
Sabi nila, sa buhay daw ng tao, minsan ka lang makakahanap ng tunay na kaibigan. Yung hindi ka iiwan kahit ano pang mangayari, yung hindi ka lang tatabihan sa lungkot o saya, dadamayan ka pa. Bihira na lang daw ang mga ganung tao ngayon. Kaya nga ang swerte ko eh, kasi hindi lang isa o dalawang totoong kaibigan yung nahanap ko, tatlo.

Sa totoo lang, never kong na-imagine sa buong buhay ko na mapapasama ako sa ganitong barkada. Mula kasi pagkabata eh, free spirit ako. Soloist kumbaga. At tsaka, tignan mo naman yung barkada namin! Iba-iba talaga kami ng mga ugali. Akala ko talaga sa TV lang yun eh. Nangyayari pala talaga sa totoong buhay. Pwede pala na magkasama-sama sa iisang barkada ang mga taong magkakaiba. Isipin mo yun, di lang pala sa sayaw nagja-jive ang steps, pati din pala sa buhay.


Jazzica Juliese Dionisio Mariano, siya yung una kong naging ka-close sa grupo. Pinaka-achiever sa aming apat. Wag mo mamaliitin yan, valedictorian yan. Para sa akin, siya yung over-achiever. Halos lahat kasi nasa kanya na eh. Maganda, matalino, talented, mabait, bubbly, friendly, ma-appeal at charming. Wala ka nang hahanapin pa, parang Magic Sarap, all in one. Siya yung nagsilbing best friend ko sa unang mga taon ng grupo. Pero magmula nung lumipat siya ng school at medyo hindi na namin nakakasama, naging pantay-pantay na ang pagiging magkakaibigan namin. Magaling sa chess, as in champion!


Ailyn Revoltar Ongoco, syempre, ako! Ako ang pinakamakulit, pinakamagaling mang-alaska, pinakamasayahin, pinakamalakas ang bunganga, pinakama-drama, at syempre, pinaka-cute. Ako lang naman ang dakilang baby ng grupo. Ako yung pinaka-clown, mahilig magpatawa. Ang motto ko naman kasi sa buhay, “Kung di mo kayang tawanan ang sitwasyon, di ngumiti ka nalang!”. Pero siyempre joke lang yun. Kasi naman, ako din ang pinaka-madarama sa amin. At pinaka-moody! Mabilis ako mainis, as in. Ewan ko kung bakit, basta yun na yun! Mahilig magsulat, mag-imbento ng kung anu-anong kwento, at kung anu-ano pa na related. And dahil sa ako ang gumagawa ng ka-echusang ito, magja-jump na ako sa next.


Wresen-Ann De Castro Javaluyas, siya ang ate ng grupo. Well, isang taon lang naman, pero pilit ko pa ding pinagmamalaki na siya nga ang pinakamatanda sa grupo. Wahahaha! Kapag tinanong mo siya kung ano ang isang word na magde-describe sa kanya, ang isasagot niya sayo, simple! At base sa pagkakakilala ko sa kanya, she is everything but simple. Fashionista, mahilig sa mga dress, lahat-lahat. Siya yung kikay sa grupo. Actually, siya yung total opposite ko. Nahirapan kami magkasundo noong una, lagi kaming nag-aaway. Di ata kasi masyado nagja-jive ang ugali namin. Madalas kasi akong nago-over the line kapag nang-aasar. At ayaw niya nang ganun. Pero in the end, nagkasundo din kami, and mas lalo pang tumibay ang friendship. Magaling siya sa pagsasalita, oration, declamation at broadcasting.


Rommelyn Javier Capinding, siya ang pinaka-madamdamin sa grupo. Siya ang kasundo ko sa mga bagay-bagay. Halos pareho kami ng taste sa lahat ng bagay. Halos pareho kami ng ugali, pero mas seryoso lang siya ng kaunti. Siya yung madalas naming pag-tripan. Medyo may pagka-pikon kasi ang kaibigan naming ‘to eh. Pero kahit ganun, mahal na mahal ko pa din siya. Siya yung mediator sa grupo. Siya ang nagba-balance ng lahat. Siya ang best friend ng lahat. Makulit din, pero seryoso. Simple pero kikay. Tamad pero masipag mag-aral. Siya yung balanced lahat. Tama lang. Magaling siya sa pag-eedit ng photos at photography.

“The most beautiful discovery true friends make is that they can grow separately without growing apart.”
Nang makita ko ang quote na ito, lumakas ang tibok ng puso ko. Naalala ko tayo. Alam ko, at wala akong duda na mga tunay na kaibigan ko kayo. At alam ko na kahit magkakahiwa-hiwalay na tayo, ay hindi pa rin mawawala at di pa rin kukupas ang pagkakaibigan natin. Oo, may mga bagay tayong dapat na harapin sa sari-sarili nating mga buhay, sa sari-sarili nating mga landas, pero alam ko na kahit gaano pa kalayo ang marating natin, babalik at babalik pa din tayo sa isa’t isa.
“A single rose can be my garden... a single friend, my world. “
-Leo Buscaglia
Totoo yan, kasi sa apat na taon ko sa high school, ay kayo ang naging mundo ko. Kayo ang nagsilbing kinakapitan ko sa mga panahong gusto ko nang bumitaw. Kayo ang mga taong nagbigay pa sa akin ng panibagong dahilan kung bakit ako dapat magpasalamat sa Panginoon. Binigyan niyo ng panibagong kulay ang mundo ko. At di ako nagsisisi na sa lugar ako na iyon dinala ng hangin, sa halip, nagpapasalamat ako. Nagpapasalamat ako na nakilala ko kayo. Nagpapasalamat ako kasi naging mga kaibigan ko kayo. Nagpapasalamat ako kasi pumasok kayo sa buhay ko. At pasensyahan na lang mga kaibigan, once you’re in, you’ll never get out! Di ko na kayo papayagan kahit kailan na umalis sa buhay ko, kahit kailan.
"A friend is one who knows us, but loves us anyway."
~ Jerome Cummings
Thank you, thank you kasi kahit pa di ako perpektong tao, kahit pa madami akong mga nakakainis na ugali, tinanggap niyo pa din ako bilang kaibigan. Salamat kasi kahit may mga nagagawa akong mga bagay na nakakasakit sa inyo, pilit niyo pa din akong iniintindi. Salamat kasi kahit pa madalas akong magalit ng walang dahilan at masigawan kayo, pinapatawad niyo pa rin ako. Maraming maraming thank you kasi sa kabila ng lahat ng pinagdaanan natin, magkakasama pa din tayo. Thank you kasi, nandyan pa din kayo sa tabi ko. At maraming, maraming salamat, kasi alam ko na kahit anong mangyari, kahit magakalayo-layo pa tayo, di kayo mawawala.
"Don't be dismayed at good-byes. A farewell is necessary before you can meet again. And meeting again, after moments or lifetimes, is certain for those who are friends."
Kahit ilang dekada pa, o kahit gaano pa katagal, alam ko na hindi masisira ang pagkakaibigan natin. Alam ko na hindi ito kukupas kailanman. Naalala niyo yung sa “Sisterhood of the Travelling Pants”? Di natin kailangan ng pantalon o ng t-shirt, o ng kahit ano pang bagay para manatili tayong magkakaibigan. Alam ko na sapat na yung pagmamahal natin sa isa’t isa. Alam ko sapat na yung mga pinagsamahan natin, yung mga masayang alaala. At alam kong hindi tayo kailanman magkakahiwa-hiwalay, kasi mahal na mahal ko kayo. Mahal na mahal na mahal. Sa mahigit kumulang na apat na taon na nagkasama tayo, minahal ko kayo ng higit pa sa mga kapatid ko. Minahal ko kayo ng sobra, at alam niyo yun. Lahat ng mga bagay na pinagdaanan natin sa apat na taon na yun, ilan iyon sa mga bagay na kahit kailan, di ko malilimutan. Kahit kailan, di mawawala sa puso’t isipan ko. At alam ko, na sama-sama nating dadagdagan ang mga iyon. Kahit pa magkita nalang tayo ng isang araw sa isang linggo, isang araw sa isang buwan o kahit pa isang beses sa isang taon, alam ko na bawat araw na iyon ay idadagdag natin sa masasayang alaala na meron tayo ngayon.
“A good friend is someone we can count on, as well as being so much more. A friend is someone with whom we can relax and just hang out, have fun and share our innermost thoughts, deep dark secrets, lofty and noble goals, or our hopes, joys, and fears.”
Sa totoo lang, buong buhay ko, naghahanap ako ng mga tunay na kaibigan. Naghahanap ako ng best friend. Kasi simula noong bata pa ako, lagi na lang akong extra. Lagi lang akong third wheel, kaya naman isa sa mga pangarap ko noon ay makahanap ng best friend. Yung akin lang, yung best friend ko lang. Kahit nung mga panahon na nandyan na kayo, pakiramdam ko di ko pa din nahahanap yung best friend ko. At first I thought si Jazz na, but then, umalis siya. Nagtampo ako sa kanya back then, iniwan niya ako, binigo. At that time, pinilit kong intindihin kahit pa nagtatampo ako. Para sa akin, pinkamasakit yun kasi iniwan ako ng best friend ko. Intact na ang samahan nila Wresen at Romz, ako, extra. Extra na naman. Sa totoo lang, I really felt like a third wheel, kasi naman, talagang madami silang pinag-uusapan na di ko alam. Ako yung selosang klase ng tao, ayaw ko ng may kahati. And sa samahang iyon, ako yung laging nakikihati, sa atensyon, sa pagmamahal. May time noon na parang ayaw ko na, madaming times na nagtatapo ako pero sinasarili ko na lang. Laging sila yung magkakampi, ako laging mag-isa. Umiiyak ako minsan sa kwarto ko, naninisi ako ng ibang tao, at syempre wala akong ibang masisi noon kundi si Jazz. Oo, inaamin ko ngayon, madami akong di nalabas na sama ng loob. Madami akong kinimkim na galit. Pero inaamin ko din na tanga ako para magkaroon ng mga ganun. Ang tanga o para isipin na iniwan ako ni Jazz na mag-isa, na third wheel ako sa samahan. Ang tanga-tanga ko. Kasi ahit kailan, d ako naging mag-isa at di ako naging third wheel. Isng araw na-realize ko nalang lahat, na-realize ko nalang na mali lahat ng akala ko. Na may nagmamahal sa akin, tanga lang ako. Pilit akong naghahanap ng mga tunay na kaibigan samantalang nandyan lang naman sila sa harap ko, sa tabi ko. Minsan naiisip ko, tama nga sila, kung ano pa yung nandyan, yun pa yung di mo napapansin, yun pa yung di mo nakikita. At ngayon alam ko na, na nahanap ko na pala yung mga tunay kong kaibigan, matagal na.
“A good friend allows you a safe space to share your deepest thoughts and needs without worry of being judged, criticized or made to feel silly for feeling the way you do. Friends cheer each other on, laugh and cry together, and just plain commiserate and listen to each other.”
Alam ko madaming times na wala ako sa tabi niyo, na wala akong nagagawa para mapagaan yung loob niyo. Sorry guys, sorry kasi minsan imbis na makatulong pa ako, mas nagiging pabigat pa ako. Pasensya na kasi minsan may mga nagagawa akong kabaliwan na di karaniwang ginagawa ng normal na tao. Pasensya na kung minsan bigla-bigla na lang akong nage-evolve sa isang monster na di niyo kilala. Jazz, pasesnya na kung hindi kita naintindihan noon sa mga reasons mo. Pasensya na kung noon, iniisip ko na talagang iniwan mo na kami, na di ka na babalik. Sorry kasi hindi ako naging mas maunawain, di ako naging mas kaibigan. Pasensya na kung wla ako nung times na kailangan mo ng kaibigan. Sorry kung di ko napansin na kailanga mo pala ng makakausap, ng makakasama. Pasensya na naging selfish ako masyado para mapansin na may problema ka. Sorry kung masyado akong selosang kaibigan. At sorry kasi wala akong masyadong nagagawa para sayo. Wresen, sorry sa mga over the line na hirit ko. Sorry kasi minsan di ko mapigilan yung kadaldalan ko. Sorry kasi nasisigawan kita ng bigla-bigla, lam mo naman na topakin ako eh. Pasensya na kung di ako agad naniwala sayo, kung pinagdudahan ko yung mga sinsasabi mo, kung nagkaroon ako ng pag-aalinlangan. Sorry kasi madalas tayong nag-aaway noon at may mga nasabi akong masasamang salita. Sorry kasi wala akong magawa, di kita matulungan, nakatingin lang ako. Sorry kasi hindi ko nagagawang makinig kung minsan. Pasensya na kung madalas kitang nasasaktan, napapalo, nakukurot, lambing ko lang yun. At pasensya na kasi madalas akong wala sa tabi mo para makinig at dumamay. Romz, sorry sa mga pang-aasar ko sayo. Sorry sa mga di sinasadyang hirit na nakakasakit sayo. Sorry kasi di kita minsan iniisip kung nasasaktan ka na. Sorry kasi minsan nababale-wala kita. Pasensya na kasi minsan masyado akong busy para ma-appreciate yung mga ginagawa mo. Sorry kasi minsan imbis na mapagaan ko yung loob mo, mas lalo pa kitang napapa-iyak. At sorry kasi noong una talaga nawi-weirdohan ako sayo. Sorry guys kasi may mga time na di ako mabuting kaibigan, may mga oras na madami akong naging pagkukulang, may mga pagkakataon na wala ako sa tabi niyo. Pero sa kabila ng mga pagkukulang at kawalan ko, alam niyo naman na hinding-hindi ko kayo iiwan kahit kailan. Na kahit ano pang mangyari, di ko kayo isusuko. Na kahit may mga bago pa akong maging kaibigan, na kahit madami pang mas better sa inyo, hinding-hindi ko kayo ipagpapalit. Sa kahit anong swimming, gala sa mall, movie marathon o pasyal na kasama ko ang ibang tao, walang-wala iyon kapag kasama ko kayo. Kahit maghapon lang tayong magkwentuhan, ayos lang sa akin. Kahit magtitigan lang tayo maghapon-magdamag, di ako magsasawa sa inyo. Nasabi ko na ba na mahal ko kayo? Nasabi ko na ba? Kung nasabi ko na, sasabihin ko ulit, kahit paulit-ulit pa. Sasabihin ko ulit, na mahal na mahal na mahal ko kayo. Walang halong biro, walang halong bola, mahal na mahal ko kayo.
“That's why friends are friends....”
Di naman kailangan na madami tayo eh, di kailangan na sikat tayo, ang mahalaga magkakasama tayo. Di ako nagsisisi na doon ako sa school na yun nag-aral, di ako nagsisisi na sa klase na iyon ako napasama, at nagpapasalamat ako na kayo ang naging mga kaibigan ko. Kayo lang ang natatanging bagay na maaari kong iapagpasalamat sa kanila, kayo lang yung nakita kong kayamanan sa apat na taon na nilagi ko sa lugar na iyon. Alam niyo ba, kapag tinanong ako ng kahit sino kung ano ang pagkakaibigan para sa akin, isa lang ang isaisagot ko – JazAiWreLyn. Kasi wala akong ibang maisip na ibig sabihin yung salitang iyon kundi yung samahan natin, yung mga pinagsamahan natin, yung mga pinagdaanan natin. Sana kahit pa magkakahiwalay na tayo, wag sana nating kalimutan ang isa’t isa. Di man tayo magkita araw-araw, wag sana tayong magwalang-bahala. Alam ko na kahit di na katulad ng dati, kasama ko pa din kayo araw-araw. Dala-dala ko kayo dito sa puso ko. May room talaga kayo dito, at first class suite yun! With matching hot water. “You are one of the few things worth remembering..” Salamat guys, madaming salamat, kasi binago niyo ang buhay ko. At salamat kasi pinaranas niyo sa akin na magkaroon ng mga tunay na kaibigan. At alam ko na kapag dumating yung araw na magkita-kita ulit tayong apat, magiging isang very happy and very special JazAiWreLyn day ulit yun. At alam niyo, isa sa pinakamasa-sayang araw ng buhay ko yung araw na iyon. Na kahit may walan hiyang photographer na sumira ng araw natin, napakasaya pa din ng araw na iyon. Kahit ang hirap hanapin ng karaoke at muntik pa tayong manood ng mahal na 4D show na roller coaster daw. Sana sa next na bonding moment natin, mag-bowling na tayo ha! Magdala kayo ng medyas. Tapos sana matuloy na yung swimming nating apat. Tsaka sana matuloy yung Enchanted kingdom! Pati yung sleepover, tsaka movie marathon, tapos karaoke ulit, tapos picnic. Wow, dapat na pala talaga akong mag-ipon. Mukhang mahal pala ang bonding kasama kayo, haha. PEro kahit mahal pa yan, pag-iiunan ko yan para sa inyo. And special mention – Romz! Uy ha, sabi mo yan, pagbalik mo dito pupuntahan natin si Sam C. at Devon sa taping nila ng GV! Waaah! Mag-iipon na ako! Excited much na akech. Wresen, Jazz – sama kayo? XD.
“Friendship is the hardest thing in the world to explain. It's not something you learn in school. But if you haven't learned the meaning of friendship, you really haven't learned anything.”
Actually, sa school ko natutunan ang friendship. Kasi dun ko kayo nakilala. At malapit na magtapos ang message ko sa inyo kasi masyado nang magaba and wala na kong maisip na sabihin na ma-drama. (Note: kailangan talaga ma-drama). Siya nga pala guys, nasabi ko na ba na mahal ko kayo?
Wag niyong kakalimutan ang mga hugs and kisses ko ha! At alam ko namang mami-miss niyo ang ka-cute-an ko. Hehe. At just to let you know, kahit po ganyan kayo, mami-miss ko kayo! As in super duper, lahat ng kwentuhan moments. Yung mga laro-laro natin na corny, yung notebook na MaCrEliNic. Yung mga codenames na pauso natin. Yung mga slideshow at mpvie ni romz. (Note: Romz, thanks much sa latest kahit madaming typo!). Yung mga hand-made cards ni Wresen. (Note: Haha, nasa akin pa sila! Pati yung drawing mo nila Pwede 2 and 7). Yung mga drawing ni Jazz. (Note: Di ko na alam kung saan na sa mga baul ko, pero naitago ko yung drawing mo ng Aurora). And syempre yung mga masasayang kwentuhan natin tungkol sa iba’t ibang mga bagay-bagay na minsan walang kinalaman sa buhay ng tao. (Note: Lalo na yung mga walang kwentang kwento natin na nakakadiri pero nakakatawa. Naalala ko pa lahat yun, yung mga slit na hanggang kili-kili, sumasabog na tao dahil sa saborang pagkain, at kung anu-ano pa). Hay naku, ang dami ko palang babaunin na alaala pagpasok ko ng college, makakahanap din kaya ako ng mga weirdong kaibigan sa college ko? Haha.
At siya nga pala, mag-ipon pa kayo dahil next time na magkita-kita tayo, magpagawa na tayo ng t-shirt natin! Gawin nating design yung drawing ko na Creepy, Scary, Spooky at Medussa. Haha! O kaya si Wresen na lang mag-drawing, para si Romz tapyas yung buhok tapos ako may pimples! Haha. Joke. At kailangan nga pala may anniversary tayo. At ayon sa akin, ang anniversary natin ay MARCH 28. Alam niyo na kung bakit! <3
So, paano ba yan guys, see you whenever nalang. Pero wag kakalimutan ang isang bagay na dapat di natin pababayaan – ang FB! Mag-post kayo lagi sa JazAiWreLyn tungkol sa buhay-buhay niyo ha. Dapat may weekly update kayo. Kung may kaaway kayo, uupakan natin. Kung mas malaki sakin, wag na nating patulan, pabayaan niyo na lang. Hehe. Jokes. Basta lagi niyo lang tatandaan, kahit ano pa yung sabihin nilalaban sa atin, tayo lang ang nakakakilala sa sarili natin. Hindi tayo kayang ibaba ng ibang tao unless ibaba din natin ang sarili natin. Kaya lagi niyong tandaan na wag na wag kayong patatalo sa kanila, kasi wala sa bokabularyo ng JazAiWreLyn ang salitang suko. Kaya laban lang hanggang huli, okay? And nandito tayo para sa isa’t isa kaya wag na wag kayong bibitaw!
To end this message, may tatlong bagay lang akong gustong sabihin sa inyo. Una sa lahat, SORRY. Kasi madami akong pagkukulang. Pangalawa, SALAMAT. Kasi kahit pa madami akong pagkukulang, minahal niyo pa rin ako bilang kaibigan. At dahil mahal niyo ako, MAHAL NA MAHAL ko din kayo. At sana maging mas matatag pa ang samahan nating apat. Sana mas maging masaya pa ang bawat sandali natin kasama ang isa’t isa. At huli sa lahat, sana matuloy na yung mga plano nating bonding! Haha. LOVE YOU GALS! See you! <3
No comments:
Post a Comment