Sunday, February 27, 2011

Teardrops on my Guitar

Teardrops on my Guitar


Devon May Natividad Seron as Darlene Mae Navarro

Simpleng dalagang ubod ng kakulitan. May pagka-boyish minsan kung kumilos pero di naalis ang pagiging fashionista paminsan-minsan. Mahilig siyang tumugtog ng gitara, kumanta at sumayaw. Matalino at talented, pero humble at down to earth. May lihim siyang pagtingin sa kanyang best friend, pero may iba itong gusto. Sino kaya ang pipiliin niya? Ang taong matagal na niyang minamahal o ang taong matagal na sa kanyang nagmamahal?


Samuel lawrence concepcion as renzo coronado

Makulit na best friend ni Darlene. Mr. Popular sa university na pinapasukan. Magaling kumanta at sumayaw, siya ang dakilang performer sa eskwelahan. Malapit siya sa best friend na si Darlene, at may pagka over-protective. Matagal na niyang hinahanap ang babaeng mamahalin at iibigin. Nang makilala niya si Liana ay nabighani siya dito. Hindi na siya nag-atubili pang ligawan nito. Ano nga ba ang tunay na nilalaman ng puso ni Mr. Hearthrob?


Robert James Reid as Jhake Royce

Balladeer ng school na pinapasukan. May pagka-torpe, kaya naman di niya maipagtapat ang nararamdaman para sa matagal na niyang minamahal na si Darlene. Wala siyang kaalam-alam na ang babaeng iniibig ay in-love sa best friend niyang si Renzo. Magkaroon pa kaya ng lakas ng loob ang torpeng balladeer?


Ann Li as Aira linn Lopez

Siya ang isa sa mga kabarkadang babae ni Darlene. Siya ang rich and famous daughter ng may-ari ng school na pinapasukan. Fashionista at sosyal, she always gets what she wants. May paka-spoiled brat siya pero kapag kaibigan na ang pinag-uusapan ay handa niyang isuko ang lahat. Kahit pa ang lalaking pinaka-mamahal niya. Matagal na niyang gusto si Jhake, pero wala siyang magawa dahil alam niyang si Darlene ang gusto nito. Ano nga ba ang kahihinatnan ng pag-ibig na nadarama niya?


Lilieyen Santos as Liana marie Saavedra

Siya ang pinakasikat na babae sa campus, halos lahat ng lalaki ay inaasam ang beauty queen fashionista na si Liana. May pagka-mean kung minsan pero deep inside ay may puso din naman. Mataray siya at walang kinaaawaan. Naiinis siya sa kahit sinong nakaaangat sa kanya. At gagawin niya ang lahat para mapabagsak sila. Mabago kaya ng pag-ibig ang pagiging mean ng ating mean girl?


Ivan Dorschner as Ian Dela Cruz

Half-brother ni Aira, pero kabaliktaran ang ugali nito. Kung si Aira ay spoiled brat, si Ian naman ay super bait at maaalalahanin. Hindi mahilig sa luho. Kahit pa sobrang gwapo ay di ito masyado napapansin sa campus dahil mas pinipili nitong maging invisible. Close din siya kay Darlene, mas kapatid pa nga ang turing niya dito kesa kay Aira. Matagal na siyang may pagtingin kay Liana. Ngunit bianasted siya nito. Makuha pa kaya ni Mr. Nice guy ang babaeng nagpatibok sa puso niya?


Fretzie Bercede as Ritz Barcelo

Female best friend ni Darlene, simula pa pagkabata ay magkasama na sila. Lahat ng sikreto ni Darlene ay alam niya, kahit pa ang lihim na pagtingin nito kay Renzo. Silang tatlo nila Aira ang magbabarkada sa school. Matagal na siyang may gusto sa pinsan ni Darlene na si Brian, pero masyado itong abala sa pagiging sikat para mapansin siya. Ano kaya ang kahihinatnan ng nararamdaman niya?


Bret Jackson as Brian dale Navarro

Pinsan ni Darlene na sobrang sikat sa lugar nila. Madaming babae ang nagkakandarapa sa kanya. Isa siyang model sa isang sikat na clothing company. Masyado siyang busy sa trabaho para mapansin ang mga babaeng nagkakandarapa sa kanya. Madami siyang flings, puro mga modelo, papalit-palit. Mahanap pa kaya niya ang tunay na babaeng para sa kanya?


Tricia Santos as Trish Saavedra

Nakababatang kapatid ni Liana. Mahal na mahal siya ng kapatid. Umiibig siya kay Ian at lahat ay handa niyang gawin para makuha ang lalaking minamahal. Kahit ang kaligayahan pa ng sarili niyang kapatid ay hahadlangan niya para lang makuha ang gusto. Hindi siya papayag na hindi makuha ang gusto. Makuha naman kaya niya ang lalaking iniibig niya?


Patrick Sugui As Paulo Santos

Siya ang MVP ng campus, kahit kailan ay wala pa siyang ipinapatalong laban. Bad boy pero mahina pagdating sa pag-ibig. Mahal na mahal niya si Darlene, lahat gagawin niya para mahalin siya nito, pero kahit kailan ay di niya ito magagawang saktan. Martir siya pagdating sa pagmamahal, gagawin niya ang lahat para mapasaya lang babaeng nagpapatibok sa kanyang puso. Sa una kayang pagkakataon ay makaranas siya ng pagkatalo?


Pag-ibig o pagkakaibigan?

Puso o luho?

Pagmamahal o kasikatan?

Pagkamakasarili o pagpaparaya?

Ano ang pipiliin mo?

Sarili mong kaligayahan o kasiyahan ng iba?

Susugal ka ba?

No comments:

Post a Comment