi alam kong lalo lang mahihiya si Sam. Kaya naman tumayo nalang ako at naglakad ng kaunti papunta sa direksyon ng pinto.

Devon: Kayo talagang mag-best friend, ang hilig niyong magasaran. Kain kaya muna tayo? Ang tagal nilang dumating.

Enrique: Oo nga, merienda tayo diyan sa cafeteria sa baba. 4:30 pa naman ang call time natin eh. May isang oras pa oh, mamaya pa darating yung mga yun. Ano Sam? Sama ka ba? Kung ayaw mo, kami nalang ni Devon magmemerienda.

Agad namang tumayo si Sam bago pa makatayo si Enrique.

Sam: Sino naman nagsabing ayaw ko mag-merienda? O lina kayo! Treat ko.

Devon: Wow! Galante.

Enrique: Sus, bakit pag tayo namang dalawa ang nagmemerienda, KKB tayo?

Sam: Bakit ba? Gusto mo si Devon na lang lilibre ko, nagrereklamo ka pa dyan eh!

Enrique: Joke lang, libre mo na ko. Minsan lang yan eh.

Devon: Basta libre mo ko Sam ah! Gusto ko ice cream!

Sam: Sige ba! Gusto mo tatlo pa eh!

Enrique: Ako rin Sam, tatlo.

Sam: Wag ka na tol, mag-tubig ka na lang.

Lumabas kaming nagtatawanan habang papunta sa cafeteria.

Chapter 2: Taping na!

Devon: Nabusog ako dun ah. Thanks nga pala sa panlilibre ha, Sam.

Enrique: Ayaw daw niya ng thank you, kiss nalang daw.

Nakita kong inapakan ni Sam ang paa ni Enrique.

Enrique: Ouch!

Hindi ko napiglang tumawa dahil sa kulitan ng dalawa. Maya-maya pa ay nakarating na kami ulit sa set.

Staff: O, nandito na pala kayong tatlo. Mag-ready na kayo at magii-start na tayo maya-maya.

Devon: Sige po.

Nagkanya-kanya na kaming punta sa backstage. Nakita ko si Emman na kadadating lang at inaayos ang gamit niya sa likod. Agad ko siyang nilapitan.

Devon: Huy! Ikaw talaga! Sabi mo aagahan mo.

Emman: Eh, kasi naman. Na-traffic kasi ako eh.

Devon: Sus, ikaw talaga.

Emman: Eh, saan ka ba galing? Wala ka naman ng dumating ako ah.

Devon: Ah, nasa cafeteria kami. Kasama ko sila Sam at Enrique. Nilibre kasi kami ni Sam ng ice cream eh.

Emman: Naku, kasama mo pala si Sam ah.

Natawa na lamang ako sa pang-aasar ni Emman. Siya ang naging best friend ko sa tuesdelicious group. Wala kasi si Fretzie at Ivan, nasa ibang grupo sila. Masaya namang kasama si Emman at napakabait pa. At mapagbiro din siya at mahilig mang-asar. Madalas niya akong asarin kay Sam. Sabi niya kasi, Jaevon na daw sila Fretzie at Ivan, pati na sila Tricia, Pat at Joe kaya naman para maiba daw eh SamVon naman ang susuportahan niya.

Devon: Ikaw talaga.

Emman: Excited na ako sa dance number niyo mamaya. Galingan mo ah. Alam ko namang kayang-kaya mong sabayan si Sam.

Devon: Thanks sa support ah.

Emman: Sus, ang galing-galing mo kaya sumayaw.

Devon: Ewan ko sayo!

Emman: Changing the topic, lagot ka sa ka-loveteam mo. Kanina ka pa kaya hinahanap ni James.

Devon: Bakit naman daw?

Emman: Ewan ko. Basta hinahanap ka niya kanina pagdating niya eh.

Devon: Hayaan mo yun.

Emman: Bahala ka dyan, mukhang galit pa naman.

Devon: Ano na naman bang ginawa ko?

Emman: Yun ang di ko alam. Puntahan mo kaya?

Devon: Sige na nga, wait lang ha.

Naglakad ako papunta sa kabilang bahagi ng backstage kung saan nag-reready ang karamihan ng boys. Nakita kong nakatayo si James sa may gilid ng bag niya habang hawak ang cellphone niya at parang may tinatawagan. Nilapitan ko siya agad-agad at ginulat.

Devon: Hey James!

Halatang nagulat siya sa akin dahil muntik na niyang mabitawan ang cellphone niya. Napabuntong-hininga siya ng makita niya ako.

James: Where have you been? I’ve been calling you but you are not answering your phone.

Automatic ko namang kinuha sa bulsa ko ang cellphone ko at nakita na marami na ngang tawag doon si James. Patay. Ano kayang idadahilan ko?

Devon: Ay, di ko namalayan eh.

James: Did you just arrive?

Devon: Hindi, kanina pa ako. Nagpunta lang kami ng cafeteria para kumain.

James: Kami?

Devon: Ah, kami nila Sam and Enrique.

Nagdilim ang mukha ni James ng sabihin ko kung sino ang mga kasama ko. Ewan ko ba pero nitong mga nakaraang linggo ay madalas na magkaroon ng mood swings si James.

James: So, you are with that Sam again?

Devon: O-oo, bakit?

James: Devon, Im your loveteam partner. Why do you keep on hanging out with that guy?

Devon: James, pag-aawayan na naman ba natin ‘to?

Pinag-awayan na namin ni James dati ang tungkol sa pagiging close ko kay Sam. Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa utak nitong si James. Sabi ni Fretzie baka daw nagseselos siya. Hay naku, feeling ko naman eh umaandar lang ang pride niya. Magkaibigan lang naman kami ni James eh. MUla pa sa PBB house eh close friends na talaga kami. And sa tingin ko, may gusto siya kay Ann. Siguro gusto niya lang protektahan ang loveteam namin.

James: But Devon..

Devon: James pwede ba, kaibigan ko si Sam. Di naman pwedeng layuan ko siya dahil lang sinabi mo.

James: What about our tandem?

Devon: James naman. Ano na naman ba ‘to? Ikaw pa din naman ang ka-loveteam ko ha?

James: But the SamVon bubbles are already growing. In fact, your dance number later is a living proof.

Napabuntong hininga ako sa sinabi ni James. Aaminin ko na, i like James. Pero sa totoo lang, this past few days naiirita ako sa mga mood swings niya. Good thing, nandyan si Sam. And, oo aamini ko na din, Gusto ko din naman si Sam. The same way that I like James.

Devon: Alam mo James, ang babaw mo. Para dance number lang eh. Kahit naman kailan di ko pinakialaman ang mga production numbers niyo ni Ann ha. At kahit kailan, hindi ako nagreklamo sayo na napakarami na ng fans ng Jamli.

Natigilan si James sa sinabi ko. Hindi siya nakapagsalita. Naiinis na ako at alam kong lalaki lang ang away kaya naman iniwan ko na siya. Umalis na ako at bumalik sa kinaroroonan ni Emman. Narinig kong tinawag ni James ang pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. Dumiretso ako sa kinauupuan ni Emman at umupo sa tabi niya.

Emman: Oh, your back. We’re gonna air na daw in 5 minutes.

Tinitigan ako ni Emman tsaka bumuntong hininga.

Emman: You know, that’s the reason why I prefer SamVon.

Natawa nalang ako sa sinabi ni Emman. Mula pa noon ay bet na talaga niya si Sam para sakin. Di lang sa tandem pero pati daw sa real life. Halata naman daw kasi na may gusto sa akin si Sam.

Devon: Ikaw talaga. Alam mo namang moody yun eh.

Emman: That’s my point. Hindi moody si Sam.

Devon: Alam ko, ang kulit-kulit nga nun eh.

Emman: Hay naku, hirap naman maging ikaw Devon.

Devon: Bakit naman?

Emman: Ang daming suitors.

Devon: Madami? Suitors?

Emman: Naku naman, manhid-mode daw ba?

Devon: Ano naman ang ibig mong sabihin?

Emman: Alam naman nating lahat na may gusto sayo si Sam. And kung talaga namang hindi mo pa napapansin, may gusto rin po sayo si James.

Hay naku, di ko alam kung nagbibiro ‘tong si Emman. Pero kung totoo nga na may gusto rin sa akin si James, hay naku. Ang haba ng hair ko. Dalawang gwapo yun no. And may gusto parehas sa akin? Haha. Pero sino naman kaya ang sasagutin ko kung manligaw sila pareho? Ano ba Devon? Ano ba yang iniisip mo? Pero, sino nga kaya?

Emman: Huy Devon!

Devon: Huh?

Emman: Tama na nga yang daydreaming mo! Game na daw, lalabas na tayo.

Devon: Halika na!

Hinila ko ang kamay ni Emman at sabay kaming lumabas sa stage ng shoutout. Opening number sila Emman at ang 3am. Host si Sam ngayon sa opening. Siniko ako ni Emman dahil nakatingin ako kay Sam habang nagsasalita siya.

Emman: Uuuy!

Devon: Tumigil ka nga dyan. Next ka na kaya dyan.

Emman: Sus, lip sync lang naman yun eh.

Devon: Kahit na. Kesa naman nang-aasar ka dyan diba?

Tumawa lang si Emman at pumuwesto na sa may gilid ng hagdan para sa number niya. Nakita ko naman si James sa kabilang parte ng stage na nakatingin sa akin. Nakasimangot siya at parang nagmamakaawa ang mga mata. Hay naku. Sira ulo talaga ‘to, aawayin ako tapos siya pa tong mukhang inaway na tuta ngayon. Narinig kong nagsimula ng kumanta si Emman. Pyramid ang kinanta nila, parang yung kinanta namin ni James noon. Natawa nalang ako at muling patingin Kay James. Nakita kong binuka niya ang bibig niya at sinabing sorry. Nginitian ko siya. Maya-maya pa ay ngumiti na din siya at sumabay sa kanta.

Chapter 3: Dance number na!

Kinakabahan na talaga ako. Kasalukuyang commercial break at pagkatapos nun ay yung dance number na namin ni Sam. Uh mali, ready, tweet, go! pala muna.

Staff: Devon! Sam! Mag-ready na kayo! Susunod na kayo.

Huminga ako ng malalim at lumabas na. Pumunta ako sa gilid ng stage kung nasaan si Sam.

Sam: Oh, akala ko di ka na lalabas eh.

Devon: Kinakabahan kasi ako eh.

Sam: Sus, ang galing-galing mo kaya.

Devon: Ewan ko sayo.

Tumingin ako sa paligid. Hindi pa kami on-air dahil commercial pa. Nakita ko na nakapuwesto na ang mga host na sila Erich, Empress at Aaron. Nakahanda na rin ang mga magbabasa ng tweets kasama na doon sila Emman at James. Ngumiti sa akin si Emman at nag-thumbs up. Ngumiti lang ako sa kaniya. Si james naman ay hindi sa akin tumitingin.

Enrique: Uy Devon, goodluck!

Devon: Thanks, kailangan ko talaga yan eh. Kinakabahan ako.

Enrique: Oo nga, live kasi ang sayaw. Hindi pwede i-lip sync.

Natawa naman ako sa sinabi ni Enrique.

Sam: Oo nga, di tulad ng mga production numbers mo na puro lip sync.

Enrique: Pare wag mo msyado ilakas, marinig ng fans ko.

Sam: May fans ka ba?

Devon: Tama!

Maya-maya pa ay on-air na kami. Narinig kong nagsimula ng magbasa ng mga tweets ang mga kasamahan namin.

Emman: Here’s a tweet from blue_vannah04 of bulacan, “Excited na kami sa production number ng SamVon! Kahit pa solid Jaevonair ako, di ko pa rin mapigilan kiligin sa SamVon!”. Wow naman, marami na talagang excited dyan sa dance number nila. Kahit ako excited na eh.

Inno: Oo nga. Well, here’s another tweet. “Go, go Sam! Ang gwapo mo talaga!”. Whoohoo!

Robi: Sam magkano binayad mo sa kanya ha? Sino pa ba nagtweet dyan James?

James: Well, ariana08 said that, “Devon! Ang ganda-ganda mo talaga. Bagay na bagay kayo ni James!”. Well, thanks ariana.

Emman: Eto pang isa, “Go SamVon! We’ve been waiting for your dance number like forever!”

Well, speaking of that dance number, eto na siya. Go Erich and Empress.

Wow, inaabangan nila ang dance number namin ni Sam. Kailangan ko talagang galingan.

Sam: Wag ka na kabahan.

Hinawakan ni Sam ang kamay ko. Hip-hop ang dance number namin ni Sam pero maraming mga steps na “nakakakilig panuorin” as Emman describes it. Ngumiti ako kay Sam.

Devon: Thanks, ninenerbyos kasi talaga ako eh.

Sam: Kaya mo yan. Just be Devon.

Devon: And you will be just Sam?

Sam: Right.

Narinig kong tinawag na kami nila Erich at Empress para sumayaw. Ayan na. Ngumiti sa kin si Sam at sabay kaming pumunta sa gitna ng dance floor. Ang galing talaga sumayaw ni Sam, ang totoo nyan hindi ko na matandaan ang ibang steps. Pero dahil sa sobrang galing niya, nakakasabay naman ako. Dinadaan ko nalang sa intensity at energy. At isa pa, hindi inaalis ni Sam ang eye contact namin, kaya naman parang nababasa ko yung steps sa mga mata niya.

Sam: Sabi ko sayo kayang-kayang mo eh.

Napangiti ako habang nagsasayaw dahil sa sinabi na yun ni Sam. Actually kinilig ako. Lalo na nung yung step na na hahawakan niya yung pisngi ko tapos parang hahalikan kunwari tapos bigla na lang mag-iiba yung direksyon ng step. Parang may dumaloy na boltahe sa katawan ko. Para bang kami nalang dalawa ang nadoon sa stage. Hay naku, sarap naman makasayaw ng crush ko. Ang final step ng sayaw ay magkadikit ang noo namin. Pagtigil ng tugtog ay narinig ko ang hiyawan ng mga tao. Inalis ko ang pagkakadikit ng noo kay Sam at tumingin sa paligid. Nagsisigawan silang lahat.

Sam: Nagustuhan nila. Sabi na nga ba bagay tayo eh.

Natutuwa ako ngayon. Kasi nagustuhan nila yung sayaw namin ni Sam. Pati ang iba naming shoutout team mates, sumisigaw din. Buti nalang at magaling si Sam. Nag-commercila break na ulit. Bumalik na kami ni Sam sa backstage kung saan nandun ang iba naming team mates.

Devon: Sam.

Lumingon sa akin si Sam na parang nagtatanong. Niyakap ko siya ng mabilis pero mahigpit. Pagkakalas ko sa pagkakayakap ko sa kanya ay ngumiti ako sa knya. Natawa ako kasi namumula siya at nakatulala.

Devon: Thank you ha, nakalimutan ko yung ibang steps pero pinagtakpan mo ko.

Mas lalo pang namula si Sam pero hindi pa rin siyang nagsalita.

Enrique: Naku, speechless. Niyakap mo kasi eh.

Pabulong ang pagkakasabi ni enrique sa akin pero narinig pa rin ni Sam. Parang bumalik sa katinuan niya at bigla nalang sinuntok ng pabiro si Enrique sa braso.

Enrique: Aray! Grabe naman ‘to. Joke lang. Tsaka Devon, ang galing mo talaga sumayaw.

Devon: Dami ko ngang mali eh.

Enrique: Di naman halata. Tsaka ang lakas ng dating mo talaga pag sumasayaw ka.

Sam: Lagi namang malakas ang dating ni Devon ha.

Emman: Asus, ang sweet nung number niyo! Kinilig ako kahit hip-hop.

Biglang sumingit si Emman na talaga namang puno ng energy.

Enrique: Oo nga, kaso parang nagiging cush ko na din si Devon.

Sam: Anong sabi mo?

Enrique: Sabi ko bagay kayo ni Devon.

Natawa kaming lahat dahil sa sinabi ni Enrique. Tumingin ako sa paligid at nakita ko si James na nakatingin sa amin. As usual, wala na naman sa mood ang loko. Di man lang ba niya sasabihin na ang galing ko sumayaw? Haha. Bakit naman niya sasabihin yun Devon?

Sam: Gusto ko ulitin ung dance number!

Emman: Asus, dont worry Sam. Mukhang masusundan pa yun eh.

Sam: Sana nga.

Enrique: Tutulong ako sa pagrerequest. Baasta libre mo ulit ako ng ice cream eh.

Emman: Speaking of that ice cream, bakit di ako kasama dyan?

Devon: Late ka kasi lagi.

Sam: Agahan mo kasi next time. The early bird catches the early worm.

Nagtawanan kaming lahat at sabay-sabay naghanda para sa susunod na take.

Chapter 4: Dinner

Emman: Hay naku, sa Friday na tayo magkikita ulit.

Devon: Oo nga eh, text-text nalang tayo.

Binigay ko kay Emman ang pinaka-matamis kong ngiti. Maya-maya pa ay umalis na siya. Hay naku, buti na lang at nandyan si Emman. Pinaghiwa-hiwalay kasi talaga kami nila Fretzie and Ivan.

James: Devon.

Napalingon ako para makita si James na seryosong nakatigin sa akin. Ano na naman kayang kailangan nitong lokong ‘to?

Devon: Bakit?

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang, pero mukhang kabado si James. Hindi siya agarang nagsalita, tumingin lang muna siya sa akin habang inaayos ko ang gamit ko. Hay naku, nakakainis talaga ‘tong si James. Parang nagpapaawa pa. Kinuha ko na ang mga gamit ko at tumayo.

Devon: Bakit ba, James?

James: Can I drive you home?

Seryoso si James at syempre wala naman akong ibang nagawa kundi tumango. Sumilay ang isang matipid na ngiti sa kanyang mga labi. Kinuha niya mula sa akin ang bag ko. Hay naku, bakit ba ganun? Kahit anog galit ko kay James, kapag ginamit na niya yung paawa effect niya, nawawala na lahat. Nauna na siya maglakad papunta sa parking lot. Ng malapit na kami sa sasakyan niya ay namataan ko si Sam sa may gilid ng parking lot.Kumaway siya sa akin at nginitian ko naman siya. Kung si Sam ang kasama ko ngayon, sigurado akong hindi ganito ka-awkward ang sitwayon.

James: Let me open it for you.

Binuksan ni James ang pinto sa may front seat para sa akin. Sumakay ako at sinarado niya na ang pinto. Maya-maya pa ay nasa byahe na kami. Pareho kaming tahimik at di nagsasalita. Nakatanaw ako sa may bintana. James, James, James. Di ba talaga magsasalita tong mokong na to? Ano ba yan! Eh ikaw din naman Devon ah, di ka rin naman nagsasalita.

James: I know that your already hungry, let’s have dinner first.

Napatingin ako sa sinabi ni James. Nabasa ata niya ang pagtataka sa mukha ko kaya naman agad siyang ngumiti.

James: I’ll treat you.

Napangiti na rin ako dahil sa sinabing iyon ni James. Dinala niya ako sa isang kainan along the road. Kakaiba siya kasi hindi siya restaurant pero hindi din nman siya carinderia. Mga kubo ang nagsisilbing tables at hindi lang yun. Yung mga kubo ay nakapatong sa isang mini-ilog. May mga lumalangoy pa na mga isda. Hindi ko napigilang mamangha.

Devon: Wow! Ang ganda naman nito!

Nakita ong nakatitig lang sa akin si James habang para akong bata na umupo sa kubo at nilaro ang mga isda. Lumapit ang isang waiter at kinuha ang mga order namin. Nakakatuwa kasi puro Filipino foods ang nasa menu. Nag-order si James ng paborito niyang sinigang samantalang ako naman ay pinapaitan ang inorder.

James: I think they serve ice cream here as a dessert.

Devon: Talaga? Gusto ko nun!

Nag-order si James ng ice cream at umalis na ang waiter.

James: I’ve eaten here with Ryan the other day. He said that Tippy told him about this place.

Devon: Talaga? May taste talaga si Tippy sa mga kainan.

James: Yeah.

Namagitan pa ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Tinitignan ko ang mga isda samantalang si James naman ay nagmamasid sa paligid. Hay naku, ang ganda ng lugar. Kaso di naman kami masyado makapakwentuhan ni James. Nami-miss ko na yung dating James, yung makulit at hindi moody. Bumuntong-hininga si James kaya naman napatingin ako sa kanya.

James: I’m sorry, ok?

Parang nagmamakaawa ang mukha ni James, hindi ko mapigilan ang matawa.

James: Now your laughing at me.

Devon: Nakakatawa ka kasi eh. Mukha kang batang inagawan ng candy.

Si James naman ang ngumiti.

James: Yeah, it can be like that.

Devon: Ano namang ibig mong sabihin?

James: Its just that, I feel like..

Tinignan ko lang si James habang iniisip niya ang mga tamang salita para sa monologue niya.

James: We’ve been ver close inside the PBB house, we’re like inseprable. But now..

Devon: Iba na kasi ang sitwasyon James.

James: Yeah, I know but..

Devon: Noon, wala tayong ibang dapat gawin kundi gawin ang tasks ni kuya. Samantalang ngayon, ang daming tapings at guestings.

James: We barely have time to hang out with each other. And I feel like even if we are the loveteam partner, you don’t spend most of your time with me, but with that Sam.

Devon: At ikaw naman, with Ann.

Napatingin siya sa akin ng sinabi ko yun.

Devon: James, wala namang nagbago eh. Ikaw pa rin yan, si James and ako pa rin to, si Devon. Pwede pa rin naman natin gawin yung mga ginagawa natin dati, yung mga kulitan at asaran. Yun nga lang, hindi na ganun kadalas.

James: But I miss the old times, when we worry about nothing. When we have all the time in the world.

Devon: Hindi na ganun ngayon, pero hindi naman ibig sabihin na hindi na natin pwede ibalik yung dati diba?

James: I think I’m just jealous that you are spending most of your time with Sam now.

Napangiti na lang ako sa sinabi n James.

James: I miss the times when we tickle each other until you cry because of so much laughter. I miss the times when we laugh with each other’s jokes.

Devon: Na-mimiss ko na rin naman yun.

Nagkatinginan kaming dalawa at nagkatawanan.

James: You know, I really missed you Devon. With all these guestings with Ann, I really look forward being with you during Tuesdays and Fridays.

Devon: Ako rin naman eh.

Dumating na ang waiter at inihatid ang aming mga order.

Devon: Wow! Mukhang masarap talaga.

Waiter: Enjoy your meal po.

Nagkatinginan kami ulit ni James tsaka nagtawanan.

Devon: Wait, nasaan yung ice cream ko?

James: It will be served later.

Devon: Wow James pahingi naman niyang sinigang mo! Mukhang masarap eh!

James: You’re really matakaw.

Napataas ang kilay ko sa sinabi ni James. At nagtagalog pa ang loko.

Devon: Saan mo naman nakuha yun?

James: Kay Bret. He teaches me some tagalog words.

Devon: Wow naman sige nga, ano pa alam mo?

Kumuha ako sa ulam ni James. Aba! Mukhang masarap talaga itong sinagang ni James ah! Pero mas masarap tong pinapaitan eh.

James: I only know a few. Like masarap to.

Devon: Wow, natututo ka ah. Pero mas masarap to. Tikman mo.

Nilagyan ko ng kaunting pinapaitan ang plato niya.

James: What’s this?

Devon: Pinapaitan.

James: Huh?

Devon: Basta, masarap yan. Kainin mo nalang kasi.

Tinikman ni James ang pinapaitan at mukha namang nasarapan siya.

James: Not bad. But I really like sinigang more.

Devon: Basta, lahat naman yan masarap eh.

Naubos namin ni James ang mga inordr namin at umorder pa kami pareho ng extra rice. Busog na busog kaming dalawa. At tinake-out ko na lang yung ice cream na dessert. Nasa sasakyan na kami ng muling magsalita si James.

James: Does the ice cream taste good?

Devon: Syempre naman! Ikaw kasi eh, ayaw mo pa umorder.

James: How will I eat it when Im the one who will drive?

Devon: Gusto mo tikman?

Inalok ko kunwari ng ice cream ko si James. Nanlaki ang mga mata ko ng dinilaan ni James ang inalok kong ice cream.

James: Msarap nga.

Hinampas ko sa braso si James ng malakas.

James: Ouch! Devon! Im driving!

Devon: Bakit mo dinilaan? Ice cream ko kaya to!

James: You offered it to me.

Devon: Kahit na. Joke lang yun.

James: Ang damot mo.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni James. Aba at gumagaling na magtagalog ang loko.

Devon: Aba at ang dami mo ng alam ah!

James: Of course!

Devon: Kakainis ka naman eh. Pano ko na to kakainin? May laway mo na to?

James: Dont worry, you can still eat that. Im not that poisonous.

Devon: Nakakainis ka naman eh!

James: Im serious! Eat that ice cream before it melts.

Devon: May laway mo na kaya!

James: So what?

Napaisip ako dun. Eh may laway na kaya niya! Parang naghalo naman laway namin dun. Pero sayang naman ang ice cream. Sige na nga. Kinain ko na ulit ang ice cream at inubos. Napatingin sa akin si James at tumawa ng napakalakas.

Devon: Bakit?

James: You really ate the ice cream?

Devon: Eh sayang naman eh. Tsaka di naman madumi yun diba?

James: Yeah but, ang takaw mo talaga!

Devon: Ewan ko sayo!

Ng makarating na kami sa harap ng bahay namin ay niyaya ko si James na pumasok muna. Pero tumanggi siya at sinabing sa susunod na lang daw.

Devon: Thanks sa dinner James ha! Next time ulit.

James: Sure, basta ikaw.

Devon: At talagang gumagaling ka na magtagalog ha!

James: Syempre, and I have another one.

Devon: Ano naman yun?

James: Nasabi ko na ba sayo na maganda ka?

Seryoso ang mukha ni James kaya naman hindi ko mapigilang matawa.

James: Why are you laughing? Did I say the wrong words?

Devon: Wala, sira ka talaga!

James: Why?

Devon: Wala, alis na nga ako.

Binuksan ko na ang pinto at bumaba. Binaba ni James ang salamin ng kotse at ngumiti.

James: Sleep tight Devon. Sweet Dreams. See you on Friday!

Devon: Sweet Dreams din. Ingat sa pagda-drive!

Sinara na ni James ang salamin. Kumaway pa siya bago pinaandar ang kotse at umalis. Naiwan akong nakatingin sa umalis na sasakyan ni James. Hay naku. Ang ganda naman ng araw ko ngayon. Akal ko di kami magkakaayos ni James eh. Buti na lang bati na kami ulit. Mukhang bumalik na si James na nakilala ko sa PBB. Hay naku. I love Tuesdays.

Mama Lyn: O, Devon. Nandyan ka na pala. Bakit di ka pa pumapasok?

Devon: Ah, kaaalis lang po ni James ma. HInatid niya po ako.

Mama Lyn: Ah, o halika na.

Devon: Opo ma.

Pumasok na ako sa loob ng may ngiti sa labi ko.

Chapter 5: T.G.I.F.

Nagulat ako ng biglang may umakbay sa akin. Nilingon ko ang salarin at nakita ang isang nakangiting Ivan sa harapan ko.

Ivan: What’s up baby Devz?

Natawa ako kay Ivan, namiss ko din ang mokong na ito. Mdalang nalang kaming nagkikita dahil sa napakaraming tapings at guestings.

Devon: Ito, nami-miss ko kayo.

Umupo si Ivan sa may monoblock sa tabi ng mesa kung saan kasalukuyan kong inaayos ang gamit ko. Madami-dami na din ang tao sa paligid. Nandyan na ang ilan sa mga mondereefics at miyerkulitz crew.

Ivan: Aww, why naman are you making drama?

Devon: Di naman ako nagda-drama, nami-miss ko na talaga kayo.

Ivan: Of course I miss you too, but we see each other once in a while.

Devon: Pero di na gaya ng dati.

Nagtaka din ako sa sarili ko. Nahawa na ata ako sa drama ni James.

Ivan: You’re right. I haven’t eaten some ice cream with you since november.

Devon: Tama! So, ililibre mo ba ako?

Ivan: Dyan ka magaling.

Devon: Dali na kuya Ivan.

Ivan: Okay, but with one condition.

Devon: Sige ba! Kahit ano!

Ivan: Quit calling me kuya, it makes me sound older.

Devon: Mas matanda ka naman talaga ha!

Ivan: Matanda pla ha! Do you want an ice cream or not?

Devon: Gusto! Ang bata mo pa kaya! Kahit tawagin mo pa nga akong ate eh!

Natawa si Ivan dahil sa sinabi ko. Ginulo niya ang buhok ko katulad ng lagi niyang ginagawa. Hay naku, I’m really glad that I have my kuya Ivan around. Tama si James, masaya nga nung nasa loob pa kami ng bahay.

Ivan: Before I forget, I want to congratulate you Devon.

Devon: Bakit naman?

Ivan: You did a great job on your dance number last Tuesday.

Devon: Weh?

Ivan: Yeah, you really rock the dance floor.

Devon: Thanks Ivan.

Ivan: Wow, Ivan na.

Nagtatawanan kami ni Ivan ng dumating si james.

James: Hey Ivan! Hi Devz.

Ivan: Hi James!

Numiti lamang ako kay James.

Ivan: Do you want to join us? I’ll be treating Devon for some ice cream.

James: Ice cream? Again?

Ivan: Why?

James: She always makes people treat her ice cream.

Devon: Di naman noh! Favorite ko lang talaga.

Ivan: Well, would you want something new?

Devon: Uhm, pizza kaya?

James: Ang takaw mo talaga.

Ivan: Whoa, you can speak tagalog now, James!

James: Yeah, but just a little.

Ivan: I bet Bret is the one who teaches you.

Devon: Pano mo naman nalaman?

Ivan: Well, I know that Devon here, is not patient enough to be a teacher.

Nag-make face ako kay Ivan habang pinagtatawanan nila akong dalawa. Hay naku. Sana magkakasama kami sa tuesdelicious group.

Tricia: Ivan!

Napalingon kaming tatlo kay Tricia na halatang sobrang saya.

Tricia: Oh, hi Devon! Hi James!

Devon: Hi Trish!

Tricia: Uy Devon! Ang galing-galing mo talaga sumayaw!

Devon: Thanks.

Tricia: Grabe, super bagay kayo ni Sam!

Napansin ata ni Trish na sumimangot si James, kaya naman bigla itong kumambyo.

Tricia: Pero mas bagay kayo ni James.

Natawa kami pareho ni Ivan. Maya-maya pa ay ngumiti na din naman si James.

Tricia: Devz, maaga pa naman, punta muna tayo sa cafeteria. Nagugutom kasi ako eh!

Devon: Uy sige ba!

Ivan: I thought we’re gonna order some pizza Devz?

Devon: Wag na, kakain na lang kami ni Trish sa cafeteria.

Tricia: Oo nga, lagi na lang kayo ang magkakasama.

Devon: Tama! So, bye!

Iniwan na namin ni tricia sila Ivan at James. Pumunta na kami sa cafeteria sa baba. Umorder si tricia ng spaghetti at ako naman ay palabok.

Tricia: Hay naku, ang hirap naman ng ganitong buhay. Hindi na ako nakakapananghalian ah.

Devon: Buti na lang ako nasisingit ko pa din yung pagkain ng lunch

Tricia: Ikaw pa, matakaw ka!

Nagtawanan kami ni Tricia. Close naman kami ni tricia eh, kaso nga lang wala kaming time mag-bonding. Kasi nga, ang kasama ko madalas, sila Fretzie. Pero hindi naman ibig sabihin nun na magkagalit kami katulad ng pinapalanas ng ibang tao. In fact, kahit na maraming issues, ay close din kami ni Ann.

Devon: Di na natin nagagawa to no? Paano naman kasi, masyado tayong busy.

Tricia: Oo nga.

Devon: Minsan kaya labas tayong lahat, mga PBB teens.

Tricia: OO nga noh? Magandang idea yan!

Devon: Uy, nga pala. Kamusta naman kayo ni Robi?

Namula si tricia dahil sa tanong ko. Kahit pa hindi kami masyado nakakapagkwentuhan, eh updated pa din ako sa mga pangyyari sa lovelife niya. And sa pagkakaalam ko, nagdi-date na sila ni robi ngayon. And of course, I’m so happy for them.

Tricia: Wag ka maingay ha, ikaw pa lang pagsasabihan ko nito.

Lumapit sa akin si Tricia. Natatawa ako kasi talagang ibubulong niya sa tenga ko.

Tricia: Kami na.

Devon: What??

Pinanlakihan ako ng mata ni Tricia. Napalakas ata ang tanong ko. Na-shock talaga ako. Sila na? Akala ko pa naman updated ako. Pero updated naman talaga ako, kung talagang ako pa lang ang nakakaalam.

Devon: Sorry, nabigla naman kasi ako eh.

Natawa nalang si Tricia sa akin.

Devon: Kailan pa?

Tricia: Ang totoo kasi niyan, kagabi lang. We went out on a date, and dinala niya ako sa isang napaka-romantic na lugar. Resort ata yun, we had dinner sa isang balsa na malapit sa dalampasigan. Hay naku, ang sweet talaga Devon.

Na-imagine ko yung place na dinescribe ni Tricia, ang sweet nga. Sana may gumawa din nun para sa akin someday.

Devon: Ang sweet nga, tapos?

Tricia: Tapos yun, he asked me to ne his girl. And of course, I said yes.

Namumula si tricia at parang nagdi-daydream habang nagkukwento. Ganun sihuro talaga ang in love.

Devon: I’m so happy for you Trish.

Tricia: Thanks. Napakasaya ko din, Devz.

Devon: Ang swerte ni Robi sayo noh!

Tricia: Talaga lang!

Nagtawanan ulit kaming dalawa. I’m so glad that naging magkaibigan kami ni Trish despite all the issues tungkol sa aming dalawa. She’s really sweet. And I love being with her.

Tricia: Thanks Devon ha.

Devon: Huh? Para saan?

Tricia: Dahil sa pagtitiyaga sa akin. Kasi naman eh, aside from Ivan, ikaw lang naman ang nakikinig sa akin.

Devon: Naku, ako nga dapat mag-thank you sayo eh. Natutuwa ako na naging friends tayo.

Tricia: Alam mo, ikaw yung tinuturing kong closest friend. Kasi naman lagi kang nandyan. Hindi na ako nagtataka why everybody likes you.

Napasimangot ako sa sinabi ni Trish. Naalala ko ang mga paninira at mga masasamang salita. Napansin ata ni Tricia na nag-iba ang mood ko. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti sa akin.

Tricia: Kung ang iniisip mo yung mga naninira sayo, wag mo pansinin yun. Inggit lang sila.

Naangiti naman ako sa sinabi ni tricia.

Tricia: Hindi ka naman nila kilala talaga. Sa pagkakakilala ko sayo, you are a very bubbly and nice. Kung magkakaroon nga ako ng kapatid, i would like it to be you.

Devon: Wow naman, flattered ako masyado.

Si Tricia naman ang natawa sa sinabi ko.

Devon: Gusto ko din magkaroon ng baby sister na kasing ganda at kasing sweet mo.

Tricia: Well, pwede naman diba? I can be your baby sister anytime!

Devon: Pwede mo din ako maging ate. Pero wag mo nalang akong tatawaging ate ha, nakakamukhang matanda yun eh.

Tricia: Tama!

Inubos na namin ni Tricia ang pagkain namin at bumalik na sa studio. Natutuwa naman ako, in just some minutes, I already made a new sister. And Im happy na yung new baby sister ko ay si Tricia.

Chapter 7: James o Sam?

Tapos na ang taping ng shoutout at lahat kami ay nasa backstage na para mag-ayos ng mga gamit.

Enrique: Hi Devon!

May inilagay si Enrique na isang maliit na gift sa tabi ng bag ko.

Devon: Ano na naman yan?

Enrique: Secret!

Bigla na lang tumakbo paalis si Enrique, bago pa siya tuluyang makalayo ay nag-chuvachuchu pa ulit siya saka yuluyan ng tumakbo paalis. Abnormal talaga tong si Enrique. Kinuha ko ang maliit na gift na kasing laki at asing nipis lang ng isang notebook. Ano naman kaya ito? Nakabalot ito sa isang pink wrapper na may mga hearts.

James: Hey Devon!

Nagulat ako sa pagdating ni James, muntik ko na mabitawan ang regalo. Agad kong hinarap si James at tinago sa likod ko ang regalo.

Devon: Hi James!

James: What are you hiding there behind you?

Patay.

Devon: Wala.

James: You are hiding something.

Hay naku. Bahala na nga. Nilabas ko ang regalo at pinakita kay James saka ko mabilis na ipinasok sa bag ko.

Devon: Wala to, binigay lang ni Enrique.

Kumunot ang noo ni James.

James: Enrique? Why would he give you some gift?

Devon: Ewan! Di ko nga rin alam eh.

James: Can I see it?

Devon: Wag na! Ito naman. Di ko pa nga binubuksan eh.

Iniligpit ko na ng iba ko ang mga gamit.

Devon: Yayayain mo ba ako sumabay pauwi, kaya ka nandito?

Tumngin sa akin si James at natawa.

James: Yeah.

Devon: Sorry James ha, nakapangako kasi ako kay Tricia na sa kanya ako sasabay eh.

Tinaasan ako ng kilay ni James.

James: Tricia?

Devon: Oo. Sasamahan ko kasi siya mamili ng birthday gift para kay Robi.

Parang takang-taka si James. Nakita ko si Trish na papalapit sa amin. Kinawayan ko naman agad siya. Nilingon ni James si Tricia.

Tricia: Devon!

Nakita ni Tricia si James kaya naman parang natigilan siya.

Tricia: Ay, kay James ka ba sasabay?

Agad kong ikinawit ang kamay ko sa braso ni Tricia.

Devon: Hindi, diba sabi mo sayo ako sasabay?

Tricia: James, ok lang ba?

Hindi kaagad sumagot si James. Pero maya-maya ay tumango na din siya. Nagpaalam na kami ni Tricia sa kanya at nagpunta na sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse ni Tricia.

Tricia: Kuya, sa mall po tayo. Mamimili po kami ni Devon eh.

Pinaandar na ni manong ang kotse. Hay naku, kailan kaya ako makakabili ng sarili kong saskyan?

Tricia: Uy Devz, thanks sa pagsama mo sa akin ha.

Devon: Sus ok lang yun.

Tricia: Gusto ko kasi i-surprise si Robi eh. Ano kaya ang magandang gift?

Devon: Ano ba ang hilig niya?

Tricia: I’m thinking na jacket na lang ang ibigay kasi madaling lamigin yun eh.

Devon: Talaga? Di ko alam yun ah.

Naawa si tricia sa sinabi ko.

Tricia: Ewan ko ba dun. Minsan nanood kami ng sine, e nilalamig ako. Binigay niya sa akin yung jacket iya. E maya-maya ba naman eh nangiginig na. Tawa nga ako ng tawa eh.

Natawa din ako sa kwento ni Tricia. Ang cute naman nun.

Devon: Edi jacket na lang. hanap tayo ng mganda. Yung maaalala niya yung Robicia!

Napangiti si Tricia sa suggestion ko. Bigla nalang akong napaisip. Ano kaya ang nararamdaman ni robi sa tuwing nagho-host siya at may ginagawang ka-sweetan ang Trivan?

Devon: Buti hindi nagseselos si robi sa Trivan noh?

Tricia: Di naman seloso si robi eh. Tsaka isa pa, kilala naman niya si ivan.

Devon: Sa bagay, e ano naman ang feeling na kaharap mo si Robi pero kailangan mong maging sweet kay Ivan?

Parang nag-isip muna si tricia ng isasagot niya.

Tricia: Uhm, hirap ipaliwanag eh. Parang gusto mo na siya yung yakapin or hawakan, pero kailangan si Ivan. Tapos nakikita pa niya, kaya mahirap. Naiilang ako.

Devon: Mukhang mahirap nga no?

Tricia: Well, ikaw naman. Ano naman ba ang pakiramdam ng alam mong crush ka din ng crush mo na si Sam?

Napangiti ako sa tanong ni trish. Naalala ko na naman si Sam.

Devon: Flattered?

Tricia: Asus, kinikilig ka lang eh!

Natawa kami pareho dahil sa sinabi niya.

Tricia: Pano na si James niyan?

Devon: Si James?

Tricia: Haler! Crush ka kaya nun!

Devon: Parang di naman. Si Ann kaya ang crush niya.

Tricia: Ano ka ba? Friends lang sila. Ikaw ang gusto ni James.

Devon: Paano mo naman nasabi?

Ngumiti sa akin ng pagka-tamis-tamis si Tricia.

Tricia: Well, alam ko lang. Take it from me. Alam ko yung pakiramdam.

Hindi ko masyado naintindihan ang sinabi s akin ni Tricia.

Tricia: Sino ba mas gusto mo Devon? Si james, o si Sam?

Nagulat ako sa tanong ni Tricia. Si James o si Sam? Sino nga ba? Sino nga bang mas gusto ko? Masaya naman sila pareho kasama. Makulit kasi at sweet kasama si Sam. Samantalang si James, seryoso. Pero kahit naman seryoso si James, eh masaya pa din naman siya kasama at may pagka-sweet naman din yun.

Tricia: Naku, mahirap yan. Hindi makapili.

Devon: Pareho ko lang namang friends yung mga yun eh.

Tricia: Oo nga friends mo sila, pero hindi naman habang buhay gugustuhin nila na friends lang kayo eh.

Napaisip ako sa sinabi na yun ni Tricia.

Manong: Ma’am nandito na po tayo.

Napatingin kami pareho ni Tricia sa paligid. Nandito na pala kami sa mall, di man lang namin namalayan. Nagkatinginan kaming dalawa at nagtawanan.

Tricia: Let’s go?

Devon: Lika na!

Bumaba na kami ng sasakyan na magkahawak kamay.

Chapter8: The Gift

Tricia: Hay naku Devon, thanks talaga sa pagsama sa akin ha. Kung wala ka, baka di ko nakita tong jacket na to.

Kasalukuyan kaming nasa sasakyan ni Trish, pagkatapos ng napakahabang paghahanap sa jacket ay nakakita rin kami sa wakas ng perfect gift for Robi. Ako ang nakakakita nun, cute pero super angas ng dating nung jacket. Tinawag ko si Trish kung pwede na yun, at ng makita niya yung jacket, eh tuwang-tuwa siya.

Devon: Sus, okay lang yun. Nag-enjoy din naman ako eh.

Totoo naman kasi eh, nag-enjoy talaga ako. Nag-ring ang cellphone ko, kaya naman binuksan ko ang bag ko at sinagot ang tawag.

Devon: Hello, ma?

Mama Lyn: Nasaan ka na ba, Devon? Anong oras na?

Devon: Po? Kasama ko po si Tricia ngayon eh.

Mama Lyn: Huh? Nasaan ba kayo?

Devon: Eh, sinamahan ko po siya mamili ng regalo.

Mama Lyn: Bakit di ka man lang nag-text na bata ka?

Devon: Nakalimutan ko po ma eh.

Mama Lyn: O siya, kumain ka na ba?

Devon: Opo, nilibre po ako ni Trish.

Mama Lyn: Kaw talagang bata ka, o sige na. Bye.

Devon: Ok po, mama. Bye! Love you po!

Narinig kong pinatay na ni mama ang cellphone niya. Napatingin ako kay Tricia na mukhang nag-aalala.

Devon: Nakalimutan kong i-text si mama eh.

Natawa sakin si Tricia. Binalik ko na ang cellphone sa bag ko. Isasara ko na sana ang zipper ng magsalita si tricia.

Tricia: Ano yan Devon?

Napatingin ako sa tinuro ni Tricia, nakita ko ang regalo na binigay sa akin ni enrique. Nalaimutan ko na ang tungkol doon. Masyado kasi akong nag-enjoy. Kinuha ko iyon at inilabas.

Devon: Ah, eto? Ewan ko nga eh. Binigay ni Enrique kanina.

Tricia: I’m sure galing yan kay Sam.

Binigyan ako ni Tricia ng isang matamis na ngiti. Galing nga kaya kay Sam? Buksan ko kaya? Kaso makikita ni Tricia. Eh ano naman? Friend ko naman siya eh. Ako nga unang nakakita ng gift niya kay Robi eh.

Devon: Gusto mo buksan natin?

Bakas sa mukha ni Tricia ang excitement at kilig.

Tricia: Okay lang? Bubuksan mo sa harap ko?

Devon: Oo naman, diba sisters tayo?

Tumawa si Tricia dahil sa sinabi ko. Umurong pa siya lalo papunta sa tabi ko. Sinimulan ko na buksan ang gift wrap ng regalo.

Tricia: Wow! Chocolate!

Abot hanggang tenga ata ang ngiti ko ng makita ko ang chocolate. Macadamia ang laman ng regalo. At sa totoo lang, favorite ko yun! Last December lang ako unang nakatikim ng chocolate na yun ng regaluhan nun ni Bret si Fretzie. At syempre pinatikim ako ni bez, and magmula noon ay itinatak ko na sa utak ko na favorite ko na ang Macadamia.

Tricia: Ang sweet naman ni Sam.

Oo nga. Ang sweet talaga ni Sam. Kahit naman hindi sabihin ni sam o ni Enrique, eh alam ko namang sa kanya galing yun. Alangan namang si Enrique ang magbigay diba? Tsaka isa pa, alam ni Emman na Macadamia na ang favorite ko. Ilang beses pa nga kami kumain ni emman nun together. Malamang, ito na naman ang nagsuplong ng favorite chocolates ko kay Sam.

Devon: Si Sam talaga.

Tricia: Hay naku, i’m beginning to switch sides na. Samvon na ko.

Nagtawanan kami pareho ni Tricia. Binuksan namin ang chocolate at kinain habang nagbibyahe.

Tricia: Kakampi na ako ngayon kay Emman. Tama naman siya eh, masyado ng marami ang Jaevon. Tsaka mas sweet si Sam. Kinikilig nga ako eh.

Devon: Sira!

Ng makarating na kami sa bahay ay nagpasalamat muli sa akin si tricia.

Tricia: Thanks ulit Devon ha. I really had a great time.

Devon: Thanks din Trish, lalo na sa dinner.

Nagtawanan kaming muli ago siya tuluyang umalis. Kinain ko ang huling chocolate at ipinasok sa bag ko ang box. Sam, Sam, Sam. Pumasok ako sa loob ng bahay ng may ngiti na kasig tamis ng kinain kong tsokolate.

Chapter 9: The Invitation

Fretzie: OMG bez! Im so excited to see you na!

Halos mabingi ako dahil sa sigaw ni Fretzie, kasalukuyan ko siyang kasusap ngayon sa telepono. Isang linggo nang nasa Cebu si Fretzie dahil kinailangan niyang umuwi doon dahil sa biglaang kasal ng kanyang pinsan. Kaya naman talagang excited kami na makita muli ang isa’t isa.

Devon: Fretz, alam mo, one week ka lang nawala. Hindi po isang taon.

Fretzie: Aray naman bez, di ka ba excited na makita ako ulit?

Natawa lang ako kay Fretzie, love na love ko ang best friend kong ito.

Devon: Para lang po ipaalala ko sayo, sa isang linggo na nawala ka, everynight po akong tumatawag sayo! Ano naman ang hindi excited dun?

Si Fretzie naman ang natawa sa kabilang linya.

Fretzie: Hay naku Devon, miss na miss na kita.

Napangiti ako sa sinabi ng best friend ko, ako din, miss na miss ko na siya. Lagi kaming magkasama kahit a walang taping, kahit pa may school kami eh talaga namang di namin kinakalimutan ang magkita tatlong beses sa isang linggo para lang magkwentuhan.

Devon: Miss na din kita Fretz.

Fretzie: Sus, so sasama ka ba bukas?

Devon: Syempre naman, nandun ka ata.

Fretzie: And i-reremind lang po kita. Kailangan po ng date dun.

Bukas ay may mini-reunion ang lahat ng PBB housemates na inorganize ni Trish. Kaninang umaga niya lang kami tinext lahat. Hapon ang umpisa ng get together namin. At syempre kailangan daw ng date according to Trish. Kapag daw walang date, bawal pumasok. Sus, para sa pagkakaalam ko eh excuse niya lang yun para isama si Robi. At sabi niya, i-aanounce na daw niya bukas na sila na.

Devon: Paano yun? Wala akong date?

Fretzie: Sus naman, edi si James!

Devon: Feeling ko, pupunta siya with Ann.

Fretzie: Hindi yun, sigurado ako na ikaw ang yayayain nun.

Devon: As if!

Fretzie: As if ka dyan!

Devon: So, niyaya ka na ni Bret?

Fretzie: Siyempre, yun pa. Daig pa nun ang kidlat sa bilis. As soon as I received the text message about the reunion, maya-maya ay nandyan na yung text ni bun.

Kinikilig talaga si Fretzie kapag pinag-uusapan si Bret. Sobrang happy ako dahil katulad ni Trish ay nakahanap ng mabait at sweet na boyfriend ang best friend ko. Oo sila na ni Bret. Halos lahat sa mga PBB housemates ko ay mayroon ng boy friends. Ilan nalang kaming wala.

Devon: Hay naku, buti ka pa may date na. Kawawa naman ako kapag di ako nakahanap ng date, naku naman di ako papapasukin ni Trish.

Natawa si Fretzie dahil sa sinabi ko.

Fretzie: Ay bez, I need to go na. Alis na kami, baka mahuli pa ako sa flight ko di pa ako makauwi agad dyan.

Devon: Ikaw talaga bez, sige na nga bye na.

Fretzie: Bye bez, miss you!

Devon: Miss you too! Bye!

Pinatay ko na ang cellphone ko tsaka ako humilata ulit sa malambot kong kama. Hay naku, sino naman kaya ang pwede kong date? Nakakainis naman si James, naturingang ka-loveteam ko eh hindi man lang ako niyaya. Naku, kapag nakita ko yun! Si Sam kaya ang ayain ko? Ay naku! I hate you Robert James Reid! Nagulat ako ng biglang mag-ring ang phone ko, agad kong kinuha ang ito at tinignan. Si James tumatawag! Sinagot ko ang phoe ko kaagad.

Devon: Hello?

James: Hey Devon!

Devon: Oh James, bakit?

James: Well..

Tumigil si James at di muna nagsalita ng ilang segundo. Ewan ko ba kung bakit pero parang kinikilig ako, hindi ko mapigilan ang mapangiti. Baka aayain niya na ako.

Devon: Huh?

James: Uhm, did you receive Tricia’s text message?

Devon: Uhm oo, bakit?

James: Do you have a date already?

Sasagot na sana ako ng bigla ulit magsalita si James.

James: I was wondering if you asked Sam to accompany you already.

Gusto kong matawa dahil sa sinabi ni James. Nagseselos ba tong lokong to kay Sam? Gusto kong matawa pero wala akong maramdaman sa ngayon kundi walang humpay na kilig. Inaya talaga ako ni James! As in!

James: Ok lang naman if you already asked Sam to..

Devon: Wala pa nga akong date eh. Nag-aalala na ako na baka di ako makapasok.

James: Really?

Parang excited si James dahil sa sinabi ko. Ewan ko ba pero kinilig lalo ako.

James: So, may I be your very lucky date?

Natawa ako dahil sa sinabi ni James. Hindi o alam kung may lahi din itong mambobola, pero in fairness naman, effective ah. Kinikilig ang lola niyo ng bonggang-bongga!

Devon: Syempre naman.

Narinig ko pa mula sa kabilang linya na parang bumulong si James ng “Yes!”. Pero parang guni-guni ko lang siguro yun.

James: Uhm, ok I have to go now. I’ll just pick you up tomorrow at 4pm.

Devon: Ok. Kitakitz nalang tayo bukas.

James: Yeah, and see you tomorrow at ASAP.

Devon: Oo, sige bye.

James: Bye.

Pinatay ko na ang cellphone. Pagkapatay ko nito ay kinuha ko agad ang unan at niyakap ng mahigpit tsaka tumili ng bonggang-bongga!

Devon: Sige na nga, di na nga kita hate James!

Dhemi: James?

Napalingon ako sa pinto ng makita ko si ate Dhemi na nakatayo doon at nakataas ang kilay. Patay, nagsasalita na naman ata ako ng mag-isa.

Dhemi: At bakit naman kinakausap ng kapatid ko ang sarili niya? At may James pa ha.

Ngumiti lang ako kay ate at natawa naman siya. Umupo siya sa may gilid ng kama ko tsaka niya ako hinila papalapit sa kanya.

Dhemi: Hay naku naman ang kapatid ko, nagdadalaga na. Siguro ang dami ng manliligaw ng baby Devz namin noh? Pero sa totoo lang Devon ha, sana naman mag-iingat ka ha. Wag ka masyadong ma-iinlove. Kasi ayaw kong masaktan ka. Hindi yun maiiwasan pag umiibig ka.

Kaumawala ako sa pagkakayakap sa akin ng ate ko. Minsan hindi ko alam tong ate ko kung nahawa na sa sira ng ulo ko. Hopeless romantic kasi to.

Devon: Ate, unang-una hindi po ako in-love! Tsaka isa pa, hindi naman lahat ng tao ay katulad ng mga naging boyfriend mo na niloko ka noh!

Dhemi: Siguro nga hindi ka pa in-love sa ngayon. Siguro nga crush lang yan, pero hindi naman magtatagal eh mararanasan mo na din ang umibig. Makinig ka sa ate mo, kasi kahit pa hindi lahat ng lalaki katulad ng mga minahal ko na manloloko, eh hindi naman ibig sabihin na hindi ka na pwedeng masaktan.

Devon: Ate Dhemi..

Dhemi: Devon, I’m just giving my advice. And isa pa, alam ko naman na nasa stage ka na parang naguguluhan ka pa kasi di mo pa alam kung no yung nararamdaman mo.

Devon: Huh?

Dhemi: Sa una naman di mo malalaman agad na in-love ka na eh. Pag nagtagal, saka mo lang maiintindihan.

Devon: Alam mo ate, ang gulo mo. Kung ano-ano ang sinasabi mo.

Ginulo ni ate Dhemi ang buhok ko. Tumayo na siya sat tinungo ang pinto. Ang ate ko talaga nagsisimula na maging weirdo. Ng masapit na niya ang pinto ay lumingon muli siya sa akin.

Dhemi: Basta balitaan mo na lang ako kung si James o si Sam ha.

Nagulat ako sa sinabi ni ate, magsasalita sana ako pero bigla na lang siyang tumawa at tumakbo na pababa.

Devon: Ate Dhemi!

Sira ulo din talaga ung ate kong yun oh! Paano naman kaya niya nalaman ang tungkol kay Sam at james? Hay naku si Fretzie na naman siguro ang nagsabi! Naku talaga!

Chapter 10: Party-party??

Anong oras na? Bakit naman wala pa si James? Naiinip na ako ah! Nag-ring ag cellphone ko kaya kaagad kong sinagot.

Devon: Hello James?

Narinig kong tumawa ang nasa kabilang linya.

Tricia: So, I suppose na si James ang date mo?

Namula ata ako dahil sa narinig ko. Hindi pala si James.

Devon: Ay, kaw pala Trish. Akala ko si James eh.

Tricia: Uuuy, kinikilig naman ako.

Ako naman ang tumawa dahil sa sinabi niya.

Devon: Sira ka talaga!

Tricia: Well, I just called to remind you na bawal ang walang date. Pero sa tingin ko naman, eh may date ka na para mamaya.

Devon: Oo, niyaya ako ni James.

Tricia: O siya sige, kailangan ko pang ayusin ang mga foods para sa party. Bye!

Devon: Ok, bye.

Pagkapatay ko ng cellphone ay agad kong isinubso ang mukha ko sa unan. Nakakahiya ka naman Devon!

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, pasado alas kwatro na. Ano ba yan? The party will start at 5pm, nasaan na ba siya? Tumayo ako at sinipat ang suot kong purple dress na sleeveless at hanggang tuhod.

Dhemi: Maganda ka na.

Napalingon ako sa may pito at nakita kong nakatayo doon ang ate ko. Ngumiti lang ako ng matamlay sa kanya, naiinip na kasi ako. Kanina pa ako nakabihis pero wala pa rin si James.

Dhemi: Wala pa yang date mo? Naku ha!

Devon: Baka po na-traffic lang.

Dhemi: Sus, pag ganyan, si Sam nalang ang boto o para sayo.

Natawa pa si ate Dhemi sa sarili niyang biro. Hay naku, wala naman akong ibang magawa kundi ngumiti nalang. Nag-ring ang phone ko kaya naman agaran ko itong sinagot.

Devon: Hello?

James: Devon.

Parag malungkot ang tono ng boses ni James, kinabahan ako bigla.

Devon: Bakit? May problema ba James? Nasaan ka ba?

James: I’m, I’m sorry Devon.

Para akong bihusan ng malamig na tubig. I’m sorry? Ano bang ibig sabihin nun?

James: Something came up at the last moment. I can’t go with you to the party.

Kait para akong binagsakan ng langit at lupa ay wala akong ibang magawa kundi um-oo nalang. Ano pa nga ba ang magagawa ko kung hindi na siya pwede diba?

Devon: Okay lang James.

James: I’m really sorry Devon. Maybe you should just ask Sam to go with you.

Devon: Siguro hindi na lang ako pupunta.

James: No!

Mabilis at malakas ang sagot ni James. Parang lalo akong naghina, may karapatan pa siyang pagtaasan ako ng boses? Nakakainis talaga si James. Wala na akong gana makipag-usap sa kanya. Masama ang loob ko sa ngayon.

Devon: Hindi James, wala na rin naman akong kasama. Bawal daw sabi ni Trsh..

James: But Devon..

Devon: Dont worry James, there are some other times. Next time na lang sigur ako.

James: Devon I’m sorry..

Devon: No its ok. Bye.

Hindi ko na hinayaan ang magsalita siya o sumagot, pinatay ko na agad ang cellphone ko. Nakita kong nag-aalala si ate Dhemi sa tabi ko.

Dhemi: What happened? Di siya makakapunta?

Tango ang ang sinagot ko sa kanya. Parang latang-lata na ako para magsalita.

Dhemi: Bakit daw?

Devon: Ewan ko, di ko na tinanong.

Dhemi: Eh, bakit di ka nalang pumunta mag-isa?

Devon: Bawal ang walang date.

Dhemi: Sus! Hindi un! Pero kung bawal talaga, bakit di mo tawagan si Sam?

Naisip ko naman kaagad si Sam, nakakahiya naman. Pero alam ko hindi niya ako bibiguin.

Dhemi: Well? Ang pangit naman kung di ka pupunta dahil lang kay James diba?

Napaisip ako dahil sa sinabi ng kapatid ko. Tama nga naman sia diba? Kinuha ko ang cellphone o at hinanap ang pangalan ni Sam. Nag-aalangan pa ako nung una, pero nagdesisyon na din ako at pinindot ang call button. May sumagot naman agad sa kabilang linya pagkatapos ng ilang ring.

Sam: Hello?

Devon: Uhm, hello, Sam?

Sam: Devon!

Chapter 11: My savior!

Sabay kaming pumasok ni Sam sa venue ng party. Ng tawagan ko siya at sabihin ang nangyari at ayain na samahan ako ay natawa lang siya at sinabing hindi daw niya ako kayang hindi-an. Pasado alas-singko ng dumating siya sa bahay para sunduin ako.

Fretzie: Devz!

Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko, bumitaw ako sa pagkakakapit ko aky Sam at sinalubong ang best friend ko. Niyakap niya ako ng mahigpit.

Devon: Wow Fretz, long time no see.

Fretzie: Oo nga eh. Na-miss kita!

Devon: Mas lalo naman ako no!

Nagtawanan kami pareho. Sumulpot bigla si Bret sa likuran niya.

Bret: Oh, where’s James?

Napasimangot ako sa tanong ni Bret. Tiniganan ko si Sam at inakbayan naman niya ako.

Sam: Well, I think your friend has something else to do. So, ako ang date ni Devz ngayon.

Fretzie: Talaga? Si James talaga! Inindian ka! Uupakan ko yun pag nakita ko!

Natawa si Sam sa sinabi ni Fretzie.

Fretzie: Sam thanks for coming with my best friend ah. Dagdag pogi points yan!

Natawa lalo si Sam dahil sa sinabi ni Fretzie samantalang namula naman ako.

Sam: Well, nakakatuwa naman marinig yan mula sayo. Diba maka-James ka?

Si Fretzie naman ang natawa sa kanya. Samantalang si Bret ay nakasimangot.

Bret: Baka naman James has a very important thing to do.

Fretzie: Talagang dapat niya lang siguraduhin na importante yan dahil kung hindi, lagot siya sa akin.

Nagtawanan kaming lahat at sabay-sabay umupo sa isang table malapit sa stage. Nakita naming papalapit si Tricia sa amin kasama si robi.

Tricia: Hi guyz! Welcome home Fretz!

Fretzie: Thanks, Trish.

Nagbeso pa sa amin ni Fretzie si Tricia. Samantalang binati naman ni Robi sila Sam at Bret.

Robi: Sam! I didn’t know you’re coming!

Sam: Well, di ko nga rin alam eh.

Robi: Huh?

Devon: Di kasi ako masasamahan ng supposed to be partner ko.

Tricia: Aww, bakit naman?

Devon: May gagawin daw siya eh.

Robi: Whoa, what a waste. Di niya alam na an supposed to be date niya ang pagalawa sa pinakamaganda ngayon dito sa party. Napunta tuloy kay Sam ang date niya.

Natawa ako sa sinabi ni Robi, ganun din ang iba.

Devon: Ganun? At sino naman ang pinakamaganda?

Inakbayan ni Ribi si Tricia.

Robi: Fortunately, she’s my date tonight.

Nagtawanan ang lahat, pero sa totoo lang kinilig ako sa sinabi ni Robi. Ang swerte ni Trish.

Fretzie: Paano naman ako Robi? Di ako kasali?

Robi: Syempre ikaw yung pangatlo.

Fretzie: Pngatlo lang? Ouch naman.

Bret: Dont worry bun, for me you’re the kost beautiful here tonight.

Fretzie: Sus naman bun, di ka naman counted eh!

Nagtawanan kaming lahat. Pero napatigil ako sa pagtawa ng makita ko ang dalawanag taong papasok ng pinto. Prang tumigil ang mundo ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman ko. Parang nanghina ako muli. Agbalik lang ako sa huwisyo ng akbayan ako ni Sam.

Sam: Wag kang titingin sa pinto ha.

Napangiti ako dahil sa sinabi ni Sam. Too late, nakita ko na.

Fretzie: Is that james?

Robi: With Ann?

Chapter 12: Ouch.

Pumasok na sila Ann at James, nakita kami ni An kaya naman agad siyang lumapit sa amin. Ng makita kami ni James ay halata sa mukha niyang nagulat siya.

Ann: Hi guys!

Walang pumapansin kay Ann, parang lahat ata ay nakatingin kay James. Nakatingin sa akin si James, may gusto siyang sabihin. Napabuntong-hininga ako at tumingin kay Ann.

Devon: Hi Ann! Hi James!

Nagtinginan sa akin lahat ng mga kaibigan ko. Kung kaya ni James na ipagwalang-bahala ang lahat, bakit hindi ko kakayanin? Si Devon Seron ata ito.

Ann: Hi Devon! Akala ko wala kang date, buti nakapunta ka.

Nanginig ata ang buong katawan ko, kaya ko to. Nagulat ako ng magsalita bigla si Sam.

Sam: Sino nagsabing wala siyang date?

Tinignan ko si Sam, nakangiti siya sa akin ng pagkatamis-tamis.

Ann: Oh, naisip ko lang. Alam ko naman kasing its only James who would ask her. And since ka-date ko si James, I thought na baka wala siyang kasama.

Nag-init ang ulo ko. Pakiramdam ko may gustong palabasin si Ann.

Devon: Actually, James did ask me. Pero nagkaroon daw ng emergency.

Tumingin ako kay James ng pagkatalim-talim.

Devon: I guess, alam ko na kung ano ang emergency?

Hindi ko na inantay pa na may mag-react, tumayo na ako.

Devon: Excuse me lang ha.

Umalis ako doon at lumabas, naglakad ako papunta sa may garden sa gilid ng venue. Parang hindi ako makahinga, parang gusto ko umiyak. Parang binagsakan ako ng mundo, ang sakit. Ang sakit sakit. Napaupo ako sa isang bench sa garden, di ko na napigilan ang mga luha na kanina ko pa tinatago. Umiyak ako ng umiyak, inilabas ko ang lahat ng sama ng loob ko.

Sam: Panyo?

Iniangat ko ang paningin ko at nakita ko si Sam na hawak ang isang puting panyo. Tumayo ako at niyakap siya, mas lalo pa akong humagulgol sa dibdib niya. Hinimas niya ang likod ko.

Sam: Sige lang, iiyak mo lang. Nandito lang ako.

Iniangat ko ang ulo ko at tinignan si Sam, nakatingin siya sa akin ng may concern sa mga mata niya.

Devon: Sorry ha, nabasa ko ata yung damit mo.

Natawa si Sam dahil sa sinabi ko. Napangiti ako dahil sa kanya. Tinitigan ko ang mukha niyang nakangiti sa akin, parang unti-unting natutunaw ang sama ng loob ko. Umais ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Kinuha ko ang panyo na hawak pa din niya.

Devon: Pahiram na nga lang nito.

This time, nakangiti na talaga ako. Nakangiti din si Sam sa akin. Umupo ako sa bench at pinunasan ang mga luha ko. Umupo rin si Sam sa tabi ko.

Sam: Im sorry Devon.

Napatingin ako kay Sam. Sorry? Binigyan ko siya ng isang nagtatakang tingin.

Sam: Sorry kasi ako ang kasama mo ngayon at hindi si James.

Nagulat ako sa sinabi ni Sam. Tinignan ko ang mga mata niya, kahit nakangiti siya ay nababanaag ko ang lungkot sa mga mata niya.

Devon: Wag mong sabihin yan Sam. Masaya ako na kasama ka

Sam: Masaya? E bakit umiiyak ka?

Tumingin ako kay Sam, tumingin din siya sa akin.

Devon: Bakit ako umiiyak?

Inalis ko ang tingin ko sa kanya. Ngumiti ako habang nakatingin sa kawalan.

Devon: Kasi pakiramdam ko, hindi ko na kaya. Pakiramdam ko huli na ‘to. Ang tagal ko ng nagtitiis, Sam. Ang tagal ko ng nagtitiyaga. Akala ko ipagtatanggol ako ni James, akala ko tutulungan niya ako. Kasi kaibigan ko siya, isa siya sa pinakamatalik kong kaibigan. Pero hindi eh, mas lalo niya lang akong sinasaktan.

Tinignan ko si Sam.

Devon: Sana ikaw na lang ang naging ka-loveteam ko Sam. Sana ikaw na lang. Kasi alam ko, hindi mo ako pababayaan. Hindi mo ko sasaktan.

Lumapit si Sam sa akin at pinunasan ang luha sa pisngi ko. Tinitigan niya ang mga mata ko.

Sam: Alam kong kaya mo yan.

Inalis ko ang kamay niya sa pisngi ko at ngumiti.

Devon: Alam ko rin, basta ba hindi mo ko iiwan.

Sam: Syempre hindi. Ikaw pa, malakas ka sakin.

Nagtawanan kaming dalawa ni Sam. Tinitigan ko ang nakangiti niyang mukha. Oo, hindi ako susuko, kasi alam kong hindi niya ako iiwan. Alam kong lagi siyang nandyan. Si Sam.

Chapter 13: James

Sam: Ano balik na tayo sa loob?

Halos mag-kakalahating oras na rin siguro kami ni Sam sa labas. Nagkwentuhan kami tungkol sa mga naranasan ko sa PBB, sa mga housemates, sa mga naging shows niya at marami pang iba. Tawa ako ng tawa kasi kwelang-kwela si Sam.

Devon: Parang ayaw ko na bumalik eh.

Sam: Alam mo namang sooner or later, kailangan mo rin silang harapin.

Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at hinila na si Sam pabalik sa venue.

Devon: Opo, sir. Halika na nga.

Pagpasok namin ni Sam sa venue ay kasalukuyang kumakanta ang Bretzie. Dumiretso kami ni Sam sa dati naming upuan kung saan nakaupo sila Tricia at Robi.

Tricia: Devon! Are you alright?

Umupo ako sa tabi ni Tricia, samantalang umupo naman si Sam sa kaliwa ko.

Devon: Oo naman, nagpahangin lang kami ni Sam sa labas.

Robi: Akala ko naman kung anong drama na!

Natawa kami nila Robi at Sam sa sinabi ni Robi ngunit nanataling seryoso si Tricia.

Tricia: Are you sure your alright? Super nag-alala kami sayo ni Fretzie.

Devon: Nothing to worry about Trish.

Tricia: Nagkausap ba kayo ni James?

Huh? Tinaasan ko ng kilay si Trish. Anong pinagsasabi niya?

Tricia: You mean hindi kayo nagkita? Sinundan niya kayo!

Sinundan? Iginala ko ang paningin ko sa buong room. Wala si james!

Sam: Nasan na si James?

Tricia: Di pa siya bumabalik simula nung sinundan niya kayo. Kanina pa nga siya tinatawagan ni Ann eh. Pero hindi daw niya sinasagot yung phone niya.

Hinanap ko din si Ann, nakita ko siyang tumatakbo papalapit sa amin.

Ann: Oh my gosh guys, si James.

Kinakabahan ako sa tono ng pananalita ni Ann, parang may masamang nangyari.

Devon: Anong nangyari kay James?

Napaupo si Ann sa isa sa mga upuan sa table namin. Nanginginig siya.

Ann: Devon, si James nadisgrasya. Nabangga ng isang truck yung sasakyan niya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanigas kaming lahat. Nanlamig ang mga kamay ko. Si James, si James.

Chapter 14: Sorry

Nagmamadali kaming maglakad papunta sa room kung saan naka-confine ngayon si James. Halos lahat ng mga nasa party ay sumama sa pagpunta sa ospital ng malaman na nadisgrasya si James. Kanina pa nanlalamig ang mga kamay ko, nag-aalala ako sa kanya. Kahit pa nagtatampo ako sa kanya, eh parang nawala ang lahat ng iyon at napalitan ng kaba.

Ann: I hope he’s okay, I hope he’s okay.

Nakita namain sila Chantal at kuya Tom sa labas ng isang room. Agad na lumapit si Ann sa kanila samantalang kasama ko sila Sam, Fretzie, Bret Robi at Tricia na nanatiling nanonood habang nagpapanick si Ann.

Ann: What happened? Is he okay?

Tom: He’s alright now, the doctor said that he just suffered from some minor injuries. I think the car is the one who suffered the most, though.

Natawa pa ang kuya ni James. Medyo nakahinga ako ng maluwag, ibig sigurong sabihin nun eh, hindi nga masyadong nasaktan si James. Tumingin sa akin si Chantal.

Chantal: Devon, hinahanap ka ni James.

Tom: Yeah, he said he wants to talk to you.

Napatingin sila sa akin lahat, lalo na si Ann. Parang may lungkot akong nabasa sa mga mata niya.

Devon: Okay lang po ba si James?

Chantal: Oo, hindi naman malala. Kaunting mga galos lang naman.

Tom: I’ll check on him first.

Pumasok si kuya Tom sa room. Nanlalamig ang kamay ko.

Bret: I hope James is okay.

Fretzie: Oo nga.

Tricia: I promise not to hate him anymore.

Siniko ni Robi si Tricia. Ganun talaga si trish, di siya natatakot na sabihin at ipakita ang nararamdaman niya. Kaya minsan ay talaga namang namimis-interpret siya ng ibang tao. Maya-maya pa ay lumabas na si kuya Tom mula sa kwarto kasama si Jack.

Jack: Ate Devon!

Lumapit sa akin si Jack at hinila ako papalapit sa pinto.

Jack: You really need to talk to him.

Tumingin muna ako kay Jack, ginulo ko ang buhok niya saka ko siya nginitian. Ngumiti din naman siya sa akin. Nitong mga nakaraang buwan ay naging malapit kami ni Jack, mahilig kasi ako sa mga bata. At sobrang cute naman talaga at sweet ng kapatid ni James. Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto ni James.

James: Devon.

Lumingon sa akin si james. Nakita ko na may benta siya sa bandang noo. Ano ba talaga ang iniisip ni James? Sinasabi ko naman lagi sa kanya na magsuot ng seat belt kapag magkasama kami. Nkaupo si james sa kama at nakasandal sa unan, umupo ako sa may paana niya.

Devon: Okay ka lang ba?

Napngiti sa akin si James.

James: Well, now that you’re here, I guess I am.

Tinitigan ako ni James. Pinilit niyang abutin ang kamay ko. Hindi ko alam kung iaabot ko sa kanya ang kamay ko.

James: Galit ka.

Gusto kong sabihin na hindi, pero hindi ko magawa. Kasi ang totoo, naiinis ako sa kanya. Naiirita ako na si Ann ang pinili niya. Na si Ann na naman ang pinili niya.

James: I followed you, I wanted to explain. But..

Inialis ni James ang tingin niya sa akin. Nababakas ang lungkot sa mga mata niya. Naawa ako sa kanya. Bakit ba parang ang sama-sama ko? Ako yung nasaktan pero kung umasta ang lokong ito parang siya ang agrabyado.

Devon: Pero ano?

James: But I saw you hugging Sam.

Mahina ang pagkakasabi ni James ng huli niyang sinabi pero narinig ko pa rin. Hindi ko maintindihan. Bakit hindi siya lumapit?

Devon: Bakit hindi ka lumapit? Bakit hindi ka nag-explain?

James: I was too hurt.

Devon: Huh?

James: Don’t you know how much it hurts to see you with someone else Devon?

Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni James. Ano ba ang gusto niya sabihin?

James: Devon, i like you. Can’t you see that? Di mo ba nararamdaman?

Mas lalo akong nanlamig dahil sa sinabi ni James. Gusto niya ako? Gusto kong matawa pero at the same time, gust ko ding maiyak. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Parang lalo lang naging magulo ang lahat para sa akin. Pero sa kabila ng lahat ng pag-aalinlangan, parang may tuwa pa rin akong nararamdaman.

Devon: James, ano ba to? Ano na naman ba ‘to? Naguguluhan na ako.

Nagsimula ng tumulo ang luha mula sa mga mata ko. Hinampas ko siya ng mahina sa braso niya.

Devon: Nakakainis ka! Naiinis ako sayo! Bakit ka ganyan? Iindianin mo ako at isasama si Ann sa party bilang ka-date mo! Tapos ngayon, sasabihin mo na gusto mo ko? Ano ba James? Ang gulo-gulo mo! Nakakainis ka!

Tinatawanan ako ni james habang nagdadrama ako.

Devon: Bakit ka ba tumatawa? Ano bang problema mo?

Tumigil si James sa pagtawa pero hindi nawala ang ngiti mula sa mga labi niya. Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko.

James: You know Devon, para kang bata.

Nagiti na rin ako dahil sa sinabi ni James. Hay naku. Hindi ko naman talaga matitiis ang lokong ‘to eh.

Hinawakan ni James ang kamay ko.

James: Does that smile mean that bati na tayo?

Devon: Ano pa ba ang magagawa ko? Nadisgrasya ka na nga lahat-lahat eh.

James: You mean, kung di ako nadisgrasya, you won’t forgive me?

Devon: Pag-iisipan ko.

Natawa kami pareho dahil sa sinabi ko.

Jack: Uuuy! Bati na sila.

Napalingon kami pareho sa pinto kung saan nakasilip si Jack. Natawa kami pareho dahil sa kakulitan ng kapatid ni James. Lumabas muli to at tinawag ang iba pa naming mga kaibigan. Isa-isa silang sumilip sa kwarto. Nakita ko na dumating na rin pala ang iba naming mga housemates.

Ryan: Can we entel the loom now? Is the tension ovel?

Natawa kami pareho ni James. Lumapit na ang iba pang mga housemates para kamutahin si James. Nakita ko si Sam na nakatayo sa gilid ng pinto. Ngumiti siya sa akin at ngumiti rin ako sa kanya.

Chapter 15: The Revelation

Hbang kinakakamusta ng iba kong mga housemates ang kalagayan ni James ay nilapitan ko si Sam sa may pinto. Kasama niya noon si robi, hindi kasi nila masyadong ka-close si james kaya lumabas sila pagkatapos nilang batiin si James. Ngunit bago pa ako makalapit kila Sam at Robi ay naramdaman kong may humawak sa braso ko. Ng lumingon ako ay nakita ko si Ann na seryosong nakatingin sa akin.

Ann: Devon, can we talk?

Usap? Bakit naman kaya? Tumango lang ako.

Ann: Let’s go to the cafe downstairs. I’ll treat you.

At syempre, sa tunog ng “I’ll treat you” ay agad akong sumunod kay Ann. Ng makarating kami sa cafe ay umorder kami ni Ann ng hot chocolate at donuts. Tahimik lang ako at hinihintay ko siyang magsalita.

Ann: Well, gusto ko sana humingi ng despensa sayo.

Devon: Despensa?

Yumuko si Ann. Prang tinatantya niya kung ano ang sasabihin niya.

Ann: Its all my fault. All of these.

Devon: Anong ibig mong sabihin?

Ann: Its all a misunderstanding. I didn’t know that James already asked you to be his date. You see, si Ivan supposed to be yung date ko. Kaso he called me and said that he couldn’t go to the party because may naka-schedule pala siyang photo shoot for a clothing line. Kaya tinawagan ko si James.

Devon: At iki-nancel niya yung invitation niya sa akin, para sayo?

Sunod-sunod na iling ang ibinigay sa akin ni Ann.

Ann: No, its not like that. Naniniwala ka ba talaga na gagawin sayo ni James yun?

Devon: Ann, ilang beses na niya akong iniiwan para sa Jamli. Alam mo yun.

Ann: Yeah, pero para sa Jamli. Hindi para sa akin.

Devon: Diba ginawa na niya ngayon?

Ann: Hindi Devon. Hindi. Its all my fault. Alam mo naman na close kami ni James diba? We are like best friends. Nung tinawagan ko siya, I told him na may emergency, na pumunta agad siya sa bahay. And alam mo naman na I’m a party person. I love parties. Para sa akin, emergency talaga yun na di ako makakapunta just because I dont have a date. Akala ko kasi hindi ka pa niya niyayaya. I didn’t know na kinancel niya pala yung invitation niya sayo para lang mapuntahan ako.

Tuloy-tuloy na nagsalita si Ann. Nababakas sa boses niya ang guilt. Hay naku. So, iyon pala ang dahilan ng lahat. Tama nga rin naman si Ann, bakit ko ba inisip na magagawa sa akin yun ni James? Binigyan ko si Ann ng isang matamis na ngiti.

Devon: Hindi mo kasalanan, sabi mo nga diba? Misunderstanding ang lahat.

Tumingala sa akin si Ann. Ngumiti siya sa akin.

Ann: I know you will understand. I think that’s one of the reasons why James likes you.

Nakangiti si ann pero parang malungkot ang kanyang mga mata. Hinawakan ni Ann ang mga kamay ko.

Ann: Alam ko, na hindi mo siguro napapansin because madalas magkasama kami ni James. But Devon, he really likes you a lot. He really cares for you. In fact, madalas siyang nagseselos kay Sam.

Ano? Ano bang pinagsasabi ni Ann? Naguguluhan ako.

Devon: Ano bang pinagsasabi mo Ann?

Ann: James likes you Devon. Sa totoo lang kanina, nung nalaman niya na yun lang yung dahilan ko, gusto ka niyang tawagan ulit. Ikaw ang gusto niya makasama, hindi ako.

Tumawa si Ann.

Ann: Sabi ko sa kanya samahan na lang niya ako, kasi wala akong ka-date. After ng pangungulit ko sa kanya, pumayag na din siya. Sabi mo naman daw di ka na pupunta, kaya tatawagan ka nalang daw niya. Kaya nga he was so shocked when he saw you at the party, with Sam.

Diniinan pa ni ann ang pagkakasabi ng huling dalawang salita. Parang nagugulat naman ako sa mga sinasabi ni Ann.

Ann: I feel guilty, kasi feeling ko he got upset when he Sam followed you. Kaya siguro siya nadisgrasya. James can be so careless if he is hurt or upset.

Napaisip ako sa sinabi ni Ann. Could it be? Sabi sa akin ni James kanina, nakita niya daw kami ni Sam na magkayakap. Si James talaga, kahit kailan ang mokong na yun! Paano kung malala yung mga sugat niya? Edi ako pa pala ang may kasalanan?

Ann: Devon, take care of james ha.

Devon: Huh?

Nginitian ako ni Ann.

Ann: Aaminin ko sayo, I like James. I really like him. But he likes you. Ad ayoko ng sumingit pa sa love triangle niyo. Masyado na kayong magulo eh.

Natawa pa si Ann sa sarili niyang joke. Love triangle? Ano naman kaya yun?

Devon: Love triangle?

Mas lalo pang natawa si Ann.

Ann: Kay naku devon. You are so innocent, the love triangle between you, James and Sam.

Ako naman ag natawa. Kami? Love triangle? Ano ba ang iniisip ni Ann? Pareho ko lang namang friends sila James at Sam ha. Pero naalala ko ang sinabi ng ate Dhemi ko, na hindi sa lahat ng oras ay hanggang pagkakaibigan na lang kami. Siguro nga totoo yun. Pero pareho ko silang gusto, ayaw ko silang mawala pareho.

Ann: Well, mahirap naman talaga pumili. Sam is a great guy. Pero, James won’t let you down. He cares for you a lot. Hindi ka man niya hrap-harapang naipagtatanggol lalo na sa fans namin, believe me Devon, he is doing everything he can to protect you. Hindi lang talaga showy si James, pero he really likes you. Sana wag mo ring bale-walain yun.

Parang hindi ko parn ma-process lahat ng sinasabi sa akin ni Ann. Pero, natutuwa pain ako. Natutuwa ako kasi nalaman kong may gusto sa akin si james. Sino ba namang hindi matutuwa diba? Pero higit sa lahat natutuwa ako kasi alam ko na yung totoo. Na hindi naman pala ako inwan sa ere ni James.

Ann: Uuyy, kinikilig.

Nagulat ako sa sinabi ni Ann. Nakatulala siguro ako habang nakangiti. Nagtawanan kaming dalwa at maya-maya pa ay dumating na ang order naming donuts at hot chocolate.

Devon: Ang sarap naman nito, lalo na libre.

Ann: James is right, ang takaw mo nga talaga.

Nagtawanan pa kami ni Ann, bago ko kinagat ang walang kalaban-laban na donut.

Chapter 16: Rehearsals

Emman: Hay naku, naawa naman ako kay James, pero sus naman bakit tayo pa?

Natawa kami nila Inno at Auriette dahil sa sinabi ni Emman. Dahil kasi sa aksidente ay naka-sick leave muna si James hanggang huwebes. Tinawagan kaming apat kanina ng isa sa mga staff para ipasabi na kami ang papalit sa supposed to be song number ni James with Inno.

Auriette: Pero, kamusta na nga pala si James, Devz?

Devon: Ayun, okay na naman siya eh. Kaso sabi ng doktor, kailangan pa ng kaunting pahinga.

Inno: Bakit naman kasi hindi mag-ingat sa pagda-drive diba?

Emman: Hindi mo naman mapipigilan ang selos eh.

Ang daldal ni emman! Pinanlakihan ko siya ng mata ng tignan siya nila Auriette at Inno. Hay naku, next time ayaw ko na magkwento dito kay Emman.

Emman: Oops, wala akong sinabi.

Umalis si emman para kunin ang isa pang mikropono sa backstage. Mamaya na ang song number naming apat, pasado ala-una na kasi ng tinawagan kami. At dahil hindi kami nakapag-recording, e kakantahin namin ng live ang “Torete”. Hay naku.

Auriette: And what was that all about?

Dahan-dahan na rin akong pumunta sa backstage.

Devon: Aba, ewan ko.

Natatawa kong sinundan si emman sa backstage kung saan siya kasalukuyang nakaupo.

Devon: Hoy bruha! Ang daldal mo!

Emman: Sorry na. Ito naman, parang di na nasanay sa kadaldalan ko,

Devon: Sa susunod talaga, di na ako sayo magkukwento.

Emman: Wag ganun.

Nagtatawanan kami ni Emman ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Sinagot ko kaagad ito.

Devon: Hello?

James: Hi Devz.

Devon: Oh James, napatawag ka?

James: I just heard that kayo nila Emman ang papalit sa number ko.

Devon: Yup.

James: Sorry.

Devon: Bakit ka na naman nagso-sorry?

James: For causing you another trouble.

Napangiti ako sa sinabi ni James. Hay naku, sweet din ‘tong lokong ‘to eh.

Devon: Para kang sira James, trabaho ko kaya ‘to.

James: Kahit na, its still because of me that you are caught with all that rush.

Sinenyasan ako ni Emman na tinatawag na daw kami nila Inno at Auriette.

Devon: Oh, James, aalis na ako ha. Tinatawag na kasi kami eh.

James: Okay, i’ll watch you later. Don’t forget to greet me!

Natawa pa ako ulit dahil sa sinabi ni James.

Devon: oo, babatiin kita. As if naman may choice ako diba?

Si James naman ang natawa sa kabilang linya.

Devon: Bye na.

James: Bye Devz.

Pinatay ko na ang cellphone ko at tumakbo papunta sa set kung saan ako hinhintay na ang ibang ko pang kasamahan.

Auriette: Oh, the lover is back.

Natawa sila Inno at Emman dahil sa sinabi ni Auriette.

Devon: Anong trip na naman yan ha?

Inno: Kunwari pa, knikilig din naman!

Auriette: Naku, pano na ngayon si papa Sam?

Natigilan ako sa sinabi ni Auriette. Mula nung naaksidente si james at sabihin niya sa aki na gusto niya ako, mas lalo nga kaming naging close. Lagi siyang tumatawag sa akin. Minsan nangangamusta kung kumain na ako, kung nasaan na ko, tska para mag-good night sa gabi. Pero lately, hindi ko na msyado nakakausap si Sam, kahit sa text lang.

Inno: Devon!

Napabalik ako sa huwisyo dahil sa pagtawag sa akin ni inno.

Inno: Ano, natigilan ka?

Emman: Hay naku, torn between two lovers!

Hinampas ko si Emman sa braso.

Emman: Ouch, naku ang pikon, talo!

Devon: Pareho ko namang friends sila Sam and James.

Natawa silang tatlo dahil sa sinabi ko.

Inno: Friends? Sino namang niloko mo?

Auriette: Tama! Parehong may gusto sayo yung dalawang boylets, tapos sasabihin mo, friends mo naman sila pareho? Ano ka ba?

Emman: I told you, Devz.

Inno: Alam mo kasi Devon, di magtatagal, magkakaroon din ng kompetisyon sa dalawang yan. At kakailanganin mo ding mamili.

Bumuntong-hininga ako.

Auriette: Eh sino ba talaga ang gusto mo? Si James o si Sam?

James o si Sam? Sino nga bang mas gusto ko? Si james, kasama ko na mula pa sa PBB. Una kong naging ka-close. Ka-loveteam ko, and super caring. At inamin na niya na gusto niya ako. Si Sam, matagal ko ng crush, simula pa noon. At isa pa, siya ang laging nandyan sa tabi ko kapag kailangan ko ng kasama.

Emman: Ano na girl? Di ka na kumibo dyan.

Napaupo ako sa flatform sa tabi ko.

Devon: Pareho ko silang gusto eh.

Inno: Patay tayo dyan.

Auriette: Malaking problema nga yan.

Devon: Bakit nga pala ito yung pinag-uusapan natin? Diba dapat nagpa-practice na tayo?

Auriette: Kanina pa tayo practice ng practice eh.

Inno: Oo nga, at saka 3:45 na kaya. Maya-maya lang nandyan na yung iba nating kasamahan.

Emman: Oo nga, maya-maya darating na si Sam!

Nagtawanan kaming apat. Ewan ko ba sa mga ‘to. Ang lakas mang-asar!

Enrique: Enjoy na enjoy kayo dyan ha.

Napalingon kaming apat kay Enrique.

Inno: Tol, dyan ka na pala.

Enrique: Oo, kasabay ko sila Sam at Aaron.

Emman: Si Sam? Devon, nandyan na daw si Sam.

Devon: Ewan ko sa inyo! Magsama nga kayo dyan!

Tumayo na ako at naglakad papunta sa backstage. G Ang totoo niyan nauuhaw na ako, buti na lang may baon akong juice sa bag ko. Kinuha ko ang juice sa bag ko at unti-unting ininom. Ang sarap!

Sam: Hey Devz!

Nagulat pa ako dahil sa biglang paghawak ni Sam sa balikat ko. Mumuntikan ko ng maibuga ang juice mula sa bibig ko.

Devon: Ano ba Sam? Naggugulat ka naman eh!

Natawa si Sam dahil sa reaksyon ko.

Sam: Para ka namang nakakita ng multo nyan eh. Ang gwapo ko naman masyado para maging multo!

Devon: Sira!

Sam: Ready ka na para sa number niyo? Live yun ha.

Devon: Oo nga eh, first time ko kakanta ng live.

Sam: Kaya mo yan! Ichi-cheer kita!

Natawa ako dahil sa sinabi ni Sam, kahit talaga kailan hindi siya nagbabago. Hindi siya nabibigong pangitiin ako.

Sam: Kamusta na si james?

Devon: Yun, okay naman siya.

Sam: Bati na kayo?

Devon: Oo.

Nagkaroon ng nakabibinging katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Sam: Devz, uhm..

Devon: Huh?

Sam: Pwede ba kitang..

Staff: Devon!

Napalingon ako sa staff na tuawag sa akin.

Devon: Sandali lang Sam ha, mamaya nalang atyo mag-usap.

Umalis na ako at iniwan si Sam. Ano kaya ang sasabihin niya? Naman kasi eh.

Chapter 17: Warm with love.

Enrique: Welcome to shoutout!

Sam: Welcome mga teenmates! Were back again sa paborito niyong tambayan.

Huminga ako ng malalim. Ako ngayon ang naka-toka na sumama sa paghohost ng opening ng shoutout. At nagkataon pa na si Sam pa ang kasama ko mag-host. Naku naman.

Devon: At dahil malamig ang panahon ngayong August mga teenmates, ang shout out natin ngayon ay “Let’s get warm with love...”.

Nagtilian ang mga tao sa paligid samantalang natawa naman si Enrique sa tabi ko.

Enrique: Naku, “Let’s get warm with love” pala Devon ha. Nakakakilig naman yan.

Siniko pa ako ni Enrique na siya namang ikinatawa ko. Nagtilian pa lalo ang mga tao. Narinig ko na may mga sumisigaw ng “Jaevon” sa isang bahagi ng stage. May hawak silang napakalaking banner kung saan nakalagay ang pictures namin ni James.

Devon: Sino naman ba ang nagpapa-warm ng August mo Enrique ha?

Sam: Naku, si Enrique pa. Ever so loyal yan sa girlfriend niyang si Coleen.

Enrique: Oo naman, siya lang ang nagpapa-warm sa tag-ulan ko. Eh kayong dalawa ha? Ikaw Sam? Sino ba yan ha?

Nakita kong namula si Sam dahil sa tanong ni Enrique. Gusto kong matawa sa reaksyon niya pero pinigilan ko dahil nasa harap kami ng camera. Pagkatapos ng show namin na goodvibes na pumatok sa taong bayan, ay talaga namang nagkaroon ako ng iilang mga karanasan sa pag-arte. Lalo na sa pagpipigil ng pagtawa.

Sam: Secret! Di pwede sabihin eh.

Devon: Wala man lang clue Sam? Ha?

Tumitig sa akin si Sam sandali.

Sam: Wala, secret ko lang yun. Bakit ba puro ako? Eh ikaw Devon? May nagpapa-warm ba ng August mo?

Napuno ng sigawan ng audience ang buong set ng shoutout. Marami ang nagchi-cheer ng jaevon, pero may mangilan-ngila akog naririnig na sumisigaw ng samvon. Nakita kong abot hanggang tenga ang ngiti ni Sam habang nakatingin sa grupo ng bubbles sa isang sulok ng set.

Devon: Syempre naman.

Mas lalo pang nagsigawan ang mga fans dahil sa sinabi ko. Ngumiti ako ng pagkatamistamis sa mga fans ko.

Enrique: Sino naman yan Devon?

Devon: Syempre, secret din. Pero maalala ko lang, babatiin ko nga pala si James! Hi James!

Nagtilian ang mga tao dahil sa pagbati ko kay James.

Devon: Nasa ospital pa siya ngayon eh, pero sana makasama na natin siya sa all-star T.G.I.F. sa biyernes. Get well soon James! Miss ka na namin ng mga ka-tuesdelicious mo!

Nagsigawan muli ang mga tao. Nakita ko sa sulok ng mata ko na pinipilit ni Sam na ngumiti. Kaya naman ipinatong ko ang braso ko sa balikat niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti

Devon: At dahil dyan, may number na inihanda ang 3am para sayo.

Sam: Tama, kaya let’s all welcome the 3am band!

Umexit na kami sa gilid ng stage para magbigay-daan sa number ng 3am band. Pumunta ako agad sa tabi nila Emman at Inno.

Emman: Naku Devz, sino ba talaga ang nagpapainit ng August mo ha?

Binelatan ko si Emman kaya naman natawa siya. Lumapit ako sa kanya. Ako naman ngayon ang mang-aasar.

Devon: Eh, ikaw Emman? Sino ba ang nagpaa-warm ng August mo? Ha?

Namula si emman dahil sa tanong ko. Hindi man halata ay ilang linggo na rin siya nililigawan ni Inno. Madalas silang magkasama nitong mga nakaraang araw. Matagal na siyang may crush kay Inno, at matagal na rin itong may gusto sa kanya.

Emman: Sira ka talaga!

Inno: Ano yan ha?

Natawa ako at medyo ginitgit si emman papalapit kay Inno.

Devon: Wala tinatanong ko lang naman si Emman kung sino ang nag-papawarm ng tag-ulan niya eh. Ikaw Inno? Sino ba?

Natawa lang si Inno samantalang lalong namula si Emman. Hay naku, ganun talaga si Emman, tumatahimik kapag si inno na ang usapan. Nag-ready na kami dahil pagkatapos ng commercial break ay susunod na ang aming live song number.

Chapter 18: The ride

Hay naku. It’s been a long day. Buti na lang at nairaos namin nila Emman ang live song number na inihanda namin. Kinabahan talaga ako ng bongga.

Emman: The day’s over again!

Devon: Oo nga. Sa Friday na naman ulit tayo magkikita.

Emman: Tama. Kailan nga pala labas ni James?

Devon: Bukas ata eh.

Emman: So, sasama ka sa pagsalubong sa kanya?

Devon: Baka hindi, may pasok kasi ako.

Emman: Oo nga pala ano?

Tinapos ko na ang pagliligpit sa gamit ko.

Devon: Lika na.

Emman: Let’s go!

Naglakad na kami ni Emman pareho papunta sa may harap ng studio kung saan sasakay nalang kami ng taxi. Wala pa kasi kami parehong sariling sasakyan. At umaasa kami sa sabay.

Emman: Bakit walang taxi?

Devon: Oo nga ano?

Ng mapalingon ako sa may kaliwa ko ay isang pamilyar na sasakyan ang papalapit sa amin. Tumgl ito sa harap namin at ibinaba ng driver ang salamin.

Sam: Hey beautiful ladies!

Natawa kami pareho ni Emman dahil sa sinabi niya.

Emman: Asus, kunwari ka pa Sam. Si Devon lang naman ang maganda para sayo.

Namula si Sam dahil sa biro ni Emman. Siniko ko siya para tumahimik na.

Sam: Gusto niyo sabay na kayo sa’kin? Hatid ko na kayo.

Emman: Really? Sige ba!

Devon: Hindi ba nakakahiya, Sam?

Sumimangot si Sam sa akin at nagpaawa effect.

Sam: Kpag si James nagyayaya sayo, di ka naman nahihiya. Magtatampo ako niyan eh.

Natawa ako sa sagot ni Sam.

Devon: Loko ka talaga!

Sam: Siyempre, nakuha ko yan sayo eh.

Binuksan ni Sam ang pinto ng front seat. Sumakay ako doon samantalang sumakay naman si Emman sa likod.

Emman: Ang sweet naman ni Sam, kaya maka-Samvon ako eh.

Ngumiti ng paka-tamis tamis si Sam kay Emman. Iba talaga si emman oh.

Sam: Ikaw talaga Emman ha, grabe nang bolang yan ha!

Emman: Sino nagsabi binobola kita?

Sam: Eh bakit parang si Devon, di naman natutuwa.

Natawa lang ako sa sinabi ni Sam.

Devon: Sino naman nagsabing di ako natutuwa?

Emman: See? Sabi ko sayo eh, kunwari lang yan. Pero kinikilig din yan.

Natawa kami pareho ni Sam dahil sa hirit ni Sam.

Sam: Devon, nga pala..

Naudlot ang sinasabi ni Sam ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Devon: Excuse lang sandali ha. Sagutin ko lang.

Sinagot ko ang tawag.

Devon: Hello?

James: Hi my baby Devz.

Tumingin muna ako kay Sam. Naku, patay. Si James naman kasi ngayon pa tumawag eh. Tumingin din sa akin si Sam na parang alam na kung sino ang kausap ko. Ngumiti siya sa akin.

Sam: Go ahead.

Nginitian ko si Sam at muling kinausap si James.

Devon: Hey James.

James: So, how is my baby?

Devon: Ewan ko sayo!

Tumawa si James sa kabilang linya na siya namang ikinangiti ko. Nakita kong sumulyap sa akin si Sam.

Devon: Bakit ka nga pala tumawag?

James: I’m just worried about you. I’m not there so, I was thinking that maybe you can’t get some taxi again.

Para akong nasamid sa sinabi ni james. Ano ba?

Devon: Uhm, ang totoo kasi niyan James, sinabay kami ni Sam eh. Actually kasama namin siya ngayon.

Tumahimik si James. Hindi agad siya nagsalita. Patay. Devon naman kasi eh. Ano ba ang ginagawa mo sa buhay mo?Tumingin ako kay Sam, sumusulyap din siya sa akin habang nagmamaneho.

Devon: Hello? James? Nadyan ka pa ba.

Bumuntong –hininga si James sa kabilang linya bago muling magsalita.

James: Well, at least you won’t go home alone.

Napangiti ako dahil sa sagot ni James.

Devon: Oh sige James, kailangan ko ng umalis eh.

James: Okay, bye Devz. And Take care.

Devon: Oo, thanks. Bye.

Pinatay ko na ang cellphone at bumuntong-hininga. Namagitan sa loob ng sasakyan ang nakabibinging katahimikan. Hindi na ako mapakali. Bakit ko pa kasi sinagot yung tawag?

Devon: Uhm, Sam?

Lumingon sa akin saglit si Sam.

Sam: Why?

Devon: Sorry ha, kasi..

Ngumiti si Sam habang nakatingin sa kalsada.

Sam: You don’t have to explain Devon. At di mo kailangang mag-sorry. I understand.

Devon: Pero..

Sam: Alam ko naman na gusto ka niya eh. At alam mo rin namn na gusto din kita.

Namula ako dahil sa sinabi ni Sam. Kahit pa alam ko na, na may gusto siya sa akin nuon pa, ay iba pa in ang marinig yon galing mismo sa kanya. Hindi ko napigilan ang kiligin, pero syempre, todo effort ako sa pagtago nun.

Sam: At alam ko naman na gusto mo lang kami parehong bigyan ng chance.

Tumingin ako kay Sam. Seryoso siya pero nakangiti.

Devon: Thanks ha, Sam.

Sam: Kahit ano basta ikaw.

Ngumiti pa siya sa akin ng matamis na parang sinasabi na kahit ano pang mangyari ay maiintindihan niya.

Emman: Ang sweet naman!

Napangiti din ako dahil sa mga sinabi ni Sam. Kaya ayaw ko mamili sa kanilang dalawa ni James eh, kasi pareho silang may puwang sa puso ko, pareho silang mahalaga.

Chapter 19: When you look me in the eyes

James: Devon! Where are you?

Malakas ang boses ni James sa telepono. Nagmamadali akong bumaba ng taxi at tumakbo papasok sa studio. Late na nga ako, sinisigawan pa ako ng lokong to!

Devon: Eto na, eto na, nandito na ako sa may entrance. I’ll be there in 5 minutes.

James: Bakit ba kasi ang tagal mo? Magsisimula na.

Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko. Narating ko na ang pinto ng set ng shoutout. Dumiretso agad ako sa backstage.

Devon: Dito na ko James. Magbibihis muna ako ha? Bye.

Pinatay ko na ang cellphone ko, nagmamadali akong pumunta sa may mini-dressing room sa may dulo ng backstage.

Fretzie: Devon! Kanina ka pa hinahanap ni ate RR. Dalian mo na!

Devon: Oo, magbibihis lang ako.

Dali-dali akong pumasok sa dressing room at nagbihis. Opening kami ni James ngayong byernes. Buti na lang at kahapon pa lang ay nakapag-rehearse na kami. At buti na lang, magaling na si James at di ko na kailangang kumanta ulit ng live. Hay naku. Paglabas ko ng dressing room ay hinihintay na ako ng isa sa mga staff ng shout out na si ate RR.

RR: Devon, kanina ka pa namin hinihintay. Pwesto na kayo dun ni James.

Devon: Pasensya na po ate RR, traffic po kasi eh.

RR: Ok lang yun, sige na punta ka na dun.

Binigyan pa ako g ngiti ni ate RR bago ako tuluyang umalis papunta sa harap stage ng shoutout kung saan nagsisimula nang mag-host sila Robi, Erich at Empress. Hay naku, buti umabot ako. Pinuntahan ko si James sa isng sulok ng stage.

James: Oh, at last! You’re here. I thought gumaganti ka dahil sa pagsalo mo sa number ko last Tuesday.

Natawa ako sa sinabi ni James. Hinampas ko siya sa braso.

James: Ouch.

Devon: Ikaw naman kasi eh.

Tumingin sa mga mata ko si James at tumingin din ako sa kanya. Ilang minuto kaming nagtitigan lang, hindi ko alam pero paang ayaw ko bawiin ang tingin ko. Parang gusto ko na wag nang matapos ang mga sandaling iyon. Ngumiti sa ain si James at ibuka ang bibig niya. May sasabihin at siya sa akin. Ngunit..

Empress: At dahil excited na kayo, eto na ang hottest loveteam ng shoutout!

Robi: Tama! Lets all welcome, Jaevon!

Nagsigawan ang mga tao, isinisigaw nila ang jaevon. Hinwakan ni James ang kamay ko, sabay kaming pumunta sa gitna ng stage at kumanta.

James: If the heart is always searching,
Can you ever find a home?
I've been looking for that someone,
I'll never make it on my own.
Dreams can't take the place of loving you,
There's gotta be a million reasons why it's true

Both: When you look me in the eyes,
And tell me that you love me.
Everything's alright,
When you're right here by my side.
When you look me in the eyes,
I catch a glimpse of heaven.
I find my paradise,
When you look me in the eyes.

Devon: How long will I be waiting,
To be with you again
Gonna tell you that I love you,
In the best way that I can.
I can't take a day without you here,
You're the light that makes my darkness disappear.

Naninibago ako. Parang ibang-iba si James ngayon. Lagi siyang tumitingin sa mga mata ko, hindi katulad ng dati na kung saan-saan naggagala ang mga mata niya. At isa pa, may kakaiba sa mga mata niya. Parang may sinasabi sa akin ang mga mata ni James, pero hindi ko maintindihan.

Both: When you look me in the eyes,
And tell me that you love me.
Everything's alright,
When you're right here by my side.
When you look me in the eyes,
I catch a glimpse of heaven.
I find my paradise,
When you look me in the eyes.

Pero kung ano man iyon, wala na muna akong pakialam, ang alam ko lang, parang ayaw ko matapos ang mga sandaling iyon.

Chapter 20: Two in one

Emman: Ano yan ha?

Nagulat ako ng biglang sumulpot si Emman sa tabi ko. Kasalukuyang commercial break ngayon kaya nman pumasok muna ako sa backstage para uminom ng tubig. Pero nagulat ako ng may makita akong isang pulang rosas na may nakasabit na note.

Devon: Ano ka ba? Bakit ka ba nanggugulat ha?

Emman: Eh ano ba yan?

Tinignan ko ang rosas at inamoy. Wow, ang sweet naman. Binuksan ko ang note at binasa.

The sweetest rose for the sweetest girl I’ve ever met,

Devon May Natividad Seron, would you go out with me on a date?

- Sam

Emman: Oh, my, gosh! Inaaya ka ni Sam mag-date!

Bumalik ako sa huwisyo dahil sa pagtili ni Emman. Inaaya ako makipag-date ni Sam! Hindi ko mapigilan ang mangiti, parang pakiramdam ko ay may pula pa kesa sa suot ni Emman na blouse ang mga pisngi ko. Oh my goh talaga! Kinikilig na naman ako. Pumasok sa isip ko si Sam, ang mga mata niya, ang cute niyang mukha. Devon ano ka ba! Ano ba yang iniisip mo!

Emman: Ang sweet naman.

Tinignan ko si Sam na parang agde-daydream, hindi ko din mapigilan na maglakbay ang isip ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ang bilis. Parang tambol. Ano ba tong nararamdaman ko?

Emman: Uy Devon! Tignan mo o. There’s another note. It says “Saturday at 10 o’clock am. I’ll pick you up. Already asked tita lyn about it. I hope pumayag ka.” Ang sweet naman ni Sam. Kung ako to, naku! Sasagutin ko na agad siya!

Napangiti lang ako dahil sa sinabi ni Emman. Di pa din ako maka-recover sa invitation ni Sam eh. Parang kinikilig pa din ako at lutang sa ulap. Of course, i would love to go out with Sam.

Emman: Uy! Di ka na nagsasalita dyan! Kinikilig ka ano?

Hinampas pa ni Emman ng kaunti ang braso ko para matauhan ako. Tumingin ako sa kanya ng hindi naaalis ang pinakamasayang ngiti sa labi ko.

Emman: Ano ba? Payag ka?

Nagpakawala ako ng isang mahinang tawa. Yung tipo bang kinikilig. Dahil talaga namang di ko mapigilan ang kiligin.

Devon: Siyempre naman.

Emman: Eeeeh! Kinikilig ako!

Sabay kaming nagtawanan ni Emman, ang saya ko talaga sa araw na to.

RR: Emman, Devon, malapit na ulit mag-take. Punta na kayo sa set.

Nagtinginan muna kami ni Emman bago kami sabay na lumabas ng set. At oo, hawak-hawak ko pa rin ang rose na bigay ni Sam.

Fretzie: Hey Bez, anu yan?

Nagulat ako ng makita si Fretzie sa tabi ko. Nakatingin siya sa rose na hawak ko.

Devon: Galing kay Sam, inaaya niya kasi ako mag-date eh.

Napabilog ang bibig ni Fretzie. Hindi ko alam kung dahil sa gulat o dahil sa amazement. Pero hindi ko talaga mapigilan ang matawa. Iba ata ang mood ko ngayon. As in.

Fretzie: As in niyaya ka niya?

Pinakita ko kay Devon ang note na binigay ni Sam. Kinikilig pa din ako at nakita ko naman na kinikilig din si Fretzie.

Fretzie: Bez! Kinikilig naman ako!

Nagtinginan sa amin ang ilan sa mga teenmates, nginitian ko sila. Ngumiti din sila at bumalik sa kanya-kanyang ginagawa.

Devon: Ano ka ba Fretz? Ang ingay mo!

Fretzie: Oops, sorry.

Devon: Ikaw talaga!

Nagatatawanan kami ni Fretzie ng maramdaman kong may lumapit sa amin.

James: Hi Devon!

Napalingon kaming pareho ni Fretzie kay James. Nakatingin siya sa akin ng mataman. Hindi ko alam kung bakit, pero bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

Devon: Oh, James, bakit?

Lumapit siya sa akin ng nakangiti. Nagtinginan ang iba naming mga teenmates. Ng makarating siya sa harap ko ay hinwakan niya ang kamay ko.

Devon: James, ano..

Tumingin si James sa mga mata ko. Naglabas siya ng isang boquet ng roses. Naramdaman kong kumunot ang noo ko, pero parang lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

James: Devon, would you go with me on a date?

Chapter 21: Oh. My. Gosh.

Emman: Ano ka ba Devz! Tumigil ka na nga sa kakapabalik-alik mo! Nahihilo ako eh!

Tumigil ako sa paglalakad. Kahit ako nahihilo na rin sa ginagawa ko eh, pero di talaga ako mapakali. Tumingin ako kay Emman, alam ko na nakikita niya ang pagmamakaawa sa mukha ko. Kanina pa nagsialaisan ang mga tao sa studio. Kami nalang nila Emman, Fretzie at Tricis ang naiwan.

Devon: Guys, help naman oh.

Bumuntong hininga sila ng halos sabaysabay. Kawawa naman ako.

Fretzie: Devz, kasi naman eh. Ano na naman kasi tog pinasok mo?

Parang gusto ko ng maiyak dahil sa sinabi na iyon ng best friend ko. I hate myself! Bakit ko nga ba pinasok ang gulong ito? Naalala ko ang mga nangyari kanina.

James: Devon, would you go with me on a date?

Parang naginig ang buong katawan ko.Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Narinig kong nagsigawan ang mga tao. Parang tumigil ang mundo ko. Bakit? Bakit kailangang mangyai ‘to? James is asking me to go with him on a date, sa harap ng lahat ng teenmates, staff at audience sa loob ng set ng shoutout.

Fans: Yes! Yes!

Nabalik ako sa huwisyo ng marinig kong sumisigaw ang mga tao ng yes. Paano si Sam? Ano bang gagawin ko? Kapag humindi ako, mapapahiya si James sa lahat ng tao. Nakatingin pa rin sa akin si James at naghihintay ng sagot.

Devon: Y-yes..

Narinig kong nagtilian ang mga tao. Ngumiti sa kin si James ng pinkamatamis niyang ngiti at agaran akong niyakap. Parang nanlalata ako, pero pinilit kong ngumiti. Nakita ko sa sulok ng mata ko na umalis si Sam sa set at pumuta ng backstage. Agad akong kumalas sa pagkakayakap ni James sa akin. Gusto ko siyang sundan. Gusto ko sabihin na hindi ko gustong i-turn down siya.

James: Thanks, you made me so happy.

Ngumiti sa akin si James. Maya-maya pa ay nag-air na ulit kami. Hinila ako ni James sa isang parte ng stage.

James: I’ll pick you up on Saturday, 6pm.

Magsasalita sana ako para sabihin sa kanya na nauna si Sam sa pag-aya sa akin. Na kung pwede next time na lang. Kaso bigla nalang siyang umalis para pumunta sa kabilang bahagi ng stage. Naiwan akong nakatayong nag-iisa doon. Nakatingin sa pinto na papunta sa bakstage kung saan pumasok si Sam.

Devon: Fretz, ayaw ko namang mapahiya yung tao eh.

Emman: Oo nga, pero kawawa naman si Sam.

Hindi ako mapakali. Kakausapin ko naman sana talaga si Sam, kaso ng dapat lalapitan ko siya kanina ay bigla nalang humarang si James at tinanong ako kung sasabay ako sa kanya pauwi. Agad kong sinabi kay James na hindi. Hinabol ko si Sam, pero nakaalis na siya.

Tricia: Have you told James about it?

Napasimangot ako lalo at umiling. Pagbalik ko galing sa paghabol kay Sam ay si James naman sana ang kakausapin ko. Pero nakaalis na din siya. Ano ba namang buhay to?

Devon: Tulong naman guys oh. What should I do?

Fretzie: Well, dapat mo silang kausapin Devz. Lalo na si Sam, he deserves an explination.

Emman: Yeah. I agree with Fretzie.

Napabuntong-hininga ako dahila sa suggestion nila. Totoo naman na yun ang dapat kong gawin. Pero ang iniisip ko ay yung date. Paano yun? Unfair kay Sam kung kay James ako makikipag-date just because sa harap ng madaming tao niya ako niyaya. PEro unfair din naman kay James kung babawiin ko yung pagpayag ko diba?

Devon: Pero guys, paano na yun? Paano yung date?

Fretzie: You should go with James, hindi mo naman pwedeng bawiin yung pagpayag mo sa invitation niya eh. Tsaka isa pa, he made the effort to ask you.

Bigla namang kumambyo si Emman.

Emman: Sa tingin ko kay Sam dapat, kasi in the first place, siya naman yung unang yumaya sayo, right? At saka, wala naman yan sa effort eh, para sa akin mas sweet yung ginawa ni Sam. At saka isa pa, hindi ka niya pine=pressure sa sagot mo by asking you in frot of a live audience.

Fretzie: Kahit na, Emman. Mas sweet ang ginawa ni James. He is vocal with his feelings for Devon. Tsaka isa pa, hindi niya ikinahihiya kung ano man yung nararamdaman niya.

Emman: Hindi naman ikinahihiya ni Sam yung nararamdaman niya for Devz. Its just that, James is Devon’s loveteam partner diba? So, hindi niya pwede gawin yung katulad ng ginawa ni James. It would affect Devon’s career.

Fretzie: Eh bakit hindi niya ayain si Devon ng harapan? Bakit sa note lang?

Emman: That’s what you call sweet!

Fretzie: Naka-oo siya kay James.

Emman: Wala siyang choice!

Devon: Tama na nga!

Nagulat si Fretzie at Emman dahil medyo lumakas ang boses ko.

Tricia: Stop it guys, di kayo nakakatulong. Mas lalong naguguluhan si Devz sa inyo eh!

Devon: Hindi ko na talaga alam ang gagawin. Ano ba?

Hinimas ni Tricia ang balikat ko.

Tricia: You should follow what your hearts says. Sino ba talaga ang gusto mo makasama? Si James o si Sam? At the end, ikaw din naman ang magde-decide niyan Devz eh.

Follow my heart? Sino nga ba? Kanino ko nga ba gusto sumama? Kay Sam o kay James? Ano ba? Naguguluhan na ako!

Devon: I-I don’t know. Hindi ko alam.

Napaupo ako sa may monoblock sa tabi ni Tricia. Nanlalata ako lalo. What would I do?

Emman: Hindi pwede yun Devz. Dapat may piliin ka. Di naman pwedeng sabay mo sila i-date diba?

Napatingin ako kay Emman dahil sa sinabi niya. Tama. Tama siya. Hindi ko nga pwedeng pagsabayin na i-date silang dalawa. Tumayo ako at gad na nagpunta sa bag ko.

Devon: Alam ko na, I know what I’ll do.

Tumingin sila lahat sa akin na may nagtatakang ngiti sa mga mukha nila. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at pinindot sa keypad ang isang numero. Maya-maya pa ay may sumagot na sa kabilang linya.

Sam: Hello?

Devon: Hello, Sam?

Chapter 22: The Call

Emman: Anong sabi niya?

Napangiti ako dahil sa sinabi ni Emman. Naalala ko ang usapan namin ni Sam kanina.

Sam: Hello?

Devon: Hello, Sam?

Sam: Devon.

Napangiti ako sa pagkakasabi ni Sam sa pangalan ko. Narinig ko na may mga nag-aasar sa kabilang linya. Kung hindi ako nagkakamali, sila Robi at Enrique ang kasama niya.

Devon: Uhm, Sam? Sorry dun sa kanina ha.

Hindi sumagot si Sam, pero nai-imagine ko na ngumiti lang siya ng matipid dahil sa sinabi ko.

Devon: Kakausapin sana kita kasolang di na kita naabutan.

Sam: Nagmamadali kasi ako, tumawag kasi yung manager ko. May biglaang interview ako.

Ako naman ang nagiti lang ng matipid.

Devon: Sorry Sam ha, kasi ayaw ko namang mapahiya si James sa harap ng madaming tao. Alam ko na you asked me first, kaso lang hindi..

Sam: Devon, its okay. Alam ko naman yun eh. I saw the whole thing. Naiintindihan ko. Yu don’t have to explain. Tsaka marami namang next time eh. At, hindi ka na pwede tumanggi.

Natawa ako dahil sa sinabi ni Sam. Masayang-masaya ako kasi hindi siya galit, buong akala ko kanina magtatampo talaga siya. Buti na lang at naiintindihan niya.

Devon: Hindi naman ako tumatanggi ha.

Si Sam naman ang natawa dahil sa sinabi ko.

Sam: Sayang naman, napa-reserve ko na yung place eh.

Devon: Bakit, pwede pa naman tayong mag-date eh.

Sam: Huh? What doyou mean? Paano na yung date niyo ni James?

Devon: Sabi niya kasi sa akin, 6pm niya daw ako susunduin. Well, kailangan lang natin makauwi ng maaga.

Sam: Baka naman magalit si James.

Devon: No! I’ll call him. Para naman makabawi ako sayo.

Hindi sumagot si Sam.

Devon: Ayaw mo naman ata eh, wag na..

Sam: Gusto ko ha!

Natigilan kami pareho tsaka parehong tumawa ng malakas.

Sam: You don’t know how much you are making me happy, Devon.

Devon: Ikaw din naman eh, hindi mo rin alam kung gaano mo ako napapasaya.

Natigilan ata si Sam sa sinabi ko,hinihintay ko siyang sumagot pero nanatiling tahimik si Sam. Ang tanging naririnig ko lang mula sa kabilag linya ay mga pang-aasar nila Enrique at Robi sa kanya. Narinig ko pang sinasaway ni Sam silang dalawa at sinasabihang tumahimik. Hindi ko mapigilan ang matawa.

Devon: Ang ingay naman dyan!

Sam: Ay sorry! Kasama ko kasi sila Robi at Enrique eh. Alam mo naman tong dalawang to.

Robi: Devon! I love you daw sabi ni Sam!

Natawa ako dahil sa narinig kong pagsingit ni Robi sa linya. Narinig kong sinaway siya ni Sam. Umaray pa si Robi at tumawa si Emrique.

Sam: Pasensya na Devon ha, sira ulo lang talaga ‘tong mga mokong na ‘to.

Devon: Nakakatuwa nga sila eh.

Sam: Uhm Devon, tinatawag na kasi kami nung mai-interview eh.

Devon: Okay, sige pumuta ka na.

Sam: Bye, Devz. Bukas ha? Susunduin kita sa inyo.

Devon: Sige. Tsaka, Sam?

Sam: Oh?

Devon: Thank you dun sa rose ha? Ang sweetmo talaga.

Tumahimik muna sandali si Sam bago sumagot.

Sam: Thank you din, for giving me a chance to be with you.

Devon: I love being with you. Lagi mo kasi akong pinapangiti eh.

Tumawa si Sam sa kabilag linya.

Enrique: Asus! Kinikilig ka na naman pre!

Natawa ako dahil sa sinabi ni Enrique. Sira ulo talaga ang mga kaibigan ni Sam.

Sam: Well, tinatawag na kami Devz. Bye!

Devon: Bye din!

Nang patayin ko ang cellphone ay napansin kong nakadikit na pala sa akin ang tatlo kong kaibigan. Sabay-sabay silang tumingin sa akin at nagtawanan.

Emman: Anong sabi niya?

Hindi ko alam kung nagaasar si Emman o nagtatanong lang talaga. Nakangiti kasi siya habang nagtatanong eh.

Devon: Secret!

Natawa sila Fretzie at Tricia dahil sa sagot ko samantalang nag-make face naman si Emman.

Emman: Sus, so dalawa ang date mo bukas?

Fretzie: Paano naman si James, Devz? Kawawa naman ang manok ko.

Natawa kaming lahat dahil sa sinabi ni fretzie.

Tricia: Manok? Ano ‘to, sabong?

Mas lalo pa kaming nagtawanan dahil sa sinabi ni Tricia.

Devon: Tatawagan ko nalang si James mamayang gabi.

Fretzie: Asus, bakit naman mamaya pa?

Devon: Wala lang.

Napangiti ako ng matamis, hindi ko rin alam kung bakit. Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko. Sino ba talaga ang gusto ko? Si Sam ba o si james? Hay naku!

Tricia: Anong iniisip mo?

Devon: Huh? Wala! Lika na nga. Nagugutom ako. Kain tayo n ice cream!

Nagtinginan sila Emman, Fretzie at Tricia, saka sila sabay-sabay na nagtawanan.

Emman: Ang takaw mo talaga!

Chapter 22: Mr. Jealous

James: What?

Inilayo ko ang cellphone ko sa tenga ko. Ang lakas ng pagkakasigaw ni James ng what! Yan ang reaksyon niya ng i-explain ko sa kanya lahat-lahat ng nangyari.

James: You mean, you’ll go out with him first? That’s unfair!

Devon: Pero James, siya naman talaga yung naunang..

James: But Devon, you first agreed to go out with me!

Devon: Alam ko pero siya kasi yung naunang yumaya sa akin eh.

James: But you didnt say yes!

Devon: Kasi nga niyaya mo ako.

James: So, that makes me the first!

Huminga ako ng malalim bago ulit nagsalita. Ang hirap paliwanagan ni James! Di tulad ni Sam.

Devon: James, I would have rejected your offer dahil nauna si Sam. Kung hindi lang na sa harap ng buong audience mo ako niyaya eh.

James: Devon, what I’m saying is that you first agreed to go out with me! I should be your first date! Not him!

Devon: Wala naman sa kung sino ang nauna yan eh.

James: Kahit na! Why do you always stand up for that Sam?

Nagsisimula ng uminit ang ulo ko.

Devon: James pwede ba! Kung ayaw mo yung set up na yan, di wag!

Atigilan si james dahil sa sinabi ko. Hindi agad siya nakapagsalita.

Devon: Kahit naman kailan diako nagreklamo sayo kapag inuuna mo si Ann diba? Bakit ba ang laking bagay sayo na mauuna ako makipag-date kay Sam? Bakit ka ba ganyan? Ni hindi ka pa nga nage-explain kung bakit kasama mo si Ann nung party samantalang ang sabi mo, may emergency!

James: But Ann said she already explained everything to you.

Devon: So, yun na yun? Sayo ko gusto marinig yun James! Hindi kay Ann.

James: Devon, what I’m saying is..

Devon: Oo, nauna ka naman talaga akong um-oo sayo. Pero intindihin mo naman na unfair kay Sam yun. He asked me first. At ikaw, you asked in front of all the people in thes set Wala akong chance tumanggi. Ang pangit naman kung tatanggihan ko yung offer niya just because hindi ko matanggihan yung offer mo.

James: But still you would go out with him first.

Devon: James naman eh, gabi mo ko inaaya? Alangan namang mauna ka!

James: Can’t you just cancel your date with him and go out with me?

Naiinis na ako kay james. Di ba talaga siya nakakintindi?

Devon: Kung ayaw mo talaga James, then wag na lang. Wag nalang tayo mag-date.

Pinatay ko ang cellphone ko ng hindi hinhintay ang sagot ni James. Naiinis ako kasi hindi niya ako naiintindihan. Hirap na hirap na nga ako tapos ganun pa? Kinuha ko ang elmo stuff toy na binigay sa kin ni James.

Devon: Alam mo elmo, nakakinis ang amo mo! Ang hirap makaintindi! Kahit kailan!

Nag-ring bigla ang cellphone ko. Tinignan kong tumatawag si James.

Devon: Oh tignan mo! Ngayon tatawag-tawag siya! Hayaan mo nga yan!

Di ko sinagot ang tawag niya. Maya-maya pa ay tumigil na din ang pagri-ring nito at may nagtext. Binasa ko ang text, galing kay James.

Devz, im sori okay?
I didn’t mean to make you mad.

Its just that, I’m feeling a little bit jealous.

Im really sorry.

Please, answer my call.

You know I can’t stand a minute with you mad at me.

Napangiti ako dahil sa ext ni James.

Devon: Tignan mo ‘tong amo mo! Nakakainis talaga! Pagkatapo ako galitin, magte-text ng sweet! Kinilig tuloy ako!

Nag-ring ulit ang cellphone ko, tumatawag ulit si James. Sinagot ko na ang tawag niya this time.

Devon: Hello?

Bumuntong-hininga si james sa kabilang linya.

James: Buti na lang you answered my call this time. Are you mad at me?

Devon: Ikaw naman kasi eh.

James: I’m sorry. You know I easily get mood swings everytime you mention Sam’s name.

Devon: Bakit ba kasi?

James: You know i like you so much, yet you keep on making me feel that you like Sam more.

Devon: James, ano ka ba? Alam mo namang pantay lang kayo diba?

Huminga ng malalim si James.

James: About the party, I’m sorry. I know Ann explained it all to you.

Devon: OO, pero gusto ko din naman marinig yun mula sayo.

James: That’s all it, I have nothing to add.

Devon: You keep on saying na gusto mo ko, pero si Ann naman laging kasama mo.

James: You know I want to be with you, pero they won’t let me. Madaming harang Devz, but I am doing my best to show you how I feel. I just wish that you appreciate all my efforts. I’m sorry if am doing things na nakakasakit sayo. But believe me, I never meant any of them. I always want you to be happy.

Napangiti lang ako dahil sa mga sinabi ni James.

James: And sorry if I easily loose my temper, its just that, I am jealous. Whenever I see you and Sam together, you seem so, happy. Minsan nga iniisip ko if you feel the same way when you are with me.

Devon: James..

James: Devon, I know that this is hard for you. And I understand that you are trying to give both of us a chance. I’m sorry if I overreacted a while ago.

Parang hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Abot na ata hanggang tenga ang ngiti ko. Si James Reid, nagsesenti. And sa totoo lang, ng lakas ng tibok ng puso ko. James has a different effect on me. Iba ang style ng lokong ‘to eh!

James: Sorry. Please, bati na tayo?

Devon: Oo na! Ano pa nga bang magagawa ko?

Alam kong ngumiti si James sa kabilang linya, ngumiti din ako.

James: So, I’ll pick you up tomorrow at 6pm. Don’t be late! And wag ka masyado mag-enjoy with Sam.

Devon: Opo, at bakit naman ako di dapat mag-enjoy?

James: Because I know that you will be much happier with me.

Natawa lang ako dahil sa sinabi niya.

Devon: Ewan ko sayo!

James: I’ll make sure that our date will be your best date tomorrow.

Devon: Siguraduhin mo lang na maraming pagkain!

James: Yeah, I’ll buy gallons of ice cream for you!

Natawa ako dahil sa sinabi niJames.

Devon: Talaga lang ha?

James: I’ll do everything just to make you happy Devon.

Hindi mo naman kailangan mag-effort masyado eh. Napapasaya mo naman ako kahit wala kang masyadong gawin. Pero siyempre, secret lang yun. Natawa ako dahil sa naisip ko.

James: Don’t laugh, I’m serious.

Devon: Alam ko, kaya bye na! Bibili ka pa ng ice cream!

Natawa naman si james dahil sa sinabi ko.

James: Ok, bye! And sweet dreams, MM.

Napangiti ako dahil sa sinabi ni James.

Devon: Goodnight DD!

Natawa pa kaming dalawa bago ko pinatay ang cellphone. Kinuha ko ulit si Elmo.

Devon: Yung amo talaga, lagi nalang akong pinapakilig!

Hindi sumagot si Elmo, tumitig lang siya sa akin.

Devon: Bakit ba kita kinakausap? Mukha na tuloy akong tanga!

Natawa pa ako sa sarili ko at niyakap si Elmo bago ako nahiga para matulog.

Devon: Sweet Dreams Elmo!

Chapter 24: Getting Ready

Dhemi: Devz, nandyan na ang sundo mo.

Napalingon ako sa pinto kung saan nandoon ang ate kong abot tenga ang ngiti.

Dhemi: Ang kapatid ko, dlaga na talaga.

Natawa ako sa sinabi ng kapatid ko. Hay naku naman si ate Dhemi. Kung ano-ano ang pinagsasabi.

Devon: Ano na naman ba yan te? Magda-drama ka na naman?

Dhemi: Sus naman, bilisan mo na nga dyan!

Devon: Opo, tsaka ang aga naman ni Sam. Wala pa namang 10 ha!

Dhemi: Ang sabihin mo, ang bagal mo!

Pumunta ako sa harap ng salamin at tingnan ang sarili ko. Simpleng blouse na violet at red shorts lang ang sinuot ko. Sabi kasi ni Sam kagabi, wag daw ako magsusuot ng palda o kaya dress. Ano naman kaya ang gimik ng mokong na ‘to?


Dhemi: You look great, sis!

Devon: Asus, mambola daw ba teh?

Dhemi: Di naman kita binobola ha! Talaga namang ang ganda mo today, parang ako!

Devon: Yun oh, may kambyo naman pala eh.

Nagtawanan kaming magkapatid.

Dhemi: Bumaba ka na nga at naghihintay na ang Jacob mo.

Devon: Jacob?

Dhemi: Yung sa twilight!

Devon: Bakit naman Jacob si Sam?

Ngumiti sa akin ng makahulugan si ate Dhemi. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya itinuloy.

Dhemi: Ah, basta! Halika na ay bumaba ka na!

Hinila na ako ni ate Dhemi pababa ng hagdan. Nakita kong nakaupo si Sam sa sofa namin. Nagulat ako kasi pareho kami ng kulay ng suot. Nakasuot si Sam ng t-shirt na kulay violet at checkered na polo na kulay red ba hindi naksara. Tumayo siya ng makita niya ako.

Sam: Wow, you look cute.

Tinaasan ko ng kilay si Sam.

Devon: Cute? Ano ko? Aso?

Si Sam naman ang natawa dahil sa sinabi ko.

Sam: Sige na nga, you look beautiful na lang.

Devon: Aba, at parang napilitan ka pa ha!

Sam: Parang ganun na nga.

Natawa ako dahil sa banat ni Sam. Hinampas ko pa siya ng mahina sa braso.

Devon: Sira ka talaga!

Sam: Nasisiraan lang naman ako ng ulo kapag kasama kita eh.

Devon: Ewan ko sayo Sam!

Dhemi: Ehem, ehem.

Napalingon kami pareho ni Sam kay ate Dhemi.

Dhemi: Hello! Nandito kaya ako!

Natawa kami pareho ni Sam dahil sa hirit ni ate Dhemi. Sira din talaga ‘tong ate ko eh.

Sam: Hello po, ngayon po alam ko na kung kanino nagmana ng kagandahan si Devz.

Dhemi: Alam ko namang sakin eh, di mo na kailangang mambola.

Tumawa si ate Dhemi na siya din namang ikinatawa ni Sam.

Devon: Hay naku ate, nagsimula ka na naman. Lika na nga Sam!

Hinawakan ko ang braso ni Sam at hinila na papunta sa pinto. Binelatan ko si ate Dhemi na siya naman tumawa g malakas. Lumingon si Sam kay ate Dhemi tsaka kumaway bago humarap sa akin.

Sam: Kaw talaga!

Devon: Yaan mo na yun si ate, nagungulit lang yun.

Sam: Alam ko na talaga kung kanino ka nagmana.

Nginitian ko lang si Sam. Ngumiti din siya sa akin ng may saya sa mga mata niya.

Chapter 25: The Date

Devon: What?!

Napaatras ang batang kaharap ko dahil sa lakas ng boses ko. Paano naman kasing hindi ako magugulat?

Devon: Sigurado ka bang 5:30 na?

Bata: Opo ate, tama po itong relo ko eh. Pwede na po ba magpa-autograph?

Hindi ako makapaniwala dahil sa sinabi sa akin ng bata.

Bata: Ate Devon, papicture na po!

Nagbalik ako sa ulirat dahil sa sinabi ng bata, kanina pa nakapawesto ang mama niya para kuhanan siya ng litrato kasama ako. Ngumiti ako ng matamin kong ngiti, nakakahiya naman sa bata kung bibigyan ko siya ng pilit na ngiti samantalang mukhang excited siya na nakita niya ako.

Bata: Thank you po ate Devon! Kaya idol kita eh! Sabi na nga ba mabait ka eh!

Ngumiti lang ako sa bata bago siya tuluyang nagpaalam. Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Nasaan na ba si Sam? Sabi niya may kukunin lang siya eh. Anong oras na? 5:30! Eh ang tagal ng byahe papunta dito sa lugar na pinagdalhan niya sa akin. Isang oras pa ang byahe. Late na ako sa date namin ni James. Magagalit yun.

Sam: Huy, bakit para ka dyang binagsakan ng langit at lupa?

Nilingon ko si Sam na nakangiti sa akin at may dalang chocolate-flavored ice cream.

Devon: Sam, 5:30 na daw sabi nung bata. Kailangan ko ng umuwi.

Rumehistro sa mukha ni Sam ang magkahalong reyalisasyon at lungkot. Siguro nawala rin sa isip niya na kailangan kong umuwi ng maaga. Paano na to ngayon? Masyado kasi akong nag-enjoy na kasama si Sam eh.

Sam: I’ll take you home now, I’m sorry. I lost track of time.

Bakas sa mukha ni Sam ang guilt na lalo namang nagpalala sa nararamdaman kong pagkataranta.

Devon: No! Its not your fault, Sam.

Ngumiti sa akin si Sam at iniabot ang ice cream na hawak niya.

Sam: Halika na nga. At wag ka na mag-alala. Pipilitin nating makabalik before James gets mad again. Kaya kainin mo na yang ice cream mo.

Natawa ako dahil sa sinabi ni Sam. Parang nawala ang lahat ng kaba ko at lahat ng pangamba ko. Nakahinga na ako ng maluwag.

Sam: Just wait here, I’ll get the car.

Devon: Sige.

Binigay ko kay Sam ang pinakamatamis kong ngiti. Ngumiti din siya sa akin ng buong saya. Nang makaalis na si Sam ay napabuntong-hininga ako. Naalala ko ang buong araw ko kasama siya.

Devon: Wow.

Napanganga ako ng makababa ako ng sasakyan ni Sam. Ang ganda ng lugar na pinagdalhan niya sa akin. Sa unang tingin ay parang simpleng park lang ang lugar, pero kapag sinuyod mo ng mabuti ng tingin ang lugar ay makikita mo na kakaiba ito sa mga ordinaryong parke.

Sam: So, nagustuhan mo ba?

Devon: Ang ganda.

Wala akong ibang masabi tungkol sa lugar kundi ang ganda. Dahil napakaganda talaga. May isang parte ng parke na matatanaw mo na may mahabang hagdan na parang sa baguio. May mini-playground sa isang bahagi, may fountain, may malawak na picnic area at may place for biking pa.

Sam: Yeah, ang ganda.

Tinignan ko si Sam na matamang nakatingin sa akin. Ito talagang lokong to. Maganda daw, pero sakin nakatingin. Hinampas ko ng mahina si Sam sa braso.

Devon: Ikaw talaga kahit kailan, bolero ka!

Sam: Hindi kaya. Gwapo lang.

Natawa ako dahil sa sinabi ni Sam.

Sam: Di natahimik ka? Kasi totoo. Aminin mo na kasi na gwapo ako.

Devon: Oo na! Gwapo ka na!

Sam: Tagal na!

Nagtawanan kami pareho ni Sam. Ini-offer niya sa akin ang braso niya.

Sam: So, shall we?

Kahit nacocornihan ako sa gimik ni Sam ay ikinawit ko na din ang braso ko sa braso niya.

Sam: I’m glad you liked the place.

Devon: Ano ka ba? Sino namang hindi ma-iinlove sa lugar na ‘to?

Sam: Ako.

Devon: Huh? Eh ang ganda nga dito eh. Bakit di ka mai-inlove dito?

Narating namin ni Sam ang isang parte ng picnic area. Nakalatag dito ang isang malaking picnic blanket kung saan nakahanda ang iba’t ibang klaseng pagkain. Inalalayan ako ni Sam na maupo at naupo na din siya.

Devon: Wow, ang daming pagkain.

Sam: Syempre naman, ipinaluto ko yan lahat para sayo.

Devon: Talaga ha? So dapat lahat ito masarap ha.

Sam: Syempre naman. Ako pa?

Nagtawanan kami pareho ni Sam. Madaming pagkain ang nakahain. May spaghetti, ham and cheese roll, fried chicken, lechon kawali at isang tambak na kanin.

Devon: Sino naman ang nagluto nito?

Ngumiti si Sam ng pagkatamis-tamis sa akin. Kumuha siya ng isang piraso ng ham and cheese roll at inilapit sa bibig ko. Agad ko namang isinubo ang iniaalok niya sa akin.

Sam: My mom and sister cooked it for us.

Nagulat ako dahil sa sinabi ni Sam. OMG, ibig sabihin talagang pinaghandaan ni Sam ang date namin? As in kailangan mommy at kapatid niya ang magtulong na iluto ang pagkain namin?

Devon: Wow. Sila talaga nagluto ng lahat ng ‘to?

Sam: Yup, kasi naman si Gabby eh.Nakita niya kasi yung note ko sayo na niyaya kita makipag-date sa akin. Kaya ayun, she excitedly told mommy. Kaya nagvolunteer silang dalawa na iluto ang baon natin ngayon.

Nakangiti sa akin ng buong tamis si Sam habang nagkukwento. Hindi ko mapigilan ang mapangiti rin.

Devon: Thank you Sam ha.

Sam: Sus, wala yun. Basta masaya ka.

Devon: Masaya ako ngayon at dahil yun sayo.

Tumingin si Sam sa akin. Tinitigan niya lang ako, hindi siya nagsalita. Pero nababsa ko sa mga mata niya na may gusto siyang sabihin sa akin. Na may nais siyang iparating.

Sam: Halika na nga. Kumain na tayo. Mukhang nagugutom ka na eh.

Devon: Buti alam mo.

Nagtawanan kaming dalawa ni Sam. Kpag kasama ko tlaga si Sam, walang malungkot na oras sa buhay ko. Sinimulan na namingkainin ang mga pagkaing nakahain sa aming munting picnic blanket. Naparami ako ng nakain dahil sa sarap ng mga dalang pagkain ni Sam. Naubos ko nga ang ham and cheese roll na dala niya eh. Halos hindi na siya nakatikim.

Sam: Ang takaw mo talga. Isipin mo, naubos mo lahta yan?

Devon: Uy hindi naman ha! Madami ka ding nakain!

Sam: Pero mas marami kang nakain no!

Devon: Ikaw kaya!

Nagkatinginan kami ni Sam at muling nagtawanan. Tumayo si Sam mula sa pagkakaupo niya sa picnic blanket. Inilahad niya ang kamay niya para alalayan akong tumayo.

Sam: Gusto mongakyatin natin yung mataas na hagdan?

Iniabot ko ang kamay ko kay Sam at tinulungan niya nga akong tumayo.

Devon: Sige ba. Paunahan pa tayo eh.

Sam: Aba, baka matalo ka lang, baka di mo nalalaman magaling ako sa takbuhan.

Devon: Mas magaling ako sayo.

Naglakad kami papunta sa may mataas na hagdan. Tinanaw namin pareho ni Sam ang dulo ng hagdan sa taas. Ang haba ng hagdan, parang yung sa baguio.

Devon: Ano? Paunahan tayong umakyat?

Sam: Games.

Devon: Ready, set..

Pumwesto na ako para ihanda ang sarili ko sa pagtakbo samantalang si Sam ay nakita kong natatawang pumwesto na rin sa gilid ko.

Devon: ..Go!

Sabay kaming tumakbo ni Sam paakyat ng hagdan. Nauuna si Sam ng ilang hakbang sa akin kaya naman mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko.

Sam: Di mo ako matatalo!

Devon: Yun ang akala mo.

Binilisan ko pa lalo ang takbo ko. Ilang hakbang nalang at mararating na namin pareho ni Sam ang tuktok ng hagdan. Nauuna na ako ng kaunti kay Sam, halos magkadikit lang ang labanan namin. Isang hakbang na lang sana ang kailangan upang makatapak ako sa tuktok ng biglang madulas ang paa ko at..

Sam: Devon!

Agad akong nasalo ni Sam bago pa ako tuluyang malaglag sa hagdan. Buti nalang at agad niyang nahawakan ang braso ko atagad akong naalalayan. Nadikit ang katawan namin sa isa’t isa. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko.

Sam: Are you okay? Di ka kasi nag-iingat eh.

Bakas sa mukha ni Sam ang pag-aalala.

Devon: Okay lang ako. Thanks.

Nginitian ako ni Sam. Tinitigan niya ang mga mata ko. Hindi ko alam kung ilang segundo o ilang minuto kami sa ganoong ayos.

Devon: Uhm, Sam? Pwede mo na akong bitawan.

Parang bigla na lang natauhan Si Sam dahil sa snabi ko. Agad niya akong binitawan at inilayo niya ang tingin niya sa akin. Alam ko na namumula si Sam kahit hindi ko nakikita ang mukha niya. Alam ko dahil pakiramdam ko, namumula rin ako. Ano ba to? Kinikilig na naman ako. Hinakbang ko ang natitirang isang hakbang ng mahabang hagdan at umakyat.

Devon: Panalo ko!

Tumingin si Sam sa akin at tumwa. Umakyat na din siya sa huling hakbang at inakbayan ako.

Sam: Sige na ikaw na ang panalo!

Inalis ko ang pagkakaakbay sa akin ni Sam at ngumiti sa kanya.

Devon: Ako nga, kaya ililibre mo ako ng ice cream mamaya!

Sam: Ice cream na naman?

Devon: Siyempre naman!

Nagtawanan kami ni Sam tsaka sabay naming tinignan ang view simula sa linatatayuan namin. Makikita mo ang isang malawak na garden mula sa lugar na kinatatayuan namin. Mas lalo akong namangha sa lugar na ito. Hindi ko maalis ang tingin ko sa napakagandang mga bulaklak na humahalimuyak kasama ng hangin.

Sam: Ang ganda noh?

Devon: Oo, ang ganda talaga.

Sam: Una ako ditong nakapunta dito ng mag-mall show kami sa Dumaguete. Nagkataong nasiraan ang sasakyan namin on the way malapit dito. Eh nakakainip na maghintay kaya naglakad-lakad muna ako. At hindi ko naman pinagsisihan ang pagiging gala ko kasi natagpuan ko ang lugar na ‘to.

Tinitignan ko lang si Sam habang nagsasalita siya. Para bang naglalakbay siya pabalik sa unang pagkakita niya sa lugar na ito. Tumingin sa akin si Sam.

Sam: Magmula noon, may binitawan na akong pangako sa sarili ko.

Devon: Ano namang pangako yan?

Nagumiti sa akin si Sam ng nakakaintriga niyang ngiti.

Sam: Sasabihin ko lang sayo kapag nasabi mo sa akin kung ilan ang baitang ng hagdan na ‘to.

Devon: Sige ba. Pag tama ako, sasabihin mo sa akin ha!

Sam: Oo, pero kapag mali ka at tama ako, ako naman ang ililibre mo ng ice cream!

Devon: Aba, ihanda mo ng sabihin sa akin ang pangako mo kasi di ako patatalo.

Sam: Ang sabihin mo ayaw mo lang manilbre!

Sabay kaming bumaba ni Sam habang nagtatawanan at habang binibilang ang mga baitang ng hagdan. Pagdating namin sa pinakababa ay pareho na kaming hingal na hingal.

Sam: 117 steps.

Devon: Hindi! 115 lang!

Sam: Binilang ko kaya! 117 kaya.

Devon: Binilang ko din kaya. 115 lang!

Nagtawanan kami ni Sam. Nakita ko ag isang lalaking nagbabatay sa may gilid ng hagdan.

Devon: Alam ko na! Tanungin na lang natin si kuyang tagabantay.

Sam: Sige.

Lumapit kami pareho ni Sam sa lalaking nagbabantay.

Sam: Excuse me po kuya, ilan po ba lahat-lahat ang hakbang ng hagdan na yan?

Lalaki: 116 po sir.

116? Nagkatinginan kami pareho ni Sam at sabay na humagalpak ng tawa. Nakatingin lang sa amin si kuya na masayang nakangiti.

Devon: Sabi ko sayo 116 eh!

Sam: Anong 116? 115 kaya yung sabi mo!

Devon: 116, bingi!

Sam: Bahala ka nga!

Ngumiti lang ako at pinigilan ang pagtawa ko.

Sam: So, ano pa bang gusto mo gawin? Mag-bike o maglaro dun sa swing?

Nag-isip muna ako sandali bago masyang sumagot.

Devon: Siyempre biking! Lika na!

Hinila ko na si Sam papunta sa lugar kung saan madaming bike ang nakaparada.

Sam: Hop in Devz!

Napabalik ako sa ulirat ng pumarada ang sasakyan ni Sam sa tabi ko. Binuksan niya ang pinto ng front seat at sumakay naman agad ako. Pinaandar na ni Sam ang sasakyan.

Sam: ubos mo na agad yung ice cream mo?

Devon: Ako pa?

Sam: Oo nga naman!

Nagtawanan kaming dalawa ni Sam.

Devon: Oo nga pala Sam, di mo nasagot ang tanong ko kanina. Bakit sabi mo kanina hindi ka na-inlove sa lugar na ‘to? Eh ang ganda-ganda kaya dito?

Ngumiti si Sam habang nakatingin sa daan.

Sam: May iba na kasing love ang puso ko eh.

Devon: Ibang love? Ano?

Ngumiti muli si Sam.

Sam: Secret ko na yun. Di mo naman nasagot kung ilang hakbang yung hagdan kanina eh.

Devon: Bakit? Ano namang koneksyon nun sa tanong ko?

Sam: Basta! Secret ko na yun sa ngayon.

Devon: Ewan ko sayo! Bahala ka nga sa buhay mo!

Ngumiti lang si Sam sa akin. At dahil sa ngiting iyon ay hindi ko mapagilan na mapangiti din ako.

Chapter 26: Date-saster!

Devon: Uy James, sorry na kasi.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na sinabi ang salitang iyon ngayong gabi.

James: How many times do I have to tell you that its alright, Devon?

Malumanay ang pagkakasabi noon sa akin si James. At tama naman ang sinabi niya. Kung ilang beses ako nag-sorry ay ganun din karaming “its okay” ang nasagot niya sa akin. Pero hindi pa rin ako mapakali. Kanina pa ako hindi kinikibo ni James. Alam kong nagtatampo siya. Bakit ba kasi hindi ko naalala na tignan ang oras diba?

Sam: I’m relly sorry Devon. Dapat pala talaga tinignan ko ang oras.

Devon: Its okay Sam. Ano ka ba? Ako yung may lakad. Ako dapat yung tumitingin sa oras.

Sam: Kahit na, its already 6:18pm. Late ka na tuloy dahil sa akin.

Devon: Ano ka ba? Malapit na naman tayo eh.

Nasa loob na kami ni Sam ng subdivision namin. Ilang minuto na lang at makakaratig na ako sa bahay. Natatakot ako, kasi ni isang text wala man lang akong natanggap galing kay James. Baka naman wala pa siya sa bahay?

Sam: We’re here.

Napatingin ako sa paligid. Di ko man lang namalayan n nasa harap na pala kamin ng bahay namin. Nakita ko sa harapan ang sasakyan ni James. Patay, nandito na siya. Late na talaga ako. Bumaba si Sam at binuksan ang pintuan ko, bumaba naman ako agad dahil malapit na akong talagang malagot kay James.

Sam: Do you want me to accompany you? I can explain everything to James.

Umiling ako ng sunod-sunod. Kung sakaling galit nga si James dahil sa pagiging late ko, hindi dapat sila magpang-abot ni Sam. At isa pa ako naman talaga ang may kasalanan kaya hindi ko na dapat idamay si Sam.

Devon: Wag na Sam, kaya ko na ‘to. Thank you nga pala ha. Nag-enjoy talaga ako.

Ngumiti sa akin si Sam. Bakas ang tuwa at pag-aalala sa kanyang mga mata.

Sam: Ako nga dapat ang mag-thank you sayo eh. Mas nag-enjoy ako.

Ngumiti lang ako sa knya.

Sam: Oh sige mauna na ako ha, sure ka ba na kaya mo na?

Devon: Oo naman. Sige ingat.

Pumasok na si Sam at pinaandar ang makina ng kotse niya. Ngumiti pa siya sa akin bago niya tuluyang pinaalis ang sasakyan niya. Ilang minuto pa akong tumayo doon a tinanaw ang papalayong kotse ni Sam. Ng mawala na sa paningin ko ang saskyan niya ay saka humarap sa gate namin. Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok.

Mama Lyn: Devon, ano ka ba? Ang tagal mo!

Yan ang bungad sa akin ng mama ko pagpasok ko ng gate. Natanaw ko siyang nakatayo sa may pintuan namin at agad na lumapit s akin ng makita niya ako.

Mama Lyn: Kanina ka pa hinhintay ni James. Mag-iisang oras na siya dito.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Patay. Mag-iisang oras na si james?

Devon: Galit po ba siya?

Ngumiti ng alanganin sa akin si mama.

Mama Lyn: Nandun siya sa sala, kausap niya si Dhemi. Kanina pa kasi siya naiinip eh.

Nag-aalangan sana akong pumasok, pero wala naman akong magagawa diba? Dahan-dahan akong pumasok ng pintuan. Natanaw kong nakaupo si James sa may sofa namin at seryosong nakikipag-usap kay ate Dhemi. Seryoso, as in walang ekspresyon ang mukha ni James samantalang hindi magkamayaw ang ate ko sa pagtawa dahil sa kinukwento niya. Mukhang galit nga ang loko. Nakita kong lumingon sa akin si ate Dhemi.

Dhemi: O, devz. Nandyan ka na pala?

Dahan-dahang lumingon sa kinatatyuan ko si James. Balanko ang mukha niya at walang ekspresyon. Binigyan ko siya ng isang nagmamakawang tingin Lumapit ako sa kanya agad-agad. Agad naman tumayo ang ate ko sa kinatatayuan niya.

Dhemi: O ayan James ha, nandito na si Devon. Maiwan ko na muna kayo.

Umalis na si ate Dhemi para pumunta sa kitchen kung saan tumngo si mama. Umupo ako sa kaninang kinauupuan ng ate ko.

Devon: Sorry James ha, na-traffic kasi kami ni Sam eh.

Ngumiti ng matipid si James sa akin.

James: Its okay.

Devon: Sorry talaga James ha.

James: Is that what you’re gonna wear in our date?

Tinignan ko ang suot ko, oo nga pala. Alam kong romantic dinner ang inihanda ni James para sa aming dalwa. Naihanda ko na kaninang umaga ang isusuot ko sa date namin.

Devon: Uhm hindi, magbibihis muna ako.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo.

Devon: Pahintay lang sandali ha, 5 minutes lang.

James: I’ve been waiting here since 5:30 pm. It won’t bother me if I’ll wait another 5 minutes.

Napasimangot ako dahil sa sinabi ni James. Magso-sorry sana ulit ako kaso lang baka lalo siyang mgalit kapag natagalan pa ako.

Devon: Sige, aakyat na muna ako.

Agad-agad akong umakyat sa taas papunta sa kwarto ko. Nang marating ko na ang pinto ng kwarto ko ay agad naman akong pumasok roon at ni-lock ang pinto. Sumandal ako sa pinto at huminga ng malalim. Nakita mula sa kinatatayuan ko ang elmo stuff toy. Nilapitan ko siya at kinuha.

Devon: Elmo, bakit ba siya ganun? Alam ko namang kasalanan ko eh. Sana nagalit na lang siya.

Nakatitig lang sa akin si Elmo. Walang reaksyon, walang emosyon, walang pakialam. Parang si James. Bumuntong-hinga ulit ako at inilapag si elmo sa kama ko. Pumunta na ako sa cabinet ko at kinuha ang blue halter dress na pinili ko kaninang umaga. Favorite ko ang dress na iyon dahil regalo sa akin iyon ng mga Jaevon fans noong birthday ko. Sinuot ko na agad ang dress at kinuha ang partner noong na maliit na blue purse. Agad na akong bumaba para puntahan si James.

Naramdaman kong tumigil na si james sa pagda-drive. Lumingon ako sa paligid. Nasa isang malawak kami na garden. Maraming ilaw sa paligid. Ang ganda. Nilingon ko si James na matamang nakatingin sa akin.

Devon: Dito ba yun? Ang ganda.

Sa unang pagkakataon ay ngumiti si James ng gabing iyon. Hindi siya sumagot, bumaba siya ng sasakyan at pumuta sa harap ng pinto ko para buksan iyon. Inalalayan niya akong bumaba.

James: Nasabi ko na ba sayo na ikaw ang pinakamagandang babaeng nakilala ko?

Sa kabila ng nakakatawang paraan na pagkakasabi ni James ng mga katagang iyon ay alam kong namula pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit pero kahit wala naman siyang ginagawa ay parang libo-libong boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa katawan ko. Isang ngiti lamang ang isinagot ko sa sinabi niya. Inalalayan niya ako papunta sa gitna ng graden.

James: I’m sorry if I have been cold earlier. Its just that..

Devon: Naintindihan ko, kasalanan ko naman eh.

James: I know that you didn’t want to be late.

Devon: Hindi naman talaga eh, talagang na-traf..

James: You don’t have to explain. I’ll still wait for you even if you arrived at 11 o’clock.

Natawa ako ng mahina dahil sa sinabi ni James. Natanaw ko sa di kalayuan ang isang lamesa. Wow, candle-lit dinner sa gitna ng garden? Ang cute naman. Narating na namin ang lamesa kung saan nakahanda ang ilang klase ng putahe. Hinila ni James ang upuan para sa akin. Nginitia ko siya saka umupo.

Devon: Wow, ang sarap naman ng mga pagkain.

Umupo si james sa harap k ng nakangiti. Kakakain ko lang ng merienda kanina pero parang kumalam ulit ang sikmura ko dahil sa mga nakahaing pagkain. Halos lahat ng mga nakahain ay mga paborito ko din. May lasagna, carbonara, malalaking crabs, square-shaped na aloha pizza, chocolate cake at syempre ice cream. Naramdaman kong kumirot ng kaunti ang sikmura ko. Narinig kong tumawa si James kaya naman agad akong tumingin sa kanya.

James: Umaandar na naman ang katakawan mo. I can see you drooling over the food already.

Devon: Drooling ka dyan!

James: Just admit it Devon, you’re already hungry, again.

Binigyang-diin pa ni james ang salitang again. Sinimangutan ko lang siya na siya namang ikinatawa niya.

James: You really look cute when you’re upset.

Tinaasan ko ng kilay si james.

Devon: Cute pala ha!

Kumuha ako ng kaunting icing ng chocolate cake at ipinahid sa mukha ni James. Mukhang nagulat si james dahil hindi siya naka-ilag man lang. Tawa naman ako ng tawa.

James: So, you want to play huh?

Kumuha din si james ng kaunting icing ng cake at ipinahid sa mukha ko. Nagtawanan kami pareho ni James dahil sa mga pinaggaga-gawa naming dalawa sa kawawang cake.

James: You look good with icing all over your face.

Devon: Mukha ka namang ewan!

Tumawa si james dahil sa sinabi ko. Knuha niya mula sa bulsa niya ang kanyang panyo. Pinunasan niya ang icing sa mukha ko. Naamoy ko ang panyo ni James, ang bango. Pakiramdam ko ay pulang-pula na ako. Hindi ko kasi mapigilang kiligin dahil sa ginawang iyon ni James.

James: I’m happy that you are here with me now Devon.

Devon: So, nada-drama ka?

Pinunasan naman ni james ang mga icing sa mukha niya.

James: Nope, but a while ago, I thought you’re not gonna show up anymore.

Natawa ako ng mahina sa sinabi ni James.

Devon: Sus, pwede ba yun?

Ngumiti si James ng pinakamatamis niyang ngiti.

Devon: Alam mo namang di ko yun magagawa sayo noh!

James: Does that mean that I am also special to you?

Natawa ako dahil sa tanong ni James na siya namang ikinakunot ng kanyang noo.

Devon: Ewan.

James: Ewan? What does that mean?

Devon: Basta! Kain na nga tayo! Nagugutom na ako eh.

Ngumiti lang si james at nagsimula na nga kaming kumain. Kumuha pa si james ng lasagna at nilagyan ako sa plato. Ang sweet naman nitong lokong ‘to. Napangiti nalang ako. Nang tikman ko ang lasagna ay talaga namang napakasarap.

James: So, does it taste good?

Devon: Oo naman!

James: I told the chef to make it extra special for you.

Napangiti ako lalo dahil sa sinabi ni James.

I remember what you wore on the first day
You came into my life and I thought
“Hey, you know, this could be something”


Napalingon ako sa lugar kung saan nanggaling ang tugtog.

James: Wag mo na hanapin. Its more romantic if you don’t know where the sound is coming from.

‘Cause everything you do and words you say

You know that it all takes my breath away
And now I’m left with nothing

Two is Better Than One. Yan ang theme song ng Jaevon. Sa tuwing naririnig ko ang kantang iyan ay kinikilig ako. Hindi ko din alam kung bakit. Para nga akong tanga ngayon eh, nakangiti ako habang naghihiwa ng pizza.

‘Cause maybe it’s true
That I can’t live without you
Maybe two is better than one
There’s so much time
To figure out the rest of my life
And you thought that it got me coming undone
And I’m thinking two is better than one


Ng dumating na ang kanta sa chorus nito ay sabay kaming napaangat ng tingin ni James. Nagtama ang aming mga paningin. Hindi ko maalala kung ilang segundo o kung umabot ba yun ng minuto. Ngumiti sa akin si james na siya namang naging dahilan para mamula ako. Agad akong nag-iwas ng tingin. Ano ba Devz? Wag ka namang makipag-titigan kay James!

I remember every look upon your face
The way you roll your eyes
The way you taste
You make it hard for breathing
‘Cause when I close my eyes and drift away
I think of you and everything’s okay
I’m finally now believing


Sa totoo lang natutuwa ako sa lyrics ng kanta. Para ngang bagay sa amin ang kanta. Dumulas ang kutsilyo sa ginagawa kong paghiwa ng pizza. Ano ba ang iniisip mo devon? Bagay ang kanta sa inyo ni James? Ayos ka lang? Naririnig mo ba ang sarili mo?

James: I really love the song. It reminds me of you.


That maybe it’s true
That I can’t live without you
Maybe two is better than one
There’s so much time
To figure out the rest of my life
And you thought that it got me coming undone
And I’m thinking two is better than one
Yeah, yeah


Nginitian ko si james. Gusto ko rin yung kanta, kasi sa tuwing naririnig ko yan, naiisip kita. Gusto ko sabihin yun kay James. Pero siyempre, hindi pwede.

I remember what you wore on the first day
You came into my life and I thought, “Hey,”

Maybe it’s true
That I can’t live without you
Maybe two is better than one
There’s so much time
To figure out the rest of my life
And you thought that it got me coming undone
And I’m thinking
I can’t live without you
‘Cause, baby, two is better than one

James: Devon, I..

Naputol ang sinasabi ni James ng bigla na lang may maramdaman akong pumatak sa may braso ko. Agad akong tumingala at may pumatak pang tubig sa mukha ko. Agad akong tumingin kay James na ngayon ay nakatingala na. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat at di pagkapaniwala. Unti-unting dumami ang pumapatak na tubig – sa braso ko, sa mukha.

James: Please don’t..

Kasabay ng pagsasalita ni james ay ang unti-unting pagbuhos ng malakas na ulan.

James: ..rain.

There’s so much time
To figure out the rest of my life
But I’ll figure it out
When it’s all said and done
Two is better than one
Two is better than one

Chapter 27: Dancing in the Rain

James: What are you doing?

Devon: Uhm, saving the ice cream?

Napangiti si James dahil sa sinabiko. Ang lakas na nag ulan. At hindi ako papayag na basta nalang mabasa ang ice cream.

Devon: Pwede ba? Wag ka nga umupo lang dyan! Kunin mo yung cake!

Natatawang tumayo si james para kunin ang cake. Namatay na ang ilaw ng red candle sa lamesa at karamihan sa mga pagkain ay basa na. Nanghihinayang nga ako sa carbonara na ngayon ay lumalangoy na sa tubig-ulan.

James: You’re gonna get wet.

Naramdaman kong lumapit sa akin si James.

Devon: Ano ka ba? Okay lang yun. Ang mahalaga wag mabasa ‘tong pagkain.

Tinitigan lang ako ni James habang nakangiti.

Devon: James, ano ka ba? Nababasa na yung cake!

James: I’m sorry Devon.

Naging seryoso ang mukha ni James.

Devon: Sorry?

James: Sorry because instead of having fun with me tonight, you end up protecting a bowl of ice cream from the rain.

Natawa ako dahil sa sinabi ni James. Binitiwan ko ang bowl ng ice cream.

Devon: Sino nman nagsabi na I’m not having fun?

James: Who are you kidding Devon? How could be being wet under the rain fun?

Devon: Masaya, maniwala ka.

Kapag kasama ka. Ngumiti ako kay James. Ngumiti din siya.

Devon: Uso ba sa Australia ang maligo sa ulan?

Natawa si james dahil sa tanong ko.

James: Actually, hindi.

Devon: Ibig mong sabihin, di ka pa nakakaligo sa ulan on purpose ever?

James: Nope, and I would love it if my first time would be with you.

Napangiti na lang ako dahil sa sinabi ni James.

Devon: Alam mo, ang corny mo!

James: Corny? Corny pala ha!

Lumapit sa akin si James at kiniliti ako. Hindi naman ako magkamayaw sa katatawa. Tumakbo ako playo kay James at hinabol naman niya ako.

Devon: Di mo ko mahahabol!

James: That’s what you think!

Binilisan ko pa ang takbo ko pero naabuan din ako ni James at kniliti. Sa sobrang katatawa ko ay natumba kami pareho ni James sa damuhan. Puro putik na kami pareho dahil sa ulan. Tawa kami ng tawa pareho ni James.

James: You’re so lampa, Devz.

Devon: Aba, at sinong tinatawag mong lampa?

James: You.

Devon: Lampa pala ha?

Kumuha ako ng kaunting putik mula sa lupa at pinahid sa pisngi ni James.

James: What the?

Tawa ako ng tawa samantalang nakasimangot naman si James. Di nagpatalo ang loko at kumuha din ng putik at pinahiran ako sa ilong. Siya naman ang tawa ng tawa.

James: You look like a pig Devz!

Devon: Pig ka dyan!

Nagtawanan pa kami pareho ni James. Nagpahiran pa kami ulit ng putik sa mukha habang nagkikilitian.

Di kami pareho magkamayaw sa katatawa. Ito na ata ang pinakamasayang araw ng buhay ko.

James: Devon I..

Naputol na naman ang sinasabi ni James ng biglang pumailanlang sa ere ang intro ng kantang forevermore. Nagkatinginan kami pareho ni James. Tumayo si James at tumingin sa akin.

James: Can I have this dance?

Inilahad ni James ang kamay niya sa harap ko. Hindi ko alam kung matatawa ako. Puno kami pareho ni James ng putik at basang-basa. Tapos niyayaya niya akong sumayaw? Nakatingin lang sa mga mata ko si James, wala naman akong nagawa kundi ang paunlakan ang paanyaya niya. Inilagay ko ang kamay ko sa nakalahad niyang palad.

There are times when i just want to look at your face
With the stars in the night

Nilagay ni James ang mga kamay niya sa bewang ko. Pinatong ko naman ang dalawa kong kamay sa mga balikat niya. Nginitian ako ni James.

There are times when i just want to feel your embrace
In the cold night
I just can’t believe that you are mine now

Ng mga panahong yon, pakiramdam ko lumulutang ako. Nakatingin lang kami ni James sa mga mata ng isa’t isa. Parang ayaw ko nang matapos ang mga sandaling iyon. Di ako makapaniwala, para akong nananaginip lang.

You were just a dream that i once knew
I never thought i would be right for you
I just can’t compare you with anything in this world
You’re all i need to be with forevermore

Bumitaw ang kanang kamay ni James mula sa pagkakahawak sa bewang ko. May kinuha siyang isang pahabang kahon mula sa bulsa ng suot niya.

Devon: Ano yan?

Bumitaw ako mula sa pagkakahawak ko kay James.

All those years i’ve longed to hold you in my arms
I’ve been dreaming of you

James: Devon, I..

Binuksan ni James ang kahon at inilabas mula roon ang isang napakagandang white-gold heart-shaped locket. May touch of blue ang locket dahil sa mga design nito na asul na dyamante. Tumingin sa akin si james. Pinahid niya ang putik mula sa mukha ko.

Every night i’ve been watching all the stars that
Fall down
Wishing that you’d be mine
I just can’t believe that you are mine now

James: I want you to have this.

Isinuot ni James ang locket sa akin.

James: I want you to have my heart.

Ngumiti akong matamis kay James. Hinawakan ko ang locket na isinuot sa akin ni james. Ang ganda. Binuksan ko ang locket.

You were just a dream that i once knew
I never thought i would be right for you
I just can’t compare you with anything in this world
You’re all i need to be with forevermore

Sa kliwang parte ng locket ay may nakalagay na maliit na picture namin ni james. Napangiti ako ng makita ko ang picture nmin na iyon. Bakit kaya sa dami-dami ng picture namin ni James eh ito pa ang napili niya?

Sa kabila namang side ng locket ay nakasulat ang mga katagang..

James: I love you.

Time and again there are those changes
That we cannot end
Sure as time keeps going on and on
My love for you will be forevermore

Napatingin ako kay james. Mataman siyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Ang alam ko lang..

I just can’t compare you with any anything in this
World
You’re all i need to be with forevermore

Never thought?

I just can’t compare you with anything in this world
You’re all i need to be with forevermore

Ang alam ko lang, kung paniginip man ang lahat ng ito. Ayaw ko ng magising pa, ayoko ng matapos pa.

You’re all i need forevermore
You’re all i need forevermore
You’re all i need forevermore

Chapter 28: Realization

Devon: Hay naku, Elmo. Kinikilig naman ako.

Tumingin lang sa akin si Elmo. At as usual, hindi siya sumagot. Natawa ako sa sarili ko. Alam ko naman na para akong baliw dahil kinakausap ko na naman ang stuff toy ko. Halos mapatalon ako ng marinig kong mag-ring ang cellphone ko. Agad kong sinagot ito.

Devon: Hello?

Emman: Devz!

Napangiti ako ng malaman kung sino ang nasa kabilang linya.

Devon: Elle!

Emman: So, what happened?

Natawa ako dahil napaka-chismosa talaga ng kaibigan kong ito.

Devon: Ikaw ha, ang chismosa mo talaga!

Emman: Sus, para sa pagkakakilala ko sayo, baka kinakausap mo na naman yang stuff toy mo dyan dahil sa sobrang kilig.

Kumunot ang noo ko dahil sa narinig.

Devon: Paano mo nalaman yun?

Narinig kong tumawa si Emman sa kabilang linya.

Emman: You mean, kinakausap mo talaga yung stuff toy?

Parang napahiya ako dahil doon kaya naman agad akong kumambyo.

Devon: H-hindi, I mean, paano mo nalaman na kinikilig ako?

Emman: Sus, ikaw pa! Bigyan lang kita ng santan na pinitas mula sa garden kikiligin ka na eh.

Devon: Ewan ko sayo!

Emman: Pero di nga Devz, who won?

Devon: Anong who won? Emman, date yun, hindi contest!

Natawa ulit si Emman dahil sa sinabi ko.

Emman: What I mean is, kung sino ang mas nakapagpakilig sayo?

Parag natahimik ako saglit dahil sa sinabi na iyon ni Emman. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niyang iyon. Sino nga ba?

Emman: Oh tumahimik ka dyan? Wag mong sabihin, hindi mo na naman alam?

Devon: Kasi..

Emman: Devon naman! Pantay na naman?

Devon: Hindi..

Emman: So, sino?

Excited na excited ang tono ng pananalita ni Emman. Hindi ko tuloy mapigilan ang makadama ng pressure. Sino naman ba kasi talaga ang mas nakapagpakilig sa akin? Eh parang pareho naman talaga. Parehong nag-effort, parehong sweet.

Devon: Uhm, mas enjoy yung date with Sam..

Emman: Ayyiiee! Sabi na nga ba eh, di papatalo ang manok ko!

Devon: Pero..

Emman: Ay, bakit may pero?

Devon: Pero mas kinilig ako sa date with James.

Emman: Hmmm...

Tumahimik sandali si Emman sa kabilang linya. Hindi naman muna ako nagsalita kasi hinihintay ko siyang sumagot.

Emman: So, ano naman ang ginawa ni James?

Parang ako naman ang na-excite dahil sa tanong ni Emman.

Devon: You won’t believe it Elle, mukhang tanga yung date namin.

Tumawa pa ko habang nagkukwento.

Devon: Na-late ako kasi nga nag-enjoy ako masyado with Sam. I lost track of time. Ayun medyo na-bad trip pa yung lolo mo. Pero when we reached the place, my gosh Elle. Ang ganda. Its a candle-lit dinner sa gitna ng isang napakagandang garden. Super romantic ng place. As in! Pero alam mo bigla na lang umulan, so natural mababasa kaming dalwa.

Emman: Easy Devz!

Narinig kong tumawa pa si Emman sa kabilang linya. Para tuloy akong napahiya dahil sobrang excited ako sa pagkukwento ng tungkol sa date namin ni James.

Devon: Ay sorry, masyado akong nadala ng excitement.

Emman: Pansin ko nga. So, ano na nga yung sinasabi mo?

Devon: Ayun, tapos nabasa kami pareho, kaya naligo kami sa ulan. And you won’t believe it Elle, unang beses niya maligo sa ulan. Di pala uso yun sa Australia?

Natawa si Emman sa kabilang linya.

Emman: Ano ka ba? Malamig kaya dun! Edi nagyelo sila sa lamig!

Devon: Oo nga noh?

Nagtawanan pa kami preho ni Emman.

Devon: And alam mo Emman, sumayaw kami sa gita ng ulan. Unang beses kong nakipagsayaw ng sweet. Di naman kasi ako noon nakakapunta sa JS prom namin sa school eh. And sobrang nakakakilig.

Emman: Aww, ang sweet nga. Dancing under the rain pala ang drama niyo ha!

Devon: And, he gave me a locket.

Emman: Locket?

Devon: Oo, and it says “I love You.”

Narinig kong pinipigil ni Emman ang tumili sa kabilang linya. Ako din ay kinikilig habang nagkukwento.

Emman: Wow, ang sweet naman. Sana ako din.

Nagkatawanan pa kami ni Emman dahil sa huli nyang sinabi.

Devon: Naku, kanino ba? Kay Inno?

Emman: Sus, walang ibahan ng usapan. So, what did you say?

Devon: Uhm, wala.

Emman: Wala?

Devon: Oo, hindi naman siya nag-ask for an answer eh. Sabi niya he’s willing to wait.

Emman: Aww, ang sweet nga talaga. Pag ganyan ng ganyan, magshi-shift na ako sa jaevon niyan.

Natawa kami pareho ni Emman dahil sa sinabi niya.

Devon: Asus! Taksil!

Mas lao pa kaming humagalpak g tawa ni Emman.

Emman: So, Devon, is it James already?

Para atang napatigil ako dahil sa tanong ni Emman. Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko eh.

Emman: Hey Devz, nandyan ka pa ba?

Para akong nagbalik sa huwisyo dahil sa pagtawag sa akin ni Emman.

Devon: Uhm o-oo.

Emman: So, si james na ba? Paano na si Sam?

Devon: Uhm, h-hindi ko alam Emman eh. Hindi ko pa din alam.

Narinig kong bumuntong hininga si Emman sa kabilang linya.

Emman: Devz, ano ka ba? Dapat hanggang maaga pa lang malaman mo na kung sino talaga sa kanilang dalawa. Kasi habang tumatagal, mas lalo lang silang nahuhulog sayo.

Hindi ko alam pero parang may tumusok sa puso ko dahil sa sinabi ni Emman. Tama siya. Habang tumatagal, mas lalo lang nahuhulog ang loob nila sa akin.

Emman: And Devz, mas masasaktan lang sila kapag mas tumagal. Mas mahihirapan lang silang bumitaw. Kasi kahit pa hindi mo sinasadya, umaasa sila pareho.

Tuluyan na akong hindi nakapagsalita. Tama si Emman, tamang-tama siya. Lahat ng sinabi niya, lahat totoo. MAs lalo ko lang silang masasaktan, mas lalo lang silang mahihirapan. At ayaw ko gawin yun sa kanila. Oo, pareho ko silang gusto at pareho ko silang ayaw mawala. Pero baka kapag nagtagal, pareho pa silang mawala sa akin.

Emman: Devz, alam ko naman na ayaw mo saktan ang isa sa kanila eh. Alam kong ayaw mong mawala ang pakikipagkaibigan mo sa isa man sa kanila. Pero balang araw, kakailanganin mo ding mamili. Hindi pwedeng habambuhay na pareho silang nandyan. Kakailanganin mo ding mamili ng isa.

Hindi ko na alam kung ano pa ang gusto kong sabihin. Parang may nakabara sa lalamunan ko, walang salitang lumalabas mula sa bibig ko.

Devon: Alam ko, Elle, alam ko.

Hindi ko alam kung papano ko nagawang sabihin ang mga katagang iyon.

Emman: Devz, ikaw na ang tumayong best friend ko. Mahal na mahal kita, alam mo yun. At alam mo naman na susuportahan kita, ano man ang maging desisyon mo.

Devon: I know, Elle. And thanks, mahal na mahal din kita.

Natawa si emman sa kabilang linya.

Emman: Well, bakit ba tayo napunta dyan? Ang gulo kasi ng lovelife mo eh!

Napangiti ako dahil sa sinabi ni Emman pero isang bangkong ngiti ang lumabas sa labi ko. Kasi sa mga oras na yun, wala na kay Emman at sa mga kwento niya ang isip ko. Kasi ng mga oras na iyon, naglalakbay na ang isip ko sa mga alaala kasama ang dalawang importanteng tao sa buhay ko.

Chapter 29:

Emman: Hey girl!

Nagulat ako ng bigla na lamang may humawak sa balikat ko. Napalingon agad ako at nakita ko ang isang nakangiting Emman sa harap ko.

Devon: Ikaw talaga Emman, nanggugulat ka naman eh!

Natawa siya dahil sa sinabi ko.

Emman: Sus, ang sabihin mo, malalim na naman ang iniisip mo.

Devon: Di naman. Nagugutom lang ako.

Emman: Patay tayo dyan.

Nagkatinginan kami ni Emman tsaka kami sabay na humagalpak ng tawa.

Emman: Ikaw talaga, lagi ka na lang gutom noh?

Devon: Di naman, paminsan-minsan lang.

Emman: Buti di ka tumataba?

Devon: Oo nga eh!

Napalingon kami pareho ng biglang bumukas ang pintuan.

Steffie: Girls, maghanda na kayo. Magsisimula na tayo.

Emman: Opo ate Steff.

Steffie: Labas nalang kayo mamaya ha!

Devon: Yes ma’am.

Tumawa pa si ate Steffie bago tuluyang umalis ng kwarto.

Devon: Lika na?

Tumayo na kami ni Emman at sabay na angpunta sa set. Marami na ang tao sa set ng shoutout ng mga oras na iyon kasi malapit na kami mag-air. Umakyat kami ni Emman sa may platform at naupo doon.

Emman: Bakit parang ang aga naman ata natin magsisimula ngayon?

Automatiko akong napatingin sa orasan na suot ko. Oo nga ano? Maaga pa. 15 minutes early kaming magsisimula ngayon kumpara sa mga nakaraang tapings.

Devon: Oo nga ano?

Nagsipasukan na ang mga iba naming teenmates sa set. Pinangunahan sila ng mga hosts na sila Enchong at Enrique. Nagtataka nga ako dahil iilan lamang asa mga tuesdelicious teenmates ang naririto. Wala si James, pati sila Inno, Pierro at Auriette. At isa pa, ang alam ko, ang hosts dapat ngayon ay sila Sam at Robi. Nasan na kaya yun?

Enchong: Hello mga teenmates! Welcome to Shoutout!

Enrique: Ayan, masaya ba kayo ngayon?

Nagsigawan ang mga tao sa paligid namin.

Enrique: Balita ko maulan daw sa labas ngayon kasi may paparating na bagyo.

Enchong: Oo nga eh, pareng Enrique, Malamig ang panahon nagyon noh?

Enrique: Tama, kaya naman isa sa mga teenmates natin ang magpapa-warm ng Tuesday natin ngayon.

Enchong: Kaya wag na nating patagalin pa! Let’s all welcome Sam C!

Nagkatinginan kami ni Emman. Nagulat kami pareho dahil sa pagkakaalam nami ay hindi si Sma ang opening number ngayon kundi ang 3am band. Lumabas mula sa isang bahagi ng stage si Sam na may dala-dalang gitara.

Sam: Bakit pa kailangang magbihis
Sayang din naman ang porma
Lagi lang namang may sisingit
Sa tuwing tayo'y magkasama

Papalapit ng papalapit si Sam sa lugar kung saan kami nakaupo ngayon ni Emman. Parang bumibilis ang tibok ng puso ko. Ewan ko ba kung bakit, pero parang kinikilig ako.

Sam: Bakit pa kailangan ang rosas
Kung marami namang nag-aalay sayo

Umupo si Sam sa tabi ko, bumilis lalo ang tibok ng puso ko. Nakatingin siya sa akin habang nakangiting kumakanta.

Sam: Uupo na lang at aawit
Maghihintay ng pagkakataon
Hahayaan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sa'yo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Idadaan na lang sa gitara

Nakatingin si Sam sa akin habang kumakanta. Napakalakas na ng hiyawan ng mga tao sa paligid. Pati nga ang ilan sa aming mga teenmates eh nakikisigaw na din. Hindi ko na tuloy mapigilan ang tuluyang kiligin, isa pa ang gwapo kaya ni Sam! At nakakatunaw ang ngiti niya.

Sam: Mapapagod lang sa kakatingin
Kong marami namang nakaharang
Aawit na lang at magpaparinig
Ng lahat ng aking nadarama
Pagbibigyan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sayo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Idadaan na lang sa gitara

Nagulat ako ng bigla na lang binitawan ni Sam ang gitara niya. Tumigil ang tugtog, tumayo siya bigla. Hidi ko na alam kung ano ang nangyayari sa paligid ko. Basta ang alam ko bigla na lang niya inilahad ang kamay niya sa harap ko. Tumingin muna ako sa paligid, lahat ng tao ay nakatigin sa aming dalawa. Lalo atang bumibilis ang tibok ng puso ko. Ibinigay ko ang kamay ko sa kanya. Inlalayan niya akong tumayo.

Sam: Devon.

Nakatayo kaming dalawa ni Sam sa may taas ng platform, nakatitig lang kami sa isa’t isa. Ngumiti si Sam sa akin ng pagkatamis-tamis. Nakita kong may kinuha si Sam na isang kahon sa kanyang bulsa. Oh my gosh, don’t tell me..

Sam: Devon May Natividad Seron, sa harap ng mga taong naririto ngayon sa sa studiong ito. Gusto ko sanang sabihin sayo na..

Binuksan ni Sam ang kahon at tumambad sa harap ko ang isang gold necklace na may pendant na g-cleff na nakapaloob sa isang puso. Parang bumilis lalo ang tibok ng puso ko, pero kasabay noon ay ang paggapang ng pangamba sa dibdib ko. Wag Sam, please, wag mo namang gawin ‘to.

Sam: Mahal na mahal kita.

Tumigil ang mundo ko dahil sa apat na katagang binitawan ni Sam. Naririnig ko ang nakabibinging tibok ng puso ko. At unti-unti na rin itong naglaho sa nakabbinging sigawan ng mga tao sa paligid ko.

Chapter 30: Confused

Emman: Kilig na kilig ka naman dyan!

Natawa ako dahil sa sinabing iyon ni Emman. Pero kasabay noon ay naramdaman kong namula muli ang mga pisngi ko. Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin diba? Naalala ko ang tagpo kanina.

Sam: Mahal na mahal kita.

Parang tumigil ang mundo ko. Si Sam lang ang nakikita ko nang mga panahong iyon. Sa totoo lang ayaw kong gawin niya ‘to, ang ipahayag ang damdamin niya para sa akin, lalo na sa harap ng madaming tao.Naguguluhan ako, sobrang naguguluhan na ako. Pero ng sabihin ni Sam ang mga katagang iyon, parang nawala ang lahat ng mga pangamba ko. Ng ngumiti siya sa akin, napanatag ang loob ko.Hinawakan ni Sam ang mga kamay ko. Di ko alam kung ano ang sasabihin.

Devon: Uhm, S-sam..

Pinigilan ako ni Sam sa pagsasalita.

Sam: You don’t have to say anything. I know that masyado akong mabilis and alam ko na naguguluhan ka. Hindi mo kailangan ibigay ang sagot mo ngayon, I’ll be more than willing to wait. Even if it would take forever.

Napangiti na lang ako dahil sa mga sinabi ni Sam. Hindi ko alam pero napakasarap sa feeling na madinig ang mga salitang iyon. Isinuot sa akin ni Sam ang kwintas na biagay niya at ngumiti.

Sam: It fits you.

Hindi ko na alam kung ano ang naririrnig ko ng mga panahong iyon, ang malakas ba na tambol ng puso ko o ang malakas na sigawan ng mga tao. Narinig kong nagsimula muli ang isang tugtog sa background at nagsimula ng kumanta ang mga myembro ng 3am band.

Emman: Huy!

Napabalik ako sa huwisyo dahil sa pagpalo sa akin ni Emman.

Emman: Ano, lunod ka pa sa kilig?

Natawa na lang ak dahil sa pangungulit ni Emman.

Devon: Ewan ko sayo!

Emman: Pero Devz ha, maiba lang ang topic natin, I saw James and Sam kanina ha.

Devon: Huh?

Emman: They were talking after the little kilig Samvon moment and I heard James say “Ayan ha, nakabawi ka na.” Tapos ngumiti lang sila sa isa’t isa.

Parang nagpantig sa tenga ko ang mga narinig kong salita. At ano naman ang ibig sabihin nun, aber?

Devon: What?

Emman: Eto ha, I think they already talked about this.

Devon: Anong ibig mong sabihin?

Emman: I think they are taking this fight as a man. Patas, walang lamangan.

Devon: You mean..

Emman: Oo, may the best man win. Ganun.

Hindi ko na mapigilan ang kanina pang pinipigil kong tawa. Ang corny naman ng dalwang iyon. Pero on second thought, maganda din yun, walang away. Friendly fight kung baga.

Emman: Tawa-tawa ka dyan! Ang haba ng hair mo day!

Mas lalo pa akong natawa dahil sa sinabing iyon ni Emman. Muli kong tinignan ang suot kong kwintas na bigay ni Sam at hinubad ito. Tiniganan ako ni Emman habang nakataas ang kaliwa niyang kilay.

Emman: What are you doing?

Devon: Being fair.

Emman: Huh?

Kinuha ko ang bag ko at kinuha mula sa bulsa noon ang locket na bigay sa akin ni James. Nakita ko mula sa sulok ng mga mata ko na lumapit sa akin si Emman para tignan kung ano ang kinuha ko mula sa bag ko.

Emman: Wow, is that the locket?

Tango lang ang isinagot ko kay Emman. Nakangiti niyang kinuha mula sa kamay ko ang locket na bigay ni James. Binuksan niya ito at mas lalo pang lumapad ang ngiti sa kanyang labi.

Emman: Wow. Ang ganda, uhm what can I say? Jaevon na jaevon.

Di ko mapigilan ang matawa dahil sa sinabing iyon ni Emman. Tama naman kasi siya jaevon na jaevon talaga ang locket na bigay ni James. At ito namang gold necklace na bigay ni Sam ay samvon talaga. Mas lalo tuloy ako naguguluhan sa mga nangyayari.

Devon: Ang unfair ko naman kung suot ko yung isa diba?

Tumingin sa akin si Emman. Kinuha niya ang kamay ko na may hawak ng kwintas na bigay ni Sam at inilagay doon ang locket na bigay ni James sa akin. Isinara niya ang palad ko at ipinaloob doon ang dalawang kwintas.

Emman: Tama ka. Kaya keep that first, alam ko na balang araw, susuotin mo din ang isa dyan.

Ngumiti na lamang ako kay Emman dahil sa sinabi niya. Alam ko kasi na tama siya, balang araw ay susuotin ko ang isa sa mga kwintas na ito at sana hindi ako magkamali sa pipiliin kong isuot.

Chapter 31: Oops, muntik na.

James: Hi Devz!

Napalingon ako kay James. Nakangiti siya sa akin at mukhang may sasabihin. Mukhang isasabay ako umuwi nito ah.

Devon: Hi.

Tumingin si James sa leeg ko at ngumiti. Wala akong suot ngayon ni isang kwintas.

James: So, I can see that you are not wearing any of the gifts that Sam and I gave you.

Devon: Talagang hindi, masyadong mabigat kapag sinuot ko pareho.

Tumawa si James dahil sa sinabi ko.

James: Uhm, you want to ride with me? I’ll treat you sa dinner.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti.

Devon: May choice pa ba ako eh nasabi mo na yung magic word.

Mas lalo pang natawa si James dahil sa sinabi ko.

James: I’ll take that as a yes.

Tinulungan na ako ni James na ayusin ang mga gamit ko. Kinuha niya ang iba ko pang mga gamit sa gilid at inilagay iyon sa bag ko. Tinitiganan ko lang siya, at talaga naman napakagwapo ng lokong ‘to. Hay naku, ano ba nagawa ko sa buhay ko at naging napakaswerte kong tao? Isipin mo ba naman na iting Aussie na ingleserong ‘to nagkagusto sa isang katulad ko?

James: Why are you staring at me? Nagagwapuhan ka sa akin ano?

Hindi ko mapigilan ang matawa dahil sa sinabi ni James, pero kasabay noon ay ang pamumula ng aking mga pisngi.

Devon: Sira ka talaga.

James: Admit Devon, naglalaway ka dahil sa kagawapuhan ko.

Aba! At nagtagalog pa ang lokong ito!

Devon: Ang kapal mo! San mo na naman natutunan yan ha?

Hinampas ko si James sa braso. Natawa siya, hahampasin ko pa sana siya, ngunit pinigil niya ang kamay ko.

Devon: Si Bret talaga, kung anu-ano ang tinuturo sayo noh?

James: That hurts!

Hinawakan din ni James ang isa ko pang kamay at knikiliti ako. Hindi naman ako magkamayaw sa kakatawa dahil sa ginawa niya.

Devon: James, ano ba? Tama na nga!

James: Namamalo ka eh!

Mas lalo pa akong natawa dahil sa uutal0utal na pagkakasabi ni James sa mga katgang iyon. Di pa din tumitigil si James sa pagkiliti sa akin. Napaatras na ako at napasandal sa pader sa likod ko. Halos mapaupo na ko dahil sa katatawa.

Devon: James ano ba? Tama na! Hindi na ako makahinga sa katatawa!

Tumigil si james sa pagkiliti sa akin at nakangiting tinigana ako. Saktong paganagt ko ng tingin sa kanya ay nagtagpo ang aming mga paningin. Parehong anglaho ang mga ngiti sa labi namin. Naramdaman kong namula ang pisngi ko. Parang gusto kong magiwas ng tingin kasi naiilang ako, pero ayaw ko ding magbawi ng tingin kasi sa tuwing titingin ako sa mga mata ni James, pakiramdam ko lumulutang ako, May kakaiba akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

James: I got that one from Pat. And you know what? He also taught me other tagalog words.

Devon: Ano naman yun?

Ngumiti sa akin si James ng isang ngiti na makakatunaw ng kahit na pinakamatigas na bato. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, unti-unti akong natutuaw.

James: I’ll reserve that for some other time.

Devon: Sus, ang sabihin mo, nakalimutan mo!

Tumawa si james dahil sa sinabi ko.

James: No, I didn’t.

Devon: Yes, you did.

James: No, I didn’t.

Devon: Yes, you did.

James: Devon, if you keep on contradicting me, I’m gonna kiss you. For the third time, I’m telling you, I didn’t.

Ngumisi ako ng nakakaloko kay James.

Devon: Yes, you did.

Ngumiti din sa akin ng nakakaloko si James.

James: You asked for this.

Unti-unting inilapi sa akin ni James ang mukha niya. Bumilis ang tibok ang puso ko, para bang anytime ay ready na siyang sumabog at mag-explode dahil sa sobrang bilis at lakas ng tibok nito. Hindi ko alam kung ano ang gagawin, papalapit ng papalapit ang mukha si james sa akin.

Ikaw pa rin ang hanap ng pusong ligaw..

Nagulat kami pareho ng bigla na lang tumnog ang cellphone ko. Nakahinga ako ng maluwag. Kinabahan ako dun ha. Agad akong kumalas sa pagkakakulong sa mga bisig ni James. Sinagot ko kaagad ang tawag. Hay, kung sino man ‘tong tumawag na ‘to, ililibre ko siya ng ice cream.

Chapter 32: Chit-chat.

Devon: Hello?

Tatch: Devon.

Nabosesan ko kaagad ang tao sa kabilang linya, si ate Tatch. Manager namin ni James. Ano kaya ang sasabihin niya? OMG! Baka pagalitan niya ako dahil sa eksena ni Sam kanina sa Shoutout. Kasi naman official loveteam kami ni James and dapat nasa amin daw ang lahat ng kilig. Pero madalas iniisip ko, bakit naman si James may Jamli? Diba? Ano yun? Sa akin lang unfair?

Devon: Ate Tatch, bakit po kayo napatawag?

Tatch: Are you with James right now?

Automatiko akong napatingin kay James na nasa gilid ko. Halatang curious din siya kung bakit tumawag ang manager namin.

Devon: Opo, bakit po?

Tatch: May good news ako sa inyong dalawa! Let’s see each other at the newly-opened cafe near the PBB house. Naku, matutuwa kayo pareho pag narinig ang good news ko!

Devon: Ngayon na po ba?

Tatch: Yes, ngayon na. I’ll wait for you. Chao!

Pinatay na ni ate Tatch ang cellphone niya bago pa ako makasagot. Paglingon ko ay nakaabang sa akin ang isang taas kilay na James.

James: So, what’s up?

Devon: Kailangan daw natin i-meet si ate Tatch sa cafe na malapit sa PBB house ngayon.

James: Why?

Nagkibit-balikat ako kay James.

Devon: Ewan, good news daw eh. Mukha nga siyang excited eh.

James: How about our dinner?

Devon: Siguro next time na.

Napabuga ng hangin si James dahil sa sinabi ko. Agad nman niyang kinuha ang gamit ko at inalalayan ako papalabas ng studio. Ng nasa pinto na kami ay nakita ko si Emman na kausap si inno. Miukhang masayang-masaya ang bruha. Tawa sila ng tawa pareho.

Devon: Aba, ang sweet naman ng lovers oh.

Napalingon sila pareho sa amin ni James.

James: Yeah, you look like you are an item now. Are you?

Nakita kong namula ang mga pisngi ni Emnman samantalang natawa naman ng mahina si Inno.

Inno: Hoy pre nandyan pala kayo, sus, sana nga noh. Kaso di pa ako sinasagot eh.

Nakita kong tumingin si Emman ng masama kay Inno na mas lalo naman nitong ikinatawa. Hinampas pa ni Emman si inno sa braso.

Emman: Sira ka talaga!

Inno: Ouch naman, mukhang nahahawa ka na kay Devon ha?

Natawa namain kami pare-pareho dahil sa sinabing iyon ni inno.

Devon: Aba at ano naman ang ibig mong sabihin?

James: Naku, Inno, you better keep quiet or else you’ll receive a slap.

Inno: My mouth is zipped.

Umakto pa ito na kunwari ay isini-zipper ang bibig kaya naman natawa ulit ako.

Devon: Hoy Elle! Bakit naman ang tahimik mo dyan ha? Umurong na ata ang dila mo ha?

James: I think you’re friend is just in love.

Emman: Anong in love!?

Natawa ako dahil sa mabilis na depensa ni Emman na halata namang guilty. Namumula talaga ang mga pisngi niya kaya naman hindi niya maitatanggi. Ganyan siya everytime na nandyan si inno sa paligid.

James: And the suspect is guilty.

Nakita kong lihim na napapangiti si Inno. Kaya naman hindi ko din mapigilang mapangiti. I’m so happy na nakita na ni Emman ang taong mamahalin niya at mamahalin din siya.

Emman: Anong guilty? Guilty ka dyan! Ang sabihin mo ikaw, hanggang ngayon waiting pa rin.

Natatawa ako kasi pinipilit pa gumanti ni Emman. Tinignan ko naman ang reaksyon ni james.

James: Well if I would be waiting for this beautiful girl in front of me, I won’t get tired, ever.

Napangiti na lang ako dahil sa sinabi ni James.

Devon: Sus, corny mo!

Natawa naman si Inno, at tinapik si james sa balikat.

Inno: Corny ka pala tol eh? Kawawa ka naman.

James: At least I get to make her smile.

Natawa ako ng malakas dahil sa sinabi ni James. Kung gaano kasi ka-corny si Sam ay triple pa nun ang ka-cornihan nitong si Robert James Reid.

Devon: Hay naku, halika na nga James. Baka magalit na sa atin ang dalawang yan, nakita mong nagsosolo sila eh, nang-iistorbo ka pa.

Natawa lang si Inno at Emman dahil sa sinabi ko.

Emman: Saan ba kayo pupunta? Magde-date kayo no?

James: Supposed to be, but ate Tatch called, she said we should meet her at the cafe.

Nagmukhang excited si Emman dahil sa sinabi ni James.

Emman: Wow! Bagong show na naman ba yan?

Napisip ako dahil sa sinabi ni Emman. Oo nga no? Baka may new show kami ni James. Wow, nae-excite tuloy ako!

James: Well, we don’t know. And we’ll never find that out if we keep on chatting with you.

Inno: Excited ka lang na ma-solo si Devon eh.

Napangiti na lang ako dahil sa biruan nila. Hinila ko na ang kamay ni James para mapilitan na kaming umalis.

Devon: Paano ba yan guys? Una na talaga kami ha?

Sabay na kaming umalis ni James at iniwan na namin sila Emman at Inno na nakangiti lang sa isa’t isa.

Chapter 33: Announcement

Devon: Po?! Totoo po? As in?

Natawa sa reaksyon ko si ate Tatch. Tinignan ko si James, parang nagulat din siya at medyo nag-aalala dahil sa sumunod pang sinabi ng manager namin.

Tatch: Oo, hindi ako nagbibiro Devon. You two will be playing the lead roles of the Filipino adaptation of Boys over Flowers. Ikaw ang gaganap kay Jan Di!

Nagpapantig ang tenga ko dahil sa sinasabi ni ate Tatch. Wow! Ako? Bakit ako?

Tatch: And of course, si James ang gaganap kay Jun Pyo.

Nakita kong napangiti din si James. Samantalang ako ay di pa rin makapaniwala. Wow! Ang galing, ako gaganap sa dating pinapanuod ko lang.

James: Sino pa po ang ibang cast ate Tatch?

Tatch: Well, sabi ng management secret daw muna eh. Pero I’ll tell the two of you na. Wag niyo lang muna sasabihin sa kanila. Sa totoo lang kasi, we are planning to surprise you in the conference. Kaso lang, excited ako masyadong ibalita sa inyo ‘to eh.

Nakangiti si ate Tatch sa amin ng kanyang ngiting proud, kaya naman di ko din mapigilan ang mapangiti.

Tatch: Well, let me see..

Kinuha ni ate Tatch ang isang papel na sa tantya ko ay ang listahan ng mga cast ng show.

Tatch: Woo Bin will gonna be Bret. Di sila ang loveteam dito ni Fretzie, I think madidis-appoint siya. Because Fretzie is gonna play the role Gaeul, who’s love interest is KimBum na gaganapan ni Ivan.

Parang nagulat din ako sa sinabi ni ate Tatch. Yeah, madidis-appoint nga si Bret. Nakikinikinita ko na..

Tatch: And, I think this is gonna be a good news, but a bad one at the same time. Ji Hoo will be played by Sam.

Napangiti ako dahil sa sinabi ni ate Tatch. Wow! Sam? Makakatrabaho ko si Sam! And he’ll gonna be Ji Hoo, magiging isa siya sa ka-partner ko! Excited na ako. Di ko mapigilan ang mapangiti.

Tatch: Naku..

Napalingon ako kay ate Tatch, nakatingin siya kay James na mukhang hindi masaya sa narinig. Hay naku, oo nga pala, hindi nga pala ako dapat matuwa. There’ll be some kind of awkwardness in the set. Ang hirap din kumilos kapag nandyan sila pareho.

Devon: Wow, halos puro PBB teens naman pala yung cast eh.

Tatch: Yup, many are requesting kasi na lumabas naman kayo in a show together.

James: They why is Sam included in the cast?

Tinignan ko ng masama si james. Nakakunot ang kanyang noo, alam kong hindi niya ‘to gusto. Ayaw niyang nakakasama sa isang lugar si Sam, di dahil sa magkaribal sila at naiinis siya dito, kundi dahil naiilang daw siya.

Tatch: Actually, balak talaga ng management noong una, si Ivan yung ilalagay sa role ni Ji Hoo. Then, si Bret ang dapat na Kim Bum. Ang Woo Bin dapat ay si Ryan, to add spice sa show. Kaso, madami ang request ng samvon kaya naman, naisipan ng management na baguhin ang cast ulit. And busy rin si Ryan nowadays, kaya naman tama lang ang ginawang desisyon ng management.

James: Maybe its better if they sticked with their original decision.

Naiirita ako sa tono ng pananalita ni James.

Devon: James, ano bang probema kung kasama si Sam sa show?

Tumingin sa akin ng makahulugan si james.

James: Devz, you know well that we both like you. What’s gonna be the set up if the three of us are gonna be in one show? In one set?

Devon: Ang set up, magiging fair para sa inyong dalawa. Kasi walang makakalamang ng oras. Pareho ko kayong kasama. Anong problema dun?

Tatch: Hey, hey, easy lang. Nag-aaway na kayo eh.

Devon: Eh kasi naman po yung isa dyan, napakareklamador. Trabaho ang gagawin namin, pero sinisingit ang mga personal niyang interes.

James: Huh! If i know, you are silently celebrating because you’re gonna be working with that Sam. I don’t know, Devon, but if you prefer to be with Sam rather than me, then be it! Why don’t you quit our loveteam and pursue your Samvon!

Nagulat ako dahil sa mga sinabi ni James. Pero hindi ko mapigilan ang mainis. Tumayo ako.

Devon: Edi sige! Mas maganda nga siguro yon eh. Tutal puro din naman Jamli ang inaatupag mo eh, edi dun ka na kay Ann! Para wala ng ganito, para wala ng away. Tapusin na natin to, tutal matagal na rin naman akong nagtitiis sa mga sinasabi ng mga tao. Matagal na akong nagtitiis sa mga panglalait at mga paratang sa akin ng dahil sa loveteam na ‘to! Di itigil na natin, mas maganda nga siguro.

Di ko na napigilang pumatak ang mga luha ko. Matagal ko ng tinatago ang mga saloobin ko, hindi ko alam na sa panahon pa na may isa kaming malaking show, saka pa mangyayari na lalabas lahat ng kinikimkim ko.

Tatch: Devon..

Hinawakan ako sa kamay ni ate Tatch, bakas s mukha niya ang pag-aalala. Si James naman ay halatang nabigla at malungkot lang na nakatingin sa akin.

Devon: I’m sorry po ate, kailangan ko po siguro munang magpahangin.

Tumalikod na ako habang pinupunasan ang ga luha na galing sa mga mata ko. Nakakainis si James. Kung ayaw niya katrabaho si Sam, edi wag! Wala namang pumipilit sa kanya . Lumabas ako ng cafe, papunta sana ako sa parking lot para maupo sa isa sa mga upuan ng bigla akong mabangga sa isang tao.

Sam: Devon?

Nagulat ako ng marinig ang pamilyar na boses. Tumingala ako at nakita ko si Sam na nag-aalalang tumingin sa akin.

Sam: Are you crying?

Yun lang at di ko na napigilan ang noon ko pang pinipigil na damdamin. Umiyak ako, umiyak ako at nilabas lahat ng nararamdaman ko, samantalang niyakap ako ni Sam at inalo.








No comments:

Post a Comment