Friday, April 1, 2011

Chapter 11 Teardrops on my Guitar

Chapter 11: Falling Star

Ritz: Ano bang nagyari? Bakit ka ba nagkakaganyan?

Di ko pinansin ang tanong ni Ritz.

Darlene: Sige, susunod na ako.

Bumuntong-hininga si Ritz.

Ritz: Darlz, pwede mo naman saking sabihin eh.

Darlene: Bumaba ka na Ritz, susunod na lang ako.

Umiling-iling siya saka tinungo ang pinto.

Ritz: Okay, bilisan mo ha? Di kami kakain ng wala ka.

Darlene: Sige, maghihilamos lang ako.

Tuluyan ng lumabas si ritz at bumaba. Iyon naman ang gusto ko kay Ritz eh, di niya ako pinipilit kapag ayaw kong sabihin ang problema. Siguro dahil alam niya na sooner or later, sasabihin ko din naman sa kanya. At balak ko naman talagang sabihin, hindi lang siguro ngayon. Tumayo ako at naghilamos. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

Darlene: Tignan mo nga ang ginagawa mo sa sarili mo.

Masama bang masaktan? Napa-iling na lang ako dahil sa naisip ko. Nababaliw na nga ako. Kinakausap ko na ang sarili ko, at sumasagot pa ha. Bumaba na ako para saluhan sila sa pagkain. Pag-dating ko sa dining room ay nagulat akong makita na nandoon si Renzo.

Renzo: Oh, nandyan na pala ang best friend ko eh.

Ngumiti siya sa akin. Hindi ako ngumiti. Umupo ako sa upuan sa tabi ni Aira.

Aira: Oh, nakatulog ka ano? Wag mong sabihin na buong araw ka tulog?

Ngumiti ako kay Aira.

Darlene: First time ko lang magkaroon ng vacant day ng weekdays. Naging excited ako.

Aira: Well, nakakainis kasi Saturday ang walang pasok ko.

Sumubo na si Aira ng pagkain. Tinignan ko ang nakahain sa mesa. Fried chicken, mukhan galing sa Jollibee. Uwi siguro ni Aira. Paborito niya kasi ‘yun eh.

Renzo: Kain na Darlz, ayaw mo ba ng dala ko?

Tumingala ako para makitang nakatingin sa akin si renzo. Nagtagpo ang paningin naming dalawa. Nag-aalala siya.

Darlene: Ikaw may dala nito?

Renzo: Yeah, why? Bawal ba?

Di ko na rin napigilan ang mangiti.

Darlene: Akala ko kasi si Aira ang bumili eh.

Ritz: Naks, ngumiti na siya.

Mas lalo akong napangiti dahil sa sinabi ni Ritz. Iba talaga ang mga kaibigan ko, napapasaya nila ko kahit pakiramdam ko, guguho na ang mundo ko.

Ang ganda ng langit. Punong-puno ito ng mga bituin. Pumikit ako para lasapin ang damyos ng hangin sa aking mukha, ang lamig.

Renzo: May problema ka.

Naramdaman kong tumabi sa akin si Renzo. Hindi ako nagmulat ng mga mata. Ngumiti lang ako sa kanya. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Kakaiba na naman ang naging tibok ng puso ko, mabilis, napaka-bilis.

Renzo: Darlz, ano ba kasing nangyari.

Minulat ko ang mga mata ko at tinignan siya. Tinitigan ko siya, si Renzo, ang best friend ko, ang lalaking mahal ko. Di ko na napigilan ang mga luha ko, sunod-sunod silang tumulo mula sa mga mata ko. Humigpit ang pagkakahawak ni Renzo sa kamay ko, kinabig niya ako papalapit sa kanya at niyakap niya ako. Umiyak ako, umiyak ako ng umiyak sa mga bisig ni Renzo.

Renzo: Sino ba kasing nagpa-iyak sayo? Sabihin mo lang, uupakan ko.

Sa kabila nang pag-iyak ay di ko napigilan ang matawa dahil sa sinabi niya. Kumalas ako mula sa pagkakayakap niya sa akin. Ikaw, ikaw ang nagpa-iyak sa akin. Ikaw naman lagi eh.

Renzo: Nasisiraan na ng ulo ang best friend ko.

Ngumiti ako at hinampas siya sa braso.

Darlene: Loko-loko!

Tumawa kami pareho. Pinunasan ni Renzo ang mga luha sa mukha ko.

Renzo: Hay naku, hanggang ngayon, iyakin ka pa rin.

Ngumiti ako sa kanya.

Darlene: Ewan ko sayo!

Renzo: Bakit ba kasi?

Darlene: Wala!

Tumingin ulit ako sa langit.

Darlene: Ang ganda noh?

Renzo: Oo, sobrang ganda.

Nilingon ko si Renzo, nakatitig siya sa akin. Nginitian ko siya.

Darlene: Di ka pa din nagbabago.

Tumawa lang siya.

Darlene: Bolero ka pa rin!

Hinampas ko ang braso ni Renzo. Tawa naman siya ng tawa.

Renzo: Ilang beses ko ba sayo sasabihin na di kita binobola?

Natawa nalang ako dahil sa sinabi niya. Lumingon ako sa langit at may nahagip ang paningin ko. Agad kong tinuro ito.

Darlene: Renzo, falling star oh!

Tumingin si renzo sa tinuro ko.

Darlene: Wish tayo.

Pumikit na ako para mag-wish sa falling star. Narinig kong tumawa si Renzo, pero alam kong pumikit din siya.

Renzo: Bakit ka umiiyak?

Nagulat ako ng bigla nalang sumulpot si Renzo sa likod ko. Agad kong pinunasan ang mga luha ko. Nabasa ang puting gwantes na suot-suot ko at nagmantsa dito ang mascara at eye liner na suot ko. Lumapit sa akin si Renzo.

Renzo: Darlene, what happened?

Darlene: W-wala, di naman ako umiiyak eh.

Renzo: Anong hindi? Tignan mo nga yang mukha mo, puno na ng eye liner mong kumalat!

Pinunasan ko ang pisngi ko, nagmantsa ulit sa gwantes ko ang eye liner ko. Patay ako nito kay Ritz, hiniram ko lang sa kanya ito eh. Bakit naman kasi pinilit-pilit pa nila ako na um-attend sa bwisit na JS Prom na ‘to eh!

Darlene: Wala ‘toh. Bumalik ka na dun sa date mo.

Renzo: Paano naman kita iiwan kung ganyan ang itsura mo?

Darlene: Uuwi na lang ako.

Renzo: At paano ka naman uuwi, aber? Maglalakad ka?

Darlene: Magta-taxi ako!

Tumayo na ako mula sa pagkaka-salampak ko sa lupa. Nagsimula na kong maglakad papunta sa exit ng venue. Hinabol naman ako ni Renzo, hinawakan niya ako sa braso.

Renzo: Darlene ano ka ba? Papaano kung ma-rape ka dyan?

Darlene: At ano namang paki-alam mo?!

Napaatras si Renzo sa lakas ng sigaw ko. Kahit ako ay napatigil dahil sa sinabi ko. What the heck is happening to me? Ano ba kasi ‘tong nararamdaman ko?

Darlene: I-I’m sorry. Nabigla lang ako.

Renzo: It’s okay. Ihahatid na kita.

Darlene: Wag na Renzo, hahanapin ka ni Thea.

Renzo: Magpapa-alam ako.

Tumingin sa akin ng seryoso si Renzo.

Darlene: Wag na Renzo, di naman kasi kailangan eh, kasi-

Renzo: Bakit ba kasi Darlene? Ano bang problema?

Darlene: Eh kasi naman pinilit niyo pa akong sumama sa Prom na ‘to eh! Sinabi na kasing ayaw ko pumunta! Ayoko! Tignan mo, nagkasakit lang si Jhake. Wala akong ka-date. Wala akong ka-sayaw while lahat kayo masayang-masaya! Ikaw, nag-eenjoy ka kasama si Thea. Eh ako? Nagmumukmok sa table!

Tumulo ulit ang mga luha mula sa mga mata ko. Narinig kong tumaw si Renzo. Agad akong tumingala, tingnan ko siya. Tumatawa pa din siya. At talagang tinatawanan niya ako?

Darlene: At bakit ka tumatawa?

Renzo: Yun lang ba ang problema mo, Darlene Mae Navarro?

Patuloy pang tumawa si renzo. Nagsisimula na akong mainis sa kanya. Nalulungkot na nga ako, tinatawanan pa niya ako?

Darlene: Bahala ka nga dyan sa buhay mo! Uuwi na ‘ko!

Tumalikod ako at padabog na naglakad palabas ng venue. Pero bago pa ako makaalis ay hinawakan na ni Renzo ang braso ko at hinila ako papunta sa gitna ng venue kung saan nagsasayaw ang mga kaklase namin at ang mga date nila.

Darlene: Ano ba Renzo? Bitiwan mo nga ako!

Nang makarating kami sa gitna ay binitiwan niya na ako. Inilahad ni renzo ang kamay niya sa harap ko.

Renzo: Can I have this dance?

Tumingin ako sa paligid namin, nakatingin na sa amin ang halos lahat ng tao. Narinig ko ang awitin na pumapaibabaw sa ere.

There are times when i just want to look at your face
With the stars in the night

Nakangiti sa akin si Renzo at nakalahad pa din ang kanyang kamay sa harap ko. Wala akong nagawa kundi tanggapin ang alok niyang sumayaw.

Darlene: Sige na nga!

Ngumiti si renzo sa akin at nilagay niya ang kanyang mga kamay sa bewang ko samantalang pinatong ko naman ang mga kamay ko sa balikat niya. Tumingin si renzo sa mga mata ko, pero di ko magawang tignan siya ng diretso, naiilang ako. Parang ang bilis ng tibok ng puso ko.

There are times when i just want to feel your embrace
In the cold night
I just can’t believe that you are mine now

Darlene: Sorry.

Renzo: Huh?

Darlene: Sorry kasi nag-isip bata na naman ako.

Tumawa lang si Renzo dahil sa sinabi ko.

Renzo: Sanay na ako..

Tumingin ako sa kanya. Nagtagpo ang mga mata namin.

Renzo: ..at di ako magsasawa.

Pakiramdam ko ay namula ako. Yumuko ako, ang lakas ng tibok ng puso ko. Ang lakas, ang bilis. Ano ba ‘tong nararamdaman ko?

You were just a dream that i once knew
I never thought i would be right for you
I just can’t compare you with anything in this world
You’re all i need to be with forevermore

Tumingin ako sa langit, ang daming bituin. Nasa open venue kami kaya naman makikita mo talag ang napakagandang kalangitan.

Darlene: Ang ganda ng langit noh? Ang daming bituin.

Renzo: Oo nga, ang ganda. Sobrang ganda.

Tumingin ako kay Renzo, nakatitig siya sa akin. Parang mas lalo pa akong namula, kung posible man. Hinampas ko siya sa braso.

Darlene: Di ka naman nakatingin sa langit eh!

Tumawa lang si Renzo. Patuloy pa din siyang tumitig sa akin.

Renzo: Nakatingin ako, nakatingin ko sa langit ko.

All those years i’ve longed to hold you in my arms
I’ve been dreaming of you

Ito na ata ang pinaka-masayang gabi ng buhay ko. Sana di na matapos ‘to, sana di na matapos.

Every night i’ve been watching all the stars that
Fall down
Wishing that you’d be mine
I just can’t believe that you are mine now

At parang pinlano ng tadhana, kasabay ng kanta ay napatingin ako ulit sa langit. May nakita akong isang falling star. Excited kong itinuro iyon kay renzo.

Darlene: Renzo, may falling star.

Tumingin naman agad si renzo sa tinuro ko.

Darlene: ‘Lika mag-wish tayo.

Renzo: Ang corny mo!

Tumawa si Renzo.

Darlene: Anong corny? Totoo yun noh. Kaya magwi-wish ka sa ayaw at sa gusto mo!

Pinikit ko ang mga mata ni Renzo gamit ang kamay ko habang tumatawa siya. Pumikit din ako para mag-wish.

You were just a dream that i once knew
I never thought i would be right for you
I just can’t compare you with anything in this world
You’re all i need to be with forevermore

Sana wag mawala sakin ang lalaking nasa harap ko. Sana palagi siyang nasa tabi ko. Sana palagi kaming ganito – magkasama, masaya.

Time and again there are those changes
That we cannot end
Sure as time keeps going on and on
My love for you will be forevermore

Dumilat ako at nakita kong nakatingin sa akin si Renzo habang nakangiti.

Darlene: Di ka naman nag-wish eh!

Tumawa lang ulit si Renzo.

Renzo: Nag-wish ako..

I just can’t compare you with any anything in this world
You’re all i need to be with forevermore

Renzo: ..ang bilis nga natupad eh.

Ngumiti sa akin si Renzo at ngumiti din ako sa kanya.

I just can’t compare you with anything in this world
You’re all i need to be with forevermore

Tumingin ako sa mga mata ni Renzo. Sana nga wag na matapos ito.

You’re all i need forevermore
You’re all i need forevermore
You’re all i need forevermore

Sana nga.

Sana wag mawala sa akin si Renzo. Sana.. sana ako na lang ang mahalin niya. Napangiti ako sa wish ko. Pagdilat ko, nakita kong nakatitig ulit sa akin si Renzo.

Darlene: Di ka nag-wish no?

Tumingin sa akin si Renzo, seryoso.

Renzo: Nag-wish.

Darlene: Eh ano namang wi-nish mo?

Ngumiti siya sa akin.

Renzo: Secret, ikaw muna.

Darlene: Ayoko nga! Baka di pa matupad eh.

Renzo: Para wish lang, pinagdadamot mo pa!

Natawa ako dahil sa sinabi niya.

Darlene: Ayaw mo din namang sabihin yung sayo ha!

Nagtawanan kaming pareho. Sana matupad yung wish ko. At tsaka sana, sana pareho kami ng wish ni Renzo.

1 comment:

  1. sana may next chapter na toh ..
    i miss this samvon ff .. SamVon FTW :">

    ReplyDelete